Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

ARALIN 11.2
Epekto ng Graft and Corruption sa Pakikilahok ng mga
Mamamayan

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 2

Pag-aralan Natin 3
Kawalan ng Tiwala 4
Kawalan ng Paggalang at Respeto 5
Kawalan ng Interes sa Paglahok sa mga Gawaing Panlipunan 5
Pagtangkilik sa Katiwalian 6

Sagutin Natin 7

Suriin Natin 7

Pag-isipan Natin 8

Gawin Natin 9

Dapat Tandaan 10

Mga Sanggunian 10
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

Aralin 11.2
Epekto ng Graft and Corruption sa
Pakikilahok ng mga Mamamayan

Panimula
Natutuhan natin mula sa nakaraang aralin na ang graft and corruption ay may iba’t ibang uri.
Ang lahat ng uring ito ay mayroong negatibong epekto sa mga mamamayan. Sa araling ito,
ating susuriin at tatalakayin ang mga implikasyon ng graft and corruption sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan.

1
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Natataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala ng mga
mamamayan.
● Nasusuri ang epekto ng graft at corruption sa interes ng mga
mamamayan sa paglahok sa mga gawaing panlipunan.
● Natutukoy ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng tao ang
katiwalian.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang
epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga
mamamayan sa mga programa ng pamahalaan (AP10IPP-IIe-8).

Subukan Natin

Iguhit Mo
Mga Panuto
Maglista ng tatlong miyembro ng iyong pamilya o komunidad. Gamit ang iyong kaalaman
tungkol sa graft and corruption, maglista ng mga posibleng epekto ng gawaing ito sa kanilang
personal na pamumuhay. Magbigay ng mga konkretong halimbawa. Gamitin ang tsart
bilang gabay.

2
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

Mamamayan Epekto Halimbawa

1.

2.

3.

Mga Gabay na Tanong


1. Bakit mo napili ang mga nailistang mamamayan sa itaas? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
2. Ano ang mga kalimitang epekto ng graft and corruption sa tatlong napili na
mamamayan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
3. Sa iyong palagay, paano mahihikayat ng pamahalaan ang mga mamamayan na
makilahok sa mga gawain nito kung talamak ang graft and corruption?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

Pag-aralan Natin
May apat na pangunahing epekto ang graft and corruption sa mga mamamayan.
Ating isa-isahin ang mga ito.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

3
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

isang tao na binabayaran upang mapabilis ang


proseso ng pagkuha ng dokumento o pagganap ng
fixer
transaksyon; kadalasan sila ay may kakilalang
empleyado sa loob ng ahensya ng pamahalaan

kontemporaryo kasalukuyan; sa modernong panahon

passive hindi aktibo

pondong ibinibigay sa mga senador at kongresista


pork barrel upang pondohan ang kani-kanilang mga proyekto o
gawaing panlipunan

Kawalan ng Tiwala
Karamihan ng mga mamamayan ay nawawalan ng tiwala sa pamahalaan at mga kawani nito
sa oras na magkaroon ng isyu ng korupsiyon. Nagkakaroon ng impresyon ang mga tao na
kaya nananatili sa puwesto ang isang opisyal ay upang makapagpayaman pa ito sa buhay.

Hindi na bago sa mga mamamayang


Pilipino ang mawalan ng tiwala sa
pambansa at lokal na pamahalaan
dahil bahagi na ng ating
kontemporaryong kasaysayan ang isyu
ng pandarambong, tax evasion, at
nepotismo.

Isang halimbawa nito ang isyu ng


korupsiyon ng tatlong senador na sina
Bong Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, at
Jinggoy Estrada kasama ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Tinatayang halos isang bilyong piso ang nakulimbat ng tatlo. Nakasuhan at nakulong ang
tatlong senador pati na si Napoles, ngunit kailan lamang ay binigyan sila ng kalayaan ng

4
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

kasalukuyang pamahalaan. Bunga nito, mas nawala ang tiwala ng mga mamamayang
Pilipino sa pamahalaan.

Kawalan ng Paggalang at Respeto


Nawawala ang paggalang at respeto ng mga tao sa mga opisyal na nasasangkot sa isyu ng
graft and corruption. Malaking isyu para sa mga mamamayan ang graft and corruption
sapagkat inaasahan sa bawat kawani ng pamahalaan ang pagiging tapat at may dignidad sa
paglilingkod sa bayan.

