Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Lesson Exemplar in Edukasyon sa Pagpapakatao Using the IDEA Instructional Process

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao


Learning Delivery Modality Online Distance Modality

LESSON School URDUJA Elementary School Grade Level Ikalimang Baitang


EXEMPL Name of Teacher
YVETTE B. PAGADUAN Learning Area Edukasyon sa
AR Pagpapakato
Teaching Date and Time Set.25-29, 2023 Quarter Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain
na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung
ano ang dapat at di-dapat

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) 1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa


(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC mga:
1.1. balitang napakinggan
1.2. patalastas na nabasa/narinig
1.3. napanood na programang pantelebisyon
1.4. nabasa sa internet
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Mapanuring Pag-iisip(Critical Thinking)


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Edukasyon sa Pagpapakato G5, PIVOT BOW R4QUBE
Curriculum Guide: (p.237)
K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum pp. 67
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral pp. 1-8
c. Mga Pahina sa Teksbuk pp. 3-11
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng https://www.brigadanews.ph/article/national/DOH%2C-
Learning Resource naitala-ang-999-na-bagong-kaso-ng-COVID-19%3B-total-
tally-38%2C511-na
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga
Slidedecks, audio, mga larawan, bank note at google meet access
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Sasabihin ng guro ang mga layunin para sa pagkaunawa ng mga
mag-aaral:
Sa araling ito, inaasahang iyong mapahahalagahan ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga:

1.1 balitang napakinggan


1.2 patalastas na nabasa/narinig
1.3 napanood na programang pantelebisyon
1.4 nabasa sa internet

Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pangungusap ay


nagpapahayag ng mapanuring pag –iisip tungkol sa balitang
napakinggan at kung hindi.

_____ 1. Naniniwala agad sa mga balitang napakinggan.


_____ 2. Inisip muna kung totoo o hindi ang balitang napakinggan.
_____ 3. Paggalang sa opinyon ng ibang tao tungkol sa isang isyu o
balita kahit na
iba ito sa opinyon mo.
_____ 4. Sinisiraan ang mga taong nagbabalita dahil sa hindi mo gusto
ang sinabi
nito.
_____ 5. Pagpili ng mga babasahing makabuluhan lamang.
Gawain 1 (Paghahabi sa mga Layunin)

Tunghayan ang mga larawan, paano mo malalaman kung totoo ang


balitang iyong napakinggan?

Tayo ay kani-kaniyang saloobin, pananaw, o opiyion sa mga


balitang kanyang naririnig o nababasa. Mahalaga na suriin muna ang
mga balitang ito bago paniwalaan o sabihin sa ibang tao upang
maiwasan ang pagkakaroon nang hindi magandang epekto sa samahan
ng bawat isa. Kailangan natin ang mapanuring pag-iisip sa pagharap sa
bawat sitwasyon bago gumawa ng isang pagpapasya o desisyon.

Gawain 2
Ayusin ang jumbled letters upang makabuo ng salita.

A S T L P A S A A T

Ano ang nabuo mong salita?


Saan mo ito madalas makita o marinig?
Bakit kailangang magkaroon ng patalastas?

Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga


produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng
komunikasyong pangmasa o pangmadla.Ito ay naglalayong hikayatin
ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo.

Nangangailangan ng mapanuring pag-iisip o pagsusuri sa


katotohanan ng ating mga naririnig o nababasang patalastas upang
malaman natin kung ito ba ay makabubuti o makasasama sa atin.

Gawain 3
Tingnan ang mga larawan. Saan ninyo ito nakikita o naririnig?

1. Sa iyong palagay, totoo ba ang ipinakita nila? Ipaliwanag ang iyong


sagot.
2. Nangyayari ba talaga sa totoong buhay ang mga ipinalabas nila?
3. Paano nakatutulong ang mapanuring pag-iisip sa pagsusuri ng mga
programang pantelebisyon na napapanood ninyo araw-araw?
Gawain 4

Tingnan ang larawan.

