Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

“ANG EDUKASYON AY

PUNDSAYON KUNG SAAN


ITINATAYO NATIN ANG ATING
KINABUKASAN”
FILIPINO 8 IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 8

IKATLONG
MARKAHAN
MGA LAYUNIN

u Nalalaman ang mahahalagang pangyayari sa


napakinggan aralin.
u Nababasa ng may tamang damdamin ang tula.
u Nasusuri ang ilang pilaning mga saknong ng akdang
binasa.
BALIK-ARAL

u PAG-AALAY KAY SELYA

u SA BABASA NITO

u KABANATA 1 SA GUBAT

u KABANATA 2 ANG BINATANG NAKAGAPOS


u MAIKLING VIDEO
KABANATA 2
ALAALA NI LAURA

u 8 Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,


may punong Higerang daho'y kulay pupas;
dito nakagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.
u 9 Bagun-taong basal na ang anyo't tindig,
kahit natatali kamay, paa't liig,
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis,
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.
u 10 Makinis ang balat at anaki burok,
pilikmata't kilay mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.
u 11 Dangan doo'y walang Oreadang Ninfas,
gubat na palasyo ng masidhing Harp'yas,
nangaawa disi't naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta't hirap.
u 12 Ang abang uyamin ng dalita't sakit —
ang dalawang mata'y bukal ang kaparis;
sa luhang nanatak at tinangis-tangis,
ganito'y damdamin ng may awang dibdib.
u 13 Mahiganting langit! bangis mo'y nasaan?
u ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;
u bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
u sa Reynong Albanya'y iniwawagayway.

u 14 Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


u kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
u kagalinga't bait ay nalulugami,
u ininis sa hukay ng dusa't pighati.
u 15 Ang magandang asal ay ipinupukol
u sa laot ng dagat kutya't linggatong;
u balang magagaling ay ibinabaon
u at inililibing na walang kabaong.

u 16 Nguni, at ang lilo't masasamang loob


u sa trono ng puri ay iniluluklok,
u at sa balang sukab na may asal-hayop,
u mabangong insenso ang isinusuob
u 17 Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
u at ang kabaita'y kimi at nakayuko;
u santong katuwira'y lugami at hapo,
u ang luha na lamang ang pinatutulo.

u 18 At ang balang bibig na binubukalan


u ng sabing magaling at katotohanan,
u agad binibiyak at sinisikangan
u ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

u 19 O, taksil na pita sa yama't mataas!


u O, hangad sa puring hanging lumilipas!
u ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
u at niring nasapit na kahabag-habag
u 20 Sa korona dahil ng Haring Linceo,
u at sa kayamanan ng dukeng ama ko,
u ang ipinangahas ng Konde Adolfo
u sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.

u 21 Ang lahat ng ito, maawaing Langit,


u iyong tinutungha'y ano't natitiis?
u mula ka ng buong katuwira't bait,
u pinayagang mong ilubog ng lupit.

u 22 Makapangyarihang kamay mo'y ikilos,


u papamilantikin ang kalis ng poot;
u sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok
u ang Iyong higanti sa masamang-loob.
u 23 Bakit kalangita'y bingi ka sa akin?
u ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
u 'di yata't sa isang alipusta't iring
u sampung tainga mo'y ipinangunguling?

u 24 Datapuwa't sino ang tatarok kaya


u sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
u walang mangyayari sa balat ng lupa,
u 'di may kagaligang iyong ninanasa.
u 25 "Ay, 'di saan ngayon ako mangangapit!
u saan ipupukol ang tinangis-tangis,
u kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit,
u ang sigaw ng aking malumbay na boses!"

u 26 "Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,


u Langit na mataas, aking mababata;
u isagi mo lamang sa puso ni Laura
u ako'y minsan-minsang mapag-alaala."
u 27 "At dito sa laot ng dusa't hinagpis,
u malawak na lubhang aking tinatawid;
u gunita ni Laura sa naabang ibig,
u siya ko na lamang ligaya sa dibdib.“

u 28 "Munting gunam-gunam ng sinta ko't


mutya
u nang dahil sa aki'y dakila kong tuwa;
u higit sa malaking hirap at dalita,
u parusa ng taong lilo't walang awa."
u 29 "Sa pagkagapos ko'y guni-gunihin,
u malamig nang bangkay akong nahihimbing;
u at tinatangisan ng sula ko't giliw,
u ang pagkabuhay ko'y walang hangga
mandin."

u 30 "Kung apuhapin ko sa sariling isip,


u ang suyuan naman ng pili kong ibig;
u ang pagluha niya kung ako'y may hapis,
u nagiging ligaya yaring madlang sakit."
u 31 "Nguni, sa aba ko! sawing kapalaran!
u ano pang halaga ng gayong suyuan
u kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikan
u ay humihilig na sa ibang kandungan?"

u 32 "Sa sinapupunan ng Konde Adolfo,


u aking natatanaw si Laurang sinta ko;
u kamataya'y nahan ang dating bangis mo,
u nang 'di ko damdamin ang hirap na ito?"
BUOD

u Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na


kaya niyang tiisin ang pagdurusa, kung
ito ang gustong mangyari ng Maykapal.
Iisa lamang ang tangi niyang hiling, ang
maalala siya ng kanyang minamahal sa
si Laura.
u Di niya maiwasang maalala ang
kanilang suyuan, at iniisip niya na baka
agawin si Laura ng kanyang karibal na si
Adolfo.
PAGSASANAY

u PANUTO: SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA


KATANUNGAN AT ILAGAY ITO SA PAMAMAGITAN NG
INYONG CLASS NOTES.
ARALIN 3

u 33 Dito hinimatay sa paghihinagpis,


u sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
u ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis,
u kinagagapusang kahoy ay nadilig.

