Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

PANLIPUNANG VARAYTI NG WIKA

na Iniharap kay PROP. MARY GRACE T. VALLE


Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University
Brgy. Fatima, Lungosd ng Heneral Santos

FILIPINO 167 – MGA BARAYTI AT BARYASYON NG WIKANG FILIPINO

CABARDO, FLOREE BYL A.


HERNANDEZ, SHEENA ABEGAIL
BARLAS, RODELAEN
CATALAN, AHRON
ESTANDA, ELLA
FINLAC, CHRYSLENE
DAVO, EDRIAN
MAULAS, ZSO-U
DELIZO, THEA
ROCAPOR, MARGARET
ACENAS, JOANNALEE

PEBRERO 2024
PANLIPUNANG VARAYTI NG WIKA
PAKSA

TUMPAKNERS!

Ito ay isa sa mga sikat na nilalaro ng mga host sa


Showtime. Kung saan magbibigay ng paksa ang taong
namumuno sa laro, at pagkatapos ay tatalikod ang
dalawang kinatawan ng bawat grupo at kailangang sa
pagharap nila ay pareho ang kanilang sagot.

PANIMULANG Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat


GAWAIN grupo ay pipili ng dalawang magiging kinatawan ng
kanilang pangkat. Tatalikod sila habang sila ay nasa
harapan. Magbibigay ng paksa ang mga tagapag-ulat at
kailangang sa pagharap nila ay pareho ang kanilang
magiging sagot.

Ang mga kalahok na magkakaroon maraming parehong


sagot ay siyang mananalo.

PAGLALAHAD NG ANG UMUUSBONG NA WIKA NG KABATAANG


PAKSA FILIPINO SA PAGLALARO NG DOTA

-Gerard Panggat Concepcion

Ang umuusbong na mga komunidad dala ng


pagbabago sa teknolohiya, partikular na sa paksa ng
paglalaro ng computer game ay isang panandang- bato sa
pagdukal ng varayti at baryasyon ng wikang Filipino. Ang
mag- aaral na kasama sa komunidad na ito ay isang saksi
sa umuusbong na wika ng mga kabataang Filipino na
nahuhumaling sa paglalaro ng DOTA.

Sa huling ulat ng gossipgamer.com noong 2009, ang


computer game na Defense of The Ancients o DoTA ang
pinakapopular na nilalaro ng mga kabataang Filipino sa
mga computer café. Isa itong “custom scenario” (o mas
popular sa terminong “map”) sa WARCRAFT IIITM,
Layunin lang naman ng bawat “team” sa DoTA, ay sirain
ang mga “ancient” ng kalabang koponan. Maglalaban ang
dalawang team na may tig-limang “player” bawat isa.
Upang magawa ito, ang bawat isang player ay mamimili ng
isang “hero” na kanilang gagamitin. May tinatawag ding
“creeps” sa DOTA, na mga “A.I. unit” (hindi makokontrol ng
sinumang player) upang matulungan ang bawat team na
sirain ang ancient ng kalaban. Sa daloy ng laro, lumalakas
(“level up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng (1)
pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero, (2) pagbasag ng
mga tore (“tower”) ng kalabang koponan, (3) pagbili ng
mga gamit (“items”) gamit ang naiipong pera (“gold”) ng
bawat player mula sa kanilang napatay na mga enemy
hero at creep.

Bilang isang komunidad, dumaraan ang mga naglalaro


ng DoTA mula sa communal common ground patungong
conversational common ground (Clark, 2004). May mga
babae at lalake, propesyonal at mag-aaral, may taga-
Maynila at taga-probinsiyang mga manlalaro ngunit lahat
sila’y nagkakaunawaan sa mga ginagamit nilang mga
salita habang naglalaro ng DOTA. Napakaraming mga
salita ang integral na ginagamit.sa paglalaro nito mga
salitang may ugnay (1) sa mga bagay-bagay (“artifacts”) na
nakikita sa DoTA, (2) sa mga kilos na ginagawa habang
naglalaro ng DOTA, at (3) sa mga “ekspresyon” ng mga
naglalaro mismo. Sa kaso ng mga kabataang Filipino, ang
“umuusbong” nilang komunidad sa paglalaro ng DOTA ay
“nakagawa” at “nakagagamit” ng mga bagong salita, mga
bagong kahulugan, at mga bagong “ekspresyon” upang
sila’y magkaunawaan:

<player 1> tol bili ka ng “manok.”

<player 2> di na. may “dark rift” ako.

<player 3> “noob” ka ba? Hahaha.

<player 4> “ampness” ka. “stunner” ako ha.

<player 5> di bale, mag “SK” ako para “imba” tayo.

Sa pagpili pa lamang ng mga maglalaro para sa


gagamitin nilang mga hero, mapapansing mas pinapaikli
pa ito, at madalas pa nga’y binibigyan pa ng bagong
katawagan na mas angkop sa karanasang Filipino.
Tingnan ang ilang mga halimbawa: Morphling> “kabayo,”
Earthshaker> “baka,” Stone Giant> “Bondying, “Priestess
of the Moon> “Jumong,” Brood Mother> “gagamba,”
Faceless Void> “Boy Budoy,” Night Stalker> “Call Center
Agent.” Ganito rin naman halos ang mapapansin sa
binibiling items at iba pang mga bagay na makikita sa
DoTA, pinapaiksı, at binibigyan ng bagong katawagan na
mas angkop sa karanasang Filipino. Ilan sa mga
halimbawang ito ay ang sumusunod: Magic Bottle “bote,”
Mjollnir> “palakol” o “kidlat,” Eye of Skadi “bungo,”
Necronomicon> “libro,” Boots of Travel> “sapatos,” Ring of
health> “singsing,” Ironwood Branch> “kangkong,” Animal
Courier> “manok,” Ancinet Tango of Essifation> “puno,”
Slippers of Agility”> “medyas.” Naaayon sa pisikal na itsura
ng mga item ang katawagang ibinibigay ng mga kabataang
Filipino ayon sa kanilang kultural na pagkakaintindi at
pagkakaunawa sa mga ito. Sa halip na sabihin nga
namang Ironwood Branch at Ancinet Tango of Essifation na
napakahaba ng mga termino, “kangkong” at “puno” na
lamang ang kanilang ginagamit na mga salita para sa mga
ito.

Sa kaso naman ng mga kilos o galaw na ginagawa ng


bawat manlalaro habang naglalaro ng DOTA, hinihingi ng
konteksto sa paglalaro nito ang mabilisang pag- uusap ng
bawat team upang maisagawa ng tama ang kanilang mga
plano at bawat kilos upang matalo ang kalabang team. Sa
wikang Filipino ang karaniwang pag- uusap:

<player 1> nasa gubat sya nagfa-“farm”

<player 2> tara. “ward” ka sa “ilog”

<player 1> ikaw una mag-“stun”

<player 2> kaso onti pa “life” ko

<player 1> kaya yan. May “heal” ako

Idagdag pa dito ang pagbibigay ng “maka-Filipinong”


mga katawagan sa halip na mga orihinal na salitang Ingles,
para sa mga “skill” o kapangyarihan ng ilang heroes.
Pansinin ang ilang mga halimbawa: Impetus> “tsani,”
Firestorm> “apoy,” Expulsion> “sunog,” Elune’s Arrow>
“pana,” “Jumong,” Ghost Ship> “Sulpicio Lines,” Darkness>
“brownout,” Thundergod’s Wrath> “kidlat,” Rupture>
“mens,” (menstruation) Astral Imprisonment> “tago,”
Pounce> “talon.”

May kultural na dahilan ang paglalaro at/o pagbabago-


bago sa mga salitang nasa itaas. Mas nagiging malay ang
mga naglalaro sa totoong katumbas nito sa pananaw-
mundo ng karanasang Filipino. Tingnan halimbawa ang
Elune’s Arrow na tinawag nilang “jumong.” Sa DoTA, isang
skill ito ng hero na si Priestess of the Moon. Isa itong klase
ng panang malaki na ibinabato niya sa kalabang hero.
Kung maaalala, naging sikat sa Pilipinas ang
Koreanovelang “Jumong” na kung saan ang bida’y isang
magaling na archer. Nagkaroon ng pagkakakilanlan at
muling representasyon ng pag-unawa sa konsepto ng mga
“pana” nina Jumong at ng hero na Priestess of the Moon.
Isa pang halimbawa’y ang skill na “ghost ship” ng hero na
si Admiral Proudmoore.

Sa DoTA, isa itong malaking barkong sira-sira na


ibinabagsak niya sa mga kalabang hero. Kung
matatandaan, tila naiugnay naman ito ng mga naglalaro sa
trahedya ng mga lumubog na Sulpicio Lines nitong
nakaraang mga taon sa Pilipinas. Maging ang “darkness’
na skill ng hero na si Night Stalker (na tinatawag nilang
“Call Center Agent”) ay may taguring “brownout.” Maaaring
pumapasok ang sarkastikong konsepto dito ng mga
Filipino na kapag brownout ay madilim. Sa DoTA, may
kakayahan ang hero na ito na gawing gabi ang araw, dahil
kung gabi mas malakas ito at mas mabilis. May
katatawanan pa ngang laging bukambibig ang mga player
kapag may kalabang Night Stalker: “Gabi na, ayan na si
Call Center Agent;” tama nga naman sila na kapag gabi ay
naglipana ang mga call center agent. Kung may pang-
aasar mang sabihin na “mens” ang skill na Rupture ni
Blood Seeker, totoo ngang “malakas ang pagdurugo” ng
isang hero – dahil sa bawat galaw nito’y may katumbas na
bawas sa kaniyang buhay. Talagang manghihina (at maaari
pang mamatay) ang sinumang hindi maaagapan ang
pagdurugong ito.

