Fil 8 Qtr3 Mod2 v.01 CC Released 16mar2021

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

8

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 2 :
Aralin 1- Iba’t Ibang Estratehiya
sa Pangangalap ng mga Ideya sa
Pagsulat ng Balita, Komentaryo, at
iba pa.
Aralin 2- Mga Salitang Ginamit sa
Impormal na Komunikasyon
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Aralin 1- Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap
ng mga Ideya sa Pagsulat ng Balita,
Komentaryo, at iba pa.;
Aralin 2- Mga Salitang Ginamit sa Impormal na
Komunikasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kharmen Mae L. Macasero
Editor/Grammarian: Mae T. Remocaldo
Tagasuri: Ivy T. Wamar
Tagaguhit:
Tagalapat: Rosylyn B. Base
Tagapamahala: Ronald G. Gutay, Estela B. Susvilla, Mary Jane J. Powao,
Aquilo A. Rentillosa, Cristina T. Remocaldo, Anjanette E. Dayanan,
Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VII Central Visayas

Office Address: Department of Education – Carcar City Division


(Learning Resources Management Section)__________
P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu_________
Telefax: (032)4878495__________________________________
E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com_____________________

i
8
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:

Aralin 1-Iba’t Ibang Estratehiya


sa Pangangalap ng mga Ideya sa
Pagsulat ng Balita, Komentaryo, at
iba pa.

Aralin 2- Mga Salitang Ginamit


sa Impormal na Komunikasyon

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya
sa Pagsulat ng Balita, Komentaryo, at iba pa at Mga Salitang Ginamit sa Impormal
na Komunikasyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya sa Pagsulat
ng Balita, Komentaryo, at iba pa at Mga Salitang Ginamit sa Impormal na
Komunikasyon.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iv
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa patuloy na pagsulong modernisasyon at pagsulpot ng mga


makabagong imbensyon at teknolohiya ay tunay na ang kabataan ngayon ay
nabubuhay na sa pahanon ng digital age- kung saan sa bawat click nila ng
mouse o pag-touch sa screen ng iPad, laptop, o cellphone ay agad nilang
nakukuha o nababasa ang mahahalagang impormasyong kanilang
kinakailangan.

Sa modyul na ito, lalo pang malilinang ang iyong kakayahan sa iba’t


ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo, at iba pa.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya
sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa (F8PU -IIIa - c -30)
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG -IIIa - c
-30)

Subukin

Sadyang napakabilis lumipas ng panahon. Sabi nga nila ang “pagbabago” ang
tanging permanenteng nangyayari sa ating mundo. Dahil nga mahilig tayong sumabay
sa uso, napakadali at napakabilis ng mga pagbabago maging sa larangan ng
panitikan. Noon, nakasanayan nating magbasa ng maikiling kuwento at mga nobelang
tradisyual. Ngayon napakabilis ng pagbabago ng teknolohiya sumabay ang
pagbabago ng mga babasahin sa lipunan.

Bago natin alamin ang batis ng kaalaman na nalikom sa nakalipas na mga


aralin susubukin muna natin ang nakatagong kaalaman.
A. Piliin sa loob ng ulap na nasa ibaba ang tamang sagot na inilalarawan sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa inilaan na espasyo.

Brainstorming Interbyu Obserbasyon

Imersiyon Pagsasarbey

1. Ang ____________ ay pangangalap ng impormasyon sa paraan ng pagmamasid


sa mga bagay-bagay, tao o pangyayari.

2. Ang _____________ ay pagtatanong ng direkta sa mga taong kinakausap.


3. Ang _____________ay isang paraaan ng pagbibigay ng papel na may mga
tanong na kung saan doon mo itatala ang mga isasagot.
4. Ang _____________ay pangangalap ng opinion at katwiran ng ibang tao sa
malayang talakayan.

5. Ang _____________ay paglalagay sa sadyang pangyayari upang makasulat ng


pansariling karanasan.

Iba’t Ibang Estratehiya sa


Aralin Pangangalap ng mga Ideya sa
1 Pagsulat ng Balita, Komentaryo, at
iba pa.

Naging kasanayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ang pagbabasa ng mga


babasahin ng mga tao sa lipunan. Saksi ang kalye sa kahalagahan ng pagbabasa at
dito natin nalalaman ang mga pang-araw-araw na nangyayari sa lipunan. Pero paano
nga ba nga makakabuo ng isang balita o komentaryo? Bago natin alamin ang mga
paraan ng pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita o komentaryo ay
babalikan muna natin kung may batis na kaalaman kayo sa nakaraang aralin.
Susukatin natin ang nakaraang kaalaman gamit ang crossword puzzle na tumatalakay
sa kung ano ang kahulugan ng mga lingo na salita sa bawat pangungusap.
Balikan

Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng salitang lingo na may salungguhit.

