Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 3

PAKSA 1
Gawain 1: Lumikha ng timeline ng yugto ng kabataan at panimulang edukasyon ni Rizal. Ilagay
ang sagot sa ibaba. (Isulat ang iyong kasagutan sa malinis na papel at ipasa sa Google
Classroom).
Kapanganakan ni Jose Rizal. Araw ng miyerkules siya ay isinilang sa bayan ng Calamba,
(Hunyo 19, 1861) Laguna.
Kauna-unahang guro ni Rizal. Tinuruan siya ng kanyang butihing ina noong tatlong gulang
(1864) lamang siya, at dahilan upang makapagsulat ng tulang may
pamagat na “Sa Aking mga Kababata”.
Unang taon ng pag-aaral ni Rizal sa Guro niya ang nag-iisang Padre Jose Bech, sa pagpasok niya
Ateneo Municipal de Manila. dito ay nakatamo siya ng pangunahing medalya at notang
(Enero 20, 1878-1873) Sobrasaliente sa lahat ng libro.

Pagpanaw ng Gomburza. Ang pagbitay sa tatlong paring Pilipino na sina Padre Gomez,
(Pebrero 17, 1872) Burgos, at Zamora ay nasaksihan ni Rizal, noon din ay
napagtanto niya ang kawalang katarungan at respeto ng
lipunan.

Pangalawang taon ng pag-aaral ni Nahilig siya sa pagbabasa, at ganun parin ay guro niya si
Rizal sa Ateneo Municipal de Manila. Padre Jose Bech.
(1873-1874)

Pangatlong taon ng pag-aaral ni Rizal Lubos na nahikayat siya ni Padre Francisco de Paula na
sa Ateneo Municipal de Manila. magsulat ng tula at mas mag-aral pa ng mabuti.
(1875-1876)

Huling taon ng pag-aaral ni Rizal sa Philosophy, Physics, Chemistry, at Natural History ay ang
Ateneo Municipal de Manila. mga inaral ni Rizal sa loob ng huling taon niya sa eskwela.
(1877-1877)
Ang pagtatapos ni Rizal at mga May kabuuang limang medalya ang kanyang natamo, at
karalangang kalakip nito. nakatanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at Notang
(Marso 23, 1877) Sobrasaliente.
Pag-aaral ni Rizal sa Unibersidad ng Ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga mag-aaral na
Santo Tomas. Pinoy ay kanyang nasaksihan, kaya sa ibang bansa niya
(1878) itinuloy an kanyang pag-aaral.
Lakbay ni Rizal patungong Espanya. Sa pagtungo niya rito ay naranasan niya ang labis na hirap at
(Mayo 3, 1880) kalungkutan.

Pagtatapos ng kurso niyang Medisina. Sa Unibersidad Central de Madrid siya nagtapos ng Medisina.
(Hunyo 21, 1884)

Ang pag-aaral ng Ingles ni Rizal. Nag-aral ng wikang Ingles upang magamit sa


(1884) pakikipagtalastasan sa ibang mga lahi.
Noli Me Tangere na akda ni Rizal. Sa halos pagtatapos ng taong 1884 at halos pagsisimula ng
(1884-1885) 1885 ay isunulat ni Rizal ang unang kalahati ng kanyang
akdang ito sa bansang Madrid.
Pagtatapos ng Noli Me Tangere. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero
(Pebrero 21, 1887) 1887, kung saan ang ikaapat na bahagi nito isinulat niya sa
Paris at ang isa pang ikaapat ay sa bahagi naman ng
Alemanya. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya upang
maipagawa niya ang dalawang libong kopya ng akda na
nagkakahalagang tatlong daang piso.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/
Paglisan ni Rizal patungong Europa. Umalis siya upang umiwas sa pagkagalit ng mga Kastila dahil
(Pebrero 3, 1888) sa pagkakalathala niya sa lugar ng Maynila.

Paglilimbag ng El Filibusterismo. Sa Grante Belhika ipinalimbag ang aklat na ito.


(1891)
Pagtatag ng La Liga Filipina ni Rizal. Lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng gobyerno ng
(Hunyo 3, 1892) Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi
karahasan.

Muling pagbalik ni Rizal sa Pilipinas. Turing na bakasyon ang pagbabalik niya sa bansa.
(Hunyo 26, 1892)
Pagdakip kay Rizal. Ayon sa kautusan ng Kapitan Heneral Despujol, inilathala sa
(Hulyo 7, 1892) Gazette ang mga rason sa pagdakip kay Rizal.

