Q3 Filipino 10 ADM

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 71

10

Filipino
Ikatlong Markahan
Una-Ikawalong Aralin

DO_Q3_Filipino_10_MODULE1-8 i
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Una-Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jherdine B. Navales, Channon Gay A. Perez, Elaine A. Palo,


Rodalyn J. De Vera, Cedrex R. Diolan, Robby V. Dela Vega
Tagasuri ng Nilalaman: Cherry Lou D. Tolentino
Tagasuri ng Wika: Dimpol R. Zuleta
Reviewer: Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator
Management Team:
MELITON P. ZURBANO, Assistant Schools Division Superintendent (OIC-SDS)
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
JEAN A. TROPEL, Division EPS In-Charge of LRMS
ROSARIE R. CARLOS, EPS-Filipino

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii
Magandang araw! Halina’t sabay nating pag-aralan ang mga araling
nakapaloob sa modyul na ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin
ng akda, kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan F10PB-IIIa-80
• Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia F10PN-IIIa-76
• Nabibigyang-puna ang napanood na video clip F10PD-IIIa-74
• Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo F10PS-IIIa-78
• Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika F10WG-
IIIa-71

A. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. “Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan


sa kagubatan.” Anong suliranin ang nangibabaw sa bahagi ng akda?
A. pagtakas sa katotohanan
B. paninirahan sa kalikasan
C. pagtakas sa bayang pinagmulan upang makipagsapalaran
D. pangingibang bayan upang makatagpo ng magandang buhay
2. “Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng
ano mang mga armas ngunit kapag natusok ng karayom ang kaniyang pusod
ay maaari siyang mamatay.” Anong suliranin ng tauhan ang nakapaloob sa
bahagi ng akda?
A. pagiging malakas at makapangyarihan
B. pagkakaroon ng katunggali o kaaway
C. pagtaliwas sa nakasanayang paniniwala ng pamilya
D. pagkakaroon ng kahinaan sa kabila ng taglay na kalakasan
3. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin?
A. panlapi
B. pagsasaling-wika
C. pangangatuwiran
D. pagpapakahulugan
4. Ano ang kahulugan ng pahayag na sleep tight?
A. matulog sa masikip C. matulog nang mahigpit
B. matulog nang mabuti D. matulog nang mababaw
5. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na fall in line?
A. malaglag sa linya C. pumila nang maayos
B. mahulog sa linya D. pumila nang mabilis

1
B. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang LIKE
kung ang pahayag ay wasto at DISLIKE naman kung ito ay mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mitolohiya ng Africa ay may makabuluhang parte sa araw-araw na


pamumuhay samantalang ang mitolohiya naman ng Persia ay mga
tradisyonal na kuwento na tumutukoy sa mga kakaibang nilalang.
2. Kapwa nagtataglay ang mga mitolohiya ng Africa at Persia ng tradisyonal na
istoryang karaniwang tumutukoy sa sinaunang tao o pangyayari.
3. Mas angkop ang pagsasalin ng kahulugan ng salita kaysa sa literal na paraan
ng pagsasalin.
4. Ang pagsasalin ay nakabatay lamang sa estruktura ng salita at hindi sa
kahulugan ng salita.
5. Kailangang isaalang-alang ang kultura ng dalawang kasangkot na wika sa
pagsasalin.

* Pagsusuri sa mga Kaisipang Nakapaloob sa


Mitolohiya
* Pagpapaliwanag sa Pagkakaiba at
Pagkakatulad ng Mitolohiya
Aralin * Pabibigay-puna sa Napanood na Video Clip
1 * Pangangatwiran sa Sariling Reaksyon
Tungkol sa Akdang Binasa
* Paggamit ng Angkop na mga Pamantayan sa
Pagsasaling-Wika

Panuto: Balikan natin ang iyong natutuhan sa ikalawang


markahan. Hanapin sa loob ng crossword puzzle ang mga uri ng panitikang
tinalakay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

D I M I T O L O H I Y A
A D A N L I N B L H A B
G G R T A Y U I S B N G
L T A L U M P A T I S N
I K E O O S D H N T T B
O P H A M I O G K L I D
K Y I L P A W J H K K U
T N O B E L A K A S A L
E L P I F T E A B M N A

2
Panuto: Basahin ang isang mito mula sa bansang Kenya. Maaari mo rin itong
mapanood sa link na https://www.youtube.com/watch?v=pfoOhUhauuk.
Matapos ito, sagutan ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni: Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng


Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante,
na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan
ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang
kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana
sa Tana Delta at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa


kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang
namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na
pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng
kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo
kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri.
Habang ang parirala (refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan,
bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang
makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa
Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang
mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa
paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at
muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa
matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala).
Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si
Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay
nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.

Gabay na tanong:
1. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan sa binasang mito? Ano ang
kaniyang naging kilos at gawa mula sa suliraning ito?
2. Anong paniniwala o kultura ang inilalahad sa napanood o binasang mito?
3. Makatuwiran ba ang naging desisyon ng pangunahing tauhan?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.
4. Sa iyong palagay, naging maayos ba ang pagsasalin ng akda sa wikang
Filipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3
DEBATE O PAKIKIPAGTALO
Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may
estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o
indibidwal na may magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa;
ang dalawang panig ay: ang proposisyon o sumasang-ayon at ang oposisyon o
sumasalungat. Mayroon itong isang moderator na magiging tagapamagitan upang
matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang
tuntunin nito. Pagkatapos nito, may mga huradong magpapasiya kung kaninong
panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay
dapat walang kinikilingan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang
magkakalayo sa isa’t isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang
hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t isa.

Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa


pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o
pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng
pagpapabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang
matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila.
Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang
makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento.

Ang sumusunod ay mga karaniwang pinagbabatayan ng mga hurado sa pagiging


mapanghikayat kaya’t ang mga ito ang kailangang isaalang-alang ng isang debater:

Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater


patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang
paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon upang
mapaghandaan ang sandaling ito. Kasama sa paghahanda ang malawak na
pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa paksa
upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.

Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang


salitang gagamitin at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na
kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting
ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili at iba pa.

Estratehiya – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga


argumento at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon.
Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng
magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang
magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay
susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.

- Mula sa: https://www.academia.edu/23211509/PAGDEDEBATE

4
PAGSASALING-WIKA
- ang paglilipat sa pinagsasalinang wika sa pinakamalapit na katumbas na diwa
at estilong nasa wikang isinalin.
- isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.

Simulain o Gabay sa Pagsasaling-wika

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng


isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa orihinal na
diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang
wikang kasama sa pagsasalin.

Iba pang Uri ng Pagsasaling-wika


Pagtutumbas - Inihahanap ng tagapagsalin ng katapat na salita/pahayag sa
isinasaling-wika.
Panghihiram - Pagkuha ng katumbas na salita mula sa wikang Espanyol at
pagbaybay nito nang ayon sa paraan ng pagbabaybay sa wikang Filipino.
Pagsasaling Idyomatiko - Ang ekspresyong idyomatiko ay hindi dapat isalin
na literal; higit na mabuting ihanap ito ng katapat na idyoma sa wikang
isinasalin.
Adapsiyon – Ang paggamit o pagtanggap ng mga salitang isasalin nang tuwiran
at walang pagbabago sa baybay kundi man bilang kakabit ng mga katutubong
panlapi.
Pagsasaling Pampanitikan – Ang pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa
panibagong kalagayang pampanitikan na nagtataglay din ng mga katangian,
estilo at himig ng wikang pinagsasalinan.

Gawain 1: Basahin ang mga salitang Ingles sa bawat bilang. Piliin sa loob ng
panaklong ang angkop na salin sa wikang Filipino. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Effective (Epektibo; Mabisa)


2. Forehead (Noo; Apat na Ulo)
3. Community (Komunidad; Pamayanan)
4. Literature (Panitikan; Literatura)
5. Apple of my eye (Paborito; Masanas sa mata)

5
Gawain 2: Suriin ang nilalaman ng mitolohiyang Liongo. Gamitin ang grapikong
pantulong sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kilos at Gawi ni Liongo Desisyon na isinagawa ni Liongo

__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

Gawain 3: Panoorin at suriin ang video clip na “Maaaring Lumipad ang Tao”. Sagutin
ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Maaaring Lumipad ang Tao”


https://www.youtube.com/watch?v=u6WnjqnETTQ

1. Anong mensahe ang nais iparating ng napanood na mito?


2. Ilahad ang kulturang masasalamin sa napanood na video clip.
3. Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiya ng Africa at
mitolohiyang napanood.

Gawain 4: Paghambingin ang dalawang mitolohiyang tinalakay sa pamamagitan ng


pagpupuno ng talahanayan. Pagkatapos, ipaliwanag sa isang
makabuluhang pangungusap ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
ito. Gawin ito sa sagutang papel.

Elemento ng Mito Liongo Maaaring Lumipad ang Tao


A. Tauhan
B. Tagpuan
C. Tema
D. Banghay
Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mito.

Panuto: Itala ang iyong natutuhan sa modyul na ito gamit ang grapikong pantulong.
Gawin ito sa sagutang papel.

6
Natutuhan ko sa
modyul na ito…

Malinaw na sa akin Natuklasan ko sa


sa modyul na ito… modyul na ito…

A. Panuto: Lagyan ng Tsek ( / ) kung ang salita na nasa loob ng bilog ay angkop na
salin ng salitang nasa gitnang kahon at Ekis ( X ) naman kung hindi.
Kopyahin at sagutan ang grapikong pantulong sa papel.

___ 1. Wealth

___ 2. Rich KAHIRAPAN ___ 3. Poverty

___ 4. Difficulty

___ 1. Desire

___ 2. Aim ADHIKA ___ 3. Goal

___ 4. Objective
B. Panuto: Lagyan ng ang mas mainam na salin ng pahayag at naman ang
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Carry on the shoulder
______ Dalahin sa balikat
______ Pasanin
2. Tell the children to return to their seats.
______ Sabihin sa mga bata na magbalik na sila sa kani-kanilang upuan.
______ Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan.
3. The war between Iran and Iraq
______ Ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq
______ Ang digmaan ng Iran at Iraq
4. The guest arrived when the program was already over.
______ Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos na ang programa.
______ Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin.

7
A. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng pariralang sing soundly?


A. umawit nang malambot C. umawit nang mahina
B. kumanta nang malambot D. umawit nang malakas
2. Ano ang kahulugan ng pahayag na take a bath?
A. maligo C. kumuha ng paliguan
B. kunin ang banyo D. kunin ang pampaligo
3. Anong gawain ang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang
sinusundan at isinasagawa ng dalawang grupo o indibidwal na may
magkasalungat na panig?
A. debate C. sanaysay
B. maikling kuwento D. talumpati
4. Alin ang hindi kabilang sa pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging
mapanghikayat na kailangang isaalang-alang ng isang debater?
A. estilo C. nilalaman
B. istratehiya D. tindig
5. Anong uri ng pagsasaling-wika ang gumagamit ng mga salitang isasalin nang
tuwiran at walang pagbabago sa baybay kundi man bilang kakabit ng mga
katutubong panlapi?
A. adapsiyon
B. pagtutumbas
C. panghihiram
D. pagsasaling idyomatiko

B. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang YEHEY
kung ang pahayag ay sumasalamin sa kultura ng Africa at WALEY
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Maraming mga sayaw at kanta ang isinasagawa pa sa kasalukuyan dahil sa


tinatawag nilang oral tradition.
2. Karamihan ng tao ay may matibay na paniniwala sa isang Kataas-taasang
Maykapal na “walang katulad” at “kaniyang ganap na kontrolado ang
uniberso” pero may daan-daang pangalan at mga titulo na ibinibigay sa isa na
itinuturing na kataas-taasan.
3. Simula ng rebolusyon noong 1979, ang mga kababaihan ay mayroon ng mga
oportunidad sa iba't ibang larangan. Naging malaking bahagi ng rebolusyong
ito ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga demonstrasyon upang
tuluyang iwaksi ang monarkiya.
4. Ang pagsusuot ng maskara ay nagsisimbolismo ng kaluluwa na aangkinin ang
sasayaw na magsusuot ng maskara.
5. Ang mga tao rito ay may kaugaliang tinatawag na "taarof" na
nangangahulugang pagtanggi.

8
Panuto: Pumili ng isang panig mula sa paksa na nakatala sa ibaba. Pangatuwiranan
ang iyong sagot sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaisipan o patunay
na susuporta sa iyong sagot. Ilahad ang iyong sagot sa maayos na
pamamaraan. Isulat ang sagot sa papel.

Dapat ba o hindi dapat galawin o sirain ang


kalikasan upang magbigay-daan sa pag-unlad o
sa mga proyektong makabubuti sa buhay ng
mga mamamayan?

Panig na iyong pinili: ____________________________________________________________


Mga katuwiran sa piniling panig:
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________

Kumusta ka? Matiwasay mo bang natapos ang nakaraang modyul na iyong


sinagutan? Naging kasiya-siya ba ang iyong karanasan? Binabati kita!
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang isang anekdota mula sa Persia na
kakikitaan ng mga kasabihan, mga gawi at pag-uugali. Masusuri din sa
pamamagitan nito ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga
naiambag ng mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at paniniwala. Kasabay din
nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay.
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, aasahan mong matatamo ang sumusunod
na kasanayan:
• Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi F10PT-IIIb-
77
• Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota F10PN-
IIIb-77
• Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo
ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa F10PB-IIIb-81
• Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube
F10PD-IIIb-75
• Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orihinal na anekdota F10PU-IIIb-79
• Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota F10PU-
IIIb-79

9
A. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa bawat
aytem.
1. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”?
A. pagkadismaya B. pagkalito C. pagkasiya D. pagkatuwa
2. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang
sultan, kaya winika ng sultan, “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng sultan?
A. dalamhati C. lungkot
B. galit D. tuwa
3. Ang pamamanata ay nangangahulugang pagpapakita ng _________?
A. debosyon
B. paniniwala sa Diyos
C. katapatan sa sultan
D. matinding pagdarasal
4. Kapag inulit ang unang pantig ng salitang “sabi” at nilagyan ng panlaping -in
ang salitang-ugat, ano ang mabubuong salita mula rito?
A. sasabihin C. sinasabi
B. sinabi D. sinasabihan
5. Ano ang kahulugan ng salitang, “pagsumikapan”? Ito ay nagmula sa
salitang-ugat na “sikap”, na kinabitan ng mga panlaping pag-, -um-, at -an.
A. magsikap upang magtagumpay
B. maglaan ng higit na oras upang gumanda
C. magtrabaho nang magtrabaho habang bata pa
D. makipagtulungan sa kapwa upang makamit ang pangarap

C. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap sa pamamagitan ng pagpili sa mga nilapiang salitang-
ugat na nasa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
6. Napakarami kong papeles na inasikaso kaya ako nahuli ng dating.
7. Baka naman gusto mo akong ireto sa maganda mong pinsan?
8. Wala ka talagang kasawa-sawa sa nakapapagod na galaan.
9. Kami po ay tutuloy na. Salamat po sa pagpapaunlak sa amin.
10. Mahaba ang pasikot-sikot na daang binagtas namin papunta rito.