________1. Malungkot kaming umuwi matapos maLuz Valdez ang aming kandidata.
________2. Halina at tayo’y mamili sa Divisoria sapagkat Morayta ang mga bilihin.
________3. Bet ko talaga si Lyka na Manalo sa patimpalak.
________4. Takbo na! umi na Julanis Morisette!
________5. Hayun si Alex kasama so Rona na chipipay.

Tuklasin

Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral sa ibat ibang


estratehiya sa pagpangalap ng ideya sa pagsulat ng balita o komentaryo ay basashin
at unawain muna ang akda na nasa ibaba. Kasabay sa pag-unawa ng teksto ay
magkahon ng mga bagong salita iyong natagpuan sa akda.

MGA DAPAT MAIPABATID SA MGA SOCIAL MEDIA USER


Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist para sa
pagdiriwang ng World Social Media Day June 30,2013
Magandang hapon po at happy social media weekend sa inyong lahat.
Kahapon ay nagkita-kita na ang ilan sa atin. Dumalo ako sa #fwdPH ng TweetUp
Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social media forum ng Kabataan Party,
na matagal nang nakakapartner sa iba’t ibang gawain ng ngayo’y lulubog-lilitaw kong
Tinig.com, at ng inactive na ring Bloggers Kapihan — na sana’y maibalik natin
ngayong taon.
Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng kompanyang
aking pinagtatrabahuhan kundi bilang isang matagal-tagal na ring blogger at isa sa
mga naunang sawsawero sa mundo ng social media.
May sampung taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa
pagba-browse ng latest pictures ng mga kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito,
hinanap natin at inalam kung ano na ang hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin
noong elementary. Excited tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa — na bigyan ng
testimonial ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang
themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang
Twitter. Sinundan pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.
Unti-unti na ring nag-evolve ang paggamit natin sa social networking services
na ito, na ang nilalaman ay tinatawag natin ngayon collectively bilang social media.
Mula sa pagiging personal journal na venue para makapagpahayag ng mga angas
natin sa buhay — na siya pa rin namang pangunahing gamit nito para sa marami sa
atin — nadagdagan na ito ng iba’t iba pa. Ginagamit na rin ng businesses at brands
ang social media para mai-promote ang kanilang produkto; ng celebrities para maka-
connect sa kanilang fans; ng mga politiko para sa pangangampanya. Pero alam kong
bago pa man mauso itong huli, mayroon nang Kabataan Cyber-Fever noong 2007 ang
Kabataan Party. Hindi pa sikat sa atin ang Twitter noon.
Gayunman, sa kabila ng dumaraming gamit ng social media, hindi tayo dapat
magkaroon ng ilusyong may napakatindi na itong impact sa ating buhay.
Nariyan pa rin ang digital divide. Tingnan ang kasalukuyang estimates: out of
around 97 million Filipinos, nasa 33 million pa lang ang may Internet access. Sa 33
milyong online, around 30 milyon ang may Facebook, 10 milyon lang ang may Twitter,
at hindi pa natin alam kung ilan ang may Google Plus.
At sa nakalipas na eleksyon, nabigo ang social media na iluklok sa puwesto
sina Teddy Casiño, Risa Hontiveros, Bro. Eddie Villanueva, Jun Magsaysay, Dick
Gordon, at iba pang mga kandidatong matunog sa online social networks. Dinaig sila
ni Nancy Binay, na tila hindi ganoon kaningning ang bituin sa online communities.
Sa kabila nito, hindi maitatangging kailangan nang paghandaan ang pagdating
ng panahong halos lahat ng Pilipino ay nasa social media na. Kung paanong ngayon,
halos lahat ng mga Pilipino ay may cellphone na, maaaring dumating ang panahong
halos lahat ng Pilipino ay online na.
Isa sa magiging dahilan nito ang patuloy na pagdami ng smartphones. Ayon sa
GFK, isang research firm, nakapagtala ang Pilipinas nang 146% increase sa sales ng
smartphones mula April 2012 hanggang March 2013.
Samantala, habang nagpapatuloy ang kampanya para sa Better Internet sa
bansa, unti-unti rin namang bumababa ang halaga ng access sa Internet.
Kabilang sa paghahanda sa pagdating ng panahong halos lahat ng Pilipino ay
online na ay ang pagsisikap na maipakilala natin — ng mga mamamahayag, ng
netizens, ng political at community leaders — sa madla kung ano-ano ba ang magiging
pakinabang natin sa existing social networks na ito.
Sa tingin ko, dalawang level ito: pagtuturo sa mga individual at pagtuturo sa
mga institusyon.
Kailangang simulan sa napaka-basic gaya ng ano-ano ba ang kailangan para
magkaroon ng Twitter o Facebook?
Ano-ano ang gamit ng mga ito? Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa Facebook o
ng Instagram sa Vine? Paano mag-sign-up? Paano mag-login? Sa ano-anong devices
ito maaaring ma-access? Paano i-download ang app? Paano mag-post, mag-reply, at
mag-comment?
Matapos pong pagtuunan ng technical aspect ng social networking sites, yung
content naman ang mahalagang ipaunawa. Sisimulan din sa form ng content — na
mahalaga pa ring tama ang English at Filipino grammar sa posts natin. Dapat hindi
jejemon para madaling basahin. Ang posts, dapat hindi all caps — sa netiquette, o
Internet etiquette, ang all caps ay pagsigaw.
Kailangan ding sagutin ang mga tanong gaya ng: OK lang bang i-crosspost ang
tweets natin papuntang Facebook o vice-versa? Mahalagang ipaunawa sa users na
bawat social networking sites ay may kaniya-kaniyang papel. Kaya sa iba, hindi okay