1. Saan mo madalas makita ang salitang ito?


2. Ano ang ibig ipahiwatig ng salitang “FAKE NEWS”?
3. Sa iyong palagay, bakit tinatawag itong fake news?

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao ngayon ang paggamit ng


makabagong teknolohiya tulad ng paggamit ng internet. Bagamat
karamihan ay may access na sa lahat ng bagay hindi pa rin maiaalis
ang maling paggamit nito. May mga taong ginagamit ito sa hindi
magandang pagkakataon tulad ng pagpapakalat ng sinasabing
“FAKE NEWS”. Sa ganitong paraan, mabisang paggamit ng
mapanuring pag-iisip ang kinakailangan para malaman natin kung
alin ang dapat o hindi dapat paniwalaan.

B. Development (Pagpapaunlad) Gawain 5

Basahin ang balita.

DOH, naitala ang 999 na bagong kaso ng COVID-19; total tally


38,511 na

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 999 na mga bagong batch


ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas o kabuoang 38,511 indfections.
Ito na ang pangatlong araw na naitatala ng mga health officials ang halos
libong infections kung saan naitala ng DOH ang 985 na bagong kaso
noong June 29 at 1,080 noong June 30.
Samantala, mula sa karagdagang bilang, 595 ang naiatalng fresh cases,
habang ang 404 ay bahagi ng validation backlog.
Naitala naman ng DOH ang karagdagang 205 na recoveries, o 10,438 sa
kabuoan habang apat na iba pa ang nadagdag sa mga fatalities o 1,270
kabuoang death toll.
Naitala naman sa Metro Manila ang 306 na mga bagong infections,
habang sa Central Visayas ay naidagdag ang 191 na mga bagong kaso.

Sagutin ang mga tanong.


1. Tungkol saan ang balita?
2. Anong masasabi mo tungkol dito?
3. Kailan mo masasabing may katotohanan ang balitang
iyong napakinggan o napanood?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo haharapin ang
ganitong krisis na nararanasan natin sa kasalukuyan?

Gawain 6
Iguhit ang damdaming nadarama sa bawat patalastas na napakinggan o
nabasa. Masayang mukha o malungkot na mukha

1. Lalong humina ang matanda dahil sa paginom ng hindi kilalang


bitamina.
2. Gumaling ang maysakit dahil uminom ng Biogesic
3. Uminom ng gatas si Ali kaya siya lumusog.
2. Nakainom na nagmamaneho, nabangga.
3. Gumanda at kumapal ang kanyang buhok dahil sa isang shampoo.

Gawain 7
Isulat sa loob ng bilog ang mga paraan upang masuri mong mabuti
ang katotohanan na iyong napanood sa telebisyon.
Gawain 8

Isulat ang kung nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip at kung


hindi nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip sa mga nabasa sa internet.

1. Pagtangkilik ng mga produktong ipinopost sa internet nang hindi


binabasa ang label nito.
2. Pagpapahalaga sa ipinyon ng ibang tao tungkol sa nabasa niyang
isyu sa internet.
3. Naniniwala agad sa patalastas na ipinalalabas sa internet.
4. Pagbili ng gamot na nabasa o nakita lamang sa internet.
5. Masusing alamin muna ang impormasyon kung saan ito nanggaling
bago i-share sa iba.

C. Engagement (Pagpapalihan) Gawain 9

Panuto:Basahin ang mga sitwasyon. Magbigay ng mga nararapat mong


gawin upang masolusyunan ito. Isaisip ang mapanuring pag-iisip sa
bawat gawain.

1. Nakatanggap ka ng isang mensahe sa iyong selpon na ikaw


daw ay nanalo ng 3 milyong piso.
2. May tumawag sa telepono na hindi mo kilala, Sinabi niya na
ipinakukuha ng nanay mo ang pera at mga alahas niya sa
kwarto.
3. Napakinggan mong may isang malakas na bagyong parating sa
inyong lalawigan.
4. May anunsyo tungkol sa nararanasang krisis ngayon sa bansa.
5. Ibinalita sa telebisyon ang tungkol sa naimbentong gamot
laban sa Covid-19.