Habang nagagamit ng mga kabataang Filipino ang


kanilang umuusbong na wika batay sa paglalaro ng DoTA,
isa itong pagpapatunay sa lalong pagpapayaman ng
wikang Filipino bilang lingua franca. Para sa pag-aaral na
ito, ipinakita ang isang partikular na interes at/o gawain
upang maipamalas ang lawak ng wikang Filipino. Isang
proseso ng komunikasyon ang nagaganap sa bawat
paglalaro ng DoTA, at isang proseso rin naman ang
pagbuo, pagpili, at pag-internalisa sa mga salita/
simbolong gagamitin upang mas mabilis na
magkaintindihan at magkaunawaan ang mga manlalaro
nito. Nakatutuwang makitang parang galit na galit ang
bawat koponan sa isa’t isa habang naglalaro, ngunit
magkakabati naman at nagtatawanan pa matapos ang
mainit na labanan. Napapanatili ang kasiyahan sa DoTA sa
pamamagitan ng tamang pakikipag-usap habang naglalaro
at sa masayang kuwentuhan pagkatapos maglaro. Sila ay
nag-uusap-usap gamit ang mga salitang nabubuo sa
paglalaro nito.

Malaki ang ginagampanang papel ng kultura sa


paggawa at paggamit ng mga kabataang Filipino sa mga
bagong salita hinggil sa kanilang paglalaro ng DOTA.
Gumagamit sila ng mas natinternalisa nilang mga salita’t
kahulugan, mas malapit sa kanilang puso sabi nga.
Kadalasan, ang “paglalaro” sa mga salitang ito ay may
bahid ng pang-aasar, kalokohan, at maging ng
nakakatawang mga “pagpapakahulugan,” na litaw sa
kamalayan at kiliti ng mga Filipino. Dagdag pa dito ang
pangangailangan sa isang mabilisang anyo ng
pakikipagkomunikasyon, ang resulta’y ang pagpapaikli,
pagpili ng mga bagong maka-Filipinong salita, paglalagay
ng mga bagong kahulugan, at paggamit ng mga salita sa
DoTA bilang ekspresyon sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap. Sa ganitong paglalaro ng mga salita’t kahulugan,
napapanatili ng mga manlalaro nito ang pagkakaunawaan
at pagkakaintindihan sa pamamagitan ng patuloy na
imersiyon kapuwa sa komunidad at sa mga kalaro rin nila.

Mula sa sosyolingguwistikong teorya na nakabatay sa


pamamalagay na ang wika ay isang panlipunang
penomenon na nagiging makabuluhan ang anumang
pahayag. Aksiyon, at salita ng isang indibidwal kung ito’y
nakakonteksto sa isang lipunan at ginagamit din naman ng
iba pang indibidwal o grupo (Constantino 2005). Idagdag
pa rito ang paniniwala ni Sapir (1949) na ang wika ay isang
instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon, at hindi iiral
ang relasyong sosyal kung wala ito. Ang pagkakaroon ng
isang wika ay simbolo ng solidaridad na mag-iisa sa mga
indibidwal na tagapagsalita ng naturang wika. Ang siste,
ang pahayag na: “tol pauwiin mo muna yung manok, bili ka
ng bote,” ay makatotohanan at makahulugan para sa mga
naglalaro ng DoTA. Kaya’t maaaring sabihing may
“espasyo” sa pag-aaral ng wika ang umuusbong na wika
ng mga kabataang Filipinong naglalaro ng DOTA. Sila ay
pinagbigkis ng isang interes at gawain upang magkaroon
ng isang anyo ng mga simbolo’t kahulugan, na maituturing
na mahalaga sa kanila upang magkaunawaan.

Kadalasan, dahil sa pagiging natural ng wika, hindi na


namamalayan na nag- iba-iba ito sa bawat paggamit,
indibidwal man o grupo, pasulat man o pasalita. Ang pag-
uba-ibang ito ay ang maaaring maglarawan sa kung ano
ang varayti ng wika. Ang wikang ginagamit ng mga
estudyante, ng mga manggagawa, ng mga tambay, ng
mga tindera sa palengke at ng anumang grupo ay
masasabing iba’t ibang varayti ng mga wika. Kung may
kaibahan sa mga salita’t kahulugan, maging sa estilo ng
pakikipagkomunikasyon ang mga kabataang Filipinong
naglalaro ng DOTA, hindi kaya’t maaari din naman itong
tingnan bilang isang umuusbong na varayti ng wikang
Filipino? Kung maituturing ngang varayti ng Filipino ang
“wika” ng DOTA, mailalantad nito na hindi lamang sa
aspekto ng kaibahan ng heograpikal na espasyo
umuusbong ang varayti ng wikang pambansa, bagkus sa
aspekto din naman ng interes. Hindi ba’t maganda yatang
sipatin na ang wika ng DoTA ay hindi namimili ng lugar,
edad, relihiyon, trabaho, o kasarian upang
magkaintindihan? Idagdag pa dito ang parunay na
napakamalikhain talaga ng mga kabataang Filipino
pagdating sa paglalaro ng mga salita’t kahulugan. Ang
siste, baka sa susunod pang mga panahon, masabing isa
na itong “opisyal” na bahagi sa patuloy na pagbubuo ng
wikang Filipino.

ANG SISTEMANG JEJEMON: PAG-AARAL SA VARAYTI


AT BARYASYON NG FILIPINO SLANG

Paano Nagsimula at ang Ebolusyon ng Wikang


Jejemon

Nagsimula ang jejemon noong panahong uso pa ang


online games at texting clans, nauso ang online games at
texting clans dahil sa kagustuhan ng ibang tao na
mapalapit ang mga manlalaro at ang mga gumagamit ng
cellphone sa isa't isa sa pamamagitan ng paggawa ng mga
maliliit na grupo in game at mga grupo ng mga
magkakakilala o hindi na mga subscriber ng isang cellular
phone network. Sa mga panahong naglalaro ang isang tao
hindi maiiwasan makatanggap ito ng sms o short message
service na karaniwang tinatawag na text. Gumagamit sila
ng mga simbolo at numero kalakip ng mga titik upang
mapadali ang proseso. Unti-unti itong nauso dahil na mas
madali itong gamitin.

Isang anyo ng pop culture na nauuso sa pilipinas ang


jejemon nanggaling ito sa salitang "hehe" na kinapapalitan
ng letrang "h" ang letrang "j" na nanggaling sa wikang
espanyol kaya naman natawag silang "jeje". Nakuha
naman ang "mon" sa dulo ng pokemon isang anime na
nangangahulugang "monster" kaya kung pagsasamahin
"halimaw na jeje" ang kalalabasan. Ayon sa isang blog
nagsimula ang jejemon sa isang alyas "LiL ZupLadO",
Sinasabing impluwensya raw ang istrukturang jejemon sa
paglalaro ng mga kabataan ng mga computer game, sa
kagustuhan nila na hindi sila maunawaan sa kanilang
palitan ng chat message nagawa nilang bumuo ng mga
simbolong mensahe na tinatawag niya lang jejemon.
Nagsimula ang jejemon noong panahong uso pa ang
online games at texting clans, nauso ang online games at
texting clans dahil sa kagustuhan ng ibang tao na
mapalapit ang mga manlalaro at ang mga gumagamit ng
cellphone sa isa't isa sa pamamagitan ng paggawa ng mga
maliliit na grupo in game at mga grupo ng mga
magkakakilala o hindi na mga subscriber ng isang cellular
phone network. Sa mga panahong naglalaro ang isang tao
hindi maiiwasan makatanggap ito ng sms o short message
service na karaniwang tinatawag na text. Gumagamit sila
ng mga simbolo at numero kalakip ng mga titik upang
mapadali ang proseso. Unti-unti itong nauso dahil na mas
madali itong gamitin. Kung mapapansin natin may
pagkakapareho ito sa pananalitang "l33t" na lalaganap sa
buong internet. Pero kung pagkakapareho lamang ang
titingnan, pinakamalapit na wika sa jejemon ang
"Pokemonaiste pismo" (pokemon na panulat) ng Poland.
Maituturing na isang wikang balbal ang ginagamit sa
internet ng ilang mga tao na "nag-tAtypE LyK
tHIs,"tinatawag sila ng mga jejemon bilang bahagi ng mga
serye sa internet slang. Madalas na makikita ang mga
taong ito sa social networking kagaya ng Facebook,
Friendster, Tumblr at Myspace. Ipinaliwanag ang jejenese
(ang lenggwahe ng mga jejemon) ng urban dictionary
bilang ang pag-ayos o paggamit sa wikang ingles sa
puntong hindi na ito maintindihan, kasama sa pag nagawa
ng lenggwahe ng mga jejemon nagkaroon din sila ng
subculture sa kulturang pilipino.

Paraan Kung Paano Bumuo ng Isang Salitang Jejemon

Mga lebel ng jejemon:

May apat na antas sa pagiging isang jejemon—mild,


moderate, severe, at terminal jejenism.