ang magpopost ka sa Facebook at automatic na mapupunta sa Twitter with an ugly
Facebook link. Or ‘yong tweet mo, including ‘yong my @ replies, mapupunta sa
Facebook. But of course, matter of preference lang ‘yan.
Pero para sa akin, halimbawa, hindi tamang tadtarin mo ng links sa Foursquare
logins mo ang Twitter timeline ng followers mo. Pakialam ko ba kung nasaang lugar
ka? Kung gusto kong malaman kung nasaan ka minu-minuto, halimbawa, eh ‘di ia-
add kita sa Foursquare. Ganyan din sa Instagram. Sa tingin ko, maling-mali na naka-
share pa rin sa Twitter feed mo ang bawat Instagram posts mo. Hindi na kasi gaya ng
dati na mapi-preview sa Twitter ang photo. Ngayon, kailangan mo nang i-click ang link
para makita ang picture. Eh, kung gusto kong makita kung ano ang breakfast mo, o
kung ano ang hitsura mo sa latest selfie mo, eh di ipa-follow kita sa Instagram.
Nabanggit ang selfie. Gaano kadalas ang minsan? Gaano ka ka-in love sa sarili
mo? Medyo isyu na rin ito ng etiketa sa Internet.
Samantala, OK lang ba na ipost ang pictures ninyo ng mga kaibigan mo sa
public timeline mo sa Facebook kahit walang permission ng mga kasama mo sa
litrato? Paano kung pangit ang kuha nila? Ilan ‘yan sa mga isyung makakatulong tayo
sa paglilinaw.
Balik tayo sa nilalaman ng social media. Laging trending sa Twitter ang
KathNiel o ang JuliElmo loveteams. May mga iba pa bang bagay na maaaring i-tweet
ang mga kabataang Twitter users? At least ang My Husbands’ Lover, na araw-araw
ding nagte-trend, kahit paano’y nagdadala sa kamalayan ng publiko sa isyu ng LGBT
community.
Mahalagang maipaalam sa netizens, lalo na sa mga kabataan, na ang social
media ay magagamit din para sa pambansang layunin. Nariyan ang #epalwatch ng
mga anti-epal, #sumbongko ng Comelec, #ang #FOInow ng nga nagsusulong ng
transparency sa gobyerno, ang #itsmorefuninthephilippines at #lubak2normal ng
gobyerno, ang #rescuePH na tumutulong sa panahon ng sakuna. Alam ko, ginagamit
din ng Kabataan Party ang social media sa inyong Tulong Kabataan campaign.
Sa kabutihang-palad, may efforts naman mula sa iba’t ibang sektor para
tutukan ang pag-i-educate sa publiko tungkol sa Internet at social media. Ang
Bayantel, tinutulungan ni Lola Techie na gawing maaalam sa Internet ang senior
citizens. Ang GMA Network, may Think Before You Click campaign na nagtuturo sa
netizens na maging responsible online.
Sa level naman ng institutions, pinangungunahan ng pamahalaan ang
paggamit ng social media for public information. Aktibo sina Manolo Quezon ng
Malacañang sa paggamit nito. Nakikipag-usap din sila sa NGOs at media
organizations para sa coordination sa public information on social media. Bunga nito
ang common hashtags gaya ng #walangpasok, #floodPH, at iba pa. Noong panahon
ni DILG Sec. Jesse Robredo, open siya sa mga ganyang suggestion. Lumapit ang
GMA News sa opisina niya para isulong ang paggamit ng Twitter sa pag-a-announce
ng suspension ng classes at iba pang public announcements kapag masama ang
panahon. Kinalaunan, in-adopt ng gobyeno at ini-endorse ang common hashtag na
#walangpasok.
Susunod na kailangang ipaalam sa prospective social network users ang
implikasyon ng paggamit ng mga ito sa kanilang privacy at seguridad.
Mabalik tayo sa Foursquare. Safe ba na i-announce kung nasaan ka lagi?
Puwede naman. Dapat lang, sigurado kang super close kayo ng lahat ng Foursquare
friends mo. Kung magbabakasyon nang out of town at walang tao sa bahay, pigil-pigil
muna sa pagpopost ng jumpshot sa beach. Puwedeng makipagkilala online, pero
ingat sa mga impormasyong ibabahagi. May mga nakidnap na sa ganyan.
Para sa Kabataan Party, mahalagang i-consider sa inyong legislative efforts
ang pagpapaalam sa mga tao sa kanilang online security. Siyempre kaagapay ito sa
malalaki pang laban gaya ng pagre-review sa Anti-Cybercrime law.
Bago ko tapusin ito, naalala ko lang ang matagal nang debate ng bloggers vs.
journalists. Nagkaroon ng kontrobersiya noon sa mungkahi ng propesor kong si Luis
Teodoro na magandang mag-blog ang journalists at maging halimbawa ng ethical
blogging sa mga bagong bloggers. Kinuwestiyon ng marami ang pakikialam daw ng
mainstream journalists sa bloggers. Pero noon at ngayon, iisa lang naman ang
mensahe. Sa pagpopost ng information na maaabot ng publiko sa alinmang platform,
mahalagang maging responsible.
Naniniwala ako na ang mga bloggers at social media users — lalong-lalo na
ang mga tumatalakay sa mga pampublikong isyu — ay dapat maging ethical.
Mahalaga ang transparency. Sa panahong andaming endorsements mula sa
influential tweeps, dapat may disclosure.
Sa huli, nais kong isulong ang kahalagahan ng attribution sa social media.
Usong-uso ngayon ang viral photos at videos. Sa kakapasa, napakahirap nang ma-
trace ang orihinal na may-ari. Pero kung masanay ang mga netizen sa attribution, sa
tamang pagki-credit sa gawa ng iba, mas madali ang pag-a-identify at pag-i-evaluate
sa original na source ng info.
Makakatulong itong mapigilan ang misinformation at maisusulong ang
intellectual honesty. At saka baka sakaling mabawas-bawasan ang mga estudyanteng
magka-copy and paste ng assignment sa Wikipedia at manghihingi ng talumpati sa
bloggers.
Maraming salamat po.
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Isulat sa unang hanay ang mga salitang ikinahon mo sa akda. Ibigay ang
kasingkahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o ang konteksto ng pangungusap kung
saan ito ginamit. Gamitin sa makabuluhang pangungusap pagkatapos.