LAKARAN NILAKAD NILAKARAN


ILAKAD PAGLALAKAD LALAKAD

10
* Pagbibigay Kahulugan sa Salita Batay sa
Ginamit na Panlapi
* Paghihinuha sa Damdamin ng Sumulat ng
Anekdota
Aralin * Pagsusuri sa Binasang Anekdota
2 * Pagbibigay ng Sariling Opinyon sa
Anekdotang Napanood
* Paggamit ng Kahusayang Gramatikal,
Diskorsal at Strategic sa Pagsulat
* Pagsulat ng Orihinal na Komik Strip

Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng komikstrip gamit ang dayagram. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Panuto: Basahin ang isang anekdota sa buhay ni Mullah Nassreddin, isang pilosopong
Persyano. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang
papel ang mga sagot.
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinaayos ni Robby V. Dela Vega
Si Mullah Nasreddin Hodja ay ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng
katatawanan sa panitikang Persyano. Ang “Mullah” ay isang titulo na ibinibigay sa
matatalinong Muslim. Lagi siyang naaalala ng mga Persyano kapag sining ng
pagkukuwento ang usapan. Libo-libong akda ng katatawanan ang kanyang naiambag
sa kanilang panitikan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil
sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng
mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpahanggang ngayon.
Minsa’y naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati
sa harap ng maraming tao. Sa kanyang pagsisimula, siya ay nagtanong, “Alam ba ninyo
ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig, “Hindi”. Kaya’t kaniyang sinabi,

11
“Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”.
Matapos nito, agad siyang umalis. Napahiya ang mga tao.
Muli siyang hinilingang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang
mga tao ng katulad na katanungan, sumagot sila ng “Oo”. Tumugon naman si Mullah
Nassreddin, “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras”. Pagkatapos nito’y muli siyang umalis. Nalito at nataranta ang
mga tao sa kanyang naging sagot.
Kinabukasan, muling inanyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng
talumpati. Muli siyang nagtanong, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sa
pagkakataong ito, handa na ang mga tao sa kanilang isasagot. Ang kalahati ay nagsabi
ng “hindi” at ang kalahati ay sumagot ng “oo”. Nagsalita si Mullah Nassreddin, “Alam
naman pala ng kalahati ang aking sasabihin. Kung gayon ay kayo na ang magsasabi sa
kalahating hindi nakaaalam”. Muli, siya ay lumisan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang anekdota?
2. Paano mo ilalarawan si Mullah Nassreddin batay sa anekdota?
3. Anong katangian ng mga nakatira sa Persia ang napalutang sa anekdota?
Ipaliwanag.
4. Sa iyong pagbabasa sa akda, ano ang damdaming namayani sa akda sa
paraan ng pakakasulat nito? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay, ano ang motibo ng awtor sa pagsulat niya ng anekdota
tungkol kay Nassreddin?
6. Ano ang salitang-ugat ng salitang may diin sa teksto? Iba ba ang kahulugan
nito sa salitang ginamit sa teksto? Ipaliwanag.

ANEKDOTA
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

ELEMENTO NG ANEKDOTA
1. Tauhan - Kadalasan, ang pangunahing tauhan ay isang kilalang tao. Siya’y
maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang
gawain na nagpatanyag sa kanya.
2. Tagpuan - Kalimitang nagaganap lamang sa isang tiyak na lugar ang
panahon.
3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng
suliranin sa kuwento na siyang iikutan ng daloy ng banghay na dapat
magkaroon ng kalutasan sa pagwawakas.
4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang
pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay-
aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang
panimula, nilalaman at wakas ng isang anekdota.
5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban sa
kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa
nilalaman ng banghay.
6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang
kasukdulan. Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga

12
mambabasa ang magiging wakas ng kuwento. Ito’y nakapaloob din sa
banghay.
7. Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa problema ng
pangunahing tauhan. Katulad ng pabula, sa wakas lamang nalalantad ang
aral o kaisipan ng anekdota. Ang wakas ng anekdota ay kadalasang
nagtatapos sa isang punchline ng pangunahing tauhan.
8. Aral, Mensahe at Kaisipan - Mga kakintalang maiiwan sa mambabasa
matapos basahin ang anekdota.

Narito ang ilang tips para ka makasulat ng sarili mong anekdota:


1. Isiping ang pagsusulat ay isang libangan.
2. Pumili ng mga nakatatawang pangyayari sa buhay.
3. Gumawa ng balangkas.
4. Simulan sa isang makatawag-pansing panimula.
5. Ipahayag ang suliranin sa pangalawang talata.
6. Ilahad sa nilalaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Sa
bahaging ito nakapaloob ang tunggalian, katawa-tawang pangyayari at
kasukdulan.
7. Wakasan ang kuwento sa maikling paraan. Maaaring ipaloob sa wakas ng
kuwento ang aral/kaisipan/mensahe na nais mong ipahatid sa mambabasa.
8. Pumili ng maikli at makatawag-pansing pamagat na angkop sa kuwento
matapos isulat ang anekdota.

KASANAYANG KOMUNIKATIBO
Sa pagsulat ng anekdota o iba pang akda, mahalagang isaalang-alang ang
sumusunod na kasanayang komunikatibo upang maging malinaw at mahusay ang
paglalahad sa teksto:
Gramatikal- ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning panggramatika.
Mahalagang batid niya ang tuntuning panggramatika dahil magagamit ang mga ito
sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at
maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung
ano-anong mga salita ang angkop at kung kailan sila nagagamit nang tama sa
pagsasalita o sa pakikipag-usap.
Diskorsal- ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang
binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang
maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito,
binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangungusap o pahayag upang
makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinuturo ng paraang
diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala at pangugusap ay
mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan,
sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo.
Strategic- ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi
berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan
o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit
ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat
tulad ng kumpas ng kamay, tindig at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang
tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay
gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay
o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala
rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o
pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar.

13
Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano malalaman kung hindi mo
pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang
gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo upang maayos ito.
Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi mabibigyan
ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa
isang bagay.

PAGLALAPI
Ang panlapi ay isang morpema o pantig na ikinakabit sa salitang-ugat upang
makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita. Sa pagdaragdag ng panlapi sa
isang salita maaaring mabago ang kayarian at kahulugan nito.

1. Panlaping makangalan- ikinakabit ang mga ito sa salitang-ugat upang


maging pangngalan.
Halimbawa: -an, -han, -in, -hin, ka – an, mag-, tag-, taga-, at -an/han.
2. Panlaping makadiwa- ikinakabit ang mga ito sa salitang-ugat upang maging
pandiwa.
Halimbawa: um-, ma-, i-, mag-, ipa-, -um-, -in-, -in, -hin, -an, at -han.
3. Panlaping makauri - ikinakabit sa salitang-ugat upang magbigay-katangian
sa pangngalan at panghalip.
Halimbawa: ma-, maka-, mala-, mapag-, mapang-, mapan-, mapam-, pala-,
pang-, pan-, pam-, -an, -han, -in-, -in, -hin, ma-in, at ma-hin.

Gawain 1: Suriin ang kahulugan ng sumusunod na salita mula sa anekdotang


“Mullah Nassreddin” ayon sa pagkakagamit ng mga panlapi. Isulat sa
talahanayan ang mga hinihinging impormasyon. Gawin sa sagutang
papel.

SALITANG- BAGONG
KAHULUGAN SALITA PANLAPI
UGAT KAHULUGAN
KATATAWANAN
NAGPASALIN-
SALIN
NAPAHIYA
HINILINGAN
TINAGURIAN

Gawain 2: Pakinggan ang anekdotang “Ang Mongheng Mohametano sa Kanyang Pag-


iisa” sa website na https://www.youtube.com/watch?v=KC4Z_ItNn8c.
Pumili ng dalawang pahayag at ibigay ang mahihinuhang damdamin ng
sumulat nito. Kopyahin ang talahanayan at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

PAHAYAG DAMDAMIN

14
Gawain 3: Suriin ang dalawang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan,
tagpuan, motibo ng awtor at paraan ng pagsulat. Kopyahin ang
grapikong pantulong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawain 4: Muling balikan ang napanood anekdotang “Ang Mongheng Mohametano


sa Kanyang Pag-iisa”. Ibigay ang iyong saloobin sa mga kasunod
sitwasyong hango rito. Isulat ang iyong opinyon sa sagutang papel.

1. Habang nagninilay, hindi nakapagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano


habang dumaan ang sultan.
___________________________________________________________________________
2. Inakusahan ng Sultan ang Mongheng Mohametano na tulad siya ng hayop
na hindi nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.
___________________________________________________________________________
3. Sinabihan ng vizier o ministro ang Mongheng Mahametano na hindi niya
binigyan ng kaukulang paggalang ang sultan.
___________________________________________________________________________
4. Sinabi ng monghe na kung gusto ng sultan ng paggalang ay mauna muna
itong magbigay-galang.
___________________________________________________________________________
5. Ayon sa monghe, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang
Sultan.
___________________________________________________________________________

Panuto: Dugtungan mo ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan


ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Natutuhan ko sa modyul na ito na ang anekdota bilang akdang


pampanitikan ay _________________________________________________________.
2. Sa araling panggramatika, ang mga panlapi ay ginagamit upang
__________________________________________________________________________.

15
PANGWAKAS NA GAWAIN
Panuto: Lumikha ng isang anekdota mula sa sariling karanasan o karanasan ng
isang malapit sa iyo gamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at
strategic sa pagsulat. Gamiting gabay ang rubrik para sa pagbubuo ng
pangwakas na gawain. Gawin ito sa sagutang papel.

RUBRIK SA PAGBUO NG SARILING ANEKDOTA


3
2
4 Naisakatuparan 1
Naisakatuparan
Pamantayan Naging mahusay
at konsistent
ngunit may mga
minimal na
ngunit mas lamang
Hindi
naisakatuparan
ang pagkakamali
pagkakamali

Malinaw na nailahad ang


paksa ng akda
Nagamit ang kahusayan sa
gramatikal, diskorsal at
strategic na pagsulat sa
paglikha ng akda
Malinaw ang daloy ng
paglalahad sa mga detalye ng
akda
Kakikitaan ng mga elementong
pampanitikan ang akda
Naging kawili-wili at may
hikayat na basahin ang akda

A. Panuto: Punan ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng tamang


sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa pagsulat ng anekdota, ang unang dapat pagtuunan ng pansin ng
manunulat ay ang pagpili sa taong __________.
A. kilala C. maimpluwensiya
B. hindi kilala D. nasa hustong edad
2. Magagamit sa pagsusulat ang _________________ sa mga anekdota.
A. alamat C. pabula
B. kuwentong-bayan D. talambuhay
3. Ang paksa ng susulating anekdota ay dapat nakatuon sa _________.
A. suliranin ng tauhan C. nakawiwiling pangyayari
B. malungkot na wakas D. makatawag-pansing simula
4. Kung susulat ng panimula ng anekdota, ito’y dapat na _________.
A. maikli C. pasalaysay
B. patanong D. nasa unang panauhan
5. Sa pagsulat ng sariling anekdota, dapat itong maglantad ng _________.
A. kahinaan C. kapalaran
B. kalakasan D. katotohanan

16
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang damdaming nangingibabaw sa Mongheng Mohametano nang
kaniyang ipahayag ang ganito, “Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para
sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan
para paglingkuran ang sultan”?
A. kalungkutan B. karamdaman C. kasiyahan D. katapangan
2. “Bakit hindi mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”, tanong ng vizier sa
Mongheng Mohametano. Ano ang damdaming nakapaloob sa pahayag?
A. nagdadalamhati sapagkat matatanggal na siya bilang ministro
B. natutuwa dahil mayroong naglakas ng loob na sumuway sa sultan
C. nagdududa sapagkat tila mayroong kakaiba sa Mongheng Mohametano
D. nababahala sapagkat nagalit ang sultan sa ikinilos ng Mongheng
Mohametano
3. Paulit-ulit na nililisan ni Mullah Nassreddin ang mga tao ngunit paulit-ulit din
siyang iniimbitahan upang mapakinggan ang kaniyang talumpati. Ito ay
nagpapahiwatig na ang mga tao ay ________________.
A. tunay na palaban
B. may taglay na tikas at tapang
C. hindi napapagod mapahiya nang paulit-ulit
D. interesado sa karunugang ibabahagi sa kanila
4. Ano ang kahulugan ng salitang “ikinabahala” na mula sa salitang-ugat na
“bahala”?
A. ipinag-alala C. nag-aalala
B. mag-aalala D. nag-alala
5. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa
harap ng maraming tao. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. naanyayahan C. nabilinan
B. naatasan D. napagpilian

Gamit ang kuwento mula sa naisulat na sariling kathang anekdota, bumuo ka ng


isang komik istrip gamit ang website na www.storyboardthat.com. Gamiting gabay
ang sumusunod:
1. Ang komik strip ay binubuo lamang ng anim na story frame.
2. Ang daloy ng kuwento ay magkakasunod mula sa itaas at pababa, kaliwa
pakanan.
3. Gawing payak ang salitaan ngunit hindi naman nalalayo sa orihinal na
teksto.
4. Gawing masining ang komiks sa pamamagitan ng pagkukulay.

17
RUBRIK SA PAGBUO NG KOMIK STRIP
5 4 3 2 May
Pamantayan
Napakahusay Mahusay Katamtaman kakulangan
Nilalaman
Organisasyon ng mga
frames
Disenyo
Nakahikayat sa
mambabasa

Ang modyul na ito ay inihanda upang masubok ang iyong kaalaman sa


panulaan at sa pagtatapos nito, ikaw ay inaasahang:
• Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan (F10PN-IIIc-
78);
• Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82); at
• Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
(F10PT-IIIc-78).

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. “Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta,
mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata.”
Anong damdamin ang mahihinuha mula sa pahayag?
A. pagdurusa C. pagkamuhi
B. paghanga D. pagmamahal
2. “Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin,
na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.”
Ang kaniyang anak ay _______.
A. marangal C. magiging mandirigma
B. mahina’t sakitin D. malakas kahit na siya’y maliit
3. “At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.”
Ano ang nais ipahayag ng taludtod na nabanggit?
A. Nais niyang magkaapo ng mandirigma.
B. Nais niyang mamuno ang apo niya sa kanilang tribo.
C. Nais niyang alalahanin ang kadakilaan ng kaniyang asawa.
D. Matatandaan ang kadakilaan ng tinutukoy hanggang sa kaniyang mga
apo.
4. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas
ng damdamin?
A. nababalisa C. natatakot

18
B. nagigimbal D. natitigatig
5. Alin sa sumusunod na salitang may salungguhit ang nagpapakita ng
pinakamasidhi o pinakamatinding damdamin?
A. Namuhi ako nang makaharap ang taong nagnakaw ng aking mga
alahas.
B. Poot ang naramdaman niya sa kaniyang kaibigan nang siraan siya nito
sa iba.
C. Labis siyang nagngitngit nang makita sa korte ang pumaslang sa
kaniyang ama.
D. Nagalit si Jessa sa kaniyang kapatid subalit agad din itong nawala dahil
nanaig ang pagmamahal niya.

* Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa Tula


* Pagbibigay Kahulugan sa Iba’t Ibang
Aralin Simbolismo at Matatalinghagang Pahayag sa
3 Tula
* Pag-aantas sa mga Salita Ayon sa
Damdaming Ipinahahayag

Balikan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong komponent o sangkap ng kasanayang


komunikatibo ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Mahalaga ang mga angkop na tuntuning gramatika sa pakikipagtalastasan.