 Mild - mild ang tawag kung maikli lamang ang


mensahe o tanong na naisusulat.
Hal: eow~poWh HOw zaRezu— "how are you?"
 Moderate - moderate naman kung nakabubuo na
ng isang pangungusap na may malinaw na
kahulugan ang mga salita (leksikal at
pangkayarian).
Hal: EOW pOwh~hoW~ zAreZu~ iTZ beEN A
loNG tym~ SincE weVE SeEn eAcH othEr.
 Severe - severe ang jejemon kung nakabubuo na
ng pangungusap na tambalan o kaya binubuo ng
dalawa o gitnang pangungusap.
Hal: GUDpM~ pOWh. hoW ZareZu~ 2nYT, nOH?
its alReADY 3 m nd u zAREzstLI aWKe JEJEJe
pOwh.~ U sHoUld SleEp~ alrEADY~ BeCauSe iT
iz l8~ jeJejeJEj~
 Terminal - terminal naman ang jejemon kung
nagiging mahaba na ang mensaheng naisusulat.
Hal: EOW POWH THeRe~ POwH. NicE MEEtNg
u~ JEjeje~poWh. WTZ Ur nMe, NOH?~ HOW
ZarezU 2dAy Jejeje DO U THnk~ thAt~ we~
ShOuld~ Go sOMEwER, nOH?~ ur GoiNg 2 go
aLREaDY,~nOH? nicE~mEETnG~u JejejejEjejE.

Upang makabuo ng salitang jejemon, kailangan


malamn muna ang kanilang sariling alpabeto na tinatawag
na "jejebet". Mayroon itong dalawamput pitong titik.
Kabilang dito ang sumusunod:

el, vBie, xI3, dHie, iHh, eFfx, 6i3, eyTch, ail, jHei, k3i, eL,
3m, 3N, oWh, Fpie, qyU, aR3, e$, tle, you, bVi3, dAbOl
you, eXh, wal, at zeY.

Kasama ng mga titik na ito kailangan ding gumamit ng


mga numero at mga simbolo sa ilang mga salita kagaya ng
salitang "h3llo". Ginagamit bilang pamalit ang "0" at "3" sa
mga letrang "o" at "e". Mapapansin din na paiba-iba ang
kapitalisasyon ng mga salitang jejemon.

Sa pagbuo naman ng isang pangungusap gumagamit


ang mga jejemon ng sari-saring mga bantas ng sunod-
sunod.

Mga Epekto ng Wikang Jejemon sa Ibat-Ibang Grupo


sa Lipunan

Mga estudyante:

- ilang kabataan ngayon ay madalas na gumagamit


ng wikang jejemon marami ang nahuhumaling sa
paggamit nito o dahil sinasabi nila na astig ito dahil
sa dami ng mga titik numero at simbolo na makikita
mo kapag nakabasa ka ng isang mensahe mula sa
isang jejemon. Ayon sa department of education
delikado ang wikang jejemon kung gagamitin ito ng
kamataan dahil madalas mali ang baybay sa isang
salitang jejemon. Dahil dito nangangamba ang
ahensya sa mga posibleng epekto nito sa pag-aaral
ng mga estudyante.

Mga may trabaho:

- kung magkakaroon ng mga katrabahong mga


jejemon sa isang opisina, mahihirapan ang mga tao
na makapag-uusap o gumawa ng mga gawain na
kasama ang iba pang mga tao sa lugar ng trabaho.
Madaling mairita ang mga taong hindi marunong
gumamit o makaintindi ng wikang jejemon sa tuwing
makababasa ang mga ito ng mga salitang jeje. Dahil
na rin sa istiryotipo na ginawa ng wikang jejemon
kung saan mababa ang iq ng isang jeje dahil sa
mali-maling pagkakabaybay ng mga salitang
kaniyang isinusulat o binabanggit.

Mga magulang:

- Sa mga matatanda pinaka apektado ang mga


magulang ng mga batang jejemon hindi nila
maintindihan ang mga sinasabi o itinerate text sa
kanila ng kanilang mga anak dahil na rin sa
impluwensya ng kulturang jejemon. Dahil na rin sa
hindi maintindihan ng karamihan ng mga matatanda
ang phenomenang ito napapalayo ang loob ng
kanilang mga magulang dahil na rin sa hindi
pagkakaintindihan na nadulot ng magkaibang
medium ng komunikasyon.

Ang Impluwensya at Epekto ng Kulturang Jejemon sa


Lipunan

Jejemon bilang isang kultura:

- Binubuo ng maraming maliliit at magkakaibang


kulturang filipino kaya masasabi natin na hindi
lamang ito iisang malaking bilog kundi pinagsama-
samang maliit na bilog upang makabuo ng isang
mas malaking bilog. At isa sa mga bilog na ito ang
jejemon. Marahil malabo pa ang pagkatao bilang
isang jejemon magpahanggang ngayon. Madalas,
hindi alam ng isang jejemon na isa siyang jejemon.
Ayon sa isang blogger, may mga palatandaan
upang malaman kung jejemon ang isang tao, ito ang
sumusunod:
 Jejemon ka iFp u tyfPe lYKe tH1s
pfOuh...jejeje!
 Jejemon ka kung mukha kang emo o
gangster
 Jejemon ka kung pare-pareho lagi kayo ng
kulay ng suot ng mga barkada mo lalo na
kung violet ito at black.
 Jejemon ka din kung nagsusuot ka ng
malaking trucker hat na tinatawag na jejecap
(may rainbow design pa kung minsan) kahit
na nagmumukakang may hydrocephalus.
 Jejemon ka kung mahilig kang magsuot ng
ubod ng laking t-shirt na pwede ng maging
daster ng nanay mo.
 Jejemon ka ako mahilig ka magsuot ng
cellphone na nakasabit sa leeg mo at may
design pa ng marijuana leaves ang lace mo.
 Jejemon kakung hindi ka marunong gumamit
ng headset sa cellphone mo at gustong-gusto
mo na naririnig ng mga kasakay mo sa jeep
at kasalubong mo sa kalsada ang
pinapatugtog mo sa cellphone mo.
 Jejemon ka din kung mahilig kang makinig sa
mga kanta nakatulad ng kinakanta ng
salbakuta. Yung tipong magra-rap muna
tapos may kakanta ng balad sa chorus.
 Jejemon ka kung mahilig ka mag-add sa
facebook ng taong hindi mo naman kakilala.
Tapos lagi mo pa sila china-chat at
sinisimulan ng "eOw pOwz"
 Jejemon ka kung may mga jejebusters na
gusto kang patayin.

Marahil isang paraan lamang ang pagiging jejemon


para maiba sa karamihan at nilikha ito upang makilala sa
isang larangan na siya mismo ang gumawa. Sabi nga ng
mga jejebuster, hindi naman masama maging iba basta
nasaayos at nakatutulong ito sa ikakabuti ng ating kapwa.

Jejemon sa paaralan:

- Ang pagkakamali sa pagbaybay ng isa sa mga


madalas na pagkakamali ng mga estudyante. Dahil
sa paglaganap ng jejemon nalilito ang mga
estudyante sa kung anong gagamiting wika sa
pagbuo ng pangungusap. Kaya kung minsan
napaghahalo ang wikang jejemon at filipino na
nagreresulta sa mga pagkakamaling pang
gramatika.
- Lumikha ng kakaibang istilo sa pananamit ang mga
nasanay sa jejemon mga t-shirt na maluluwang
short na mahahaba at maluluwang at sinasamahan
nila ng mga maluluwang ding sumbrero. Nag-iistilo
rin ng kakaiba sa buhok ang mga jejemon na hindi
karaniwan sa pormal na istilo hindi rin naman akma
ang pagsusuot ng mga gamit at damit ng pormang
jejemon kung sa paaralan ang iyong pupuntahan.
Kung mapapagalitan ang mga jeje dahil dito iisipin
nila na ayaw ng eskwelahan na magmukha silang
astig o kaya naman cool kaya may posibilidad na
mag rebelde sila at patuloy na magsuot ng mga
kasuotang ito.

Jejemon sa trabaho at tahanan

- nakalilito kung gagamitin ang jejemon sa


pinagtatrabahuan. Naantala ang trabaho dahil sa
hindi pagkakaunawaan.
- Nakakabahala para sa mga magulang kung jejemon
ang isang anak dahil nakikita nilang nakasasama ito
para sa kanilang anak. Kung hindi naiintindihan ng
mga magulang ang jejemon magkakaroon ng isang
harang sa pagitan ng magulang at anak sa
komunikasyon. Dahil dito maaaring mapalayo ang
loob ng anak sa kanyang mga magulang.

Jejemon At mga kaugnay na phenomenon sa kulturang


popular

Swardspeak

Sa Pilipinas hindi ka madalas makakakita ng mga


bading na pumaparada sa mga kalye, dahil hindi madali
ang paglaladlad ng pagkabading sa mga kalyenang
pilipinas nakaisip ng paraan ang mga bading upang
makapag-uusap ng hindi naintindihan ng ibang tao. Gamit
ang mga pinaghalo-halong salita mula sa Ingles, Filipino at
Espanyol binigyan nila ng bagong kahulugan sa ibang
konteksto ang mga dati ng salita. Hindi nagtagal gumawa
na rin sila ng mga bagong salita upang palitan ang pang
araw-araw ng mga salita na ginagamit ng mga filipino.
Tsismis ang isa sa mga salitang binago ng mga bading.
Gossip ang Ingles nakatumbas nito at chikka naman sa
swardspeak.

Ayon sa isang artikulong isinulat ni Reinero A. Alba na


pinamagatang " The Filipino Gayspeak ( Filipino Gay
Lingo), nagsimula ang sward speak noong 1970s. Sinabi
niya na isang kritiko ng mga pelikula na nagngangalang
Nestor Torre ang lumikha ng terminolohiyang sward speak.
Sumulat din ang isang aklat si Jose Javier Reyes tungkol
dito na pinamagatang "Swardspeak: preliminary study".