Suriin

Mga Bagong Salita para sa Akin Kahulugan Batay sa Pagkakagamit sa


Akda

Sa pagsulat ng anumang popular na babasahin, napakahalaga ng


pagkakaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat. Ang
pangangalap ng impormasyon ay maaari ding tawaging “pagpapayaman ng
kaalaman” ng susulat. Tumutukoy ito sa paghahanap pa at pagtitipon ng mga
kaalamang hindi pa taglay ng magsusulat, ito ay napapagaan. Narito ang ilang
mungkahing paraan o estratehiya sa pagsasagawa nito upang higit na maging
maayos at hitik ang impormasyon ang mga sulating popular na babasahin.
Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng Impormasyon sa Pagsulat
Ano ang pagsulat?

 Ang pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit


na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
(Sauco, et al., 1998).
 Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman
ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang
pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang
sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga
tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang
makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga
titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
Upang mabigyang-linaw ang pagsulat ng mga babasahin na ginagamit ang
mga iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga datos o ideya ay unawain
at basahin ang mga impormasyon nasa ibaba.
1. Pagbabasa at Pananaliksik
Ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng
mga kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa mga libro at iba pang materyales na karaniwang matatagpuan
sa mga aklatan o internet.

2. Obserbasyon
Isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao, o pangkat, at pangyayari. Inaalam
dito ang mga gawi, katangian, at iba pang datos kaugnay ng inoobserbahang
paksa.

3. Pakikipanayam o Interbiyu
Makakalikom ng mga kaalaman o impormasyon sa pamamagitan ng
pakikipanayam o interbiyu sa mga taong Malaki ang karanasan at awtoridad
sa paksang inihahanap ng mga impormasyonn.

4. Pagtatanong o Questioning
Sinasagot sa pamamagitan ng paglatag ng mga tanong ang isang tiyak na
paksang gusting isulat. Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang
pagtatanong na kinapapalooban ng 5Ws at 1H (What, Wen, Where, Who, Why
at How). Makatutulong ito upang maidetalye ang paksang gustong palawakin
sa pagsulat.
5. Pagsulat ng Journal
Ang journal ay isang talaan ng mga pansariling Gawain, mga repleksiyon, mga
naiisip o nadaram at kung ano-ano pa. Para sa mga manunulat, napakahalaga
ng pagsusulat ng journal. Madalas, sa journal nila hinahango o ibinabatay ang
mga akdang kanilang sinusulat. Ang mga draft ng kanilang akda ay
kadalasang isinusulat sa journal. Ang mga ideya o inspirasyon ay agad din
nilang itinatala rito upan hindi makalimutan at muling binabalikan sa sandalling
may panahon na silang magsulat. Ang iba naman ay naglalarawan sa journal
ng mga taong kanilang nakilala, nakikita o likhang-isip lamang na kalauna’y
maaaring magamit upang maging tauhan ng kanilang kuwento, dula o nobela.
May nagtatala rin sa journal ng mga bagong salita, idyoma, tayutay at mga
pahayag na nagpapalawak sa bokubularyo ng manunulat.
6. Brainstorming
Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinion at katwiran ng ibang tao.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang
maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
7. Pagsasarbey
Isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa sa pamamagitan ng pagsasagot ng questionnaire sa isang grupo ng
mga respondent.

