Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

EPP- 1st Summative

Huwarang Negosyante

Henry Sy – sikap at tyaga ang kanyang puhunan sa maliit na pwesto ng sapatos na ngayon ay SM Malls.

 Kaakibat nito ang paniniwala sa kanyang kakayahan at pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng


pagbibigay ng trabaho sa kanyang mga kababayang Pilipino.
2 Uri ng Mamimili
1. Sila yung bago mamili ay nagpaplano at naglilista ng mga talgang kailangan nila.Sa ganitong
paraan hindi matutuksong bilhin ang hindi nila kailangan.
2. Mamimiling pagbigla bigla. Sila ang mga mamimiling madaling tangayin ng atraksyon sa mga
nakikita nila sa pamilihan.

Mga Katangian upang magtagumpay ang isang enterprenyur sa anumang negosyo.

1. Masidhi ang pagnanasang makamit ang pangarap na magtagumpay- ito ang nagbubunsod sa
tao na umunlad sa kabila ng mga balakid .Walang sinumang pumigil sa isang tao na makarating
sa tugatog na tagumpay.Kaya naman “harangan man ng sibat” ay walang pagsukong
magaganap.
2. Tiwala sa sarili at sa kapwang tumulong upang marating ang tagumpay.Ang matagumpay na
enterprenyur ay may matibay na paniniwala sa kanyang sarili.
3. Mataas na lebel na pagtityaga. Ang matagumpay na enterprenyur ay katulad ng sundalong
“kapag nasugatan ay lalong tumatapang.
4. Pagiging malikhain sa pagharap at paglutas sa mga suliranin. Walang nagtagumpay na
negosyante ang umatras sa mga suliranin sa kanyang negosyo. Pinagsisikapan niyang lutasin ang
mga suliranin sa pamamagitan ng pagiging malikhain.
5. Disiplina sa sarili. – ang halimbawa nito ay ang pag-iwas sa masamang praktis gaya ng
katamaran.
6. May pagpapahalaga sa pera.-Ang matagumpay na negosyante ay masinop at hindi ginagastos
ang pera sa walang halagang bagay.Iniipon niya ang mga tubo upang kumita din ito s
bangko.Pinagsusumikapan niyang hindi gastusin ang pera ng negosyo sa personal na
panggastos.
7. Bukas ang isip sa paglilingkod.- alam ng matagumpay na negosyante kung gaano kahalaga ang
mamimili at suki,kaya lagi silang tumutuklas upang palawigin at pagandahin ang serbisyo sa
kanilang mga kliyente.

***Ang anumang negosyong papasukin ay hindi magtatagumpay sa medaling paraan. Kaya sinumang
naghahangad ng maging matagumpay na enterprenyur ay dapat ma masidhing pagnanasang
magtagumpay, may matibay na paniniwala sa sariling kakayahan,matiyaga,malikhain sa pagtuklas ng
solusyon sa anumang suliraning kahaharapin, may disiplina sa sarili, may pagpapahalaga sap era at
may bukas na isip na lagging paglingkuran ng taos sa puso ang kanyang mga suki at kliyente.***

Ligtas at Responsableng paggamit ng Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon

Online Chat – ay pakikipagpalitan ng mensahe sa ibang tao gamit ang mga application tulad ng skype,
hangouts, viber at iba pa.
Social Media –nagsisilbing kapalit ng kwaderno at mga resiklong papel na ginagawang diary.Ito ay
maituturing na personal na talaan ng ating mga naiisip at karanasan.

Computer – nagbibigay ng lugar upang lahat ng impormasyon na gusting irekord ng gumagamit ay


tumagal at maibahagi rin sa ibang gumagamit.

Pagpupuling sa video o video conferencing- sa halip na magkita nang personal ay ginagawa ang
pagmimiting gamit ang video monitor, di-pangkaraniwang software, mabilis na koneksyon ng
broadband, satellite technology at internet.

Pangkalahatang Gabay sa Paggamit ng Social Media at Pakikibahagi nito.

1. Suriin ang ipopost ay karapatdapat sa pagdadalhan.Ibagay ito sa makababasa.


2. Tanggapin ang katotohanan na anumang ibabahaging impormasyon ay maaring tanggapin,
purihin o pintasan.Sa ganitong paraan ay magiging mahinahon sa pagbibigay ng inyong komento
negatibo man o pisitibo.
3. Irespeto ang privacy ng ibang tao. Ang golden rule ay akma rito”huwag mong gagawin sa iba ang
ayaw mong gawin sa iyo.
4. Maging tapat at bigyan ng kaukulang pagkilala ang anumang ideya o inspirasyon na hinango sa
iba.