Matatandaan na ang kalakhan ng


panggastos ng pambansang
pamahalaan ay nagmumula sa
buwis na ibinabayad sa lahat ng
produktong binibili sa bansa, mga
kaltas sa regular na pasahod, at
mga buwis sa iba pang asset
tulad ng lupa o sasakyan.
Samakatuwid, ang salapi na
kinukuha ng mga taong
gumagawa ng graft and corruption
ay mula sa sariling bulsa at
paghihirap ng mga mamamayang Pilipino.

Bunga nito, nawawalan ang ibang mamamayan ng respeto o paggalang sa mga kawani ng
pamahalaan sapagkat ang perang kanilang ipinagkatiwala upang gastusin sa mahahalagang
proyekto tungo sa kaunlaran ay napupunta lamang sa mga bulsa ng iilan.

Kawalan ng Interes sa Paglahok sa mga Gawaing Panlipunan


Pribilehiyo ng isang Pilipino ang makalahok sa lahat ng gawaing panlipunan (sumasaklaw sa
ekonomiya, pulitika, kultura, edukasyon, kalusugan, at imprastraktura) sa bansa.

5
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

Gayunpaman, dahil sa talamak na korupsiyon, pinipili na lamang ng ibang Pilipino na


maging passive sa mga gawaing ito.

Isang natatanging halimbawa nito ang malaking bilang ng mga Pilipinong pinipiling
magtrabaho sa ibang bansa o mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Ang kahirapan sa
bansa ay hindi dahil sa kawalang-kakayahan ng Pilipinas, kundi dahil sa hindi mabuting
alokasyon ng budget ng pamahalaan upang makapagbigay ng maganda na trabaho,
serbisyo-publiko, at benepisyo para sa mga mamamayan nito. Ang pera na dapat sana ay
napupunta sa mga proyekto ay kinukulimbat ng mga nasa kapangyarihan o puwesto.

Bunga nito, napipilitan ang maraming Pilipino na mangibang-bansa kung saan ang kita ay
makatutustos sa kanilang pamilya. Isang pruweba nito ang mga ulat na napakabilis ng
paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, ngunit hindi nararamdaman ng mga ordinaryong
mamamayan ang nasabing ulat dahil wala o kakaunting tulong o proyekto ng pambansang
pamahalaan lamang ang natatamasa.

Pagtangkilik sa Katiwalian
May ilang tao ang patuloy pa ring tatangkilik sa graft and corruption dahil napapadali nito
ang pamumuhay. Ang pagtangkilik sa katiwalian ay isang gawain na maaaring gawin ng kahit
sinong mamamayan kahit saan. Halimbawa na lamang ang malawakang pagkuha sa
serbisyo ng mga fixer tuwing kukuha ng lisensiya sa pagmamaneho (driver’s license). Ang
ganitong gawain ay patuloy na nakakasira sa imahe ng ating bansa.

Mahahalagang Tanong
● Ano-ano ang epekto ng graft and corruption sa mga mamamayan?
● Paano napapababa ang katiwalian at korupsiyon sa pakikilahok ng
mamamayan sa gawain ng pamahalaan?
● Ano ang kahalagahan ng tiwala ng mga tao sa gobyerno at mga
opisyal nito?

6
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

Sagutin Natin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang epekto ng graft and corruption sa mamamayan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
2. Paano napapababa ng katiwalian at korupsiyon ang pakikilahok ng mamamayan sa
gawain ng pamahalaan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
3. Ano ang kahalagahan ng tiwala ng mga tao sa gobyerno at mga opisyal nito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

Suriin Natin
Panuto: Suriin ang sumusunod na halimbawa. Isulat kung anong epekto ng graft and
corruption ang ipinahihiwatig ng mga ito. Isulat lamang ang titik ng sagot.

a. Kawalan ng tiwala
b. Kawalan ng respeto
c. Pagtangkilik sa katiwalian
d. Kawalang-interes

_____________________ 1. Ayaw na sumali ni Joana sa mga usaping may kinalaman sa


pagpapatakbo ng pamahalaan.

7
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

_____________________ 2. Dahil nakita niyang nagnakaw ang kaklase, si Mario ay


nagnakaw rin mula sa bag ng kanyang katabi.