8. Sounding-out Friends
Isinasagawa sa pamamagitan ng isang paglapit sa mga kasambahay,
kaibigan, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa
kanila hinggil sa isang paksa, Kalimitan ang usapan ay maikli lamang at
impormal.
9. Imersiyon
Isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o Gawain upang
makasulat hinggil sa karanasan o gawaing kinapalooban. Sa halip na
simpleng pagmamasid, ang manunulat ay nakikisalamuha sa isang grupo ng
mga tao sa pamamagitan ng pakikisangkot sa kanilang mga Gawain bilang
paghahanda sa pagsulat ng isang akda o ulat hinggil sa kanila.

10. Pag-eeksperimento
Sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda tungkol dito sa
pamamagitan ng isang eksperimento. Madalas itong ginagamit sa pagsulat
ng mga sulating siyentipiko.
Pagyamanin

A. Panuto: Gamit ang akda na mga dapat maipabatid sa mga social media
user ay basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano umunlad ang paggamit ng social media sa bansa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Paano mo magagamit ang social media bilang paglulunsad ng social
awareness?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Bakit mahalagang turuan ang netizens ng tamang paggamit ng content,
grammar at netiquette sa social media?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Magbanggit ng mga dapat iwasan na gawin sa social media.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Masasabing mo bang isa kang responsableng netizen?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

B. Panuto: Isulat ang salitang HAVEY kung wasto ang pahayag at WALEY
naman kung mali ang pahayag.
_____________1. Ang obserbasyon ay pangangalap ng impormasyon sa
paraan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangyayari.
_____________2. Ang pagsusurbey ay pagtatanong ng direkta sa mga taong
kinakausap.
_____________3. Ang interbyu ay isang paraaan ng pagbibigay ng papel na

may mga tanong na kung saan doon mo itatala ang mga


isasagot.
_____________4. Ang brainstorming ay pangangalap ng opinion at katwiran

ng ibang tao sa malayang talakayan.


_____________5. Ang imersiyon ay paglalagay sa sadyang pangyayari upang
makasulat ng pansariling karanasan.
Isaisip

A. Tukuyin ang estratehiyang ginamit sa pangangalap ng mga ideya batay sa


iba‟t ibang sitwasyong ibinigay sa bawat kahon.

1. Ikaw ay nagmamasid sa mga bagay-bagay, tao, at mga pangyayari. Kung saan


batay rito ay nakakalap ka ng impormasyon tungkol sa mahahalagang
nagaganap sa paligid. ____________________________

2. Upang makakalap ng ideya, ikaw ay nakipag-usap at humingi ng impormasyon


sa isang kilalang tao na may sapat na kaalaman ukol sa iyong paksa. Naglatag
ka ng katanungan na may kaugnayan sa iyong paksa.
_________________________

3. Ang inyong pangkat ay nagkaroon ng malayang talakayan tungkol sa inyong


paksang pinag-aaralan. ____________________________

4. Upang makakalap ng impormasyon para sa iyong paksang tatalakayin, ikaw ay


namigay ng questioinnaire sa isang grupo ng mga
respondente.__________________

5. Ang paksang iyong tatalakayin ay tungkol sa tradisyon ng isang pangkat, kaya


naman upang makakalap ng ideya ay nagpunta ka sa kanilang lugar at doon
ay nakipamuhay ka sa maikling panahon. ________________________
Isagawa

Panuto: Ilahad ang iyong saloobin patungkol sa mga katanungan na nasa ibaba.
Maaring gumamit ng mga salitang impormal sa paglalahad bastat hindi
lalampas sa limang pangungusap ang pagpapaliwanag.

1. Bakit mahalagang matutunan ang responsableng pangangalap ng mga


impormasyon sa makabagong panahon ngayon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________

2. Kung ikaw ay susulat ng isang balita o komentaryo tungkol sa isyung


Cybercrime Prevention Act of 2012, ano-anong paraan ng panganalap ng
impormasyon ang iyong gagawin upang makapangalap ka ng sapat na datos
hinggil sa paksang ito at bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________
Aralin Mga Salitang Ginagamit sa
2 Impormal na Komunikasyon

Mapapansin natin sa lipunan na may iba’t ibang wikang ginamit ang tao sa
lipunan. Dahil ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng tao batay sa
pagkatao o sa lipunang ginagalawan. Kaya ating tuklasin kung ano-anong salita ang
ginamit sa diyalogo na makikita sa tuklasin na bahagi. Pero bago iyan babalikan natin
kung ano ang natutunan ninyo sa nakaraang aralin.