Online Survey Tools- ginagamit upang makakuha ng personal na impormasyon ng posibleng


kostumer.

Online survey form-maaring ipadala sa email at madali ng magkakaroon ng record tungkol sa kanila
nang hindi umaalis sa bahay.

Pagsusuri ng Impormasyong Gamit ang ICT at Electronic Spreadsheet

Computer- ay isang kasangkapan na ginagamitan ng kuryente at nagdulot ng kabutihan sa aspekto


ng komunikasyon at impormasyon.

Teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon- ay paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng


computer network o internet.Napakalaki ng tulong nito sa paghahanap ng proseso at pagsusuri ng
mga impormasyon at pagpapabilis ng komunikasyon.

Nakakatulong ang makabagong teknolohiya sa pangangalap ng iba’t ibang uri ng impormasyon


tulad ng sumusunod:

1. Paggamit ng mga web browser gaya ng internet explorer, Mozilla firefox at Google chrome.
2. Paggamit ng search engine sa pagsasaliksik ng paksang kailangan at ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagtipa ng mga salita o keyword na kailangan saliksikin.Sa pamamagitan ng
search engine nalalaman ang mga kawing o link sa mga website na maaring pagkunan ng
impormasyon na maaring makuha sa internet tulad ng musika, mga artikulo , mga larawan ,
video animation at iba pa.

Mga kapakinabangan/kahalagahan ng ICT

1. Masmabilit ang komunikasyon.


2. Mabisang paraan ng pangangalap , pag-iimbak at pagbabahagi ng impormasyon.
3. Maraming trabaho. Nagging daan ang ICT sa pagkakaroon ng maraming opurtunidad sa
trabahong computer programmer, web designer, graphic artist, encoder at technician.
4. Maunlad na komersyo at negosyo.Dahil sa ICT nagging maulad ang larangan ng komersyo. Ang
e-commerce ay pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng internet.

Pagsusuri ng impormasyon gamit ang Electronic spreadsheet

Electronic Spreadsheet

 Napapagaang ang ilang gawain tulad ng pagsusuri at pagtutuos ng malalaking halaga


 Ginagamit ang iba’t-ibang functions o pormula sa spreadsheets
 Mas nagiging madali ang paggamit ng ibat ibang kasangkapan at pamamaraan sa pagkukwenta
ng malalaking halaga.
 Maari itong magamit sa pagkwenta ng anumang datos na bilang maliit man o malaking bilang o
halaga ng pera gamit ang tinatawag na functions o pormula.
 Sa pamamagitan ng spreadsheet napamamahalaang mabuti ang gastos at tubo ng negosyo at
nakakagawa ng maayos na desisyon at pag paplano.
 NApapadali ang pagbasa ng datos na nakapaloob ditto.
 Ang halimbawa nito ay Microsoft Excel.
 Naaayos din nito ang mga salita at pangalan
 Napag uuri at nasasala nito ang mga impormasyon
Toolbar

Formula Bar

Column Letter

Active Cell

Row Number

Zoom control

Ang mga sumusunod ang mahahalagang salita na dapat tandaan tungkol sa electronic spreadsheet:

1. Toolbar- ditto madali mahahanap ang mga karaniwang ginagamit sa isang spreadsheet
2. Formula bar- ditto maari maglagay ng mga formula na susundin ng spreadsheet
3. Column letter- dito nakikita ang ayos ng mg datos sa patayong posisyon.
4. Active Cell- ito ang kasalukuyang napindt mo at pedeng lagyan ng datos sa loob nito.
5. Row number- ditto makikita ang mga datos na posisyon
6. Zoom Control-Gamit nito ang mapalaki o mapaliliit ang iyong mga ginagawa.
Mga pangunahing kagamitan at gawain sa Spreadsheet

Home

 Ipinakikita sa bahaging ito ang pangunahing disenyo o pormat sa spreadsheet tulad ng laki at
estily g letra na gagamitin , ang pagkakahanay ng datos at iba pa. Dito maaring i-edit ang datos o
impormasyong iyong inilagay.
 Kung ang pag-uusapan naman ay pagtutuos ng gastos o magagastos, makikita ito sa menu, piliin
ang number at mula sa pagpipilian ay pindutin ang “currency”

Talaan o Table

 Ang mga datos ay magkakaugnay at magkaakhanay .


 Ang tamang paghahanay ng datos ay patayo

You might also like