2. Dapat na mabatid ang mensahe sa pagbibigay at pagtatanggap ng
interpretasyon.
3. Nabibigyang kakayahan ang berbal at hindi berbal sa pakikipagkomunikasyon.
4. Angkop sa sitwasyon at kontekstong sosyal ang mga salitang ginagamit.
5. Ang paggamit ng senyas at kumpas ay nakatutulong upang maipahatid ang
nais sabihin.

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutin ang mga


Katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


(A Song of a Mother to Her Firstborn)
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

19
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.’
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.

Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.


At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.

20
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
ako’y wala nang mahihiling.

Gabay na tanong:

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga
ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Isa-isahin ang mga salitang nagsasaad ng damdamin.

Ang tula ay isang akdang pampanitikang binubuo ng mga saknong. Bawat


saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay
nahahati sa mga pantig.

Ang kasiningan ng isang tula ay makikita sa paggamit ng mga salitang


ginamit ng may-akda. Tinataglay din nito ang mga elemento ng tula na maingat
na pinili at ginamit sa pagsulat nito.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad


na kahulugan. Sinasalamin ang paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain
ng anomang wika.
Halimbawa:
butas ang bulsa - walang pera
ilaw ng tahanan - ina
bahag ang buntot - duwag
Ang simbolismo ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
silid- aklatan- karunungan
gabi- kawalan ng pag-asa

21
pusang-itim - malas

Ang pagkiklino (clining)- ay pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa


tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.

Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihing ikaw ay napopoot kung naiinis ka lamang. Kung
iaantas natin ang sumusunod na salitang magkakatulad ng kahulugan na magkaiba
naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos ng mga ito.

inis → galit → muhi → poot


2. Pansinin ang salitang may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa
tindi o digri ng pagpapahayag.
a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid
b. nasira → nawasak

Gawain 1: Suriin ang napakinggang tulang, “Hele ng Isang Ina sa Kaniyang


Panganay” batay sa kasiningan at bisa nito. Gamit ang tsart, bigyan ng
patunay ang iyong mga kasagutan. Gawin ito sa sagutang papel.

Hele ng Isang Ina sa Kaniyang Panganay


Elemento ng Tula Pagsusuri
Kariktan
Talinghaga
Bisang pandamdamin
Bisang pangkaisipan
Naging mabisa ba ang istilo ng pagkakasulat ng tula? Paano mo mailalapat
sa pang-araw-araw na buhay ang aral na natutuhan mo sa tula?

Gawain 2: Mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”, hanapin ang mga
simbolismong sumasalamin sa ina at sa kaniyang anak. Iguhit sa
hiwalay na papel ang bulaklak at isulat sa mga talulot nito ang mga
simbolismong nakita at ang kahulugan ng bawat isa. Isulat naman sa
mga paso ang matatalinghagang salita at mga kahulugan nito.

Anak
Ina

22
Gawain 3: Iayos ang mga salita sa loob ng kahon at iantas ito batay sa damdaming
ipinahahayag ng bawat isa. Kopyahin ang hagdan sa sagutang papel at
isulat dito ang mga isinaayos na mga salita. Sa ituktok ng hagdan ilagay
ang salitang may pinakamasidhing damdamin.

A. lungkot B. ginugusto
lumbay minamahal
dalamhati sinisinta
pighati hinahangaan
pagdurusa nililiyag

Isaisip

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang mga kaisipang maglalagom
sa iyong natutuhan sa araling tinalakay. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Napagtibay ng araling ito ang kaalaman ko sa panulaan na ang


akdang pampanitikang ito ay
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.
2. Natutuhan ko ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag
sa tula gaya ng
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

3. Tumimo rin sa aking isipan ang aral ng tulang napakinggan na


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

23
Panuto: Iguhit ang simbolong inilahad sa kabuoang pahiwatig ng tulang “Hele ng
Ina sa Kaniyang Panganay”. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Gawin
ito sa sagutang papel.
Mga tanong:
1. Anong simbolismo ang iyong
iginuhit?
2. Bakit ito ang iyong iginuhit?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy sa pagpili at
pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula?
A. kariktan B. simbolismo C. tayutay D. tugma
2. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang pinakapuso ng tula sapagkat ito
ang ipinahihiwatig ng may-akda?
A. kariktan B. simbolismo C. talinghaga D. tugma
3. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?
A. kagalakan B. kaligayahan C. kaluwalhatian D. kasiyahan
4. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng
damdamin?
A. damot B. ganid C. imbot D. sakim
5. Alin sa mga salitang may salungguhit sa sumusunod na pangungusap ang
nagpapakita ng pinakamasidhi o pinakamatinding damdamin sa kahulugan nito?
A. Dinig ko ang hikbi ng bata sa harap nang hindi siya bilhan ng laruang gusto
niya.
B. Ang iyak ng aking ina nang mawala ang aming aso ay tunay na nakalulungkot.
C. Ang nguyngoy ni Janna ay kakikitaan ng sakit sapagkat siya ay nahiwa ng
kutsilyo.
D. Hindi mapigilan ng pamilya ang paghagulgol nang pumanaw ang haligi ng
kanilang tahanan.

6. “Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, ako’y malulunod sa luha sa


paggunita.” Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag na nabanggit?
A. pag-asam B. pagkamuhi C. pagmamahal D. pagmamalasakit
7. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga salitang may malalalim o hindi
lantad na kahulugan?
A. eupemistikong pahayag C. malarawang pahayag
B. idyomatikong pahayag D. matalinghagang pahayag
8. “Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nanahan? Kaninong
mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?” Batay sa pahayag,
saan inihahalintulad ng ina ang kaniyang supling?
A. sa isang poon C. sa isang bisiro
B. sa isang kayamanan D. sa kaniyang ama
9. “Ang poo’y di marapat pagnakawan, sa iyo’y wala siyang masamang
panagimpan. Ika’y pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.” Ano ang

24
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. huwag magnanakaw kahit kanino
B. magpasalamat sa Maykapal sapagkat siya’y pinagpala
C. alagaan ang mga taong nagbibigay ng pagmamalasakit sa kaniya
D. magpasalamat sa ina sapagkat siya ang nagluwal sa kaniya sa mundong
ito
10. Paano nakatutulong ang mga tula sa pagpapanatili ng pagkakakilanlan ng
kultura mula sa lugar na pinanggalingan nito?
A. Naipakikita nito ang imahinasyon ng may-akda.
B. Nasusukat nito ang katalinuhan ng may-akda.
C. Tumutulong itong buksan ang isip ng mga mambabasa.
D. Nagiging midyum ito upang maipakita ang kulturang inihabi sa
pagiging malikhain ng may-akda.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng iba pang tula mula sa ating bansa. Suriin ang tula batay sa
kasiningan at bisa nito, itala ang matatalinghagang salita, simbolismong
makikita rito at bigyang-kahulugan ang bawat isa batay sa iyong
pagkaunawa. Iantas ang mga salita batay sa damdaming isinasaad ng mga
ito. Kopyahin sa sagutang papel ang grapikong pantulong at isulat dito ang
sagot.

Pamagat ng Tula

Bisang Pangkaisipan Bisang Pandamdamin

Mga simbolismo sa tulang


Mga matatalinghagang salita
binasa

Kahulugan ng mga
Kahulugan ng simbolismo
matatalinghagang salita

25
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong mas mabisang pagkatuto sa
mga akdang pampanitikan mula sa Africa at Persia.
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, aasahan mong matatamo ang sumusunod
na kasanayan:
• Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa F10PT-
IIId-e-79
• Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda F10WG-
IIId-e-74
• Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda
sa: sarili, panlipunan at pandaigdig F10PS-IIId-e-81

A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na salita. Tukuyin ang salita na walang
kaugnayan sa pangkat. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. A. emperador B. hari C. presidente D. prinsipe
2. A. halaman B. pampalasa C. panghalo D. rekado
3. A. pagpuri B. pang-aapi C. panghahamak D. pangmamaliit
4. A. digmaan B. karuwagan C. labanan D. tagumpay
5. A. espada B. kabayo C. kariton D. kawal
B. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pangungusap. Hanapin sa ibaba ang
letra ng damdaming nangibabaw dito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Hinamak ni Sassouma ang kalagayan ni Sogolon higit lalo ang
kapansanan ng anak nito.
2. Sinisi ni Sogolon sa kanyang anak na si Mari Djata ang pagdudusta sa
kanya ni Sassouma.
3. Tahimik na lumuha si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa, siyang
sakbibi ng kalungkutan.
4. Hinikayat ng mga ina ang kanilang anak na lalaki na samahan si Djata
sa pangangaso dahil sa ipinakitang kalakasan nito.

5. Nagliliyab ang mga mata ni Sundiata sa poot at nakipaglaban sa mga


kawal ni Soumaoro.
A. matinding galit C. paghanga E. paninisi
B. matinding lungkot D. pang-aalipusta

26
* Paghahanay sa mga Salita Batay sa
Kaugnayan ng mga Ito
Aralin * Pagbibigay Kahulugan sa Damdaming
4 Nangingibabaw sa Akda
* Pagpapahayag sa Damdamin at Saloobin sa
Kahalagahan ng Akda

Balikan

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang mga bisang taglay
ng tulang tinalakay at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Tanging hangad ng ina ang purong kabutihan para sa anak.
2. Galit at pagsisisi ang namayani sa ina para sa kanyang asawa.
3. Nais ng ina na maging katulad ng asawa ang kanyang sanggol.
4. Nakaaantig ang pagmamahal na ipinakita ng ina sa kanyang panganay.
5. Ang ina ay naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang anak.

Panuto: Basahin at unawain ang akda. Pagkatapos ay sagutan sa sagutang papel


ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett


Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Maghan Kon
Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang
mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang
makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay dakilang Alexander, ang
maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya
sapagkat pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang
katiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador. Namatay si
Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma
Berete ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama.
Madalas silang nanibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina kaya’t ipinatapon niya
ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan itong mamuhay ng isang kahig isang
tuka. Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang
Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Isang
araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa
ng kaunting dahon ng baobab. “Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak
na si Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili,
maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na
pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin
ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y
nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa

27
kaibuturan. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ng
kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at
walang pakialam na sumusubo’t tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni
Sogolon ang kaniyang sarili, “Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba
makakalakad? Dahil sa iyong pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding
pangdudusta sa aking buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako
pinarurusahan nang ganito? “Inay, anong problema?” “Manahimik ka, walang
makakaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.” “Ano ba yaon?” “Si Sassouma’y
pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad mong iyan, ang kaniyang
anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang ina.” “Mahusay kung
gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito.,” sabi ni Mari Djata. “Puntahan mo ang
panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal. Inay, dahon
lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko ang buong puno?”
“Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ang
puno’t ugat sa aking paanan sa ating dampa. Nang oras na iyon ay naroroon sa labas
si Balla Fasseke, humangos siya sa pinakamahusay na panday, si Farakouro, upang
magpagawa ng tungkod na bakal. Nang dumating si Balla Fasseke at humiling ng
tungkod na bakal, napabulalas si Farakouro, “Dumatal na ba ang dakilang araw?”
“Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi pa nasaksihan
sa anumang pagkakataon.” Nangusap si Balla Fasseke, anak ni Gnankouman Doua,
“Naririto na ang dakilang araw, Mari Djata. Ika’y kinakausap, Maghan, anak ni
Sogolon. Ang Kristal ng Niger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi
kayang lipulin ang pang-uusig. Tumindig ka, batang leon, umatungal at ihayag sa
palumpong na sa simula ngayon sila ay may panginoon.” Humawak ang dalawang
kamay ni Mari Djata sa mga bakal habang nakaluhod. Sa isang marahas na paghila,
iwinasiwas ni Djata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod sa lupa. Buong
igting niyang itinuwid ang katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot
at nagbagong-anyo ang bakal na hawak, ito’y naging pana! Biglang umawit si Balla
Fasseke. Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siya’y saglit na naumid,
pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak.
Ang tinig ni Balla Fasseke ang namalita sa buong palasyo ng nagaganap at ang lahat
ay namangha sa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon. Sa likuran ng Niani ay
nakatanim ang munting puno ng baobab. Buong lakas na binunot at pinasan ni
Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan ng kanilang kubo,” Inay, naririto ang
ilang dahon ng baobab para sa iyo. Bata pa lamang si Sundiata ay mahusay ng
mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng
kaniyang ama sa ikatlong asawa. Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina
Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak. Habang nagbibinata si
Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaro Kante, isang manggagaway na hari ng
kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakop ng maraming bayan. Gayon pa
man si Sundita’y nakagawa ng paraan na makarating sa Sosso, ang kabiserang
lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang halimaw na pinuno. Maraming
digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata habang patungo sa
Sosso. Siya’y naging popular na lider, maraming kawal ang sumapi sa kaniya. Batid
ni Soumaoro na si Sundiata ay kagaya niyang salamangkero kaya’t ipinasaulo niya
ang kaniyang saloobin sa isa sa alagang kuwago. Ang ginoo nama’y nagsugo rin ng
kuwago kay Soumaoro. Nagsagutan ang dalawang salamangkerong hari. “Hinto
binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang kapayapaan, bumalik ka sa
iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro. “Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling
yakapin ang aking kaharian. Kung hangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-
pinsala sa aking mga kapanalig at umuwi sa Sosso kung saan ika’y hari.” “Ako ang
Hari ng Mali sa pamamagitan ng puwersa ng aking kamao. Ang aking karapatan ay
maluwat nang napatunayan ng aking pananakop.” “Kung gayon, aagawin ko ang
Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamao at tutugisin kita hanggang sa iyong