Balikan

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot na naglalarawan sa iba’t ibang


estratehiya ng pangangalap ng datos o ideya sa pagsulat ng babasahin.
________________1. Naging magulo ang klase ni Gng. Rosales dahil may
namimigay ng questionnaire para sa isang pananaliksik.
________________2. Pumasok si Marco sa opisina ng pagawaan ng pahayagan
upang maitala niya ang kanyang naranasan sa loob ng opisina.
________________3. Biglang naging paksa ng magakakaibigan ang nangyaring
sunog sa kanto na kung saan nagpalit-palitan sila ng opinion.
________________4. Ginaya ni Jifel ang nakitang ekspiremento sa tiktok kung
talagang nangyayari ba ang nakasaad doon.
________________5. Biglaang may dumating na reporter kay Nadine upang
magtanong sa nangyari noong nakaraang araw.
Tuklasin

Upang mas lubos na maintindihan ang susunod na paksa ay unawain ang diyalogo
na nasa ibaba. Sa araling ito talakayin natin ang mga impormal na salita at ang
pagkakagamit nito sa pakikipagtalastasan.

Paul: Naku pre, dedo na pala yung ermats ni pareng


Nelson.

Jay: Oo nga pre eh.

Paul: Pangarap pa naman ng ermats niya na maging lespu si pareng


Nelson. Kung kailan magtatapos na siya eh saka pa namatay.

Jay: Nakalulungkot nga pre. Hindi ngayon alam


ni pareng Nelson ang gagawin.

Paul: lahat ng mga utol niya ata eh lawals din arep para sa
pagpapalibing sa ermats nila

Jay: Kaya nga sana tayong mga dabarkads niya ang tumulong
sa kaniya.

Panuto: Isulat sa kahon ang mga bagong salitang natagpuan sa diyalogo. At


pagkatapos sa kabilang kahon ilagay ang kahulugan nito mula sa pagsasaliksik nito.

MGA BAGONG SALITA KAHULUGAN


Suriin

Ang mga salitang nakadiin sa diyalogo ay ilan lamang sa mga halimbawa ng


impormal na salita. Mayroong pormal at impormal na wika. Ang mga pormal na wika
ay ang antas ng wika na istandard/kinikilala ng nakararami. Samantala, ang mga
impormal na wika ay mga karaniwan, palasak na, pang-araw-araw, o madalas na
ginagamit sa pakikipagtalastasan. Kaugnay nito, alam natin na ang mga popular na
babasahin ay pangmasa kaya naman karaniwan na sa ibang mga popular na
babasahin ay gumagamit ng mga impormal na salita upang higit na maintindihan ng
mambabasa.

Balbal (Slang)
Ang uri ng salitang ito ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye at
maituturing na pinakamababang antas ng wika. Noon, ang mga salitang balbal ay
hindi tinatanggap ng matatanda at may mga pinag-aralan dahil hindi raw ito angkop
at maganda pakinggan. Ang mga salitang balbal ay nabuo o nalikha sa impormal na
paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdudugtong na
salita. Ito ay maaaring mahaba o maikling salita lamang.

Halimbawa:

PORMAL BALBAL

pulis Lespu
tomboy tiboli
ama erpats
ina ermats
patay dedo

Bilang karagdagan, isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging malikhain at


dinamiko. Kaya naman mayroong pinagmulan kung paano nalikha ang mga salitang
balbal. Narito ang mga pinagmulan ng mga salitang malimit nating naririnig sa
kasalukuyan hindi lamang sa kabataan maging sa ilang matatanda.
Hinango Mula sa Salitang Katutubo
Mga salitang ginagamit ng ilang pangkat o katutubo na maaring nagiging balbal na
antas sapagkat nagbibigay ng ibang kahulugan sa iba.
Halimbawa:

BALBAL PINAGMULAN KASINGKAHULUGAN

Gurang Bikol, Bisaya Matanda

Utol Bisaya Kapatid

Buwang Bisaya Luko-luko

Pabarabara Tagalog Paharang-harang

Hinango sa Wikang Banyaga


Mga salitang nabuo mula sa pagkuha ng ilang pantig mula sa salitang banyaga
partikular sa Espanyol at Ingles.
Halimbawa:

BALBAL PINAGMULAN KASINGKAHULUGAN

Tisoy,Tisay Espanyol Mestizo, mestiza

Tsimay Espanyol Muchacha

Orig Ingles Original

Sikyo Ingles Security guard

Binaligtad (Inverted or Reversed Category)


Mga Salitang binaligtad ang ilang pantig o titik.
Halimbawa:

BINALIGTAD SALITA

Tomguts Gutom

Tsikot Kotse

Gatbi Bigat

Astig Tigas
Nilikha (Coined Words)
Mga salitang nabuo o nilikha na maaring may pinagbatayan.
Halimbawa:

Nilikha Kahulugan

Paeklat Maarte

Espi Esposo

Hanep Papuri

Bonsai Maliit

Pinaghalo-halo (Mixed)
Maaaring mga pinaghalong mga salita. Tagalog at Ingles
Halimbawa:

PINAGHALO-HALO KAHULUGAN

Kilig to the bones Paghanga

In na in Nauuso

Kadiri Pagtanggi

Iningles (Englisized)
Mga salitang tinumbasan ng mga Ingles na salita.
Halimbawa:

SALITA KAHULUGAN

Weird Pambihira

Badtrip Kawalang pag-asa

Yes, yes, yo Totoo

Jinx Malas
Dinaglat
Mga salitang nabuo sa pamamagitan ng pagbibigay ng akronim
Halimbawa:

SALITA KAHULUGAN

KSP Kulang Sa Pansin

BRB Be Right back

OTW On The Way

JAPAN Just Always Pray At Night

Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay


Tila naman binibigyan ng ibang katawagan ang isang bagay dahil na rin sa katangian
nito.
Halimbawa:
 Yoyo- dahil ang relo ay hugis yoyo
 Lagay- dahil ang tong o pera ay inilagay o isinisingit para hindi mahalata ang
pagbibigay
 Boga- dahil ang baril ay parang bumubuga
Kolokyal (Colloquial)
Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan o pakikipag-
usap ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagaman may anyong pino at malinis
ayon sa kung sino ang nagsasalita. Karaniwan ding may pagkakaltas na nangyayari
sa isang salita upang ito ay maging kolokyal na uri.
Halimbawa:

PORMAL BALBAL

aywan ewan

piyesta pista

mayroon meron

nasaan nasan

paano pano

pahingi penge
probinsiyano promdi

hintay Antay

puwede pede

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat nakalaang patlang sagot sa bawat bilang. Ipaliwanag ang


sagot sa loob lamang ng isang pangungusap.
1.Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2.Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya
ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3.Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
B. Unawain mabuti ang bawat pahayag. Ibigay ang kahulugan ng sinalungguhitang
salita sa bawat pangungusap. Isulat lamang ito sa patlang na inilaan bago ang
bilang.
_______________1. Ang lespu ay dumating sa bahay nila Aling Sonia.
_______________2. Sabi ni Alma na OTW na si Catherine.
_______________3. Napansin ko na ang mukha ni Grace ay hindi na
maipinta dahil tomguts na siya.
_______________4. Halatang kilig to the bones si Richard ng mapansin siya
ng kanyang crush.
_______________5. Palaging binibiro ni Lito si Anita na bonsai.
Isaisip

Panuto: Tukuyin ang antas ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap kung


ito ba ay balbal o kolokyal.
________________1. Nakain na ba kayo?
________________2. Lika nga ditong bata ka.
________________3. Maliit lang ang hayba namin.
________________4. Konti na lamang ang suplay nila.
________________5. Ang sasarap ng mga chibog kanila Freddie.

Isagawa

Panuto: Gamit ang iba’t ibang impormal na komunikasyon bumuo ng diyalogo


na kalimitang naririnig mo sa paligid. Hindi dapat bumaba sa walong palitan ng
pag-uusap. Pagkatapos, salungguhitan ang mga ginamit na impormal na
komunikasyon at isulat kung anong uri ito. Isulat ito sa inilaan na espasyo sa
ibaba.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Narito ang Rubrik sa pagbibigay ng iyong puntos para sa iyong gagawing
pagsulat ng balita na nangyari sa inyong lugar.

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5

Nagamit ng wasto ang mga impormal


na salita sa pakikipagkomunikasyon

Makatotohanan ang pagkakalahad ng


mga impormasyon

Malinis, maayos ang pagkakasulat at


wasto ang gamit ng wika at mga
bantas

Kabuuang Puntos

Interpretasyon: 15-11- : Mahusay 10 – 6 : Katamtaman 5 – 1 :


Nangangailangan pa ng pagsasanay

Tayahin

A. Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang estratehiyang


inilalarawan sa bawat bilang. Isulat lamang ang sagot sa patlang
na inilaan sa bawat bilang.

_______________1. Mahilig si Kyo sa pagmamasid sa paligid kung ano na


ba ang sitwasyon ng mga tao patungkol sa pandemya
nangyayari.
_______________2. Biglaang may sumulpot na mga mamaahayag sa
harap ni Jayzam ng Jamill upang magtanong sa isang
isyung kumakalat.
_______________3. Malayang nakikipagtalakayan ang magkaibigang Vice
at Ryan Bang patungkol sa isyu ng pag-alis ng
kanilang direktor.
_______________4. Si Gng. Harake ay nagbibigay ng panuto na
magbabasa ang kanyang mga mag-aaral sa libro
upang makakuha ng sagot sa mga tanong na
kanyang ibinigay.
_______________5. Pumasok si Chad sa isang komunidad para alamin
kung ano na ang estado ng kahirapan doon at
nakikisalamuha siya doon na parang isang taga roon.
B. Panuto: Tukuyin kung balbal o kolokyal ang mga salitang may salungguhit
sa bawat pangungusap. Isulat sa linya ang sagot.