u 34 Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,


u nalimbag ang bangis ng kapighatian;
u at ang panibugho'y gumamit ng asal
u ng lalong marahas, lilong kamatayan.

u 35 Ang kahima't sinong hindi maramdamin,


u kung ito'y makita'y magmamahabagin
u matipid na luha ay paaagusin,
u ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.
u 36 Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo
u nitong sa dalita'y hindi makakibo,
u aakaying biglang umiyak ang puso,
u kung wala nang luhang sa mata'y itulo.

u 37 Gaano ang awang bubugso sa dibdib


u na may karamdamang maanyong tumitig,
u kung ang panambita't daing ay marinig
u nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?

u 38 Halos buong gubat ay nasasabugan


u ng dinaing-daing na lubhang malumbay,
u na inuulit pa at isinisigaw
u sagot sa malayo niyong alingawngaw.
u 39 Ay! Laurang poo'y bakit isinuyo
u sa iba ang sintang sa aki'y pangako;
u at pinagliluhan ang tapat na puso
u pinaggugulan mo ng luhang tumulo?

u 40 'di sinumpaan mo sa harap ng Langit


u na 'di maglililo sa aking pag-ibig?
u Ipinabigay ko naman yaring dibdib,
u wala sa gunita itong masasapit!

u 41 Katiwala ako't ang iyong kariktan,


u kapilas ng langit anaki'y matibay;
u tapat ang puso mo't 'di nagunam-gunam
u na ang paglililo'y nasa kagandahan
u 42 Hindi ko akalaing iyong sasayangin
u maraming luha mong ginugol sa akin;
u taguring madalas na ako ang giliw,
u mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.

u 43 'Di kung ako poo'y utusang manggubat


u ng hari mong ama sa alinmang s'yudad,
u kung ginagawa mo ang aking sagisag,
u dalawa mong mata'y nanalong perlas?
u 44 Ang aking plumahe kung itinatahi
u ng parang korales na iyong daliri,
u buntung-hininga mo'y nakikiugali
u sa kilos ng gintong ipinananahi.

u 45 Makailan, Laurang sa aki'y iabot,


u basa pa ng luha bandang isusuot;
u ibinibigay mo ay naghihimutok,
u takot masugatan sa pakikihamok!

u 46 Baluti't koleto'y 'di mo papayagan


u madampi't malapat sa aking katawan,
u kundi tingnan muna't baka may kalawang
u ay nanganganib kang damit ko'y marumhan.
u 47 Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
u na kung sayaran man ng taga'y dumulas;
u at kung malayo mang iyong minamalas,
u sa gitna ng hukbo'y makilala agad.

u 48 Pinahihiyasan mo ang aking turbante


u ng perlas, topasyo't maningning na rubi;
u bukod ang magalaw na batong d'yamante,
u puno ng ngalan mong isang letrang L.

u 49 Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok,


u nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
u manalo man ako'y kung bagong nanasok,
u nakikita mo na'y may dala pang takot.
u 50 Buong panganib mo'y baka nagkasugat,
u 'di maniniwala kung 'di masiyasat;
u at kung magkagurlis ng munti sa balat,
u hinuhugasan mo ng luhang nanatak.
u 51 Kung ako'y mayroong kahapisang munti,
u tatanungin mo na kung ano ang sanhi;
u hanggang 'di malinang ay idinarampi
u sa mga mukha ko ang rubi mong labi.
u 52 Hindi ka tutugot kung 'di matalastas,
u kakapitan mo nang mabigla ang lunas;
u dadalhin sa hardi't doon ihahanap
u ng ikaaliw sa mga bulaklak.
u 53 Iyong pipitasin ang lalong marikit,
u dini sa liig ko'y kusang isasabit;
u tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
u pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit.

u 54 At kung ang hapis ko'y hindi masawata,


u sa pilik-mata mo'y dadaloy ang luha,
u napasaan ngayon ang gayong aruga,
u sa dala kong sakit ay 'di iapula?
u Hinimatay si Florante dahil sa sama ng loob. Nang
siya ay mahimasmasan, nagpatuloy pa rin ang
kanyang paghihimutok.

u Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan,


may pabaon sa kanya si Laura ng luhaang
bandang may letrang L, dahil natatakot si Laura na
masugatan siya. Nang dumating siya na may
munting galos, agad ginamot ni Laura. Kaya’t
ngayo’y tinatanong niya sa kanyang sarili, kung
nasaan na ang lahat ng pag-aaruga ni Laura sa
kanya.
PAGSASANAY

u B.
u PANUTO: SUMUPI NG ISANG SAKNONG NA NAGPAPAHIWATIG NG
PAGHIHINANAKIT NI FLORANTE KAY LAURA. IPALIWANAG KUNG
BAKIT ITO ANG IYNG NAPILI.ILAGAY ITO SA INYONG CLASS NOTES.
u HALIMBAWA

23 Bakit kalangita'y bingi ka sa akin?


ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
‘ di yata't sa isang alipusta't iring
sampung tainga mo'y ipinangunguling?

PALIWANAG:_______________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________________________

You might also like