Gawain 10
Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang Wkung wasto at DWkung di-
wasto ang ipinahahayag nito.
_____ 1. Lahat ng patalastas na nabasa o narinig ay dapat
paniwalaan.
_____ 2. Suriing mabuti ang patalastas bago ito tangkilin o
gamitin.
_____ 3. Malaki ang epektong naidudulot ng patalastas sa
buhay ng tao.
_____ 4. Tinuturuan tayong maging mapanuri sa pagpili ng
mga produktong ating gagamitin o bibilhin.
_____ 5. Pagtangkilik ng isang produkto dahil ang artistang
nag-endorso nito ay idolo mo.

Gawain 11

Sagutin ang mga sitwasyon gamit ang mapanuring pag-iisip sa patalastas


na nabasa o narinig.

1. Usong-uso ngayon ang mga gamot na pampaputi, irerekomenda mo


bang gamitin ito ng iyong kapatid o kaibigan?
2. Nakita mong nagbebenta ng murang produktong de-lata ang
kaibigan mo. Gustung-gusto mong bumili subalit hindi mo
maintindihan ang nakasulat sa label nito.
3. Maraming naglipanang gamot ngayon na nagpapagaling daw ng
sakit sa kanser. Inaalok ito sa iyo ng kaibigan mo subalit alam
kailangan ng operahan ng lola mo, ano ang gagawin mo?
4. Lahat ng patalastas na iyong maririnig o mababasa ay totoo.
5. Ibinalita ng iying kaibigan ang kakaibang dulot sa katawan ng
bitaminang kanyang iniinom.

Gawain 12

Isulat ang mga programang madalas mong panoorin sa


telebisyon o mga di-malilimutang pelikula/palabas. Masusi itong
pag-aralan at isulat kung anong aral (positibong epekto) at hamon
(Masama o Negatibong epekto) mayroon dito.

Programa/Pelikulang Aral Hamon


Napanood

1.

2.

3.

Gawain 13

Magbigay ng isang napanahong isyu sa internet na nabasa mo. Ibigay


ang mabuti at di- mabuting dulot nito.

Mabuting Naidudulot Di- Mabuting Naidudulot

D. Assimilation (Paglalapat) Panuto:Lagyan ng (/) ang mga sumusunod kung nagpapahayag na


mapanuring pag-iisip at ekis (x) naman kung hindi.

1. Paggalang sa ipinyon ng ibang tao kahit na ito ay taliwas sa iyong


pananaw.
2. Mabilis na pinaniniwalaan ang balitang narinig sa tv o radyo.
3. Naihahambing ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o
napanood sa telebisyon.
4. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng
balita.
5. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng pahayagan at
pakikinig sa radyo.
6. Nakabubuti sa mag-aaral ang maging mapanuri sa mga balitang
napakinggan.
7. Ugaliin ang pagbabasa kaysa manood ng mga anime o cartoons.
8. Mabuting libangan ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba pang
mga babasahin.
9. Napipili ang mga palabas at programang pantelebisyon na hatid ay
kaalaman at aral sa buhay.
10. Paniwalaan lahat ang balitang napakinggan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang __________, __________, o


__________ sa mga balitang kanyang naririnig o nababasa. Mahalaga na
_________ muna ang mga balitang ito bago paniwalaan o sabihin sa
ibang tao upang maiwasan ang pagkakaroon nang hindi magandang
epekto sa samahan ng bawat isa. Kailangan natin ang
_______________sa pagharap sa bawat sitwasyon bago gumawa ng
isang pagpapasya o desisyon.
saloobin pananaw opinyon

suriin mapanuring pag-iisip


V. PAGNINILAY Sa iyong portfolio, kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.

Nauunawaan ko na ______________________________________
Nabatid ko na ____________________________________________

You might also like