Nagkaroon ng kaparehong epekto ang jejemon


makiankop ang mga media sa kanila at tinugunan din ang
kanilang mga pangangailangan mula sa gamit nakagaya
ng damit mga kanta at pati na rin ang mga pelikula. Hindi
malayo ang pagkakaiba ng jejemon at ng swardspeak kaya
naman nandito pa rin hanggang ngayon ang dalawang
nabanggit upang maging transportasyon ng komunikasyon
hanggang sa puntong maging kumbinyente ang paggamit
ng ibang tao dito.

1337 (Leet)

Noong panahong sumisikat palang ang internet ninais


ng mga hacker ng iba't ibang mga website na hindi makita
ng mga karaniwang tao na gumagamit ng internet ang
kanilang mga sariling website. Upang masolusyunan ang
problemang ito pinalitan nila ang mga simpleng titik ng
mga numero. Sa puntong iyon hindi naman talaga binalak
na lumago ang leett dahil ginawa lamang ito para sa ilang
mga piling salita. Gayon pa man noong 1994 yumabong
bigla ang industriya ng paglalaro at sumikat ang Leet sa
mga manlalaro. Madalas ginagamit ang Leet sa
pakikipagkomunika sa internet. Nagsimula ang terminong
Leet sa salitang ingles na "elite" nakatumbas ng hacker sa
slang. Mahalagang tandaan na iba ang jejemon sa lit dahil
umusbong ito sa isang antas kung saan nagmula sa
paraan ng pagte-text mga kanta at mga pelikula mula rito.

Pokemoniastic Pismo

Maaaring maihanay ang Pokemoniastic Pismo sa


jejemon dahil sa isang karaniwang tao, hindi malayo ang
itsura at istruktura ng dalawa. Sa wika ng Poland,
tinatanggal nila ang karamihan ng mga patinig at bilang
resulta, madalas ang pagkakamali sa baybay ng mga
salita. Iba ang Pokemoniastic Pismo sa jejemon dahil
madalas idinadagdag ang letrang "I" sa mga salita. Sa
Pokemoniastic Pismo sobra ang paggamit ng mga
emoticon (mga simbolo ng iba't ibang ekspresyon ng
mukha). Madalas na ginagamit ang mga simbolong ">" at
"," para ibahin ang itsura ng mga salita.

Ang Pananaw ng mga Tao Tungkol sa Wikang Jejemon

Mga Estudyante

Nagsagawa ng isang survey ang mananaliksik sa


University of Asia and the Pacific (UA&P). Nakuaapekto
ang mga katangian sa kaalaman ng mga estudyante ang
wikang Jejemon. Nauunawaan ng mananaliksik na mula sa
mga nakatataas na antas ng lipunan ang mga estudyante
sa nasabing unibersidad ngunit gumagamit din sila ng mga
social networking sites at online games na ginagamit din
ng mga Jejetnon. Ayon sa mga datos na nakalap, pamilyar
ang mga sampol sa wikang Jejemon. 1/5 lamang sa mga
sampol ang gumagamit ng Jejemon sa pakikipagtalastasan
sa ibang tao. Ayon pa sa mga sampol, hindi angkop ang
Jejemon sa pagpapahayag ng sarili sa pamamaraan ng
pagsusulat o pagsasalita. Kung pag-uusapan naman ang
paggamit ng Jejemon sa pagtetext, 1/10 lamang ng mga
sampol ang gumagamit nito. Lagpas kalahati ang
nakakaalam ng wikang Jejemon at kalahati sa mga
nabanggit ang nakauunawa nito. Tinitingnan ng susunod
na bahagi ng survey ang epekto ng sikang Jejemon sa
pormal na edukasyon, kakayahang pampanitikan at antas
sa lipunan. Naniniwala ang 3/4 ng populasyon na
iniisteryotipo ng wikang Jejemon ang isang tao na kabilang
siya sa ikatlong antas ng mga tao sa lipunan. Kaparehong
porsiyento rin ang naniniwalang hinahadlangan ng wikang
Jejemon ang wasto at pormal na edukasyon ng pagbasa at
pagsulat. Lagpas kalahati din ang naniniwala na
kailangang mawala ang wikang ito sa ating bansa.

Sa pagkakaunawa ng mananaliksik, batid ng mga


estudyante sa UA&P ang tungkol sa wikang Jejemon
ngunit hindi nila piniling lumahok sa paggamit nito. May
dalawang pangunahing dahilan kung bakit hindi
tinatangkilik ng mga estudyant ng UA&P ang wikang
Jejemon. Una, dahil isang pormal na institusyo yon ang
atili ang unibersidad, ginagamit dito ang (mga) pormal na
wika upang mapanati propesyonal na kaligiran. Sa
ganitong paraan, nakikita ng mga estudyante ang wikang
Jejemon bilang isang mababang uri ng paraan ng
pakikipagtalastasan kaya aya naman na hindi nila ito
madalas ginagamit o magamit. At ikalawa, maaaring
ninanais nila ipagbawal ang paggamit nito dahil hindi nila
nakikita ang kahalagahan ng wikang Jejemon sa pang-
araw-araw nilang buhay. Nakikita nila ito bilang isang
hadlang sa pormal na edukasyon.

Kabaliktaran naman ang sitwasyon sa mga


pampublikong paaralan. Dito natin makikita karamihan sa
mga tumatangkilik sa wikang Jejemon. Napag-alaman na
karamihan sa kanila ang nagsusuot ng mga kasuotang
pang-Jejemon. Marami tin sa kanila ang gumagamit sa
wika nito at pati na ang ibang mga kaugalian ng kulturang
Jejemon, kanila nang niyakap. Nagsagawa ng isang
survey sa isang pampubhkong paaralan, ang Lagro High
School.

Mga May Trabaho

Sumagot ang mga babae at lalaki na nagtatrabaho sa


survey na ito, edad 21 hanggang 29. Sinadya ng
mananaliksik ng papel na ito na magpa-survey sa mga
taong may blue collar jobs katulad ng mga drayber ng bus,
mga barbero, mga waiter at mga kasambahay para mas
tumpak ang pagpapaliwanag ng papel na ito. Kabilang sa
ikalawa at ikatlong uri ng mga tao sa lipunan ang mga
taong nabanggit at madalas silang nakikihalubilo sa mga
Jejemon. Sa ganitong paraan, maaaring masabi natin na
mas maalam ang mga taong sumasagot sa survey dahil
may alarm sila kahit papaano sa kultura at wikang
Jejemon, ginagamit man nila ito o hindi.

Base sa mga datos na nakalap, pamilyar ang lahat ng


15 sampol sa wikang Jejemon ngunit 1/3 lamang ang
nadadalian sa pagpapahayag sa kanilang mga sarili gamit
ito. Dahil dito, 1/3 lang din ng mga sampol ang tumitingin
sa wikang Jejemon bilang isa sa mga akmang paraan ng
pakikipagtalastasan o pagsusulat. Samantala, 1/5 naman
ang mas nais na nakatatanggap at nagpapadala ng mga
mensahe sa text na Jejemon. Nang tanungin sila kung
mayroon silang kilalang mga Jejemon, lampas kalahati ang
may kakilala o may kaugnayan sa isang Jejemon.
Nilalayon ng susunod na bahagi ng survey na malaman
kung ano ang tingin ng mga sampol sa mga Jejemon at
ang mga epekto nito sa lipunang Filipino. Sa tingin ng 2/3
ng mga sampol, masama ang nagiging dulot nito dahil
nagkakaroon ng isteryotipo ang Jejemon na mga taong
nasa ikatlong antas lamang ng pamumuhay ang mga
tanging gumagamit nito. Madalas ding konotasyon sa mga
Jejemon ang hindi nila pagbabaybay ng mga salita ng
tama, dahilan upang matawag silang iliterado at walang
pinag-aralan Samantala, 2/3 din ng mga sampol ang may
palagay na hinahadlangan ng Jejemon ang potensiyal na
pang-akademya ng isang tao sa aspekto ng pag-unawa at
pagsasabi ng kaniyang saloobin. At nang tanungin sila
kung dapat bang ipagbawal ang paggamit ng wikang
Jejemon, nahati sa dalawang grupo na halos magkapareho
ng b mga sampol. ng bilang ang Maaaring magkaroon ng
maraming interpretasyon ang raw data na nakuha ng
mananaliksik. Mayroong blue collar job ang karamihan sa
mga sampol, na nangangahulugang hindi kailangan ng
mataas na antas na edukasyon ang naabot upang
makapagtrabaho na humahantong sa paniniwala na
karaniwan na lang ang paggamit ng Jejemon na isang
impormal na lengguwahe ng mga taong kanilang
nakasasalamuha. Dahil sa mababa sa kalahati ng mga
taong ito ang gumagamit ng wikang Jejemon, masasabi
nating hindi nila ito ginagamit sa pakikipag-usap sa
kanilang mga mamimili o sa kanilang mga boss. Kung hindi
pinaiiral ang wikang Jejemon sa kanilang trabaho,
masasabing hindi nila ito iniaangkop sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay. Bilang texting capital ng
mundo, mas nadadalian ang mga Filipino sa
pagpapahayag ng kanilang mga sarili sa paraan ng
pagtetext bilang isang impormal na paraan ng pakikipag-
usap. Ugali na ng mga Filipino na iayon ang kanilang mga
sarili sa pinakakomportableng paraan ng pagtetext. Gamit
ang datos na nakuha ng mananaliksik, 1/5 lamang sa mga
sampol ang nagtetext gamit ang wikang Jejemon at kung
titingnang mabuti, mga drayber at kasambahay ang mga
ito. Dahil marami ang oras na wala silang ginagawa, may
mas malaking tsansa na maimpluwensiyahan sila ng
wikang Jejemon na nagreresulta sa mga datos na nakuha.