Pagpapatapon kay Rizal. Makalipas ang walong araw ng ika-15 ng buwan na iyon ay
(Hulyo 15, 1892) ipinatapon si Rizal sa Mindanao, si Kapitan Heneral Blanco
ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma’y
hindi siya nakilahok sa alsahang nagyari sa bansa ng Pilipinas.

Paghuli kay Rizal. Bago magtapos ang taon ng 1896 ay hinuli si Rizal sa
(1896) kinalulunang bapor habang naglalakbay siya patungong
Espanya, at pagdating ng Barcelona ay ibinalik sa Paris. Real
Fuersa De Santiago ay pinilit si Rizal nang siya ay dumating
ng Maynila, doon siya hinarap sa hukumang militar, nilitis, at
nahatulan barilin sa Bagong Bayan.

Pagpanaw ni Dr. Jose Rizal. Sa edad na tatlongpu’t tatlo ay binaril siya ng walang habas,
(Disyembre 30, 1896) bago lumabas ng Fort Santiago ibinigay niya ang ilawang
kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay
Trinidad.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/
Gawain 2: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong kasagutan sa
malinis na papel at ipasa sa Google Classroom.
1. Sino-sino ang magkakapatid na Rizal at ilarawan sila.
Saturnina (1850-1913) – babaeng panganay na kapatid ni Rizal, ikininasal siya kay
Manuel T. Hidalgo. Ang asawa niya ay isang katutubo at isa sa pinakamayamang tao sa
bayan ng Tanauan, Batangas. Kilala si Saturnina bilang “Neneng”, ang rason ay ang
maagang interes sa obstriksyon ni Saturnina na kasama ang kanyang ina at walong
kapatid na babae. Nagbahagi siya ng mga alalahanin sa kalusugan at sa kanyang kapatid
na si Jose siya ay humingi ng payo.
Paciano (1851-1930) – pangalawa siya sa labing-isang magkakapatid na ipinanganak ng
mayamang pamilya sa bayan nila sa Calamba, Laguna. Sa paglaki niya ay lubos niyang
nasaksihan ang labis na pang-aabuso ng mga klero at pamahalaang kolonyal ng Espanya
sa kanilang bayan at bansa. Isa siya sa miyembrong tagapagtatag ng La Juventud Liberal,
ito ay isang oraganisasyong binubuo ng mga mag-aaral mula sa repormista na kung saan
ay nagtatrabaho sa ilalim ng direksyong Comite de Reformadores. Ang lihim na
pamamahagi ng mga kopyang papel ng repormista ay isa sa kanilang gawain bilang
grupo sa organisasyon.
Narcisa (1852-1939) – pangatlo sa kanilang magkakapatid na gaya ni Saturnina ay
tumutulong rin si Sisa sa pag-aaral ni Jose sa bansang Europa. Bukod dito ay sinaulo’t
nasaulo niya rin ang mga tulang sulat mismo ng kanyang kapatid na si Jose, nang
palayasin ang mga ito sa kanilang tahanan ay si Sisa ang nagpatuloy sa kanila. Maging
ang kasintahan ni Jose na si Josephine Bracken ay pinatuloy niya sa kanyang munting
tahanan noong panahon na pinaghinalaan ito ng pamilya nila na isang espiya ng mga
dayuhang paring Espanyol.
Olympia (1852-1887) – pang-apat na anak ng pamilyang Rizal Mercado, kung saan ay
ikinasal siya kay Silvestre Ubaldo at di kalaunan ay namatay sa taong 1887 dahil sa
panganganak. Tapat itong pagpaparami ng potograpiya ng mga gawaing pampubliko para
sa larangan ng sining.
Lucia (1857-1919) – ikinasal kay Mariano Herbosa na pamangkin ni Padre Si Casañas,
na isa rin sa saksi noong binyagan si Jose Rizal. Si Lucia ang sa magkakapatid ay
nagkaroon ng walong anak, nang pumanaw ang asawa ay hindi na muling naghanap ng
panibagong pag-ibig. Sa edad niyang 62 ay pumanaw na rin siya.
Maria (1859-1945) – siya ang pang-anim na anak sa pamilyang Rizal, sa kanya
malayang nailahad ni Jose ang kagustuhan nitong magpakasal sa kasintahang si
Josephine. Kay Maria rin sinabi ni Jose ng plano nitong magtatag ng isnag kolonyo ng
Filipino sa North British Borneo.
Jose (1861-1896) – sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna ay ipinangak siya noong
araw ng Miyerkules, ika-18 taong 1861 ng Hunyo. Sa simbahang katoliko ay bininyagan
siya ni Padre Rufino Collantes at kasama nito bilang ninong niya na si Padre Pedro
Casanas, taga Calamba at matalik na kaibigan ng pamilyang Rizal. Nagmula ang
pangalang “Jose” sa deboto ni San Jose na siyang pinili ng kanyang ina, na kung saan ang
buong pangalan ni Jose ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda.
Conception (1862-1865) – kilala sa tawag na “Concha” ng kanyang mga butihing
kapatid. Pangwalong anak ng pamilya Rizal, sa edad na tatlong gulang ay pumanaw siya.
Ayon sa kanyang mga kapatid na babae ay pinakamamahal ni Pepe ang isang taon na mas
batang Concha sa kanya.
Josefa (1865-1945) – ang parehong stereotype ng babae at kapansanan ay kanyang sinira,
at inihalal siya bilang pangulo ng Kapitpunans Women’s Chapter noon na kung saan
kinuha niya ang apela na “Sumikat”. Isinulong niya ang mga ideya ng liberalism sa
pamamagitan ng Logia de Adopcion, at nagconvert rin siya sa Freemasory. Sa edad na 90
ay pumanaw si Josefa.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/
Trinidad (1868-1951) – upang matagpuan ang kauna-unahing Masonic Lodge ay isa si
Trinidad sa mga tumulong dito, na para sa kababaihan sa Pilipinas. Miyembro rin siya ng
Walana, ito ay isang Filipino Mansory Society na nabuo sa Maynila noong taon ng 1893,
ika-18 ng Hulyo. Ang kauna-unahing oraganisasyong pambabae ng Pilipinas ay siyang
itinatag ni Trinidad, na mas kilala sa tawag na “Philippine Feminist Association (AFF)”.
Soledad (1865-1929) – panglimang anak ng pamilyang Rizal, yumao sa lugar ng San
Roque, Cavite.