28
kaharian. “Samakatuwid, kailangan mong mabatid na ako ang mabangis na nami
sa batuhan, walang sinumang makapagpapalayas sa akin sa Mali. “At kailangan mo
ring mabatid, ako’y may katotong pitong panday na dudurog sa batuhan.
Pagkatapos, Nami, ika’y aking lalamunin.” “Ako ang makamandag na kabute na
nagdudulot ng mabangis na pagbuga. “Para sa akin, ako ang mapanagpang na
tandang; ang lason ay walang bisa sa akin.” “Ika’y magtino, munting bata, baka
pagliliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.” “Datapwa’t
ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.
“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak, na matayog sa ibang puno. “At
ako ang nananakal na baging. “Husto na ang pangangatwirang ito. Hindi mo
mapapasakamay ang Mali.” “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang
reyno Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto. “Magaling,
sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalit itimo mong
siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na
kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas. “Ihanda mo ang iyong
sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.” Sa
ibang banda, ang griot na Djatang si Ball Fasseke at Nana Triban, kapatid niyang
babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro ay
nakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan
sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo.
Dahil sa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti.
Ipinangako ni Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana
Triban ang lihim ni Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na
magagapi niya ang kalaban sa pagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.
Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at Manding Bory upang
mahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro. “Kapatid, naihanda na ba iyong pana?”
tanong ni Manding Bory. “Oo, iyong masdan,” ang sagot ni Sundiata.Inalis niya ang
mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito’y tila hindi bakal, waring kahoy,
at ang dulo’y ang matalim na tari ng puting tandang na makatatanggal ng tana ni
Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso. Sa kaniyang
makapangyarihang tinig, sumigaw si Sundiata, “An gwega!” At nagsimulang
sumulong ang bataliyon. Mabilis na sumalakay si Sundiata at ang pagsasagupaan
ay nagsimula nang kumalat. At matuling lumaganap ang digmaan. Hinanap ni Djata
ang salamangkerong-hari. Nasulyapan niya ito sa gitna ng labanan. Sinunggaban ni
Sundiata ang bawat Sossong sofas, kung kaya’t madali siyang nakalapit kay
Soumaoro. Nang mapansin ng huli ang ikinilos ni Djata, siya’y bumuwelta subalit
siya’y nasundan ng tingin ng matapang na bayani. Huminto si Sundiata at hinutok
ang kaniyang pana. Lumipad ang palaso at dumaplis sa balikat ni Soumaoro. Nang
tumama ang tari ng tandang, naramdaman niyang ito’y hindi lamang munting
gasgas kaya’t kagyat naglaho ang kaniyang kapangyarihan. Nagtagpo ang mata nila
ni Sundiata. Siya’y nangatal na tila dinapuan ng matinding lagnat, napatingala ang
nauupos na si Soumaoro sa langit. Isang malaking ibon ang paikot-ikot na lumilipad
at kaniyang napagtanto. Ito ay ang ibon ng kasawian. “Ang ibon ng Krina,” ang
kaniyang naungol. Ang Hari ng Sosso’y sumigaw nang ubod –lakas. Napalingon ang
kaniyang kabayo at siya’y tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari siya’y
kanilang pinarisan, at mabilis ding tumakas. Hindi nagtagumpay sina Sundiata at
Fakoli na tugisin si Soumaoro datapwat napasakamay nila si Sosso Balla, ang anak
ng haring umalpas patungo sa yungib at naglahong parang bula. Pumunta si
Sundiata sa kalapit na nayon, Koulikoro, dito niya hinintay ang kaniyang hukbo.
Nang nakumpleto ang hukbo ni Sundiata, sila’y nagmartsa sa direksiyon ng Sosso
ng lungsod ni Soumaoro, ang lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng
sibat. Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang puno ng
tribo, ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod. Sa pamimitik ng araw,
ang tore’y nagkulay itim sa pagkakahanay ng mga sofas. Nang handa na ang lahat,

29
inihudyat na ni Sundiata ang paglusob. Nakatakip ang mga kalasag sa ulo, marahan
silang sumulong sa paanan ng pader at nagsimulang maghulog ng malalaking bato
ang mga Sosso sa mga kaaway. Gumanti ang mga Wagadou na nasa dulong hanay,
sila’y nagbuhos ng sunodsunod na palaso. Si Sundiata ay may itinatagong kawal na
pinakamagaling, sila ang mga mamamana ng Hari ng Bobos, ang pinakadalubhasa
sa pamamaraan. Pinaulanan ng nagniningas na mga palaso ang kuta ng mga Sosso.
Nagliyab ang mga kabayanan. Naitayo ng mga Mandingo ang mga hagdan at
umakyat sa tuktok ng pader. Sinaklot ng sindak ang mga Sosso nang makitang
nasusunog ang kanilang bayan, sila’y natigilan. Bumagsak ang bakal na pasukan
sa palad ng mga panday ni Fakoli. Napasok nila ang lungsod, ang hiyawan ng mga
bata’t kababaihan ay nagbunsod ng pagkalito sa mga Sosso kaya’t nabuksan ang
pasukan, ang pangunahing pangkat ni Sundiata ay tuluyang nakapasok.
Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan at
kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata
at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni
Soumaoro. Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas
niya ang espada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli,
nadakma at malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig
hanggang mailaglag ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus
ay inilagak sa kamay ni Manding Bory. Pinasok nina Sundiata ang tore ni Soumaoro.
Alam ng griot ang pasikot-sikot at kasuluk-sulukan ng palasyo mula sa kaniyang
alaala nang siya’y mabihag, itinuro niya kay Sundiata ang maharlikang silid-
tulugan. Nang buksan ni Balla Faseke ang pinto ng silid, natuklasan nilang nag-iba
ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng silid
na nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa babasaging pitsel ay naghihingalo, ang
mga kuwagong nasa dapuan ay kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sa
sahig. Lahat ay nag-aagaw buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabit sa
kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting ni
Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa’t mga prinsesa ng kaharian.
Itinali ang lahat ng mga bilanggo at samasamang pinastol. At ayon sa kagustuhan
ni Sundiata, napasakanya ang Sosso nang araw na iyon. Nang makalabas ang lahat,
inatas ni Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan,
walang itinira at ginamit ang mga preso sa pagtibag sa mga pader. Samakatuwid,
ang balak ni Sundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na
naisagawa. Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog na
lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging
nangungulilang parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop.
Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sa
kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot.
Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sa pook.
Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo’y walang kinilalang
panginoon kundi si… Sundiata.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?
2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko? Isa-isahin ang
mga ito?
3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatuwiranan.
4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa?
Bakit?
5. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag ang sagot.

30
Isa ang wika o mga salitang ginamit upang matukoy ang estilo ng manunulat.
Kadalasan ay naglalagay ng mga mahihirap na salita o ekspresyon ang manunulat
upang lalong mapag-isip ang mambabasa sa nakatagong kahulugan ng akda.
Ang damdamin ay pagpapakita o ang paglalabas ng emosyon. Ito ay ang
pansariling tugon sa isang bagay, tao o pangyayari. Ito ang nararamdaman ng isang
tao sa tuwing may naririnig, nakikita o nalalaman na isang pangyayari.

Gawain 1: Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay at


tukuyin ang lohika ng isinagawang pagpapangkat. Gamitin ang
grapikong representasyon at gawin ito sa sagutang papel.
bayani Pangkat 1
digmaan
kapangyarihan
supernatural Lohika ng Pagpapangkat
kultura
tradisyon Pangkat 2
kaisipan
karanasan
Panitikan Lohika ng Pagpapangkat
Epiko

Gawain 2. Isulat ang damdaming nangibabaw sa sumusunod na pahayag ng mga


tauhan mula sa binasang akda. Ipaliwanag kung bakit ito ang
damdaming nangibabaw batay sa akdang ating tinalakay. Gawin ito sa
sagutang papel.
____________________________________
“Ihanda mo ang iyong sarili
____________________________________
Soumaoro, ang delubyo’y
____________________________________
mananalasa, sasalpok at bubura
sa iyo sa lupa.” ____________________________________
____________________________________
- Sundiata _____

“Oh anak ng kasawiang-palad, ____________________________________


hindi ka ba makalalakad? Dahil ____________________________________
sa iyong pagkukulang ako’y ____________________________________
nakaranas ng matinding ____________________________________
pangdudusta sa aking buhay! ____________________________________
Ano ang aking pagkakamali? _____
Panginoon, bakit mo ako
pinarurusahan nang ganito?”
- Sogolon Kadjou

31
“Ika’y magtino, munting bata, ____________________________________
baka pagliliyabin ko ang iyong ____________________________________
mga paa, dahil ako ang pula’t ____________________________________
mainit na baga.” ____________________________________
____________________________________
- Soumaoro
_____

Gawain 3: Ang akdang binasa ay nagtataglay ng aral na magagamit sa pang-araw-


araw na pamumuhay. Ipaliwanag sa sagutang papel kung paano ito
magagamit sa sarili, lipunan, at daigdig. Gawing gabay ang grapikong
pantulong sa ibaba.

Paano ito magagamit?


M

G SARILI

LIPUNAN
A

R
DAIGDIG
A
L

Isaisip

Sa akdang binasa, ipinakita ni Sundiata ang pagkakaroon niya ng determinasyon at


lakas ng loob kaya naman siya ay nagtagumpay sa kanyang pakikipaglaban. Bilang
pag-uugnay, ipaliwanag kung bakit mahalagang magkaroon ng pag-uugaling kagaya
ng kay Sundiata sa iyong sarili, lipunang ginagalawan at sa daigdig. Gawin ito sa
sagutang papel.

Sarili Lipunan Daigdig

32
Batay sa binasang akda, sumulat ng isang talata at ilahad ang damdaming
nangibabaw sa akda. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos
Naiuugnay sa paksang tinalakay 8
Napalulutang ang damdaming nangingibabaw sa akda 7
May kalinisan at kaayusan sa pagsulat 5
Kabuoang Puntos 20

Tayahin

A. Panuto: Pangkatin ang bawat salita/mga salita sa loob ng kahon ayon


sa kaugnayan nito sa isa’t isa. Isulat ito sa tamang hanay na nasa
ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

asawa mandirigma pampalasa


ipagtanggol nangaso rekado
kabusugan nanginginain sanggol
katunggali pagkitil sinapupunan
lukso ng dugo pagsilang ulam

Mga salitang may Mga salitang may Mga salitang may


kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
pagkain Pakikipaglaban pagiging
magulang

B. Panuto: Basahin ang mga diyalogo ng mga tauhan. Suriin ang damdamin
nangingibabaw dito. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

1. “Tingnan mo ang iyong sarili, maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang
iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.”
A. pagmamalaki B. panghahamak C. panghihinayang D. paninisi
2. “Dahil sa iyong pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa
aking buhay!”
A. pagdurusa B. pagkagalit C. pagtatampo D. paninisi
3. “Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi pa
nasaksihan sa anomang pagkakataon.”
A. pagkagalit B. pagmamalaki C. panghahamak D. pagtatampo

33
4. “Kapatid, sa oras na ito’y pihadong batid na ni Saomauro na ako’y nakatakas.
Pilitin mong makalapit sa kanya sapagkat asahan mong siya’y iiwas sa iyo,”
A. paghihiganti B.pagkaawa C. pagpapaalala D. pang-iinis
5. “Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamao at
tutugusin kita hanggang sa iyong kaharian”.
A. pagkamatapang B. pagkagalit C. pagkamuhi D. pagkatakot

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang simbolo na magpapahayag ng damdamin at saloobin


tungkol sa kahalagahan ng akda at iugnay ito sa iyong sarili, panlipunan at
pandaigdigan. Ipaliwanag ito sa isang talata. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos
Kaugnayan ng simbolo sa paksa 10
Pag-uugnay sa sarili, panlipunan at pandaigdigan 5
Pagpapaliwanag 5
Kabuoang Puntos 20

SIMBOLO: ____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Ang modyul na ito ay makatutulong sa____________________________________
iyong mas mabisang pagkatuto sa mga
akdang pampanitikan mula sa Africa at Persia.
____________________________________
____________________________________
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, aasahan mong matatamo ang sumusunod
na kasanayan: ____________________________________
• Naiuugnay ang ____________________________________
suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan F10PN-IIId-e-79
____________________________________
• Nabibigyang-puna ang napanood na____________________________________
teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang akda F10PD-IIId-e-77
____________________________________
• Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng
_________
alinmang social media F10PU-IIId-e-81

34
A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay mungkahi ng isang tao na may mataas na
kaalaman sa isang paksain.
A. kaalaman B. pagsusuri C. pananaliksik D. puna
2. Paano nakatutulong ang pagbibigay ng puna?
A. Nagbibigay ng maling mungkahi.
B. Nagdudulot ng higit na kalituhan.
C. Nagdadala sa isang ‘di tuwirang pangangatuwiran.
D. Nalalaman natin ang iba’t ibang mungkahi ng ibang tao.
3. Ito ay tumutukoy sa isang komersyal na patalastas para sa isang tampok na
pelikula na ipapakita sa hinaharap sa isang sinehan, ang resulta ng malikhaing
at panteknikal na gawain.
A. film B. komersyal C. pelikula D. trailer
4. Ito ay kilala din bilang sine at pinilakang tabing, isang larangan na sinasakop
ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi
ng industriya ng libangan.
A. film B. komersyal C. pelikula D. trailer
5. Ang sumusunod ay mga katawagan sa dulang pampelikula maliban sa
___________.
A. ilusyong optikal B. motion picture C. photoplay D. theatrical film
6. Hinamak ni Sassouma ang kalagayan ni Sogolon higit lalo ang hindi pa
makalakad na anak nito. Ano ang suliraning panlipunan ang maiuugnay
natin dito?
A. diskriminasyon sa edad
B. diskriminasyon sa kapansanan
C. diskriminasyon sa kasarian
D. diskriminasyon sa sosyo-ekonomiko
7. Ang sumusunod ay mga suliraning makikita sa akdang Sundiata maliban
sa:
A. diskriminasyon sa edad
B. diskriminasyon sa kapansanan
C. diskriminasyon sa lahi
D. diskriminasyon sa sosyo-ekonomiko
8. “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno, Soumaoro,
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.” Suriin ang
damdamin sa pahayag na ito.
A. katapangan B. kalakasan C. katuwaan D. kayabangan
9. Ano ang kabuoang damdaming nangibabaw sa akdang, “Sundiata”?
A. kagalakan C. katatakutan
B. kalungkutan D. katapangan
10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng isang trailer sa
pelikula maliban sa:
A. palabas na binubuo ng mga kabanata
B. isang maikling patikim sa kabuoang pelikulang mapapanood

35
C. ipinakikita ang sunod-sunod na eksena sa pelikula na pinaikli
D. isang komersyal na patalastas na ipapakita sa hinaharap sa isang
sinehan

* Pag-uugnay ng Suliraning Nangingibabaw sa


Akda
Aralin * Pagbibigay-puna sa Napanood na Teaser o
5 Trailer ng Pelikula
* Pagsusuri sa Pasulat na Damdaming
Nakapaloob sa Akdang Binasa

Balikan

Panuto: Basahin ang mga tinuran ng mga tauhan sa tinalakay na akda. Tukuyin
kung anong damdamin ang namayani sa dalawang tauhan. Gawing gabay
ang tsart sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong


ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalit itimo
mong siyam na hari ang aking pinugutan ng
ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na
kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa
kapwa mo pangahas.”

Ang nararamdaman ni Sundiata Ang nararamdaman ni Soumaoro


ay… ay…

36
Panuto: Basahin ang bahagi ng Epiko ni Sundiata na nasa loob ng kahon at
pagkatapos ay sagutin sa sagutang papel ang sumusunod na katanungan.
Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaoro Kanté,
isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakop
ng maraming bayan. Gayon pa man si Sundiata’y nakagawa ng paraan na
Mula sa https://www.facebook.com/notes/ernel-galang-jr/baitang-10-modyul-
makarating sa Sosso, ang kabisera ng lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang
36-sundiata-ang-epiko-ng-sinaunang-mali-isinalin-sa-filipino-
halimaw na pinuno. Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni
n/10153436511131026/
Sundiata habang patungo sa Sosso. Siya’y naging popular na lider, maraming kawal
ang sumapi sa kaniya.
Humayo si Sundiata at nagtayo ng kampo sa Dayala na nasa lambak ng Niger.
Hinarangan niya ang daan ni Soumaoro patungo sa Timog. Sa panahong iyon,
patuloy ang labanan sa pagitan ng dalawa bagaman wala ni isa man ang naghayag
ng digmaan. Walang nagtataguyod ng isang digmaan nang hindi inilalahad ang ugat
nito. Ang nagtutunggali ay nararapat na isa-isahin ang kanilang karaingan bago
ihudyat ang simula ng digmaan. Kaparis ng isang salamangkero na kailangang
huwag lusubin ang isang tao nang hindi siya inaanyayahang tanggapin ang
tungkulin na gawin ang masamang gawain, dahil dito ang hari’y hindi dapat
mandigma nang hindi ibinubuka ang bibig sa sanhi ng pagsasakatuparan nito.

