Professional Documents
Culture Documents
Aralin Panlipunan 2nd Summative
Aralin Panlipunan 2nd Summative
1
ng Sultan at kanyang mga datu at hindi makikialam ang United States sa relihiyon ng
mga Moro.
Heneral John C. Bates – kinatawang ng United States at lumagda sa Kasunduan ng
Bates.
Pagbagsak ng Malolos
Puspusan ang pananalakay ng mga Amerikano sa mga lalawigan ng Pilipinas
Heneral MacArthur- namuno sa pagsalakay sa Guiguinto, Bulacan at nagtuloy sa
Malolos Bulacan na noon ay kabisera ng Republica ng Pilipinas.
Marso 31, 1899- nabihag ng mga Amerikano ang Malolos Bulacan.Umurong si
Aguinaldo at inilipat ang pamahalaan sa San Isidro Nueva Ecija.
Naiwan ni Aguinaldo ang ilang libong piso at mga dokumentong pampamahalaan .
Inatasan niya si Heneral Luna na hadlangan ang mga Amerikano sa Calumpit
Bulacan.
Antonio Luna- siya ay isa sa pinakamahusay na heneral noon.
Siya ay mahigpit magdisiplina kung kaya’t kinamuhian ng ilang mga sundalo.
Noong Hunyo 1899 nakatanggap sya ng telegram na nagpapapunta sa kanya sa
Cabanatuan, Nueva Ecija upang makipagpulong kay Aguinaldo.
Ngunit ng makarating siya duon wala si Aguinaldo at sa halip nakita niya ang
nakaalitang kawal ng Samahang Kawit
Pinaslang siya ng kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagsaksak at pagbaril ng mga
sundalo ng Samahang Kawit.
Hunyo 5, 1899 namatay si Antonio Luna , nawalan ng isang mahusay na pinuno ng
himagsikan.
Ang Simbahang Filipina Indepediente
Dahil sa digmaan naging magulo ang simbahan.
Oktubre 1899 iminungkahi ng mga paring Pilipino na magtatag ng simbahang
pambansa ito ay dahil napabayaan na ng mga paring espanyol ang simbahan.
Padre Gregorio Aglipay – humiling sa Papa sa Roma nag awing Pilipino ang
simbahang katoliko sa Pilipinas.
2
Oktubre 23, 1899 – nagkaroon ng kumbensyon sa tarlac upang ayusin ang
kaguluhang panrelihiyon at kilalanin ang paring Pilipino at gawing Pilipino ang
Simbahang Katoliko Romano.
Hindi ito pinayagan ng Papa.
Subalit sa demokratikong pananaw ng mga amerikano, nabigyan ng Kalayaan sa
pagsamba ang mga Pilipino.
Naging bukas ang mga amerikano sa iba’t ibang relihiyon sa bansa.
Padre Gregorio Aglipay- napiling maging kataas taasang Obispo ng Iglesia Filipina
Independiente o Malayang Simbahang Pilipino.
Iglesia Filipina Indepediente- nagpapakilala sa pagiging makabayan ng mga paring
Pilipino.
Bagama’t hindi ito kinikilala ng Papa sa Roma, may pagkakahawig ito sa
Simbahang Katoliko
Mayroon din pagdiriwang ng pista para sa mga santo.
Lumawak at nagkaroon ng mga kasapi ang relihiyong ito.
Labanan Tirad Pass
Lumaban si Aguinaldo at ang kanyang mga gabinete , kawal at sundalo.
Upang makaiwas sa mga amerikano dumaan sila sa Pasong Tirad at ditto humimpil
kasama si Heneral Gregorio Del Pilar at 60 na mga kawal.
Napatay si Del Pilar kasama ang 54 na mga Pilipinong sundalo noong Disyembre 2,
1899
Heneral Gregorio Del Pilar- pinakabatang heneral sa gulang na 24.
Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong Tirad”
Pamangkin siya ni Marcelo H. Del Pilar.
Ang kanyang kagitingan ay hinangaan ng mga Amerikano at inilibing siyang may
parangal.
Ang kampo ng Philippine Military Academy ang pambansang paaralan ng mga
sundalo.Tinawag itong “Fort Gregorio Del Pilar” bilang parangal sa magiting na
bayani.
3
Nabunyag ang pinagtataguan ni Aguinaldo ng mahuli ng mga amerikano ang
mensaherong si Cecilio Segismundo.
Dinala si Aguinaldo sa Maynila.
Sumuko siya rito at kinilala ang kapangyarihan ng United States sa Pilipinas.
