Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

School Baitang Ikalawa

Teacher Assignatura MTB-MLE logo


Petsa Markahan IKAAPAT

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Natutukoy at nagagamit ang angkop na aspekto ng
pandiwa sa tulong ng salitang pamanahon.

B. Pamantayan sa Pagganap 1. Nakikilala ang mga pandiwa o salitang kilos.


2. Natutukoy at nagagamit ang pandiwang
nagsasaad ng kilos o galaw na ginawa na o
naganap na.
3. Nasasagot ang mga tanong ayon sa kuwento o
tulang binasa.
C. Pinakamahalagang kasanayan sa Natutukoy at nagagamit ang angkop na aspekto ng
pagkatuto (MELC) pandiwa sa tulong ng salitang pamanahon.
(MT2GA-IIIa-c-2.3.2)
II. NILALAMAN pandiwa
III. KAGAMITAN PANTUTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC 314-316
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul sa MTB-MLE Pahina 1-20
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal www.google.com
ng Learning Resource
B. Listahan ng mga kagamitang Module, Powerpoint Presentation, larawan
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
Tumayo ang lahat para sa panalangin.

Jaymark maari mo bang pangunahan mo ang


ating panalangin? Salamat Panginoon sa araw na ipinagkaloob po
ninyo sa amin, patawarin po ninyo kami sa aming
mga kasalanan, sa isip, salita at sa gawa. Ang lahat
ng aming hinihiling sa matamis na pangalan ni
Jesus, Amen.

Magandang Umaga mga bata! Magandang umaga din po ma’am!


Bago umupo ang lahat pulutin muna ang mga
kalat sa ilalim ng inyong upuan at ilagay sa
basurahan.

Maraming salamat, maaari na kayong umupo ng


tuwid. (Uupo ng matuwid ang mga mag-aaral)

Mayroon bang lumiban ngayong umaga? Wala po ma’am!


Magaling! Ako’y natutuwa dahil walang liban
sainyo.

Ngayon mga bata, nagawa ba ninyo ang inyong Opo ma’am!


takdang-aralin?

Kung gayon ay pakipasa ang inyong takdang


(susunod ang mga mag-aaral)
aralin sa unahan ng walang ingay.

Umupo ng maayos at makinig ng mabuti at


tayo’y magsisimula na sa ating aralin. (susunod ang mga mag-aaral)
Magkumustahan muna tayo!

B. BALIK ARAL
Ano ang pangyayari? Ang pangyayari po ay mahalagang elemento
sa isang salaysay. Sa elementong ito umiikot ang
mga kilos ng tauhan. Ang pangyayari ay binubuo
ng suliranin at kalutasan.

Ano ang suliranin? Ito po ang problema sa kwento!


Ano naman ang kalutasan? Ito naman po ang solusyon sa kwento!
.
C. PAGANYAK

Mga bata, ano ang ginagawa ninyo sa umaga


bago kayo pumunta ditto sa ating paaralan? Naliligo po!
Ano pa? Nagsisipilyo at naglalakad po!
Opo!
Tumutulong din ba kayo sa gawaing bahay?
Tama! Dapat tayo ay tumutulong sa mga
magulang natin sa gawaing bahay yong kaya lang
natin.
Ngayon mga bata bago tayo magsimula sa ating
bagong aralin nais ko munang tumayo ang lahat ay
tayo ay kakanta ng isang action song.
“Kung Ikaw ay Masaya” (Kakanta ang mga bata)
Ayon sa kanta, ano daw ang gagawin mo kapag Tumawa, pumalakpak, kumimbot at pumadyak
masaya ka? po!
Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang iyan? Salitang kilos po!
Tama salitang kilos o pandiwa.

D. PRESENTASYON
Mga salitang kilos o pandiwa an gating pag-
aaralan ngayon

E. PAGTALAKAY
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na
nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng isang tao,
bagay o hayop. Ang mga salitang pandiwa ang
siyang nagbibigay buhay sa loob ng isang
pangungusap.
May ipapakita akong larawan ditto, sabihin
ninyo kong ano ang ginagawa ng mga bata na nasa
larawan.
Sa palagay ba ninyo masustansya ang kanyang Kumakain po!
kinakain?
Opo!