Anong damdamin ang nakapaloob


sa binasang bahagi ng akda?

Sa iyong palagay, ano ang


naghaharing damdamin kina
Sundiata at Soumaoro habang sila
ay nagtutunggali?

Ang pagbibigay-puna ay ang pagbibigay mungkahi ng isang tao na may


mataas ang kaalaman sa isang paksain. Kadalasan ang puna ay nakabubuti
sapagkat nalalaman natin ang iba’t ibang mungkahi ng ibang tao.
Ang isang trailer ay isang komersyal na patalastas para sa isang tampok na
pelikula na ipapakita sa hinaharap sa isang sinehan, ang resulta ng malikhaing at
panteknikal na gawain. Ito rin ay isang maikling patikim sa manonood sa kabuoang
pelikulang kanilang mapapanood. Dito ipinakikita ang sunod-sunod na eksena sa
pelikula na pinaikli upang bigyan ang manonood ng preview sa nasabing pelikula.
Ang pelikula, na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan. Maaaring tawaging dulang pampelikula, motion
picture, theatrical film o photoplay. Ang mga pelikula ay sining na may ilusyong

37
optikal para sa mga manonood. Ang mga sangkap nito ay mga larawan, aktor,
kuwento, tunog, musika, iskrip, sinematograpiya, disenyong pamproduksyon, visual
effects at direksyon.

Gawain 1: Ipaliwanag ang sumusunod na suliranin kung paano ito ipinakita sa


Epiko ni Sundiata, gayundin kung paano ito ipinakikita sa daigdig. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Suliranin Epiko ni Sundiata Daigdig
Diskriminasyon

Kahirapan

Kapangyarihan

Gawain 2: Panoorin ang trailer ng isang palabas na may pagkakahawig sa akdang


tinalakay gamit ang link na https://youtu.be/QYUrcNrJ0pw.
Pagkatapos ay sagutin sa sagutang papel ang sumusunod na
katanungan sa ibaba.

Sa iyong palagay, ano Ano ang masasabi mo


ang damdaming sa magiging takbo ng
nakapaloob sa kuwento?
napanood?

Para sa iyo, magiging Paano ito


maganda ba ito at nagkakatulad sa
magiging kaakit-akit? Epiko ng Sundiata?

Gawain 3: Tukuyin ang damdaming nangibabaw sa mga pahayag mula sa


social media ng mga kilalang personalidad sa bansa. Pagkatapos ay
pumili ng sitwasyon sa epikong tinalakay na nagpakita na
kaparehong damdamin ng personalidad. Gawin ito sa sagutang
papel.

Damdaming Nangibabaw:
Sitwasyon sa Akda:

38
Damdaming Nangibabaw:

Sitwasyon sa Akda:

Isaisip

Bakit mahalaga ang pagbibigay-puna o ang pagbibigay ng mungkahi ng isang tao sa


isang bagay o pangyayari? Ilahad sa sagutang papel ang iyong opinyon ukol dito.

Panuto: Tukuyin ang naging suliranin ng dalawang tauhan mula sa akdang Epiko
ni Sundiata at iugnay ito sa pangyayari sa daigdig. Gawin ito sa sagutang
papel gamit ang tsart sa ibaba.

Suliranin ng Tauhan Suliraning Pandaigdig

Sundiata

Sogolon

Tayahin

A. Panuto: Batay sa binasang akda na Sundiata at sa napanood na trailer na Amaya,


suriin ang mga sumusunod na puna. Isulat sa sagutang papel ang tsek
(/) kung ang puna ay parehong makikita sa akdang binasa at sa
napanood na trailer at ekis (X) naman kung hindi.
1. Ang pangunahing tauhan ay may likas na kapangyarihan.
2. Ang haring ama ay umibig sa isang mababang nilalang.
3. May isang reynang ganid na nagpahirap sa buhay ng pangunahing tauhan.
4. Pumanaw ang ama ng pangunahing tauhan.
5. Maraming mga pagsubok ang pinagdaanan ng pangunahing tauhan.
6. Tanggap ang pangunahing tauhan ng kanyang lahing kinabibilangan.
7. Pinatunayan ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili sa kanyang lahi.
8. Ang pangunahing tauhan ay naging mandirigma.

39
9. Napagtagumpayan ng pangunahing tauhan ang lahat ng pagsubok na
kanyang kinaharap.
10. Naging madali sa pangunahing tauhan ang kanyang buhay.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang SUNDIATA kung ang pangungusap sa


ibaba ay nagpapahayag ng suliranin sa akdang tinalakay at
SOUMAORO naman kung hindi.
1. Pagkakaroon ng kapansanan ng pangunahing tauhan. Sa edad na pito, hindi
pa rin siya nakalalakad dahil sa pagiging pilay.
2. Pang-iinsulto ng mapanghamak na Inang Reyna na si Sassouma kay Sogolon
sa pagkakaroon ng isang anak na pilay.
3. Pagpapatapon sa mag-anak nina Sogolon sa likod ng palasyo.
4. Pamumuhay ng isang-kahig, isang tuka ng mag-anak.
5. Pagkaawa ni Sogolon sa kalagayan nilang mag-ina.

Karagdagang Gawain
Panuto: Panoorin sa Youtube ang trailer ng dokumentaryong “iJuander: Tagumpay
sa kabila ng kapansanan” sa link na https://youtu.be/ef-tU6c7Yss.
Bigyang-puna ito sa pamamagitan ng pag-uugnay sa akdang “Sundiata:
Ang Epiko ng Sinaunang Mali”. Gawin ito sa sagutang papel.

Pagbibigay-puna Paghahambing
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong mas mabisang pagkatuto sa mga


akdang pampanitikan mula sa Africa at Persia.
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, aasahan mong matatamo ang sumusunod
na kasanayan:
• Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) F10PT-
IIIf-g-80
• Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan F10PN-IIIf-
g-80
• Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda
F10PB-IIIf-g-84
• Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa youtube
F10PD-IIIf-g-78

40
• Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid
ng mensahe F10WG-IIIf-g-75
• Nakasusulat ng isang talumpati na pang-SONA F10PU-IIIf-g-82

A. Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon upang mabuo ang analohiya sa
bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

nakagagalit bumuhay talata aksidente pagsunod


1. nakapanlulumo: nakapanlalambot :: nakasusuklam : ____________
2. ________________ : sugatan :: sunog : nawasak ang mga bahay
3. minaliit : itinaas :: kumitil : _____________________
4. kinutya : pinuri :: paglabag : ____________________
5. sanaysay: ____________ :: tula: saknong
B. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang TP kung
tuwiran ang pahayag at DP kung di tuwiran.
1. Sinabi niyang ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi.
2. Ayon sa pangulo, dati kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng
pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga.
3. “Kung makaasta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong
maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang
tumabi at napag-iiwanan.” dagdag pa niya.
4. Sa SONA ay inilahad ng pangulo na naging simbolo na ng administrasyon ang
wangwang.
5. “Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan.” Ang
wika ng pangulo.
C. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng angkop na reaksiyon ayon sa
pangyayaring napanood o nabasa.
1. Upang lumusog at lumakas, nag-eehersisyo tayo. Ngunit sa pagmamadali,
kulang naman tayo sa tulog at pahinga. Kaya sa halip na lumakas tayo ay
nanghihina at nagkakasakit.
A. Ang pag-eehersisyo ay nakapanghihina ng katawan.
B. Kakulangan sa pagtulog at pahinga ay makabubuti.
C. Minsan hindi natin iniintindi ang sarili nating kakayahan.
D. Ang pag-eehersisyo ay nakabubuti sa kalusugan ng isang tao.
2. Pinapatunayan ng mga Pilipino na sa oras ng kalamidad ay handang tumulong
sa mga kababayan na apektado.
A. Maraming Pilipino ang naghihirap.
B. Pinipili lamang ng mga Pilipino ang nais tulungan.
C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa.
D. Pagwawalang bahala ng mga Pilipino sa mga apektado ng kalamidad.
3. Madalas ay ubod ng taas ang ating lipad at nalilimutan nating tayo’y
nakayapak sa lupa.
A. Gustong lumipad nang mataas.
B. Ayaw lumapat ang paa sa lupa.

41
C. Nakalutang sa ulap kung lumakad.
D. Iwasang maging mapagmataas, tingnan muna ang sarili.
4. May inilunsad na proyektong “Pera sa Basura” ang inyong baranggay upang
maging malinis ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang inyong
itinatapon.
A. Nakiisa sa pag-unlad.
B. Lalong dumami ang nagkalat na basura.
C. Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi.
D. Umunlad ang mga katabing barangay dahil sa kanilang pagtutulungan.
5. Sa mga liblib na lugar ang mga manggagamot ay kailangang-kailangan.
A. Napakarami ng doktor sa siyudad.
B. Ayaw mawalay ng mga doktor sa kani-kanilang pamilya.
C. Dumulog sa pamahalaan at humingi ng doktor na maipadadala
doon.
D.Maraming doktor ang nagnanais mangibang bayan upang
mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

* Pagbibigay ng Katumbas na Salita sa Ilang


Salita sa Akda
* Pagpapaliwanag sa mga Likhang Sanaysay
* Paghahambing ng Pagkakaiba at Pagkakatulad
Aralin ng Sanaysay sa Ibang Akda
6 * Pagbibigay ng Sariling Reaksiyon sa Pinanood
na Video
* Paggamit ng Angkop na Tuwiran at Di-
Tuwirang Pahayag
* Pagsulat ng Isang Talumpati na Pang-SONA

Balikan

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng markang tsek (/) kung
ito ay sang-ayon o di sang-ayon sa napanood na trailer ng palabas sa link
na ito https://youtu.be/QYUrcNrJ0pw. Gayondin, ipaliwanag kung bakit
ito ang naging sagot sa sagutang papel.

Pahayag Sang-ayon Di Sang-ayon Paliwanag


1. Naipahayag ng trailer
ang mga impormasyong
patungkol sa palabas
2. Angkop ang musikang
ginamit

42
3. Naging malikhain,
nakawiwili at hindi
nakababagot ang
napanood na trailer.
4. Mapanghikayat ang
napanood na trailer

Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay Mga Arkitekto ng Kapayapaan ni


Archbishop Desmond Tutu mula sa South Africa na ibibigay ng guro sa
Facebook group. Maaari din itong mapanood sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=D8G3eHiDkQs

Mga Arkitekto ng Kapayapaan


Ni Archbishop Desmond Tutu

Noong ako ay maliit na bata pa lamang sa Timog Africa, nasaksihan ko ang


libo-libong mga Aprikanong Itim na inaresto dahil sa nakapanlulumo at
nakasusuklam na pass law system. Ang sistemang ito ay kumitil sa kalayaang
kumilos ng mga Aprikanong Itim. Kinakailangan ng mga Aprikanong Itim na may
edad na labing-anim pataas na palagiang magdala ng pass sa kanilang pag-iikot sa
siyudad. Maituturing na paglabag sa batas ang paglabas na walang dalang pass. May
karapatan ang sinomang pulis na arestuhin ang mga walang dalang pass. Hindi ko
malilimutan nang minsang sinasamahan ko ang aking ama na nagtatrabaho bilang
isang guro sa bayan, bigla na lamang kaming pinahinto at hinanapan ng pass kagaya
ng ginagawa sa iba pa naming Itim na kababayan. Ang hindi alam ng mga pulis ay
hindi saklaw ang aking ama ng pass law system sapagkat siya ay isang edukadong
tao. Noong mga panahong iyon, ang sinomang taong nakapagtapos ng kolehiyo ay
hindi saklaw ng pass law system. Kaya nga ang aking ama ay may pribilehiyong
makabili ng alak na hindi natatakot na maaresto. Ang pagbili ng alak ay isang
pribilehiyong ibinigay lamang sa mga Puti. Ngunit nakalulungkot pa rin dahil upang
malaman ng mga pulis na siya ay may ganitong pribilehiyo ay kailangan pa niyang
palagiang dalhin at ipakita ang kanyang dokumento. Ang taglay niyang dokumento
ay hindi naman naging sanhi upang malibre siya sa kahihiyang sitahin ng mga
otoridad, kung minsan pa nga ay may kasamang panghihiya. Itong klase ng
pagtratong talaga naming yumurak sa aming pagkatao.
Nang makatapos ako ng kursong Theology sa Inglatera ay bumalik kami sa
Timog Africa. Naharap ako sa isang balintunay. Isang araw na kami ay nagpiknik ng
buong pamilya sa tabing-dagat ay nakita namin ang mapait na diskriminasyon. Ang
bahagi ng tabing-dagat na nakalaan para sa mga Itim ay ang parteng mabato at
pinakapangit. Sa di kalayuan ay may isang palaruan na may mga duyan. Tila ba may
kung anong bato-balani ang mga duyan at nang makita ng aking bunsong anak na
ipinanganak sa Inglatera ay ninais niyang magpunta rito. Ngunit paano mo ba
sasabihin sa iyong anak na hindi siya maaaring magpunta rito? Nagpupumilit man
siya dahil may mga batang naglalaro rito ay hindi mo siya puwedeng papuntahin.
Paano mo sasabihin sa kanya na kahit bata siya ay hindi para sa kanya ang duyan
na iyon, na ibang klaseng bata siya? Ano ba ang dapat maramdaman? Ano ba ang
dapat sabihin? Paano mo ba ipaliliwanag sa isang bata, gayong siya’y musmos pa
lamang? At muli, ako, bilang magulang ay nadurog ang puso. Parang ilang ulit ka
nang pinatay dahil ang pakiramdam mo ay hinubdan ka ng iyong pagkatao, napahiya