2. Mayroon pa bang magkakapatid sa panahon ngayon na katulad ng sa pamilya ni


Rizal? Ipaliwanag ang iyong sagot.
- Sa personal na kasagutan ay oo, mayroon pang gaya nila. Ako at ang sampu kong kapatid ay
masaya na lumaki sa Sablayan, Occidental Mindoro, at gaya ng pamilyang Rizal ay nahihirapan
rin ang aking magulang sa pagpapalaki sa amin at maging sa pagpapa-aral sa amin ay hindi
madali, kaya naman ang doble kayod ay tinututukan ng husto at sa maliliit na paraan ay
tumutulong ang bawat isa saming magkakapatid sa aming magulang nang sa ganun ay paunti-
unti ring maibsan ang hirap na dinaranas nila at masuklian sila kahit sa simpleng paraan man
lamang. Ang pagkakaroon ng malaking pamilya ay talaga namang masaya, ngunit ang
pagkakataong magkahiwalay na ang bawat isa samin dahil sa kagustuhang lumayo at magtrabaho
sa ibang lugar ay napakalungkot rin at sa kabilang banda ay naging mas maayos parin naman,
sapagkat sa kasalukuyan ay nakakatulong na ang iba samin dahil nakapagtapos na sila ng pag-
aaral at may maayos na trabaho sa ibang lugar, kung saan ang kadalasang uwi na lamang nila rito
ay ang mga panahon na may okasyon gaya ng pasko, mahal na araw, bagong taon, etc.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/
PAKSA 3
Paalaala: Isulat sa malinis ang iyong sagot at ipasa sa Google Classroom.
Gawain 1: Pagsulat ng sanaysay ukol sa katangian ng iyong ina at ihalintulad siya kay
Doña Teodora Alonzo.

