Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REMEDIATION/INTERVENTION

Base
sa

lumabas na resulta ng Unang Markahang Pagsusulit sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Filipino ng Baitang Labing -Isa Taong Panuruan 2023-2024 ay napag-
alaman na ang nakuhang MPS ng Komunikasyon at Pananaliksik ay 51.1 na kung saan ay
hindi ito nakaabot sa National Standard na 75%. Ang MPS ay nakatutulong upang
mamonitor ang mga mag-aaral kung sila ba ay nakaunawa sa mga aralin na nakapaloob sa
isinagawang pagsusulit. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ako ng sapat na impormasyon
kung paano masusuportahan ang pangangailangan ng mga mag-aaral upang
maisakatauparan ng maayos ang pagkakaroon ng remidyal sa klase sa pamamagitan ng
ginawang interbensyong material ng guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng modyul sa mga
batang nakakuha ng mababang marka lalong lalo na ang seksyon ng TVL Probity kung saan
marami dito ang hindi nakakasabay dahilan na rin sa pagliban sa klase.
Malaki ang maitutulong ng modyul sa pagpapaunlad ng kanilang pagkatuto. Dito nila
matututuhan ang kakayahan, kahalagahan at epektibong proseso ng pagkatuto sa
pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa mga nakahandang katanungan. Magkakaroon ito
ng malaking tulong sa mga mag-aaaral upang lalo pa silang mag-ensayo sa pagbasa at
mahasa ang kanilang pag-unawa sa lahat ng mga tekstong kanilang nababasa. Sa
programang K-12 layuning malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo o
mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin.

Ang modyul ay naglalaman ng sariling pagpapasya, sariling direksiyon at sariling


pagtataya. Nakalilinang ng mga tiyak na kaalaman at mga kasanayang hinahangad ng mga
guro at nagbibigay kasiyahan sa mga mag-aaral. Sa panig ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng modyul, nagagawa nilang umunlad batay sa sarili nilang kakayahan.
Nagkakaroon sila ng tuwirang pakikipag- ugnayan sa asignatura nilang pinag-aaralan,
napag-aaralan ang mga aralin ng buong lalim lalo na sa araling nangangailangan ng
atensiyon. Bilang isang guro, isang katotohanan na walang katapusan ang paghanap at
pagdukal sa mga kagamitan at estratehiya na alam nating makatutulong ng malaki upang
matugunan ang prinsipyo ng pagkatuto at pagtuturo. Buo ang aking paniniwala na ang
pinakamahusay na estratehiya ay magmumula mismo sa guro sapagkat ang pinakamahusay
at pinakaepektibong visual aids ay ang guro sa mata ng mga mag-aaral na kanyang
tinuturuan.

You might also like