Alam ng mga sampol ang maaaring maging mga resulta


ng wikang Jejemon sa gramatika at literari ng wikang
Filipino at Ingles kahit na blue colored job lang ang
mayroon sila. Samakatwid, alam nila ang importansiya ng
pormal na komunikasyon at ang mga karakteristik ng
tamang edukasyon sa kalahatan. At kahit na alam nila ang
mga negatibong epekto ng lengguwaheng ito sa
edukasyon at antas sa lipunan, hindi nito sinasalamin na
kailangang ipagbawal ang paggamit nito.

Mga May-Edad

Nababahala ang mga matatanda sa mga posibleng


maging epekto ng kulturang Jejemon sa kanilang mga
anak dahil karamihan o halos lahat sa kanila, masama ang
tingin sa mga bagay na may kinalaman sa Jejemon at dito
mismo. Sa tingin nila, nakaaapekto ang wikang Jejemon sa
edukasyon ng kanilang mga anak dahil napapasama ang
mga ito sa tuwing mali ang pagbabaybay na ginagawa ng
mga it Unti-unting masasanay ang mga bata sa mga
pagbabaybay na taliwas sa tama a dahil dito, bumababa
ang kanilang kakayahang pampanitikan. Ayaw mangyari ng
mga magulang ang ganito kaya naman hangga't maaari,
pinagbabawalan o nililimitahan lamang nila ang paggamit
ng anak sa wikang Jejemon. Napalalayo rin ang loob ng
anak sa magulang sa ilang pagkakataon dahil sa wikang
Jejemon. Kung malala ang pagiging Jeje ng anak, malaki
ang posibilidad na hindi magkaintindihan ang mga
magulang at ang bata na nagreresulta sa mga pag- aaway
at ang pagdistansiya ng anak sa kaniyang magulang dahil
inusip niya na hindi siya naintindihan ng mga ito.

Paglalahat

Sa pagsasaliksik na ginawa, napag-alaman na ang


kabataan ang pinakaapektado sa penomenang Jejemon.
Nais ng karamihan sa kanila na matawag na cool o astig
dahil sa palagay nila sa pagsusuot ng makukulay na
sombrero, maluluwang na t shirt at pagtetext gamit ng iba't
ibang titik, numero at mga simbolo, lumalabas ang
kanilang kagustuhan na maging iba. Nagmumula ang
karamihan sa mga sumusuporta sa kulturang Jejemon sa
mga pampublikong paaralan dahil na rin siguro mas
madaling kumakalat ito sa populasyong nasabi. Mas
madali nilang niyakap ang kulturang Jejemon kompara sa
mga estudyante ng UA&P. Posibleng dahil may isteryotipo
ang kulturang Jejemon na para lamang ito sa mga ikatlong
antas ng mamamayan sa lipunan. Masasabing hindi
naman talaga sarado sa pagbabago ang mga estudyante
na nakagagaan sa buhay sa kulturang ito. Sadyang
nagbibigay lang talaga ng imahen na mababa ang IQ ng
isang tao kung gumagamit siya ng wikang Jejemon na
ayaw mangyari ng mga estudyante ng kolehiyo, bagama't
sinasabing malakas daw ang impluwensiya ng Jejemon sa
mga estudyante sa University of Makati.

Para naman sa mga taong nagtatrabaho, hindi gaanong


nakaaapekto ang kulturang Jejemon sa kanikang grupo.
Posibleng dahil sa kakulangan sa oras sa paggamit ng
mga social networking sites", paglalaro at pagtetext, kung
saan laganap ang Jejemon. Bilang isang propesyonal,
kinakailangang maging pormal sila sa lahat ng
pagkakataon sa oras ng trabaho. Gaya nga ng nasabi sa
ikalawang bahagi ng papel na ito, pormal na wika ang
ginagamit sa mga opisina at sa mundong propesyonal.
Ginagamit ito upang magpakita ng paggalang sa mga
nakatataas at sa iba pang mga katrabaho. Isipin na lang
natin kung gagamit sila ng wikang Jejemon kung
magpapasa sila ng mga linggo-linggong ulat sa kanilang
mga nakatataas, magiging lubhang magulo ang sistemang
panloob lalona sa kanilang komunikasyon.

Kung titingnan sa survey na ginawa, masasabing nasa


mga kabataan ang pinakatampok ng kulturang Jejemon.
Hindi hamak na mas marami ang mga batang Jeje kaysa
sa matatanda. May ulang matatanda lamang ang
nagpapakita ng sintomas ng pagiging Jejemon ngunit hindi
iyon sapat na dahilan upang tawagin silang Jeje. Nais
lamang ng mga taong ito na maipakita kung sino sila at
nang matanggap sila ng lipunan.
Konklusyon

Ayon kay J. K. Chambers (2008) isa lamang aspekto


ang baryasyon ng wika sa disiplina ng sociolinguistics.
Dagdag pa niya, maaaring ibahagi sa isang pamamaraan
na magpapakilala sa isang partikular na mga rehistro ng
wika ang anumang katangian ng lingguwistika, ito'y may
gamit o kumbensiyonal na ugnayan. Ayon naman kay Baria
(2003), liban sa hangarin ng wika at pagsasaling wika na
makipagkomunikasyon, iisa lang ang hantungan ng lahat
ng daloy ng wika-komunikasyon. Ang wika, sa kalahatan,
ang sasakyang naghahatid tungo sa pagkakaunawaan.
Malinaw na kahit na anupamang wikang gamit ng isang tao
o grupo ng tao, hangga't nagkakaroon ng malinaw na
pagkakaunawaan, matagumpay ang layunin ng
komunikasyon. Sa kaso ng penomenang "jejemon," naging
pokus ng papel na ito ang leksikal na pagkakabuo ng mga
wikang Jejemon at hindi ang estrukturang semantikal.
Pinagtuunan din sa papel na ito kung papaano nila (mga
maka-Jejemon) binubuo ang mga salita, mga pamamaraan
at iba't ibang anyo nito. Itinuturing na bahagi ng Filipino
slang o balbal na sistema ng wika ang jejernon. Nakita sa
presentasyon ng papel na ito ang naging epekto o
impluwensiya ng wikang Jejemon sa wikang Filipino batay
sa mga sektor na gumagamit o nakakikilala dito. Nabuo
ang wikang jejemon ng ilang sektor na hindi kailanman
napalitan ang kahulugan ng mga salita, maging ang
diwang ipinahahayag ng isang nabuong pangungusap.
Nabago lamang ang anyo at hindi ang kahulugan.
Nagbago at nagdadag ng mga simbolo ng titik at bilang,
upang palitan ang pormal na nakagawian.

Hindi tulad ng pagbabagong semantikal, eg maaaring


magkaiba ang kahulugan ng isang salita, tulad halimbawa
ng pangalang Kristo sa mga katoliko, isa siyang anak at
sugo ng Diyos, samantalang sa Iglesia ni Cristo, itinuturing
siyang tao o Diyos na nagkatawang tao. Malinaw din
nating makikita na binuo ang jejemon ng isang malikhaing
imahinasyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga
simbolo Maituturing naman natin ang mga taong
tumanggap o sumakay sa penomenong ito na nagkaroon
ng komunikatibong kompetens (communicative
competence) dahil sa nagawa nilang unawain ang diwang
ipinahahayag ng mga simbolo upang maunawaan ang
mensaheng taglay ng bawat estruktura ng jejemon.

Sa pag-aaral na ginawa, masasabing isa na ring sub-


culture" ang Jejemon at unti-unti na itong sumasama sa
pagkakakilanlan bilang Filipino slang o balbal.

FORE! ISANG PAGTALAKAY SA WIKA NG GOLF

-Romeo G. Dizon

May mga konteksto na naging bahagi na ng


panlipunang gawain, bagama’t hindi katutubo sa atin,
bagkus nagsimula sa kanluraning mga bansa. Ganoon pa
man, dahil ginagawa na ito sa atin, kinakailangan pa ring
tumuklas at lumikha ng wika para rito-orihinal, salin, halaw
o hiram. Ganito ang kalagayan ng golf at ang karampatang
wikang umuusbong sa paglalaro nito, sa pagitan ng mga
manlalaro’t katulong nila (isang caddie o taga-bitbit ng bag,
at kung minsan may kasama pang umbrella girl).

Malay ako sa mga terminolohiya ng golf, kapag ito’y


nagaganap sa ibang bansa, tulad ng Scotland o Estados
Unidos. Nang maakit na ako mismo sa larong ito, lagi na
lamang akong nagugulat sa mga salita’t pangungusap
mula sa mga kasama ko. Sa ilang taong paglalaro ko ng
golf natuklasan kong may namumukod na mga salita na
nabubuo sa naturang laro. Ipaliliwanag ang paggamit ng
ilan dito sa aktuwal na paggamit, o ang paglitaw ng mga ito
habang nagaganap ang laro.

Bokabularyo ng Golf

Pamalo ang tawag sa mga club ng golf, pero pareho


ang katawagan ng bawat isa sa Ingles: halimbawa driver,
fairway woods (kung minsan kaboy), irons (kung minsan
Bakal), sand wedge, pitching wedge, at putter.

