Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ZYRUZ VINCENT D.

BAEL
23-00341

COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA


6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines
Tel. No. (02) 8-275-3916
Email: officialcstaregistrar@gmail.com

I. Kasanayang Pangpagkatuto
a. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa mga makatotohanang
pangyayari sa lipunan,
b. Naipapahayag ang mga sariling damdamin, saloobinm at karanasan tungkol
sa mga isyu sa lipunan na tinalakay sa akda:
c. Nabibigyang-pansin ang masasamang dulot ng bisyo sa pagunlad ng tao.

II. Paksang Pamagat : Dula: Sa Pula, Sa Puti

III. Proseso ng Pagkatuto


a. Panimulang Gawain
i. Panalangin
ii. Pagtatala ng liban sa klase (Aatasan ng guro ang kalihim ng klase
upang mag-ulat ng mga mag-aaral na hindi nakadalo sa klase)
iii. Pagsasaayos ng silid-aralan

b. Pagtalakay sa Aralin
i. Balik-aral/Pagganyak
ii. Talasalitaan

c. Paglaklahad ng Aralin
i. Pagsagot sa mga tanong
ZYRUZ VINCENT D. BAEL
23-00341

d. Pangkatang Gawain
i. Unang Pangkat: Likahayawit (Likhang Sayaw-Awit): Lumikha ng
isang sayaw at awit ukol sa mga suliraning nangingibabaw sa
akdang binasa.
ii. Ikalawang Pangkat: Punto Por Punto: Dahil sa patuloy na paglaki
ng populasyon, lumalaki rin ang bilang ng mga taong walang
trabaho na isa sa pinakadahilan kung bakit ang ilan sakanila ay
umaasa sa swerte at mabilisang kita ng pera sa pamamgitan sa
pagtaya sa mga sugal. Magsagawa ng isang debate o pagtatalo
patungkol sa paksang: Sang-ayon ba kayo sa pagkakaroon ng
online gambling sa Pilipinas? Oo o Hindi?
iii. IkatlongPangkat: Talakayan Express: Ipagpalagay na
inanyanyahan Ninyo sa inyong talkshow ang mga tauhan sa
kuwento. Maglahad ng mga hindi magandang bunga ng bisyo sa
mga tao at magbigay ng solusyon ukol dito kung paano maiiwasan.
iv. Ikaapat na Pangkat: Panunumpa: Bumuo ng panunumpa sa pag-
iwas sa mga masasamang bisyo.
v. Ikalimang Pangkat: Bumuo ng pamantayan sa pagmamarka.
e. Paglalapat
i. Kung ikaw si Kulas, nanaisin mor in bang tumaya sa isang sugal
tulad ng sabong?
f. Pagbuo ng Sintesis (KWL)
i. Alam ko na _________________________________.
ii. Nagtataka ako _______________________________.
iii. Natutuhan ko _______________________________.
g. Ebalwasyon
i. Sino ang pangunahin tauhan sa kwento na isang sugarol at mahilig
tumaya sa sabong ngunit palaging talo?
a. Kulas
b. Celing
c. Sioning
d. Berto
ii. Sino ang batang katiwala ni Celing sa akdang binasa?
a. Castor
b. Teban
c. Balong
d. Dagul
iii. Isang maintindihin at matiising asawa at marunong humawak ng
pera?
a. Castor
b. Kulas
c. Celing
ZYRUZ VINCENT D. BAEL
23-00341

d. Sioning
iv. Sino ang nagturo kay Kulas ng mga teknik kung paano manalo sa
laban?
a. Sioning
b. Teban
c. Celing
d. Castor
v. Sino ang matapang at palaban na asawa ni Sisong sa kwentong
binasa?
a. Sioning
b. Celing
c. Marsing
d. Mokang
IV. Takdang Aralin:
a. Basahin ang maikling kwento na “Ang alaga” ni Barbara Kimenye
b. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
i. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang binasa?
ii. Anoong klase ng hayop ang alaga sa binasang maikling kwento?
iii. Ano ang nangyari sa pangunahing tauhan sa kwento?

You might also like