43
nang todo, minaliit. Naramdaman ko ang naramdaman ng aking ama nang siya ay
mapahiya sa aking harapan. Bilang magulang hindi mo kayang tingnan ang iyong
anak nang deretso sa mata.
Nang ako ay maging arsobispo ng Cape Town noong 1986 ay nagtala ako ng
tatlong layunin. Dalawa ay patungkol sa gawain ng simbahang Anglican at ang ikatlo
ay ukol sa kalayaan ng lahat ng tao sa Timog Africa maging puti man o itim. Ito ay
naisakatuparan noong ika-27 ng Abril 1994 nang si Nelson Mandela ay inihalal na
unang demokratikong pangulo ng Timog Africa. Marahil ay tumigil ang inog ng
mundo noong ikasampu ng Mayo nang itanalaga si Mandela bilang pangulo. Hindi
naman nakapagtataka kung ito’y tumigil sa pag-ikot sapagkat halos lahat ng mga
pinuno ng iba’t ibang bansa at maging ang iba pang mahalagang lider ay nagtipon
upang saksihan ang inagurasyong tumatak sa kasaysayan ng mundo.
Hindi maipaliwanag na damdamin ang nadama ng karamihan nang dumating
si Mandela nang araw na iyon kasama ng kanyang anak na babae, at ilang pinuno
ng security forces at mga pulis. Sumaludo sa kanya ang iba’t ibang hukbo at
inasistehan siya bilang pinakamataas na pinuno ng bansa. Makabagbag damdamin
ito sapagkat ilang taon pa lamang ang nakalilipas, si Mandela ay isa sa kanilang mga
bilanggo. Sa kanyang inagurasyon bilang pangulo, inanyayahan ni Mandela bilang
panauhing pandangal ang kanyang puting tagabantay sa kulungan. Ito ay una sa
kanyang napakaraming hakbang upang ipakita ang kanyang kahanga-hangang
kakayahang magpatawad. Itong taong inapi, kinutya, tinugis bilang isang
mapanganib na takas at ikinulong ng halos tatlong dekada ay naging simbolo ng
kapatawaran at kapayapaan. Sa umpisa pa lamang mahihinuha mong magiging
isang epektibo at matapang na alagad siya ng pagkakaisa.
Mula nang araw na iyon, ang bayan namin ay humanap ng iba’t ibang paraan
upang mapanumbalik ang dignidad at pagkatao ng mga taong matagal nang
pinahimik, minaliit at binalewala. Isa ako sa labimpitong itinalaga ni Pangulong
Mandela noong Setyembre 1995, upang maging bahagi ng Komisyon ng Katotohanan
at Muling Pagkakasundo. Layunin ng komisyong tumulong sa mga taga-Africa. Nag-
alok ng amnestiya ang komisyon sa mga biktima at maging sa mga nang-aapi noong
panahon ng apatheid. Ang aming islogan ay: Mapait ang Katotohanan, ngunit
Nakamamatay ang Pananahimik Lamang. Kasama sa aming adhikain ang
paghimok sa mga taga-Timog Africa na makilahok sa komisyon at magkaroon ng
pagkakataong makiisa sa pagbuo ng mga panukala para sa paghilom ng mga sugat
at muling pagkakaisa.
Sa pag-uumpisa ng pagtuklas sa katotohanan, nakagugulat na marami ang
buong tapang na naglahad ng kanilang karanasan na animo’y bangungot na tumatak
sa kanilang pagkatao. Kahindik-hindik at kalunos-lunos ang kanilang mga
pinagdaanan.
Noong Enero nang taong 1997, habang ako ay aktibo sa komisyon ay ginulat
ako ng isang mapait na katotohanan, nalaman kong mayroon akong prostate cancer.
Alam kong may mga na nangyayari sa kadahilanang hindi natin alam at alam kong
hindi ganoon kadaling maghangad ng kapatawaran at pagkakaisa. Ngunit marahil
ito ang kabayaran sa pagiging tagatanggap ko ng mga hinanakit at pait ng mga taong
naglahad ng kuwento ng kanilang dinanas na pasakit.
Ang hirap na aking dinanas sa pagkakasakit ay nakatulong din sa aking
baguhin ang aking pag-uugali at pananaw sa buhay. Binuksan nito ang aking isipan
at atensiyon sa mga bagay na dati-rati’y binabalewala ko. Napagtanto kong hindi ko
na napagtutuonan ng pansin at oras ang aking asawa, ang aking mga apo, ang
kagandahan ng paglubog ng araw, ang dedikasyon ng aking mga katrabaho at ang
marami pang magagandang bagay. Ang aking sakit ay nagtulak sa akin na tanggapin
nang may pasasalamat ang katotohanang ang buhay ng tao ay may hangganan.
Nakamamanghang balikan ang aking mga pinagdaanan, ang mga panahong

44
nakipagtuos ako sa apartheid, ang panahong dumating ang kapayapaan sa aming
bayan, ang pagkakataong makabahagi sa pagtuklas sa katotohanan at sa pagkakaisa
ng mga taong tinuturing na kinabukasan ng ating bayan.
Mula sa Pinagyamang Pluma 10

Mga Gabay na Tanong:


1. Mayroon bang mga salitang magkakatumbas ang kahulugan sa tekstong
nabasa? Isa-isahin.
2. Tungkol saan ang nabasa o napakinggang sanaysay?
3. Ano ang iyong reaksiyon sa nabasa o napakinggang sanaysay?
4. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito mula sa teksto: “Ang hirap na aking
dinanas sa pagkakasakit ay nakatulong din sa aking baguhin ang aking
pag-uugali at pananaw sa buhay.”
5. Ano ang mabubuo mong pahayag kung isasalin mo ito sa sarili mong
pangungusap?

Analohiya (Palasurian) - Ito ang tawag sa proseso kung sinusuri o pinagkukumpara


ang dalawang bagay, lugar, ideya o katangian na magkaugnay o magkatumbas.
Uri ng Analohiya
1. Magkasingkahulugan (synonym)- ang pares ng salitang pinagkumpara ay
magkalapit ang kahulugan. Halimbawa: matumal : madalang
2. Magkasalungat (antonym)- ang pares ng salitang pinagkumpara ay
magkalayo ang kahulugan. Halimbawa: matayog : mababa
3. Katawanin (partitive)- ang pares ng salitang pinagkukumpara ay bahagi ng
isang lupon o buong bahagi. Halimbawa: saknong : tula :: gulong : kotse
4. Sanhi at Bunga (cause and effect)- ang pares ng salitang pinagkukumpara
ay magkaugnay na nagpapakita ng sanhi at bunga ng isang pangyayari.
Halimbawa: baha: pagkawasak ng mga bahay

Sanaysay- isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang


pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral
at aliw ng mga mambabasa.
Maibibilang sa uring ito ng panitikan ang mga sulating pampahayagang gaya
ng artikulo, natatanging pitak o lathalain, editoryal o tudling. Kasama rin sa uring
ito ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, diskurso; gayondin ang
mga panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik.

Paghahambing
Ito ay paraan ng paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang
paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
bagay na pinaghahambing. Ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o
katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.
Uri ng Paghahambing
1. Pagkakatulad
2. Pagkakaiba

45
Pagbibigay Reaksiyon
Ang pagbibigay reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Dapat lamang na maging magalang
upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.
Tuwirang Pahayag
Ito ang tawag sa pahayag ng mismong nagsasalita o naglalahad ng mensahe
o impormasyon. Ito ay gumagamit ng bantas na panipi (“ ”) upang ipakita ang buong
sinabi ng nagsalita o nagpahayag.
Di-Tuwirang Pahayag
Ito ang tawag sa pahayag na nagmula sa sinabi ng ibang tao.

Mga halimbawa ng tuwiran at di- tuwirang pahayag:


Tuwirang Pahayag Di- Tuwirang Pahayag
“Ang mga nananalo ay isang Sinabi ni Nelson Mandela na ang mga
nagmimithi na hindi nawawalan ng nananalo ay isang nagmimithi at hindi
pag- asa.” nawalan ng pag-asa.
- Nelson Mandela
“Sa aking dugo nananalaytay ang Binanggit ni Carlos P. Romulo na sa
walang kamatayang binhi ng kanyang dugo nananalaytay ang walang
kagitingan.” kamatayang binhi ng kagitingan.
- Carlos P. Romulo
Talumpati
Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o
makahikayat ng mga nakikinig. Ito ay binubuo ng panimula, katawan at
katapusan.
Paglalahad ng Talumpati
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati
na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita,
may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit
ng kumpas at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng
mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay diin at kaugnayan sa
madla.

Anyo ng Talumpati
a. Handa
b. Biglaan o Daglian (impromptu)
c. Panandaliang talumpati (extemporaneous)
State of the Nation Address o SONA
Ang SONA ay kadalasang inuulat ng pangulo, ito ay nagsisilbing paraan
upang ipagbigay-alam sa bansa tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan
sa ekonomiya, pulitika at lipunan. Kaparaanan din ito para sa pangulo upang
ibuod ang mga nagawa at pinaplano ng kanyang pamahalaan kapwa para sa
isang partikular na taon at hanggang katapusan ng kanyang panunungkulan.

46
Gawain 1. Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon upang mabuo ang analohiya sa
bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

bansa babaw kagalang- paggaling diskriminasyon


galang ng lahi
1. kapita-pitagan: ________________:: tanyag : kilala
2. lalim : _____________:: liwanag: dilim
3. pananampalataya : paniniwala :: paghilom : ______________
4. ____________________ : pagkahiwa-hiwalay ng mamamayan
5. mundo : _____________ : mamamayan : tao
Gawain 2: Balikan ang napakinggang sanaysay na “Mga Arkitekto ng Kapayapaan”
ni Archbishop Desmond Tutu at sagutin ang mga tanong sa tulong ng
concept map. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Anong damdamin ang _______________________________________


nangibabaw sa sanaysay? _______________________________________
____________
Ano ang layunin ng
sanaysay? _______________________________________
Ano ang nais nitong iparating _______________________________________
sa mambabasa o _______________________________________
tagapakinig? _______________

_______________________________________
Ano-anong aral ang napulot mo
_______________________________________
sa sanaysay?
_______________________________________

Ilahad ang buod ng sanaysay nang hindi hihigit sa sampung pangungusap.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 3: Kung ang pahayag ay tuwiran, isulat muli ito sa paraang di tuwiran; at
kung ito naman ay di-tuwiran isulat muli ito bilang tuwirang pahayag.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. “Isang araw na kami ay nagpiknik ng buong pamilya sa tabing-dagat ay nakita


namin ang mapait na diskriminasyon,” wika ni Desmund Tutu.
2. Ayon kay Desmund Tutu nang siya ay maging arsobispo ng Cape Town noong
1986 ay nagtala siya ng tatlong layunin.
3. “Habang ako ay aktibo sa komisyon ay ginulat ako ng isang mapait na
katotohanan, nalaman kong mayroon akong prostate cancer,” kuwento pa
niya.

47
4. Tinanong ng pangulo na kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano
pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga
proyektong pinopondohang kaban ng bayan.
5. “Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod - iyan po ang utak-
wangwang.” ang sabi ng pangulo.

GAWAIN 4: Basahin ang artikulo at paghambingin ang nilalaman sa binasang


sanaysay ni Desmund Tutu. Gamitin ang Venn Diagram sa sagutang
papel.
Ang Alituntunin ng mga Karapatang Pantao
Human Rights Code ng Ontario
Ang Alituntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario (Ontario Human Rights
Code o Ang Alituntunin) ay nagbibigay ng pantay na Karapatan at oportunidad at
kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng alituntunin ang karangalan at
kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y ipinatutupad sa pagtatrabaho, pabahay,
mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata at pagiging miyembro sa mga unyon,
samahan ng trabaho at bokasyonal.
Sa ilalim ng alituntunin, ang bawat tao ay may karapatang maging malaya sa
diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig. Hindi dapat tratuhin nang naiiba ang
isang tao nang dahil sa kanyang lahi o ibang dahilan, tulad ng iyong mga ninuno,
kulay, lugar na pinanggalingan, etnikong pinanggalingan, pagkamamamayan o
paniniwala. Sakop ng alituntuning ito ang trabaho, eskuwelahan, mga inuupahang
pabahay, o mga serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang mga lugar tulad ng
mga tindahan at mga mall, mga hotel, mga ospital, mga lugar ng libangan at mga
paaralan.
(source:http://www.ohrc.on.ca/tl/diskriminasyon-dahil-sa-lahi)

Pagkakaiba ng Pagkakaiba ng
Kalagayang Pantao Pagkakatulad Kalagayang Pantao

Isaisip

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng kaisipang maglalagom sa


natutuhan tungkol sa aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Natutuhan ko na ang sanaysay ay _________________________________________.
Naiiba ito sa iba pang akdang pampanitikan dahil _________________________.
2. Napagtanto kong ang analohiya ay mahalaga sa paglikha ng sanaysay dahil
__________________________________________________________________________.
3. Maisasabuhay ko ang mahalagang kaisipan na naipabatid ng akda sa
pamamagitan ng _________________________________________________________.

48
Pagsulat ng Talumpati: Isipin mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas
at kailangan mong sumulat ng iyong talumpating tumatalakay sa isang uri ng
diskriminasyong makikita sa kasalukuyang sistema. Sa pagsulat ng talumpati,
gumamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag. Sikaping ang mabubuong talumpati ay
hindi bababa sa tatlong talata na ang bawat talata ay may sampung pangungusap
pataas.
Rubrik para sa Talumpati

4 3 2 1
Lohikal at Magkakaugnay Di gaanong lohikal Magulo at di
magkakaugnay ang nilalaman ng at magkakaugnay magkakaugnay
ang nilalaman ng talumpati ang nilalaman ng ang nilalaman ng
talumpati. talumpati. talumpati.
Epektibong May kalinawan Di gaanong Malabo ang
naipaliliwanag ang ang mensahe ng malinaw ang mensahe ng
mensahe ng talumpati. mensahe ng talumpati.
talumpati. talumpati.
Pinag-isipan at Pinag-isipan at May ilang Halatang hindi
pinaghandaang pinaghandaan ang impormasyon na pinag-isipan at
mabuti ang isinulat na hindi pinag-isipan hindi
isinulat na talumpati. sa talumpati. pinaghandaan ang
talumpati. Kulang ang talumpati.
paghahanda sa
talumpati.

Tayahin

A. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Tawag sa proseso kung sinusuri o pinagkukumpara ang dalawang bagay,
lugar ideya o katangian na magkakaugnay o magkatumbas.
A. analohiya B. pagkakatulad C. sanaysay D. sanhi
2. Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa sa mga kaisipan, maaaring pormal o di-pormal.
A. analohiya B. maikling kuwento C. nobela D. sanaysay
3. Paraan ng paglalahad na kung saan nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang bagay.
A. pagkakatulad B. pagkakaiba C. paghahambing D. paglalarawan
4. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan
ng nagsasalita o kausap.
A. Pagbibigay-kaisipan C. pagbibigay- ideya
B. Pagbibigay-linaw D. pagbibigay-reaksiyon
5. Tawag sa pahayag ng mismong nagsasalita o naglalahad ng mensahe o
impormasyon.
A. Di-tuwirang pahayag C. reaksiyon
B. Talumpati D. tuwirang pahayag

49
B. Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel.

nakasusuklam kasamaan pagsuway paggaling hinuli


1. Katotohanan : kasinungalingan :: kabutihan : _________________
2. Paghilom : ________________ :: tumigil : huminto
3. Nagtipon : nagsama-sama :: paglabag : _________________
4. Inaresto : _____________ :: tinugis : hinanap
5. _____________ : nakagagalit :: nakapanlulumo : nakapanlalambot

C. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TP kung tuwiran ang pahayag at DP


kung di tuwiran.
1. “Nasaksihan ko ang libo-libong mga Aprikanong Itim na inaresto dahil sa
nakapanlulumo at nakasusuklam na pass law system.” wika ni Desmund
Tutu.
2. Ayon sa pangulo ng Aprika, may karapatan ang sinomang pulis na arestuhin
ang mga walang dalang pass.
3. Sinabi niyang wala silang karapatang gawin iyon.
4. “Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na
umasenso? Siyempre ako rin po.” ang wika ng pangulo.
5. “Habang ako ay aktibo sa komisyon ay ginulat ako ng isang mapait na
katotohanan, nalaman kong mayroon akong prostate cancer,” kuwento pa
niya

Karagdagang Gawain

Panuto: Panoorin ang video na pinamagatang “If I Could Change the World” sa link
na https://www.youtube.com/watch?v=YRMMlG4c3dc. Isagawa ang
Tanong-Sagot-Reaksiyon Tsart, pumili ng pinakanaibigang sagot sa tanong
mula sa pinanood na video at ibigay ang iyong reaksiyon hinggil dito. Gawin
ito sa sagutang papel.

Tanong Sagot Reaksiyon


1. Ano ang nangyayari
ngayon sa mundo?
2. Sino ang may
kapangyarihan o
kakayahang ayusin ang
mga nasabing
nangyayari sa video?
3. Ano ang iyong
magagawa sa mga
pangyayari nabanggit sa
video?