______________1. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may


kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
______________2. Hanep ang saya pala talagang mag-aral gamit
ang kompyuter.
______________3. Ewan ko ba sa mga taonga yaw tumanggap ng pagbabago.
______________4. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.
______________5. Kilig to the bones ang saya ko nang mapansin
ang tweet ko ni Kimpoy.
______________6. Sa bahay na tayo manood para hindi na
mapagalitan ni Ermat.
______________7. Mabilis na tumakbo ang mga naglalaro ng
basketbol sa kanto nang dumating ang lespu.
______________8. Biglang nagtext sa akin si Venice na OTW na daw siya.
______________9. Naging usap-usapan ng mga tao sa kalye ng
biglang may pumarada na tsikot.
______________10.Napansin ni Welbert na gurang tignan si Daryll
sa kanyang isinusuot na damit.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang paksa na inilahad sa ibabang bahagi. Gumawa ng


komentaryo patungkol sa isyu. Kasabay ng pagbuo ng komentaryo
kailangan mong maghanap ng impormasyon patungkol sa isyu na gagamit
ng mga estratehiya sa pagpangalap ng impormasyon o datos na
ipansusuporta sa gagawing komentaryo. Sa pagbuo ng komentaryo
gumamit ng mga impormal na salita sa paglalahad nito. Isulat ang
komentaryo sa nakalaang espasyo sa ibabang bahagi.

Mga paksang pagpipilian:

 Sitwasyon ng Pilipinas sa Pandemyang Nagaganap


 Pagbabawal ng mga Magulang sa Paggamit ng Social Media
Narito ang Rubrik sa pagbibigay ng iyong puntos para sa iyong gagawing
pagsulat ng komentaryo na nakabatay sa paksang ibinigay.

Mga Pamantayan 1 2 3 4 5

Nagamit ng wasto ang


estratehiyang sa pagpangalap ng
datos o ideya

Makatotohanan ang
pagkakalahad ng mga
impormasyon

Malinis, maayos ang


pagkakasulat at wasto ang gamit
ng wika at mga bantas

Kabuoang Puntos

Interpretasyon: 15-11- : Mahusay 10 – 6 : Katamtaman 5 – 1 :


Nangangailangan pa ng pagsasanay
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Subukin
Aralin 2
1. Obserbasyon
2. Interbyu Balikan
3. Pagsasarbey Tayahin
1. Pagsasarbey
4. Brainstorming
2. Imersiyon A.
5. Imersiyon
3. Brainstorming
Balikan
4. Pag- 1. Obserbasyon
1. Natalo eeksperimento
5. Interbyu 2. Interbyu
2. Mura
3. Gusto Tuklasin
3. Brainstorming
4. Umuulan
- Nakadepende sa
5. Mababang Uri 4. Pagbasa at
sagot ng mag-
Tuklasin Pananaliksik
aaral
- Nakadepende sa Pagyamanin 5. Imersiyon
sagot ng mag-
A. Nakadepende sa B.
aaral
sagot ng mag-
Pagyamanin 1. Balbal
aaral
A. Nakadepende sa B. 1. pulis
2. on the way 2. Balbal
sagot ng mag-
aaral 3. gutom 3. Kolokyal
B. 1. Havey 4. paghanga
2. Waley 5. maliit 4. Kolokyal
Isaisip
3. Waley 5. Balbal
4. Havey 1. Kolokyal
5. Havey 2. Kolokyal 6. Balbal
Isaisip 3. Balbal
7. Balbal
4. Kolokyal
1. Obserbasyon 5. Balbal 8. Balbal
2. Interbyu Isagawa
3. Brainstorming 9. Balbal
4. Pagsasarbey - Nakadepende sa
sagot ng mag- 10. Balbal.
5. Imersiyon
aaral
Isagawa

- Nakadepende sa
sagot ng mag-
aaral
Sanggunian
MELC 2020 – 2021 pahina 231

 Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat


ByAdmin and Admin

https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-
kahalagahan-ng-pagsulat.html
 Mga Aklat
Dayag, Alma M. 2014. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House
Marasigan, Estrelita M, Bilasano, Jose B. 2015. Ang Batikan. Educational
Resources Corporation

Del Rosario, Mary Grace G. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City:
Phoenix Publishing House Inc., 2014

Para sa mga katanungan o puna , sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Carcar City Division

( Learning Resources Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City , Cebu, Philippines 6019

Tel. No. (032)4878495

Email Address : carcarcitydivision@yahoo.com

You might also like