Isa na sa pagpapahirap sa laro ng golf ang paglalagay


ng lawa o kanal na may tubig sa pagitan ng fairway at
green. Lalo na sa mga baguhang katulad ko, kinatatakutan
ito, dahil baka hindi maitawid ang bola at mahulog lamang
sa tubig (sayang din ang bola kahit luma na at pandagdag
sa iskor ito. Sa golf pababaan ng iskor). Kapag nahulog
ang bola sa tubig ang sinasabi nila na-jabong. Jabong ang
tubig. At ayon sa caddie ko, nagmula raw ito sa isang
hapong naglaro rito. At dahil naiiba, inangkin na ito sa wika
ng golf. Kung palarin nama’t makapatong na sa green,
maghahanda ka nang mag-putt. Babasahin na ng caddie
ang green (reading the green) at ibubulong niya sa iyo ang
bunga ng kaniyang pagbasa. Sasabihin niya na babali ng
isang bola sa kaliwa (it will break to the left by
measurement of one ball); kung malaki naman ang bali,
susukatin ito sa pamamagitan ng isang grip o isang club.
Magpapaalala rin siya na mabilis o mabagal ang green, o
paakyat o pababa (uphill o downhill). Magpa-putt ka na
ngayon. Nguni’t napahina ang pagkapalo’t hindi umabot sa
butas ang bola. Sasabihin laylay ang putt mo kaya ginabi
ang bola.

Sadyang natatangi’t masaya ang wika ng golf. Marahil


dahil pagkakataon nang pagsasaya’t pagpapahinga ang
paggogolf. Pero sa kabila nito, kapag sinuri ang mga
salita’t pangungusap sa golf, mapapansin ang mga
paraang kasangkot sa pagbubuo ng mga salita. Nariyan
ang pagsasalin. Bali (break), bakal (iron), kahoy (wood),
kabig (pull, pitik [snap]). Nariyan din ang paghahalaw sa
mga bagay na nasa paligid: fly- over (marami tayo niyan sa
siyudad); “four-gives” (installment). Kung minsan may mga
maling pagbibigkas ng Ingles. Sabi ng Koreanong golfer-
nis-shya sa “nice shot” o ng caddie “fort” sa fore (sinisigaw
ito bilang babala sa tao na baka tamaan siya ng lumilipad
na bola).

Makukulay na Usapan sa Golf

Makulay ang mga usapan sa golf. Katunayan, kabilang


na sa kasiyahan ng larong ito ang pagyayabangan,
kantiyawan at biruan, lalo na sa mga manlalarong
naglilibang lamang. Halimbawa, kapag pumalo ka’t
napunta sa ilalim ng malalaking puno ang bola mo,
ipapahayag ng caddie “sir, tree under tayo;” isang
pahahawig sa Magandang iskor na “three under par.” At
kung maganda ang na-iskor sasabihin na parang karaoke
o minus one. At kung dumadami namang masyado ang
mga palo mo, o nagsasabog ka, kakantiyawan ka ng
kalaro mo na golf ito’t hindi basketball (na pababaan ang
iskor at hindi pataasang tulad ng basketball). At kung
malay sa ibang laro ng kasama mo, sasabihing para kang
si Paeng Nepomuceno, gumagapang ang bola mo.

Kapag ay jabong na daratnan, itatanong ng caddie kung


magpafly-over na ako; o kung tatawirin na ba ang jabong?
Kung matagumpay na naitawid at Maganda ang lugar ng
bola, sasabihin ng Kapampangang caddie— “kanyaman
na” (o “ang sarap niya!” na parang pagkain; mahilig sa
masarap na pagkain ang Kapampangan).

Kamachohan ng Golf

Matatanda ang marami sa mga naglalaro ng golf.


Marahil ang hindi nila masabi sa bahay nila, dinadaan na
lamang sa paggogolf. Kaya maraming kabastusang mga
pananalita ang maririnig sa kanila, na ang ilan marahil ay
pawang mga DOM. Habang naglalakad papunta sa bola,
maraming kayabangan ang maririnig: mga tagumpay nila
sa mga babae; mga pambihirang lakas nila sa
pakikipagtalik; at katulad ng iba pa. “Male-dominant” ang
golf; marami sa mga naglalaro ay mga “macho”.
Nakakaawa kapag may nakakasamang babae sa laro;
tahimik na lamang siya o nakikibagay. (Pero kung minsan
may lumalaban din sa kanila: kung bastos ang kasamang
lalaki, nagbibitiw rin siya ng mga birong bastos o malaswa.
Halimbawa, kapag tag-ulan, basa ang green— sasabihin,
basa kase kaya pumasok; o kaya tulad ng babala sa
“highway”— “Slippery when wet!” O kaya: “Bombahin mo
nang husto para pumasok!” At “Huwag mong pilitin baka
duguin!”.

Mayroon namang mapanlait na kalaro. Kung baguhan


ka’t maikli pa ang palo, sasabihin sa iyo installment iyan!; o
four-gives iyan!” At kung laging nasa damuhan ang bola
mo, sasabihing “Ang hilig mo naman sa kangkungan!” o
kaya “May lahi ka yatang Arabo” kung napupunta ang bola
mo ng madalas sa bunker o buhangin.

Iisa ang wika ng golf sa alinmang lugar mag-golf: sa


Cavite, Batangas, Maynila, o sa Pampanga. Nauunawaan
ng caddie o ng umbrella girl (na kung tawagin ay payong-
girl) at ng mga manlalaro. Samakatuwid, puwedeng
makipag-usap sa sinumang golfer na ginagamit ang
wikang ito.

Ewan ko lamang kung paano naman ang wika ng golf


kung ang mga naglalaro’y puro babae! Pareho rin siguro
ang mga bokabularyo, siguro daragdagan lamang ng rikit
at kaunting lambing; o kung puro mga bakla! May
gayspeak kaya sa golf? Maaaring mayroon. Mag-iiba rin
siguro ito kung nagpupustahan nang malaki ang mga
naglalaro. At wala ito sa mga pro-golfer— dahil hindi
hanapbuhay nila iyan! Wala silang panahong magbiro dahil
diyan nakataya ang kita nila!

LENGGUWAHENG PINOY SA BILYAR

-Pamela C. Constantino

Maliban sa basketbol, isa na siguro sa pinakapopular


na isports ngayon sa bansa ang billiards o bilyar o 9-ball.
Masasabi nating dinala ni Efren Bata Reyes (ang
mahikero) ang popularidad nito. Naitaas niya ang kalidad
sa istatus nito mula sa mga bilyaran sa kanto na
pinupuntahan ng mga kanto boy, mga walang trabaho,
mga batugang ayaw magtrabaho, tungo sa pagiging isang
pambansang isports. Nagdala din ito ng prestihiyo sa atin
sa labas ng bansa dahil kinilala tayo sa larangang ito
bilang bansa ng mahuhusay sa bilyar.

Sa unang linggong Hunyo 2002, inabangan at sinundan


ng mga Filipino ang tournament ng 9-ball na kinabibilangan
ng mga Filipinong manlalaro (Bata Reyes, Bustamante,
atbp.) at ng mga dayuhang manlalaro (Deuel, Strickland,
atbp.). Napanood ng mga Filipino ang galing ng kanilang
kapuwa Filipino sa larong ito. Narinig din nila ang husay
ng mga isports anawnser sa paggamit nila ng wika para
sundan ang laro sa telebisyon. Marahil, dahil sa kanila, at
sa tulong na rin ng mga manlalaro ng isports na ito,
nakakabuo na ng jargon o mga salitang pambilyar o
pambilyaran.

Narito ang ilang nakalap na mga salita, kataga,


ekspresyon na pambilyar mula sa pakikinig sa nakaraang
tournament na gamit ng mga isports anawnser sa
telebisyon. Inuri ang mga ito sa tatlo:

Mga Gamit Pambilyar, Kilos/Galaw na Pambilyar, at Mga


Ekspresyon at Katawagan.

Mga Gamit Pambilyar

 Cue Ball — Pato/Pamato


 Stick — Tako
 Chalk — tisa
 Bridge — tiririt
 Bola (Uno, Dos, Tres, atbp.)
 Corner Pocket/Side Pocket
 Corner Ball
 Rack

Kilos/Galaw sa Bilyar

 Puwersahin
 Pina (tira sa Edge)
 Pagulungin
 Push/Persh Shot/Safety Shot
 Ratsada
 Durungin
 Kalog
 Tumbok/Tinumbok
 Kita
 Sargo/Break
 Takot
 Scratch
 Tumawid
 Hatak
 Clean Up/Walisin na
 Pasok
 Mintis
 Sablay
 Pocketing
 Kapos
 Ilalagay
 Tira/Tumira sa mesa
 Tirang awtoridad

Mga Katawagan/Ekspresyon

Balikatan (Torneo, Laban ng Filipino vs. Dayuhan) Ayaw


Magpaiwan Heel-to-Heel (Tabla/Magkalapit ang Laban)

 Lead
 Tabla
 Masdan ang Tinutumbok
 Latag na Latag
 Last 3 Balls
 Finish the Game
 Benta — Give Away na Tira; Tsansang Manalo
Chance
 Manipis na Tura
 Batak sa Laban
 Walang Kaduda-Duda
 Wala sa Rules
 Walang Kasayad-Sayad
 Race to 7/9/11/13
 Nagbabadya
 Nakakaporma
 Malambot ang Kamay
 Tatakbo ang Bola
 Jump Shot
 Makapal ang Tira
 Match
 Preliminaries
 Lamang
 Fall Behind
 Homestretch
 Nabitin
 Option
 Pasok
 Batak sa Laban
 Makeable
 Save Shot
 Kombinasyon

Ilan lamang ito sa makukulay, buhay na buhay at Pinoy


na Pinoy na lengguwahe ng isports na bilyar. Isang popular
na isports ito dahil halos bawat distrito ay kakikitaan ng
mga bilyaran. May dagdag pa ngayon ito na mga KTV o
karaoke bar at videoke bar. Hindi ito tulad ng larong tennis,
fencing, swimming, scuba diving, hang gliding, o mountain
climbing na kaya lang sustenahan ng mga nakaaangat sa
lipunan. Ang larong ito ay tunay na pangmasa at tiyak na
tatangkilikin ng masang Filipino.