50
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na ikaw ang nasa isipan. Ito ay nilikha
upang ikaw ay maging bihasa sa asignaturang Filipino. Ang saklaw na kaalamang
taglay ng modyul ay magagamit sa ibang larang ng buhay. Ang wikang ginamit ay
madaling maunawaan at angkop sa lebel ng iyong pagkaunawa. Ang mga gawain ay
inihahanda upang mapalalim ang iyong kaalaman. Matapos masagutan ang modyul
na ito, ikaw ay inaasahang:
• Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo F10PN-IIIh-i-81
• Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela F10PD-
IIIh-i-79
• Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop dito F10PN-IIIh-i-81
• Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang
mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula F10WG-IIIh-i-76

Panuto: Piliin ang letrang tinutukoy ng mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Okonkwo: Ako si Okonkwo. Isang matapang at respetadong mandirigma na nagmula
sa lahi ng mga Umuofia. Dahil sa akin taglay na lakas ako ay nakilala sa iba’t ibang
tribo at nayon tulad ng Mbaino.
1. Alin sa sumusunod ang kulturang nasalamin sa diyalogo?
A. Pagpapahalaga sa tribong kinabibilangan.
B. Pagpapahalaga sa mga mandirigma ng tribo.
C. Pagpapakita ng lakas ng tribo sa pamamagitan ng karunungan.
D. Pagkilala sa mga tribo sa pamamagitan ng paglupig sa ibang tribo.
Unoka: Isang akong kahihiyan sa aming pamilya dahil ako ay lubog sa utang sa
aking mga kanayon at napabayaan ang aking pamilya.

2. Sa pahayag ni Unoka, alin sa sumusunod ang tradisyong nasalamin?


A. Paggalang sa mga magulang.
B. Pagpapahirap sa mga magulang.
C. Mababang pagtingin sa mga taong hindi nagtagumpay.
D. Labis na pagpapahalaga sa mga tagumpay na nakamit.
Ikemefuna: Ako ang naging tanda ng pagkakasundo ng dalawang nayon upang
magkaroon ng kapayapaan sa aming mga pamilya.

3. Mula sa pahayag ni Ikemefuna, alin sa susumusunod ang nasalaming


tradisyon?
A. Pagpapakabayani para sa tribo o pamilya.
B. Pagmamahal ng tribo sa kanilang pamilya.
C. Pagkakasundo sa pamamagitan ng pagpapakasal.
D. Pagmamahal ng anak sa kaniyang mga magulang.

51
4. Alin sa sumusunod ang paksa o tema ng pelikulang Faith Like Potatoes?
A. Pagpapahirap sa mga Africano.
B. Hindi pagsuko para sa pangarap.
C. Labis na pang-aalipin sa mga Africano.
D. Pakikipagsapalaran ng mga dayuhan sa Africa.
5. Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na
isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw.
A. tema
B. musika
C. direksyon
D. sinematograpiya
6. Ito ang naghahatid ng mensahe ng pelikula at pumupukaw ng pansin ng
manunuod.
A. tema
B. tauhan
C. pamagat
D. direksyon
7. Ito ang teoryang pananaw o teoryang kumikilala sa kakayahan ng tao para
mag-isip at magpasya sa kaniyang sariling tadhana.
A. Teoryang Klasismo
B. Teoryang Imahismo
C. Teoryang Humanismo
D. Teoryang Romantisismo
8. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapamalas ng teoryang
humanismo?
A. Pagsunod ng tribo sa kanilang mga paniniwala at tradisyon.
B. Ang hindi pagsunod ni Okonkwo sa landas na tinahak ng kaniyang ama.
C. Ang pakikipaglaban ni Okonkwo sa ibang tribo upang patunayan ang
kaniyang sarili.
D. Pagpayag ng isang babae na makasal sa ibang tribo bilang pagpapakita
ng pagkakasundo ng dalawang tribo.
9. Naganap ang pelikula sa Africa __________ mas naipakita ang mensahe na
nais ipabatid. __________ ang taniman ay naging simbolo upang maipakita ang
sitwasyon ng pangunahing tauhan. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang
angkop sa pahayag?
A. at, kaya
B. at, gayundin
C. kaya, samantala
D. kaya, gayundin
10. Ang sinematograpiya ng pelikula ay hindi ganun kalinaw _________
mailarawan ang mga eksena. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang
angkop sa pahayag?
A. nang C. sapagkat
B. upang D. samakatuwid

* Pagtukoy sa Tradisyong Kinamulatan ng


Africa at Persia
* Pagsusuri sa Napanood na Excerpt ng
Aralin Isinapelikulang Nobela
7 * Pagsusuri sa Binasang Kabanata ng Nobela
* Paglalapat ng Kaisahan at Magkakaugnay na
Talata gamit ang Pang-ugnay sa Panunuring
Pampelikula

52
Balikan

Panuto: Pagsamahin ang mga salita na ipinakita sa mga larawan upang makabuo
ng panibagong salita at ipaliwanag ang kahulugan nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1.

2.

3.

Panuto: Basahin ang buod ng nobelang “Paglisan” at sagutin ang mga gabay na
tanong. Isulat ang sagot sa papel.

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng


mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula
Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang
kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa
kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang
nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa
halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito
ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang
pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya
pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang
kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay
nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na
nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na

53
mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang
lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga
kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos
mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang
lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring
ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-
Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang
iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa
iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si
Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina.
Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang
paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit
nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa
harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan,
tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na
ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi
si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging
simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain,
hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa
kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang
maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay
nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at
nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si
Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga
halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi
Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap
niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na
papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan
ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang
nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat
ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim
na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo
ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala
sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo
ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta,
lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog
ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng
paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap
ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga
butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man
ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa
kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong
iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa

54
dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong
sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang
masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya
ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding
pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng
isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang
mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang
malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi
maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging
iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na
pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang
Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at
pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon
ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya
para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng
isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,
sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa
kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga
Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at
ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga
pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na
maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas
ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang
kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan
siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si
Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni
Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na
ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay
nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa
buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya
sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga tradisyon ng Africa na naipahayag sa binasang nobela?
2. Bakit itinuturing ni Ikemefuna na ikalawang magulang si Okonkwo sa
kabila ng katotohanang siya’y sagisag ng kasunduan?
3. Paano naipakita ng tagpuan ang tradisyong pinaniniwalaan ng tribo?
4. Paano naipakita ang teoryang humanismo sa mga pangyayari sa nobela?

55
Tradisyon ng Africa
Ang mga tradisyon sa Africa ay binibigyang halaga dahil ito ay ipinapasa-pasa
pababa sa bawat henerasyon. Ito ay pinahahayag sa iba’t ibang paraan katulad ng
sayawan, sining, tugtugin at paggawa ng mga alahas. Mahalaga ang mga tradisyong
ito sa kultura ng buong kontinente ng Africa. Ang kakayahan ng isang tao na maalala
ang mga tradisyon ay mahalaga upang mabuhay. Maraming mga sayaw at awit ang
isinasagawa hanggang sa ngayon dahil sa tinatawag nilang “oral tradition”.
Ang tradisyonal na pagsasayaw ay mahalaga sa kanilang kultura dahil ito ay
gumagamit ng makahulugang kilos, mask, costume, pintura sa katawan at mga
bagay na ginagamit para mas maiintindihan ang temang ipinababatid. Ginagamit
ang tradisyong ito upang makatulong sa pagbigay-ekspresyon: kung ito man ay
masaya o malungkot, nakatatawa o nakaiiyak. May dalawang maaaring klaseng
sayaw: ang payak lamang na madaling gawin ang mga aksyon, o ang mahirap na
mabibilis ang mga kilos na ginagawa. Hindi lamang ito limitado sa mga sumasayaw,
dahil madalas na ay may mga nanonood na sumasali.
Ginagamit din ang mga sining katulad ng maskara na may relihiyoso at
seremonyal na pinagmulan sa sayawan. Ang pintor na gumagawa nito ay kailangang
linisin ang kanyang sarili sa seremonyal na paraan at magbigay panalangin para sa
kanyang mga ninuno kung kanino siya ay humihingi ng patnubay bago magsimula
sa paggawa ng maskara. Ang mga maskarang Africano ay kumakatawan sa mga
kaluluwa. Ang piniling tagasayaw ay magkakaroon ng pagkawalang diwa para
makakuha ng pamamatnubay at karunungan galing sa mga ninuno. Pagkatapos
nito, ang tagasayaw ay magsasalita at ang kasama niya ay magbibigay ng
kasingkahulugan ng mensahe.
Bukod sa maskara, may marami pang ibang uri ng sining na mahalaga para
sa mga taga-Africa. Isa sa mga ito ay ang paggawa ng “beadwork”. Ang mga tao na
nakatira sa Zulu ay kilala dahil sa kanilang magandang beadwork. Ang kulay ng
bilang bead ay mayroong tiyak na kahulugan. Ang mga bead ay ginagamit para
magdala ng mga mensahe na tinatawag nilang “ucu”, isang salitang Zulu na ang ibig-
sabihin ay “love letters”. Isang tradisyon para sa mga batang babae na magbigay ng
pulseras na may iba’t ibang kulay sa mga lalaki.
Pelikula
Ang pelikula ay isang larangang sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Nililikha ang
pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao.
Sangkap ng Pelikula
A. Tema- Ang paksa, diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula
B. Pamagat- Naghahatid ng mensahe ng pelikula at pumupukaw ng pansin ng
manonood.
C. Tauhan- Ang mga nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.
Protagonista- Tauhang tinatawag na mabuti. Samakatuwid siya ang “Bida''.
Antagonista- Kilala sa katawagang kontrabida at kadalasang nagtataglay ng
negatibong katauhan.

56
D. Tagpuan- Lugar na pinangyarihan ng isang kuwento.
E. Diyalogo- Mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. Sa pagsusuri
ng pelikula isaalang-alang ang uri ng wikang ginamit ng mga tauhan.
F. Sinematograpiya- Ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang
kamera na isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at
paggamit ng ilaw. Ang magagandang lokasyon o ang mga angkop na lugar
para sa mga eksena ang siya ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula.
Isinalalarawan ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng ilaw, komposisyon,
galaw at iba pa.
G. Musika- Ang nagpapalutang ng kahulugan ng tagpo o damdamin.
H. Direksyon- Hinuhusgahan ang kabuoan ng pelikula dahil sa husay ng
direktor. Siya ang kapitan sa produksyon ng pelikula. Ang utos at kumpas
niya ang nasusunod sa shooting at gayondin sa usaping teknikal, iskoring,
sinematograpiya at editing.

Teoryang Pampanitikan
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan
sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin
ng tekstong panitikan na ating binabasa.
Teoryang Humanismo
Ang humanismo ay tradisyong pampanitikang nagmula sa Europa sa
panahon ng Renaissance o Muling Pagsilang. Sa panahong ito, nagtuon ang mga
pilosopo at intelektuwal sa pagpapahalaga sa tao. Sa kasalukuyang panahon,
binibigyan kahulugan ng International Humanist and Ethical Union ang humanismo
bilang isang dekmokratiko o etikal na katayuan na nagpapatibay sa pananaw na ang
taong ay may karapatan at responsibilidad na bigyang-kahulugan ang kanyang
sariling buhay.
Sa panunuring pampanitikan, ang tradisyong humanismo ay kumikilala sa
kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya sa kanyang sariling tadhana. Ayon kay
Cicero sa kanyang On the Orator, ang tunay na tao ay iyong humani, ang tao na
naging sibilisado sa pamamagitan ng angkop na pag-aaral ng kultura. Humanitas o
humanism ang tawag sa kulturang lumilinang ng nasabing tao. Ngunit naiiba naman
ang pananaw ni Cicero sa humanismo na sumulpot sa panahong Renacimiento
sapagkat ang humanismo sa panahong ito ay isang sistema ng pananaw o
paniniwala na laban sa teolohiya, pilosopiya, sining at mga akda noong Kalagitnaang
Panahon.
Sa pananaw humanismo, walang higit na kawili-wiling paksa kaysa sa tao.
Kung pumasok man ang kalikasan sa likhang-sining ay upang higit na maipakita
ang mga katangian ng tao.
Mga Simulain ng Humanismo
1. Pangunahing paksa ng panitikan at sining ay ang tao, ang kanyang mga
saloobin at damdamin.
2. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino,
kakayahan at kalikasan ng tao.
3. Itinaguyod ang relihiyong nagtuturo ng moralidad na nagtatakda kung ano
ang maling asal at pagpapahalaga.
4. Binibigyang-pansin ng mga manunulat ang mga problemang nadarama o
nararanasan sa kasalukuyan kaysa sa mga darating na panahon.

57
Pang-ugnay
Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng
dalawang yunit sa pangungusap.
Uri ng Pang-ugnay
I. Pangatnig - Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa:
at, pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya, kung, gayon at iba pa
II. Pang-angkop - Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. May tatlong pang-angkop sa Filipino, ang -na, -ng at -g. Ang
-na ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig
maliban sa letrang n. Ang mga salitang nagtatapos sa letrang n ay
ginagamitan ng pang-angkop na -g. Ang -ng ay idinurugtong sa salitang
nagtatapos sa patinig.
III. Pang-ukol - Ang mga tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan at sa iba pang salita sa pangungusap.

Halimbawa:
ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay,
alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at tungkol sa/kay.

Gawain 1: Alamin ang mga tradisyong kinamulatan ng mga mamamayan ng Africa


batay sa napakinggang diyalogo sa link. Sagutan ito sa sagutang papel.

https://www.youtube.com/w
atch?v=hTfbh3tQNfo&t=20s.

Unoka: Isa akong kahihiyan sa aming Tradisyon:


pamilya dahil ako ay lubog sa utang sa
______________________________
aking mga kanayon at napabayaan ang
aking pamilya. ______________________________
Okonkwo: Ama, aking papatunayan sa ______________________________
bawat isa na kaya kong pamunuan ang
siyam na nayon na ibinigay sa akin at ______________________________
hindi ako tutulad sa isang katulad
ninyo.

Ikemefuma: Ako ang naging tanda ng Tradisyon:


pagkakasundo ng dalawang nayon
upang magkaroon ng kapayapaan sa ______________________________
aming mga pamilya. ______________________________
Okonkwo: Ang aming nayon ay laging ______________________________
bukas para sa iyo. Ikaw ay magiging ______________________________
parte na rin ng aming pamilya.

58
Ogbuefi Ezeudu: Okonkwo dapat hindi Tradisyon:
natin tanggapin ang batang iyan dahil
______________________________
hindi siya bahagi ng ating nayon.
______________________________
Okonkwo: Pasensya na po, ngunit ako
ay tumututol sa inyong ideya dahil ang ______________________________
bawat isa sa siyam na nayon ay parte ______________________________
na ng aking pamilya at puso.

Gawain 2: Suriin ang binasang buod ng nobelang Paglisan. Tukuyin at ipaliwanag


ang mga bahaging nagpapakita ng teoryang humanismo. Isulat ang
sagot sa papel.