Pinakumbinsi ng mga amerikano na sumuko na din ang iba pang mga pilipinong
nakikipaglaban.
Ito ang nagging dahilan ng pagkasira ng loob ng mga Pilipino sa pakikipagdigma sa
mga amerikano.
Mga Pilipinong nagpatuloy sa pakikipaglaban sa mga Amerikano
1. Apolinario Mabini
2. Artemio Ricarte
3. At ilang mga Irreconcilable
Bunga nito ipinatapon sila sa Guam noong Enero 1901.
Partido Nacionalista – itinatag ng mga Pilipino sa pamumuno ni Pascual Poblete noong
1901.
Layunin nito maibalik ang kalayaan ng Pilipinas.
Mga miyembro nito
1. Cecilio Apostol
2. Macario Sakay
3. Santiago Alvarez
Flag Law- pagbabawal ng mga amerikano ng paglalaladlad ng watawat ng Pilipinas.
Ito ay upang masupil ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Nagkaroon ng pagpapataw ng parusa na maaring kamatayan o pagkabilanggo.
Namundok ang mga Pilipino at nagging gerilya upang ipagpatuloy ang
pakikiaglaban sa mga amerikano.
Ipinagpatuloy ni Sakay ang gawaing panggerilya hanggang noong 1907
Sumuko lamang siya dahil sa pangakong amnestiya subalit siya ay binitay sahalip
na patawarin.
Balangiga Massacre
Setyembre 8, 1901- patuloy na lumaban ang mga rebolusyonariong Pilipino ang
pananakop ng mga amerikano sa pamumuno ni Heneral Vicente
4
Sinuportahan ito ng bayan ng Balangiga.
Naghiganti ang mga amerikano at ipinapatay ang mga taga Samar pati mga
lalaking may 10 taong gulang na lumikha ng eskandalo sa Amerika.
Bumagsak sa mga kamay ng amerikano ang Leyte, Samar at Negros.
Oktubre 1901 hanggang Enero 1902 – mahigit 15,000 mga mamamayan sa
samara ng walang awang pinatay at marami ding kababaihan ang nilapastangan ng
mga amerikano.
Paglaban ng mga manunulat
Sumulat ng iba’g ibang uri ng panitikan ang mga Pilipino upang maipahayag ang
kanilang damdamin sa paglaya at pagtutol sa patakaran at pamamalakad ng mga
amerikano.
Gumamit sila ng talinhaga, nagdaos ng sarswela at duladulaan.
Ilang manunulat ang ibinilanggo
Rafael Palma- itinatag niya noong 1901 ang pahayagang “Muling Pagsilang”
Ito ay bumabatikos sa katiwaliang ginagawa ng mga amerikano noon
Dahil dito isinakdal siya at nahatulang mabilanggo.
Resulta ng Labanan
1. Masmagastos at masmarami ang namatay sa digmaang Pilipino-Amerikano kaysa
digmaaang Pilipino-Espanyol
2. Nasa humigt kumulang na 126,000 na sundalo ang lumaban sa digmaan
3. 4,234 na amerikano ang namatay at 16,000 sundalong Pilipino ang nagging gerilya
4. Tinatayang sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 ang namatay sa gutom at sakit.
5. Genocide ang tawag sa ginawa ng mga amerikano sa mga Pilipino sa walang
awang pagpatay sa mga sibilyan, kababaihan at batang Pilipino.
6. Hindi patas ang labanang Pilipino- amerikano dahil sa mas makabago at malakas
ang mga armas ng mga amerikano.
7. Nagkaroon ng 2,800 sagupaan ang dalawang panig.
8. Mahigit 20,000 mga sundalong Pilipino ang namatay
9. 200,000 sibilyan ang namatay
10. 4,390 na sundalo ang namatay
11. $600,000,000 anim na raang milyong dolyar ang ginasta.
5
“During the Philippine –American war of 1899-1902 american soldiers, sailors and
marines committed genocides for 200,000 Philippine men, women and children”
Ang Kongreso ng Malolos
Sa pagnanais ng mga pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng
kongreso na binubuo ng mga kinatawang halal ng mga lalawigan
kung kaya't noong ika-15 ng Setyembre1898, pinasinayaan ang Kongreso ng
Malolos.
Ang mga kinatawan ay binubuo ng 85 na mga mamamayang nabibilang sa may
mataas na pinag-aralan, matalino, at mayroong kaya sa buhay.
Sila ay nagpulong sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.