Hindi mabubuo ang isang pamilya kung ang ina ay wala rito, nagsisilbing ilaw na
gumagabay sa bawat isa na miyembro ng pamilya. Ang ugaling mayroon ang aking ina
ay talaga namang kakaiba, binibigyan niya ng suporta ang bawat isa sa amin, minamahal
niya kami ng lubos pa sa kanyang sarili, at ipinaparamdam niya na hindi ako/kami nag-
iisa sa bawat problema, maging maliit man o malaki pa ito. Para sa akin, kung wala aking
ina ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa lahat ng bagay na naka-abang sa
akin, at marahil ay maramdaman kong ang lahat halos ay naghihintay na bumagsak at
sumuko ako ngunit dahil narito nga ang aking ina ay hindi alintana sa akin ang mga
bagay na hindi ko kayang gawin bagkus ay ang mga bagay na kaya kong gawin ang aking
inuuna sa tulong at suporta ni mama, lagi niyang pinararamdam sa akin na kaya ko kahit
ang totoo ay parang hindi naman talaga ngunit nagtatapos parati na nakayanan ko,
sapagkat andyan siya parati na gumagabay at numero unong humahanga sa kung ano ang
kaya ko. Gaya ko na hindi alintana ang kahit ano basta’t nandyan siya, ganun rin si
mama, di alintana sa kanya ang pagod at hirap ng pagkakayod buong araw para
matustusan lamang kaming magkakapatid na nag-aaral pa rin at maitawid kami sa araw-
araw na pamumuhay. Niminsan ay hindi ko siya narinig na magreklamo o magdaing ng
kanyang mga hinaing at pagod sa maghapon, pero alam ko na nahihirapan siya kaya’t
kahit sa maliliit na paraan ay tumutulong ako sa kanya, maging sa pagluluto, paglilinis ng
bahay, at higit sa lahat ay ang masahihin siya upang maibsan ang pananakit ng katawan
sa mahabang lakad na kanyang ginawa maghapon. Higit pa ang aking ina sa lahat, ngunit
siguro’y maihahalintulad ko siya kay Doña Teodora sa katangian nitong maalalahanin,
mapagmahal, at higit sa lahat ay matiyaga sa buhay. Nagsakripisyo si Doña Teodora nang
pumunta siya sa ibang bansa upang magtrabaho para sa kanyang pamilya at gaya niya
ang aking ina ay araw-araw ring nagsasakripisyo maitawid lamang ang pamumuhay
naming pamilya.
Para sa akin ang mga ina ay hindi lamang basta tao sa lipunan, sila ay maituturing rin na
bayani sapagkat ang pagmamahal na alay nila sa bawat isa ay hindi matutumbasan ng
kahit na anong materyal na bagay o kahit salapi pa man. Walang kahawig ang
pinamamalas nilang tiyaga at pagod, ang mundo ay napakaraming negatibo ngunit sila
ang para sa halos lahat ay positibo sapagkat may hangaring nagmumula sa mga puso.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/
Gawain 2: Basahin at ilahad ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang kaibahan ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo de Municipal noon, kumpara sa ibang
paaralan?
- Kung ikukumpara sa ibang paaralan ang kaibahan ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo de
Municipal, yun ay ang nakapasok siya sa paaralang ito dahil sa lubos na tulong ng isang paring
Kastila. Kung saan ang pagsusulit ni Rizal ay kanyang naipasa sa tulong ng Kastilang pari at
kung wala ito ay hindi siya makakapag-aral ng kursong nais niya na wala sa ibang paaralan.
2. Ilarawan ang naging karanasan ni Rizal sa pag-aaral sa Ateneo?
- Sari-saring pang-aalipusta ang naranasan ni Rizal, sapagkat ang husay niya sa halos lahat ng
larangan ay hindi sapat dahil sa hindi siya gaano marunong magsalita ng wikang Espanyol.
3. Ano ang nagtulak kay Rizal para hangarin niyang mag-aral sa ibang bansa?
- Ang kawalang galang sa mag-aaral na Pilipino ang nagtulak sa kanya upang mag-aral sa ibang
bansa, labis ang kanyang pagkadismaya sa pag-aaral niya sa Pilipinas kaya ang pasya niyang sa
ibang bansa mag-aral ay isinakatuparan niya talaga. Isa pa rito ay ang minsang paluin siya ng isa
sa gwardya silbil, na may dahilan lamang na nakaligtaan niyang magbigay galang dito.
4. Ano ang mensahe ng tulang “Sa Aking mga Kababata”? ipaliwanag ag mensahe ayon sa
inyong pagkakaunawa sa tula.
- Nais iparating nito ay ang wika na inihalintulad ni Rizal sa mamamayang ipinanganak ng may
kalayaan, noon ang Pilipinas ay naging alipin ng mga dayuhang Kastila at ganun pa man ay
sinasabi ni Rizal sa talatang ito na kahit ang bansa ay parang nasa bilangguan at rehas ng mga
dayuhan, ang pagmamahal at pagtangkilik sa sariling wika ay magiging simbolo at isa sa dahilan
upang maipamalas ang pagkatao ng ating pagka-Pilipino sa bansang ating pag-aari.
5. Naging matagumpay ba si Rizal sa larangan ng pag-ibig? Ipaliwanag kung bakit?
- Sa palagay ko ay hindi naging matagumpay si Rizal sa pag-ibig, marahil ay dahil sa
napagkaalaman niyang ang kasintahan niyang si Leonora ay nagpakasal sa isang inhenyerong
Ingles. Bukod dito ay ang lahat ng naging kasintahan niya ay hindi rin nagtagal sa piling niya at
naghiwalay ring tuluyan dahil sa kani-kanilang dahilan.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/
Gawain 5: Basahin at ilahad ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong.
1. Gumawa ng maikling sanaysay pantalambuhay na naghahambing sa sariling
talambuhay noong kabataan ni Rizal.