ANG SOSYOLINGGUWISTIKONG PADRON SA


PANGHIHIRAM NG MGA SALITANG INGLES NG MGA
MANUNULAT NG SANAYSAY SA FILIPINO

- Marietta Reyes-Otero

Introduksiyon

Ang pag-unlad at pagsasa-intelektuwalisado ng


pambansang wikang Filipino ay may kaakibat na isyu. Isa
dito ang kontrobersiyal na code switching o paglilipat-wika
na kinasasangkutan ng panghihiram ng salita o lexical
borrowing. Sa palagay ng mga purista ay masama ang
pagpasok ng ibang wika sa kanilang sariling wika. Ang
mga French noong 1972 ay nagpakita ng kanilang maring
pagtutol sa wikang Ingles na kahalo ng French. Ayaw nila
ng Franglais, Halimbawa, "La baby-sitter buys her
cosmetics at la drugstore." Ito'y katulad ng ating Taglish.
Ipinapaliwanag ni Dr. Maminta (1996) na dahil sa
dinamikong pagbabagong-wika ay baka umabot tayo sa
punto na hindi na maintindihan ang mga varayting
lumalabas. May ibang palagay naman ang mga kalaman
sa sosyolingguwistika. Positibo ang palagay nila sa code
switching, code mixing at lexical borrowing. Dahil sa
kalagayang bilingguwal ay may natural na kontak ang mga
wika. At isang natural na kaugalian ang manghiram kung
ang pinag-uusapang paksa ay walang katumbas sa wika
ng mga nagsasalita. Kaya ang panghihiram at code
switching ay mga natural na sosyolingguwistikong gawi sa
isang sitwasyong bilingguwal.
Sinasabi ni Haugen (1974) na ang code switching ay
may mahalagang papel upang ang pambansang wika ay
makaganap ng iba't iba nitong gamit sa isang
modernisadong lipunan. Ginagampanan din nito ang
pagpapalaganap ng mga lingguwistikong pagbabago.

Ang mga isyung nabanggit ang siyang nagbubukas ng


mga paksa para sa saliksik tungsol sa pagpaplano ng
wika. Ang pag-aaral ng code switching ay makakatulong
upang higit na mailarawan kung ano ang mga varayting
Filipino.

Sa pagpaplano ng wika ay kailangan ang code


switching upang umunlad ang lexicon ng wika at maparami
ang mga domain ng diskurso. Ang pag-unlad ng mga
register sa Filipino sa mga disiplinang pang akademya,
propesyon at trabahong teknikal ang siyang
nangangailangan ng saliksik upang makakuha ng idea na
angkop sa pagtuturo.

Ang pag-aaral ni Macansantos na ilalahad ngayon mula


sa College of Education tungkol sa pagsusuti sa mga
pormal na varayti ng Filipino ng mga batikang manunulat
sa akademya at mass media ay inaasahang
makapagbibigay ng mayamang impormasyon sa
sosyolingguwistikong padron ng panghihiram sa Ingles ng
Filipino. Ang makikitang padron ng form ay makakatulong
sa istandardisasyon at modernisasyon ng wikang Filipino.
Ang kontak ng mga wika ay malayang pagkakataon
upang manghiram ng mga salita o mag-code switching.
Sinabi ni Beardsmore (1982) na ang code switching ay
naübang disenyo ng panghihiram ng salita o lexical
borrowing na naglalagay sa buong sunuran ng salita ng
isang wika sa konteksto ng humihiram na wika. Tinatawag
naman ito ni Pfaff (1979 kay Romaine, 1989) na 'code
mixing' ang neutral na salita para sa code switching at
lexical borrowing. Sinasabi niya na code mixing ang
nangyayari kung nasa loob ng pangungusap ang
pagpapalit o switching.

Code switching naman ang tawag sa diglossic na


sitwasyon kung saan may wikang mas tanyag na tinatawag
ni Ferguson (1971) na High at ang hindi tanyag ay
tinatawag na Low. Sinasabi ni Ferguson na ang
pagkatanyag ng wika ay naaabot kung ito ay ginagamit na
wikang pangkomunikasyon sa pamamahalaan, paaralan,
at media. Sa perspektibo naman ng pagkatuto ng wika,
sinasabi ng ibang linguist na ang code-switching ay
nagpapakilala ng kakulangan ng kasanayan sa isa o
parehong wika na gamit. Subalit iba naman ang sinasabi ni
Paplack (1980), ang bilingguwal na nagpapalit-wika ay
may kakayahan sa parehong wika (una o pangalawang-
wika) at inaayos niya ang paggamit ng bawat isa ayon sa
kaniyang tagapakinig: maaaring upang malayo siya sa iba
o di kaya ay upang malapit sa tagapakinig. 'Ang
pinakabatayang proposisyon sa nagsasalita o sumusulat
na ginagamit ang wika? Ito ang teorya na sumusuporta sa
pag-aaral tungkol sa lexical borrowing na ginawa ni Dr.
Esperenza Macansantos sa Departmento ng Language
Teaching noong 1986.

Problema

Ang tanong na dapat masagutan ng pag-aaral na ito ay:

Ano ang padron o uri at dalas ng panghihiram ng salita


sa Ingles ng mga manunulat na Filipino sa mga tekstong
sanaysay na pang-akademya o print mass media?

Delimitasyon

Sinasabi nina Jernudd (1973) at Appel (1987) na may


dalawang pamamaraan tungo sa pagpapaunlad ng lexicon
upang makamit ang adhikain ng makabago o
modernisadong wika:

1. kunin ang mga salita sa mga katutubong wika o


kaya
2. iasimila ang mga salitang hiram mula sa ibang wika

Ang panghihiram ng mga salita (lexical borrowing) ay


nangangahulugan ng paggamit ng pormal na elemento ng
isang wika na ipinapasok sa loob ng konteksto ng wikang
nanghihiram ay isang estratehiya sa pagpapaunlad na
lexical at elaborasyon ng katulad ng Ingles, French,
Spanish, atbp. (Ferguson, 1971). Masasabi na ang isang
tampok na katangian ng pinakamaunlad na wika katulad
ng Ingles na ngayon ay tinatawag na lingua franca ng
mundo ay ang kayamanan nitong pagkakaiba-iba ng mga
salita (lexical diversity).

Ang paglilipat ng mga salita o lexical item mula sa isang


wika sa wikang naghihiram ay pangmalawakang
pangyayari at siyang nagpapaunlad ng isang wika ayon sa
kasaysayan ng wika at patuloy itong nangyayari kapag
mayroong kontak ang mga wika o kultura ng nagsasalita
ng wika. (Weinreich, 1963, Goulet, 1971, Appel, 1987). Ang
lexical borrowing o panghihiram ng mga salita ay
nananatiling pinakapraktikal na pamamaraan upang
mapadali ang layunin sa modernisasyon ng pambansang
wika (Appel, 1987).

Ayon kay Haugen, Weinreich at Romaine, may


dalawang kategorya ng panghihiram na leksikal: (1) ayon
sa adaptasyong phonemic/morphemic at (2) ayon sa
motibasyong sosyal at sikolohikal—

May tatlong uri ng panghihiram ayon sa unang kategorya:

1. loan words - hiniram na buong salita sa Ingles na


walang pagbabago, hal. sampling ranking o kaya
salitang hiniram sa Espanyol - Lunes, Martes, atbp.
Mayroon ding hiram na may pagbabago sa ispeling
upang umayon sa elemento ng alpabetong Filipino,
hal. 'sarvey. Ginagamit din ang panlapi katulad ng
pagbudget, magsampling.
2. loan blend - kasama ang hiniram na morphemic at
di-kompletong pagpapalit kaya magkasama ng
banyaga at katutubong morpheme hal. subtalataan -
(subparagraph); pananaw pilosopical.
3. loan shift - hiniram na salita kung saan may buo at
kompletong pagpapalit sa katutubong morpheme.
Ang ibig sabihin nito ang kahulugan lamang ang
imported pero ang anyo ay katutubo ayon sa
konteksto.
May 3 uri nito:
a) semantic loans - Halo. Dutch verb -
'controleren' mula sa Ingles na 'contro!'
b) loan translation or calques - Filipino - lumilut
na balk' Eng. - diminishing returns
c) coinage - Filipino - 'shushiner"

Ikalawang kategorya: motibasyong sosyal at


sikolohikal

Ipinaalala ni Beards aore (1982) na ang tanging dahilan


sa lexical borrowing o panghihiram ng mga salita ay
'pangangailangan' (necessity). Nangyayari kapag walang
kasingkahulugan ng hinihiram na konsepto sa wikang
nanghihiram. Madalas mangyari ito dahil ang mga
konsepto ng mga mas maunlad na bansa, lalo na sa
kultura ng agham at teknolohiya ay hinihiram ng hindi pa
gaanong maunlad na bansa. Ayon kay Haugen (1974) ang
panghihiram ayon sa pangangailangan ay naiba sa
panghihiram dahil sa katanyagan ng wika. Halimbawa ang
salitang 'dokkita' (doctot) ay mas gamitin kaysa saliang
doctor sa ating bayan. Maririnig mo sa mga nanay na
dadalhin nila ang kanilang baby sa pedia at sila naman ay
magpapatingin sa ob-gyne.