Trinidad Tecson
Siya ay 47 taong gulang ng lihim na sumapi sa katipunan
Nag-iisang babaing susmpa at naghiwa ng kanyang bisig at lumagda sa sariling
dugo.
Kasama ang ilang mga katipunero, pinangunahan ang pangongolekta ng armas sa
Caloocan, san Isidro at Nueva Ecija.
Nakipaglaban sa mga Espanyol sa pamumuno ni lsidro Torres sa
Rafael, Bulacan
Sa pamumuno ni Heneral Mariano Llanera, kasama ring lumaban sa San Miguel,
Kupang, Biak-na-Bato, San ldelfonso, Bulacan, at Nueva Ecija
Nakipaglaban sa mga Amerikano kasama si Heneral Gregorio del Pilar
Tinamaan ng bala sa hita at nasugatan sa labanan sa San Miguel at Zaragosa
ngunit muli sa pakikipaglaban matapos gumaling
Naging commissary of War noong maitatag ang Republika ng Malolos
Pinarangalan Heneral Aguinaldo bilang "lna ng Biak-na-Bato"
Pagkatapos ng digmaan, nang itatag ang Philippine Red Cross, kinilala ng mga
Amerikano bilang "lna ng Red Cross" sa Pilipinas dahil sa kanyang pag-aaruga sa
sugalang sundalong Pilipino at mga nasalanta ng digmaan
Melchora Aquino
Tinaguriang"Tandang Sora" dahil 84 taong,gulang na noong sumiklab ang
himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio
Kinalinga at kinupkop ang mga Katipunero
6
Tinaguriang "lna ng Katipunan"
Hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas ng mga espanyol
Bumalik sa Pilipinas noong Pebrero 26, 1903
Inalok na mabigyan ng pensyon ng mga Amerikano ngunit ito ay kanyang
tinanggihan
Palihim na bumalik sa Pilipinas at nagbalak na buoing muli ang hukbo ng
rebolusyon ngunit isinuplong siya ng kanyang kapwa kaya't pinaratangang isang
subersibo at nakulong sa bilibid ng anim na buwan
Tumangging manumpa sa bandilang Amerikano kung kaya’t ipinatapon sa
Hongkong
Bumalik hg Pilipinas sa panahon ng administrasyon ni Jose P. Laurel
7
lpinatapon sa Guam dahil tumangging manumpa at kilalaninang kapangyarihan ng
mga Amerikano
Gregorio Del Pilar
Pinakabatang heneral sa gulang na 24
Lumaban sa himagsikan laban sa mga Espanyol at sa digmaan sa mga Amerikano
Ipinagtanggol ang Pasong Tirad kasama ang 60 kawal upang Hadlangan ng mga
tumutugis kay Aguinaldo na mga Amerikano
Tinaguriang - "Bayani ng Pasong Tirad"
Heneral Miguel Manlvar
Lumaban sa himagsikan
Naging pinunong heneral ng batangas
Lumaban sa digmaang Pilipino- Amerikano
Macario Sakay
Lumaban sa himagsikan laban sa mga Espanyol at sa digmaan Amerikano
Ipinagpatuloy ang paglaban sa mga Amerikano kahit nahuli na si Heneral
Aguinaldo
Itinatag ang "Republikang Tagalog" sa bulubundukin ng Sierra Madre
Tinawag na tulisan ng mga Amerikano
Kahuli-hulihang Pilipinong heneral na sumuko dahil dahil pinakuang patatawarin
Sumuko kasama ang kanyang mga tauhan noong Hulyo 14, 1906 Ngunit nilinlang
at pinabitay ng mga Amerikano
Heneral Artemio Ricarte
Lumaban sa himagsikan laban sa mga espanyol
Namuno sap ag-atake sa kampo ng mga espanyol sa San Francisco de Malabon
Ipinatapon sa Guam dahil ayaw kilalanin ang kapangyarihan ng mga amerikano
Heneral Emilio Aguinaldo
Lumaban sa himagsikan laban sa spain at sa digmaan laban sa mga Amerikano
Nahalal bilang panguro ng unang Republika ng pilipinas Noong Abril 19, 1901,
lumagda sa isang pahayag na nagsasabing dapat nang tanggapin ng bayan ang
pamahalaan ng United States
8
Heneral Antonio Luna
Lumaban sa himagsikan laban sa mga Espanyol
Commander-in-chief sa panahon ng pamumuno ni Aguinaldo . lsa sa
pinakamahusay na heneral noon
Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano
Pinatay ng mga sundalong kaalyado ni Aguinaldo noong Hunyo 5, 1899