Kilala sa pangalang “Dr. Jose Rizal” na ang buong pangalan naman ay Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonzo Realonda, ang buhay ni Jose ay hindi maihahalintulad sa ibang henyo,
marahil ay dahil sa talentong mayroon siya at ang buong puso niyang pagsakripisyo sa sarili
niyang buhay para sa mga kababayang Pilipino na nasa ilalim ng mga kamay ng Espanylol
noong unang panahon. Mayroon si Rizal ng napakahusay na moral, intelektuwal, at may pisikal
na katangian. Taong 1861 sa ganap na ika-19 ng Hunyo ay isinilang ang pambansang bayani ng
Pilipinas, nagmula sa pamilya ng Rizal na kinilalang isa sa may pinakamayamang pamilya sa
bayan ng Calamba. Sina Don Francisco Mercado Rizal at Doña Teodora Alonzo Realonda ang
mga magulang niya na nagbigay sa kanya ng lubos pagmamahal, ang ina at ama ni Jose ay
kapwa relihiyoso, ganun din ay mag pinag-aralan ang mga itito.
Ang potensyal na mayroon si Rizal ay nakita na sa kanya bata pa lamang at naging rason ito ng
maaga niyang pagpasok sa eskwela. Sa Biñan, Laguna ang unang pormal na pag-aaral niya, na
kung sana dito siya naging mahusay sa pagsasalita ng wikang Latino at maging sa papipinta ay
naging magaling rin siya. Nang matapos niya ang pag-aaral sa Biñan, Laguna ay itinuloy niya
ang pag-aaral ng kolehiyo sa Ateneo de Manila na kung saan siya ay nagtapos ng may mataas na
karangalan sa Batsilyer sa Agham noong ika-23 ng Marso, taong 1876. Hindi kalaunan ay dahil
sa kagustuhan ni Jose na makapaghanda ng kung anong pipiliin niyang karera ay kinailangan at
napilitan siyang pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas, na kung saan ay tumutol ang kanyang
ina sa ideya niya na ito ngunit sa huli ay wala ring nagawa ang ina niya sa desisyon ng anak na si
Jose. Nang matapos ni Jose ang ika-apat na taon niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ay
nagdesisyon siya na mag-aral naman sa ibang bansa at nagenrol sa Unibersidad Central de
Madrid, at natapos niya rito ang sabay na kursong Medisina at Pilosopiya. Pagkatapos niya ng
pag-aaral sa Madrid ay pumunta siya sa Gay Paris at Heidelberg, upang kumuha doon ng mas
marami pang kaalaman tungkol sa Ophthalmology at doon niya nakuha ang masteral nito.
Bago matapos ang taong 1884 sa Madrid, sinimulan at natapos ni Jose Rizal ang kalati ng
kanyang nobela na may pamagat na Noli Me Tangere, kung saan ang pagsusulat ni Rizal nito ay
nasa sitwasyon siya ng kawalang pag-asa ngunit di kalaunan ay napagtagumpayan pa rin niya
itong tapusin at maging ang ikalawang bahagi ng nobelang El Filibusterismo ay natapos niya rin.
Dahil sa pagkabuhay ng pagkanasyonalismo ni Jose ay itinatag niya ang “La liga Filipina”, ito
ay samahan ng mga Pilipino na magtataguyod sa pag-unlad ng industriya, agrikultura, at
komersyo ng bansang Pilipinas. Dahil dito ay maraming Pilipino ang nabuhayan ng pag-asa,
ganun din noong taong 1892 ay ipanadakip si Jose Rizal dahil dito at walang habas na ipinatapon
siya sa Dapitan, kung saan dito ay nakilala niya ang kanyang butihin asawa. Namalagi si Rizal
ng apat na taon sa Dapitan, at ang panggagamot sa may mga sakit ang kanyang isa sa mga
ginagawa niya dito.
Ika-26 ng Disyembre, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang napagbintangan siya
na nagpasimulan ng rebelyon laban sa mga Kastilang dayuhan at siya ay namatay taong 1896,
ika-30 ng Disyembre. Bago pa man ang kanyang pagkamatay ay naisulat na niya ang akdang “Mi
Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam), na kung saan ito ang nagsilbing paalala sa mga kapwa
Pilipino niya na maging makabayan at huwag matakot isugal ang buhay para sa bansa.

This study source was downloaded by 100000855992034 from CourseHero.com on 02-18-2024 07:51:00 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/131458084/RLW-ARALIN-3pdf/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like