Isang katangian ng modernisadong wika ang pagkakaroon


ng lexical transparency kung saan sa bawat konsepto ay
may katapat na salita na may iba-ibang kulay ng
kahulugan. Ang hakbang sa istandardisasyon at
eleborasyon ng wikang nanghihiram tungo sa
modernisasyon ng wika-siyang huhubog sa pamantayan
ng panghihiram ng mga salita. Kaakibat nito ang
intelektuwalisasyon ng pambansang wika kung saan
magkakaroon na ng discourse sa iba't ibang domain.
Katulad ng domain ng science na naiiba sa kataniwang
pagsulat at pagsasalita dahil sa gamit ng mga salitang
teknikal na maririnig lamang sa mga kasapi ng science
discourse community.

Ang lahat ng teorya at konseptong nabanggit ang


siyang sumusuporta sa saliksik.

Pinanggalingan ng Datos

Dalawampu't tatlong tekstong


pang-akademya/propesyonal na sinulat ng 22 manunulat
at 36 artikulo sa print media na sinulat naman ng 31
mamamahayag ang sinuri ayon sa kategorya ng
panghihiram ni Haugen. Mga pormal na estilong datos
mula sa diyaryo; editoryal, opinyon, feature, book review,
ulat sa panahon, mga karaniwang ulat tungkol sa
teknolohiya, sulat sa editor, balita tungkol sa isports at
sine. Mga sulatin mula sa mga akademiko/propesyonal
tungkol sa sumusunod na paksa; antropolohiya,
economics, history, humanities, psychology, sociology,
community development, science and technology, at
language education sa anyong aklat, monograph at papel.

Mga Natuklasan at Interpretasyon ng mga Ito

Napag-alaman na 13.4% ng panghihiram sa Ingles na


nasa sanaysay at madalas ang ibig ipaliwanag na sa
bawat pahina na may 300 na salita ay 40 ang hiniram na
salita sa Ingles. Sa uri naman ng panghihiram ayon sa
phonemic/morphemic ni Haugen ay mas gamitin ang loan
words na isinasanib sa Filipino upang umayon sa sistema
ng wika kaya 93.6% ang panghihiram sa lahat ng sinuring
teksto. Ang loan blends at loan shifts naman ay hindi
masyadong gamitin kaya't 6.4% lang nito ang ginamit.

Pinapatunayan ng pag-aaral ang proposisyon ng


sociolinguistics na ang baryasyon ng anyo at estilo ay ayon
sa katangian ng gumagamit ng wika at sa sosyal na gamit
nito. Sa katunayan, natuklasan sa pag-aaral na ang padron
at ang kalimitan ng gamit ng bawat uri ng panghihiram na
lexical ay naiimpluwensiyahan ng sumusunod na variable
ng sociolinguistics.

1. Ang akademiko o propesyonal na disiplinang


kinabibilangan ng manunulat.
2. Ang paksa o disiplina ng diskurso.
3. Ang mga register at gente ng diskurso.

Sa pagitan naman ng taal na tagapagsalita ng Filipino


at di-taal ay mas maraming panghihiram ng mga di-taal na
tagapagsalita ng Filipino subalit ang pagkakaiba ay hindi
naman totoong mahalaga. Napatunayan din na kung ang
manunulat sa pang-akademya o propesyonal ay
manghihiram, dahil ito sa pangangailangan mapunan ang
kakulangan sa sariling wika. Dagdag dito, naipakita na di-
tulad ng manunulat ng print media ay ginagawang parang
katutubo ang hiniram na salita o (indigenize) sa
pamamagitan ng iba't ibang pagbabagong orthograpahic,
phonemic o morphemic para maisunod sa alpabetong
Filipino, halimbawa ang paggamit ng mga panlapi at ibang
linkers. Ang iba't ibang pamamaraan na ito ay nagpapakita
ng prosesong asimilasyon kung saan ang hiniram na salita
ay isinusunod sa kabuuan ng wikang Filipino. Ito na siguro
ang sinasabi ni Haugen na pagbuo ng supradialectal norm
na ibang-iba kaysa sa karaniwang varayti. Ito'y may
katangiang mas mataas na uri dahil maaaring gamitin sa
paralan, pamahalaan, at pamamahayag.
Sa kabilang dako naman, ang mga mamamahayag ay
may katangian na manghiram kahit hindi kailangan o iyong
tinatawag ni Beardsmore na non-necessity borrowing.
Dahil dito ay may limitasyon ang papel na kanilang
ginagampanan sa pagpapalawak ng pamantayan
(norm/standard) ng wikang Filipino.

Rekomendasyon

1. Pabilisin ang pag-unlad ng pang-akademyang


Filipino
2. Paglapitin ang mga manunulat na pang-akademya
at mamamahayag sa media
3. Palawakin at pagsamahin ang gamit ng wika at
paggamit ng mga resulta ng saliksik

Konklusyon

Ang madaliang pagpapalawak ng register na Filipino


para sa pang-akademyang gamit ay kinakailangan dahil sa
sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang level na tertiari
ang siyang mangunguna sa modernisason ng wika kung
saan mas malimit ang panghihihiram o code mixing mula
sa iba't ibang disiplina. Ang media na importanteng gamit
sa pagpapalaganap ng pambansang wika ay
kinakailangang mapalakas ang kakayahang magamit ang
Filipino sa pakikipag-ugnayan sa mga manunulat na pang-
akademya o propesyonal upang mapag-usapan ang
tuntunin sa panghthiram. Panghuli, kinakailangan ang
pagtitipon ng mga korpus ng mga salitang Filipino na
ginagabayan ng saliksik na ayon sa kalakaran at epekto ng
gamit ng wika sa iba't ibang domain upang makamtan ang
tunay na modernisasyon ng wikang Filipino. Ang ibig
sabihin, may kakayahang intertranslatability ang wika, ang
kakayahang maisalin sa iba't ibang wika katulad ng wika
ng mas maunlad na bansa. Ang panghihiram (lexical
borrowing) at code switching o code mixing ay mahalagang
bahagi nito.
Sa larangan ng linggwistika, umuusbong ang
pagkakaroon ng iba’t ibang varayti at baryasyon ng wika.
Marahil karamihan sa atin ay naniniwalang ito ay bunga ng
heograpikal na salik o ang pagkakaiba-iba ng lugar na
pinanggalingan, ngunit sa paksang ito, matutunan natin sa
kung papaanong paraan naging sangkot ang panlipunang
salik sa pagkakaroon ng varayti sa wika.
Isa sa pag-aaral na maaaring pagbatayan sa
panlipunang salik na varayti ng wika ay ang pag-usbong na
wika ng kabataang Filipino sa paglalaro ng DOTA, ang
Sistema ng JEJEMON, wikang ginagamit sa iba’t ibang uri
ng isports tulad ng golf at bilyar, at maging ang
LAGOM sosyolingguwistikong padron sa panghihiram ng mga
salitang ingles ng mga manunulat ng sanaysay sa filipino,
na naglalarawan ng pagsibol ng iba't ibang uri at anyo ng
wika sa wikang Filipino.

Samakatuwid, ang panlipunang varayti ng wika ay


naglalarawan ng mga pagbabago sa wika na nagmumula
sa iba't ibang sektor o yugto ng lipunan. Isa itong
mahalagang bahagi ng wika na nagpapakita ng ugnayan
ng wika sa kultura at lipunan. Ang mga pagbabagong ito ay
maaaring makita sa paggamit ng wika sa iba't ibang
konteksto, tulad ng mga pag-aaral na tatalakayin sa
paksang ito.

PAGLALAPAT/ Ang gawaing ito ay tatawaging SAGOT MO, SAGOT


PANGKATANG KO!
GAWAIN
Magbibigay ng mga salita ang mga tagapag-ulat na
sIyang pupunan ng bawat grupo ng mga sagot na may
kinalaman sa paksa.

Magtitipon ang mga magkakagrupo sa bawat pangkat


at sa isang buong papel ay mag tatala ng mga hinihinging
kasagutan sa bawat salitang ibinigay ng mga taga-ulat.
Ang bawat sagot ay katumbas ng isang puntos.

Ang pangkatang gawain na ito ay gagawin lamang sa


loob ng sampung minuto.

Carr, D., et al. 2006. Computer Games: Text, Narrative and


Play, Cambridge: Polity Press.

Clark, H. 2004. Using Language. Cambridge: Cambridge


University Press.

Constantino, P. 2005. “Pluralidad Tungo sa Identidad: Ang


Varayti ng Wikang Filipino sa Pagbuo ng Wika at
Kamalayang Pambansa,” nasa Peregrino et al. Minanga.
Mga pahina 55-59.

Peregrino J., et al. 2005. Minanga: Mga Babasahin sa


MGA SANGGUNIAN Varayti at Baryasyon ng Filipino. Quezon City: UP-SWE.

Sapir, E. 1921. Language: An Introduction to the Study of


Speech. New York: Harcourt, Brace and Company.

2009. www.gossipgamers.com/dota-philippines-most-
played-pc-game/. http:// www.dotastrategy.com.

Mga Editor: Jayson D. Petras, Jovy M. Peregrino, Nilo S.


Ocampo, Pamela C. Constantino. Salindaw. Varayti at
Baryasyon ng Filipino. Sentro ng Wikang Filipino. 3/F
Gusaling SURP, E. Jacinto St., Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman, Lungsod Quezon 1101.

You might also like