Pangyayari sa nobelang Paano naipakita ang teoryang


nagpapakita ng teoryang Humanismo sa pangyayari sa
Humanismo: nobelang Paglisan?
________________________________
_____________________________________
________________________________
_____________________________________
Gawain 3: Gamit ang grapikong pantulong, suriin ang excerpt ng isinapelikulang
nobelang Faith Like Potatoes na mapapanood sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=LENKN1ST8eI . Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

____________________________________________________
Tauhan
____________________________________________________
____________
____________________________________________________
Tema
____________________________________________________
____________
____________________________________________________
Sinematograpiya
____________________________________________________
____________
____________________________________________________
Direksyon
____________________________________________________
____________
Gawain 4: Ilapat nang may kaisahan ang angkop na pag-ugnay sa pagsusuri ng
pelikulang Faith Like Potatoes na mapapanuod sa
https://www.youtube.com/watch?v=LENKN1ST8eI .

Pamantayan 3 2 1
Kaisahan Lahat ng May isa hanggang tatlong May apat hanggang anim
pangungusap ay pangungusap na walang na pangungusap na
tumatalakay sa isang kaugnayan sa paksa at hindi walang kaugnayan sa
paksa at malinaw na masyadong malinaw ang paksa at naiba ang daloy
magkakau-ugnay ang paglalahad ng ideya. ng talakayan
mga ideya

59
1. Paano nailahad ang mensahe ng pelikula sa mga manonood?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano naipakita ng pangunahing tauhan ang mahalagang aral na nais ipabatid
ng pelikula?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Ilahad ang iyong mga natutuhan. Punan ang sumusunod na pahayag.
A. Napag-alaman kong _____________________________________________.
B. Masasabi kong __________________________________________________.
C. Natuklasan kong ________________________________________________.

Panuto: Ihalintulad ang tradisyon ng bansang Africa na makikita sa diyalogo sa mga


kasalukuyang pangyayari sa bansa.

Obierika: Okonkwo ano iyong


sadya? Bakit ikaw ay naparito? Tradisyon ng Africa:

Okonkwo: Kailangan ko ang


iyong payo kaibigan dahil simula
Kahalintulad na pangyayari sa
nang mawala si Ikemefuna
bansa:
nakaranas na ako ng depresyon.

Ikemefuna: Ama! Ama! Tulong!


Tinangka akong patayin ng grupo Tradisyon ng Africa:
ng mga lalaki.

Okonkwo: Pasensya ka na
Ikemefuna.
Kahalintulad na pangyayari sa
(Sinaksak niya ang espada kay bansa:
Ikemefuna sa harap ng
maraming mamamayan.)

Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama, M kung mali at itama ang pahayag.
Isulat ag sagot sa sagutang papel.
1. Ang pagtanggap ng iba’t ibang tradisyon o paniniwala ay bahagi ng tradisyon
ng mamamayan ng Africa.

60
2. Sumasamba sa mga tribo ang mga Africano.
3. Labis ang paghihirap ni Angus upang pamamunga ang kaniyang taniman.
4. Marami ang nais tumulong kay Angus ngunit ayaw niyang magpatulong.
5. Ang paglupig ni Okonkwo sa ibang tribo ay nagpapakita ng katangian ng
teoryang romantisismo.
6. Hindi sumunod si Okonkwo sa yapak ng kaniyang ama. Ito ay nagpapakita
ng teoryang humanism.
7. Ipinababatid ng teoryang humanismo na ang tao ang sentro ng mundo.
8. Kabahagi ng kultura ng bansang Africa ang pagpapakasal ng dalawang
magkaibang tribo para sa kapayapaan.
9. Naniniwala ang mga tribo sa Africa na ang pagsunog ng mga ari-arian ay
tanda ng pagkawala ng kasalanan ng may-ari nito.
10. Ang tema ng pelikulang Faith Like Potatoes, ay patungkol sa pagkamit ng
pangarap.

Karagdagang Gawain

Pakinggan ang mga diyalogo sa nobelang Paglisan sa link na


https://www.youtube.com/watch?v=hTfbh3tQNfo&t=20s at tukuyin ang mga
tradisyong nasasalamin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tradisyon patungkol sa pamumuno

1___________________________________________________________________

2___________________________________________________________________

Tradisyon patungkol sa pamilya

1___________________________________________________________________

2___________________________________________________________________

Tradisyon patungkol sa pag-aasawa

1___________________________________________________________________

2___________________________________________________________________

61
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, aasahang iyong matatamo ang sumusunod
na kasanayan:
• Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia F10EP-IIf-32

Panuto: Isulat ng T kung tama ang sumusunod na katangiang


nalalaman mo tungkol sa Africa at/o Persia at M naman kung mali, at
lagyan ng ekis (X) ang salita na nagpamali sa pangungusap.
_____1. Ang Africa ay isang bansa.
_____2. Maliit ang populasyon mayroon ang Africa.
_____3. Ang Africa ay pinalilibutan ng disyerto.
_____4. Lahat ng tauhan dito ay kulay itim ang balat.
_____5. Ang damit ng mga tao sa lugar na ito ay nagpapahiwatig ng kalagayan
ng tao sa lipunan.
_____6. Ang pinakamalaking disyerto sa mundo ay matatagpuan sa Africa.
_____7. Makahulugan ang pagsusuot ng mask at paglalagay ng pintura upang
maipahayag ang ekspresyon ng mga tao rito.
_____8. Si Cyrus the Great ang naging dahilan ng pagbagsak ng Persia.
_____9. Ang bricks na ginagamit sa mga gusali ay impluwensya ng mga
Persyano.
_____10. Ang Persia ay tumutukoy rin sa Iran.

Aralin
* Paggamit ng Iba’t Ibang Batis Impormasyon
8

Panuto: Itala ang lahat ng akdang pampanitikang inyong tinalakay sa nakalipas na


aralin na mula sa Africa at/o Persia.

❖ Mitolohiya: __________________________________
❖ Anekdota: __________________________________
❖ Tula: __________________________________
❖ Epiko: __________________________________
❖ Sanaysay: __________________________________
❖ Nobela: __________________________________

62
Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang sumusunod na gabay na tanong.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

Kilala ang Africa bilang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa buong


mundo at pangalawa rin sa dami ng populasyon sumunod sa Asya. Ang kontinenteng
ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may
Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang
Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga
kapuluan sa kontinente ng Africa. Ang mayamang akdang pampanitikan ng Africa, ang
kanilang mahuhusay na manunulat sa larangan ng pilosopiya at paniniwala, mga
literaturang sumasalamin ng kanilang kultura at tradisyon ay iilan lamang sa mga
naiambag ng bansang Africa sa mundo ng panitikan.

Ang Persia naman ang parte ng Timog-Kanlurang Asya na nag-uugnay sa


bansang tinatawag na Iran ngayon. Ang Iran ay lupain ng mga Aryan. Ang panitikan ng
Aryan ang itinuturing na pinakamahusay at isa sa may pinakamatandang panitikan sa
daigdig. Ang kanilang panitikan ay sumasalamin sa isang maluwalhating kultura at
sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at imahinasyon ng mga
Persyano sa paglipas ng maraming siglo.

-halaw sa http://kilalaninangpanitikanngafricaatpersia.blogspot.com/2016/12/kilalanin-ang-panitikan-ng-africa-at.html

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang teksto?
2. Ano-ano ang impormasyong historikal ang binanggit tungkol sa Africa at
Persia?
3. Ano-anong magagandang katangian ng panitikan ng Africa at Persia ang
napalutang sa teksto? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, bukod sa internet at saan pa makasasaliksik ng mga
impormasyon tungkol sa Africa at Persia?

BATIS NG IMPORMASYON

Ang batis ng impormasyon ay mga hanguan o sanggunian ng mga impormasyong


nakukuha ng mga nagsasaliksik, nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa
aspekto ng edukasyon, pananaliksik at paggawa ng pormal na kasulatan.

Pangunahing sanggunian ang primaryang batis. Ang mga ito ay ang bagay at mga
tala na naglalaman ng impormasyong galing mismo sa bagay o tao pinanggalingan
nito.

Ang mga primaryang batis ay maaaring uriin sa dalawa: nakasulat at ‘di-nakasulat.


Ang mga nakasulat na primaryang batis ay mga dokumentong naglalaman ng mga
ulat ng kaganapan, tala, opinyon, pananaw, at damdamin ng may-akda tulad ng
talaarawan, awtobiograpiya, liham, pahayagan, memoir, mga ulat, talumpati, opisyal
na dokumento, katitikan ng pulong at mga kasunduan.

63
Ang mga primaryang batis naman na inuuri bilang ‘di-nakasulat ay yaong mga hindi
matatagpuan sa anyong pasulat. Ito ay mga bagay o gamit na naiwan ng isang
kaganapan na naging saksi sa mga pangyayari. Ito ay maaaring ginamit ng mga tao
sa isang partikular na panahon at mga ebidensya ng pag-iral ng isang tao at
pangyayari. Ilan sa mga ito ay artipakto, relikya, kasaysayang oral at larawan o
dibuho. Kabilang din dito ang mga panayam at interbyu sa radyo at telebisyon.

Sa kabilang banda, ang mga sekondaryang batis naman ay mga lathalain na


nakaangkla sa mga tala at impormasyon halaw sa primaryang batis. Binibigyang-
diin dito ang pagsangguni ng mga sekondaryang batis sa mga primaryang batis
bilang pinagmulan ng mga impormasyon. Ang mga aklat tulad ng diksyunaryo,
ensayklopidya, taunang-aklat o yearbook, almanac at atlas; mga nalathalang
artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan, at newsletter; mga tesis, disertasyon at
pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man o hindi; mga monograf, manwal, polyeto,
manuskrito, flyers at iba pa ang ilan sa mga halimbawa nito. Nakakatulong ang mga
sekondaryang batis upang makilala ng mga mananaliksik ang mga primaryang
batis. Nakadaragdag sa paunang kaalaman ng mga mananaliksik ang pagkakilala
nila sa mga sekondaryang batis upang mas maunawaan ang nilalaman, konteksto
at naratibo ng mga primaryang batis.

Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na


hanguan ng mga impormasyon o datos. Itinuturing ito ngayong elektronikong
sanggunian. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka
nang makukuha. Gamit ang hanguang elektroniko o internet, abot-kamay na ang
paghahanap ng impormasyon. Magkagayonman, kailangang isaalang-alang ang
maingat na pagsusuri ng impormasyon upang maging tama ang pagsulat ng
nakakalap na datos.

Gawain 1: Ayusin ang mga ginulong titik upang matuloy kung anong klaseng batis
ng impormasyon ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang mga ito ay naratibo ng mga kaganapan na inakda ng mga tao na mismong
nakaranas at nakasaksi sa araw-araw na pangyayari.
NATARAWALA
2. Ito ay ang mga pahayag na binigkas sa mga mahahalagang okasyon,
pagtitipon, gawaing panrelihiyon o pulitikal.
LATAPUMTI
3. Mga opisyal na dokumentong bunga ng pananaliksik ng isang grupo ng tao
na naglalayong maghatid ng impormasyon ukol sa isang partikular na
kaganapan.
TULA
4. Kalipunan ng mga aklat na nakapangkat mula A-Z at naglalaman ng mga
daan-daang impormasyon tungkol sa mga kilalang tao, lugar at mga
pangyayari.
DYNKASOPEIYAL
5. Isang aklat na naglalaman ng mga kahulugan, wastong baybay at uri ng
pananalita patungkol sa isang salita.
ADUISYNRYOK

64
Gawain 2: Magsagawa ng pananaliksik gamit ang mga batis ng impormasyon hinggil
sa magagandang katangian ng kultura at panitikan ng Africa at/o
Persia. Itala ang iyong nakalap na impormasyon sa loob ng kahon.
Sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat sa papel ang sagot.

KULTURA PANITIKAN

A. Anong batis ng impormasyon ang iyong ginamit?


_____________________________________________________________________
B. Paano mo ginamit ang naturang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian kultura at panitikan ng Africa at/o Persia?
_____________________________________________________________________
C. Paano nakatutulong ang mga batis ng impormasyon sa pagtukoy ng
magagandang katangian ng Africa at/o Persia?
_____________________________________________________________________

Gawain 3: Magbigay ng magandang katangian ng Africa at/o Persia na masasalamin


sa mga akdang natalakay sa mga nakalipas na aralin sa ikatlong
markahan. Kopyahin at sagutin ang grapikong pantulong sa sagutang
papel.

KATANGIANG NASALAMIN NG
GENRE
BANSANG PINAGMULAN
MITO
ANEKDOTA
TULA
EPIKO
SANAYSAY
NOBELA

Isaisip

Panuto: Bumuo ng isang facebook post kung paano mo pahahalagahan ang


magagandang katangian mayroon ang Africa at Persia. Gawin ito sa
sagutang papel.

Natutuhan ko sa modyul na ito na ang anekdota bilang akdang


pampanitikan ay _________________________________________________________.
__________________________________________________________________________.

65
PANGWAKAS NA GAWAIN
Panuto: Gumawa ng isang dalawa hanggang tatlong minutong patalastas
pantelebisyon na magtatampok sa alinmang bansa sa Africa o Persia at
sa mayamang sa panitikan at kultura nito. Maaari kang kumuha ng mga
datos sa iba’t ibang batis ng impormasyong makikita sa mga aklatan at
internet.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng inaasahang pagganap:

Pamantayan Puntos
Kasiningan (orihinalidad at estilo ng pagkakabuo ng 40 puntos
patalastas)
Kaangkupan (totoo/tunay ang ipinakitang 30 puntos
impormasyon batay sa nakalap sa mga batis)
Gramatika (wasto at angkop ang gramatika at 15 puntos
retorika)
Kawilihan (hikayat sa manonood) 15 puntos
Kabuoan 100 puntos

A. Panuto: Piliin sa mga salita sa kahon kung saang batis ng impormasyon


nararapat na hanapin ang sumusunod na mahahalagang
impormasyon tungkol sa Africa at Persia. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

ATLAS DIKSYUNARYO ENSAYKLOPIDYA


MAGAZINE TALAARAWAN

1. Mahahalagang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng bansang Kenya.


2. Pang-araw-araw na karanasan at pagkikipagsapalaran noong apartheid sa
South Africa.
3. Mga bansang nakapaligid sa bansang Kenya.
4. Artikulong inilathala tungkol sa kabubukas na mosque sa Iran.
5. Tamang bigkas ng bansang Mozambique.

B. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga batis ng impormasyon kung ito ay


primaryang batis, sekundaryang batis at elektronikong sanggunian.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mga larawang kuha patungkol sa segregasyon sa mga pampublikong


sasakyan sa South Africa.
2. Paglalarawan sa bansang Kenya sa sikat na publikasyong National
Geographic.
3. Talumpati ni Arsobispo Desmond Tutu sa isang pagpupulong ng Truth and
Reconciliation Commission.

66
4. Artikulo ng bansang Nigeria sa Wikipedia.
5. Balitang nailathala tungkol sa pagkawasak ng mga artipak sa mga Museo sa
Iran at Iraq dahil sa mga ISIS.

Magsaliksik sa internet o sa mga aklat ng isang akdang Pilipino at ihambing ito sa


akda ng Africa at/o Persia. Malaya ka sa genre ng akdang pampanitikan na iyong
mapipili.
Akda ng Pilipinas Akda ng Africa at/o Persia

PAMAGAT PAMAGAT

PAGKAKATULAD

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

67
Susi sa Pagwawasto

Ayon sa guro ang susi sa pagwawasto

Sanggunian

Aklat sa Wika At Pagbasa


Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon
Lydia P. Lalunio, PhD

Alab ng Wika

68
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

69

You might also like