Ano ang ginagawa ng bata?


Nagsusulat po!

Ano ang ginagawa ng bata?


Ngayon naman ay makikinig tayo ng kwento! Sumasayaw po!
Gusto ninyo ba mga bata makinig ng kwento?
Ano ang dapat nating gawin kapag nakikinig ng Opo!
kwento?
Makinig, umupo ng maayos, at unawain po ang
Tama! kwento!
“Ang Batang Masipag”
Sa bahay nila ay lagi mo siyang makikitang may
ginagawa nagwawalis at nagdidilig ng halaman,
nagpupunas siya ng alikabok sa silya. Pgkatapos ng
kanyang Gawain ay hindi niya nalilimutang mag-
aral. Nagbabasa siya ng mga kwento, nagsusulat ng
pangalan at kong minsan ay gumuguhit at
nagkukulay. Kay sipag talaga ni Tina. Tuwang-
tuwa tuloy ang kanyang ina’t ama.
Tanong:
1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano-ano ang mga ginagawa ni Tina? Si Tina po!
Nagwawalis, nagdidilig, nagpupupunas,
nagbabasa, nagsusulat, gumuguhit, at nagkukulay
po!
3. Anong uri ng bata si Tina? Masipag po!
Sino ang tumutulong ditto sa gawaing bahay
kay nanay? (Sasagot ang mga bata.)
Ngayon mga bata nais kong tumayo lahat at
isasakilos natin ang ginawa ni Tina.
Handa na ba ang lahat?
Nagwawalis, nagdidilig, nagpupupunas, Opo!
nagbabasa, nagsusulat, gumuguhit, at nagkukulay
(Isasakilos ng mga bata.)
F. PAGLALAPAT
Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain.
Mga pamantayan sa gawaing panggrupo
A. Gumawa ng tahimik
B. Gumawa ng kooperasyon
C. Pakinggan ang ideya ng bawat
grupo

Magkasingkahulugan po!
Unang pangkat

Panuto: Salungguhitan ang mga salitang kilos na Magkasalungat po!


makikita sa tula.
Bantay
nina Irene P. Banuelos at Rhea T. Bejasa
Alaga ko ay si Bantay
Kapag dumarating si Nanay
Buntot niya ay iwinawagayway
Nag-aabang sa pagkaing ibibigay.
Siya ay tumatahol sa harap ng bahay
Ipagtatanggol ka sa mga kaaway
Buhay niya ay handang ialay
Kaibigan siyang tunay.

Ikalawang pangkat:

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga


panadiwa at isakilos ito.

Ikatlong pangkat:
Panuto: Punan ang mga lobo ng usapan ng mga
salitang nagsasaad ng kilos na maaaring gawin ng
isang batang katulad mo.

(Gagawin ng mga bata ang kanilang pangkatang


G. PAGLALAHAT gawain.)
Ano nga ang pandiwa?
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na
nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng isang tao,
bagay o hayop. Ang mga salitang pandiwa ang
siyang nagbibigay buhay sa loob ng isang
Magbigay ng halimbawa ng pandiwa. pangungusap.
(Magbibigay ng halimbawa ang mga bata.)
H. PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang pandiwang ginamit sa


pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagpalipad ng saranggola si Ronron sa parang.


A. parang
B. Ronron
C. Nagpalipad
D. saranggola

2. Ang magkakaibigan ay masayang naglalaro ng


holen
A. holen
B. naglalaro
C. magkakaibigan
D. masaya
3. Si Maricel ay naglilinis ng bakuran tuwing
umaga.
A. Maricel
B. bakuran
C. umaga
D. naglilinis
4. Sabay-sabay na tumugtog ng gitara ang
magkakapatid.
A. gitara
B. sabay-sabay
C. magkakapatid
D. tumugtog
5. Sina Sony at Carlos ay namitas ng bayabas sa
gubat.
A. gubat
B. Sony
C. namitas
D. Carlos

TAKDANG ARALIN

Panuto: magbigay ng limang halimbawa ng


pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.

Prepared by:

Grade II-adviser

Observed by:

PRINCIPAL

You might also like