_____________________ 3. Kayang sagot-sagutin ni Maria ang kanyang amo dahil sa mga


isyu ng korupsiyon na kinahaharap nito.

_____________________ 4. Ayaw iwanan ni Janica ang kanyang bag kay Jay.

_____________________ 5. Nakiusap si Lorraine na ilipat na lamang siya ng departamento


dahil ayaw niyang makatrabaho si Maica.

_____________________ 6. Hindi nagbigay-galang si Juan sa senador na kasalukuyang


sangkot sa isyu ng plunder.

_____________________ 7. Kahit na siya ay isang abogado, tinatanggihan ni Karl ang mga


kliyenteng may kaso ng korupsiyon.

_____________________ 8. Hindi nagbabayad ng buwis si Lito dahil sa kanyang paniniwala


ay kakamkamin lamang ng mga pulitiko ang pera.

_____________________ 9. Tatlong-daang piso lamang ang bayad sa mga manggagawa,


ngunit isinulat ni David sa opisyal na ulat na 500 ito upang
makakuha siya ng kickback.

_____________________ 10. Nakarehistro ang pangalan ni Juan bilang ghost employee sa


isang pekeng proyekto ng kaniyang lokal na pamahalaan.

Pag-isipan Natin
Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamayang mapagbantay sa
pagsugpo ng graft and corruption sa pamahalaan?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

8
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

__________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________.

Gawin Natin
Panuto: Sa isang malinis na papel, gumawa ng slogan na may tema ng pagsugpo sa graft
and corruption. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong:
● Anong mensahe ang nais mong iparating gamit ang iyong likhang sining?
● Sa iyong pananaw, paano nakaapekto l ang graft and corruption sa iyo bilang
mag-aaral?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa


kaysa ng Magaling Napakahusay
Pamantayan
Inaasahan Pagsasanay 3 4
1 2

Kalidad ng Hindi May iilang Maraming Puno ng


Nilalaman kinumpleto detalye detalye ang tamang
ang slogan at lamang ang slogan; may detalye at
hindi sinagot slogan; isa o maayos na
ang mga kaunting dalawang ipinahayag,
tanong. paglalarawan detalye na inilarawan, at
lamang ang hindi ipinaliwanag
ipinahayag. lubusang ang nilalaman
naipaliwanag ng slogan.
.

Tiyaga/ Pagsisikap Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
slogan para slogan ngunit slogan na isang
lamang hindi sinikap may napakaganda
may maipasa na mapaganda kasiya-siyang ng slogan na
sa guro. pa itong lalo. resulta, may may
pagsisikap masidhing
na pagsisikap na

9
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

pagandahin maging
pang lalo. natatangi ito.

Kasanayan/ Husay Hindi Nagpapakita May angking Nagpapakita


naipapakita ng pagnanais husay sa ng husay at
ang na paggawa; galing sa
pagnanais na mapaghusay kailangan pa paggawa; may
mapaghusay ang paggawa ng kaunting sapat na
ang pagbuo ng slogan. pagsasanay. kaalaman o
ng slogan. pagsasanay.

Dapat Tandaan

● Karamihan ng mamamayan ay nawawalan ng tiwala sa pamahalaan at mga kawani


nito sa oras na magkaroon ng isyu ng katiwalian.
● Nawawala ang paggalang at respeto ng mga tao sa mga opisyal na nasasangkot sa
isyu ng graft and corruption.
● Ang pagtangkilik sa katiwalian ay isang gawaing maaaring gawin ng kahit sinong
mamamayan kahit saan.

Mga Sanggunian
Boncocan, K. “Graft and corruption, fine, but what about the economy?” Inquirer.net. Nakuha
mula sa
http://newsinfo.inquirer.net/230811/graft-and-corruption-fine-but-what-about-the-ec
onomy.

10
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft at Corruption

Del Rosario, G. 2017. Mga Kontemporaryong Isyu. Bulacan: KLEAFS Publishing.

Gonzales, E. 2016. Kontemporaryong Isyu: Pag-unawa at Pagpapahalaga. Maynila: Innovative


Educational Materials, INC..

Panos Mourdoukoutas. “Corruption Is Still A Big Problem in The Philippines.” Forbes. Nakula
mula sa https://www.forbes.com/sites/panosmourdoukoutas/2018/02/21/
the-philippines-is-getting-more-corrupt-under-duterte

11

You might also like