Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MQPFC CLUB RULES

1. No club ring no race (bawal din i-entry ang non-club banded, sa ob category kung
walang nakuhang club ring)
2. No sdr no ndr bilang suporta sa kapwa manlalaro. Para di piliin kung san lang pabor
ang sistema. At least 1 set lang kailangan kung hindi naglalaro sa season na yun.
3. Ang deadline ng ring ay laging may nakatakdang bayadan bago magsimula ang
training ng season race. Automatic ban ang di magagampanan ang obligasyon sa
bayarin.
4. Hindi pwede sumali ng pooling, funrace at derby kung hindi nagttraining at nasabay
sa trucking ng club training (upang maiwasan ang panlalamang ng iba na kung kelan
lang magandahan na ay saka lang susulpot sa club. Sama-sama po sana lahat ng naka
club banded, bilang suporta na rin po sa club para sa mga gastusin. T*x free po tayo sa
lahat ng poolings at sidebet ninyo. Wala pong porsyento ang club na binabawas. Kaya
sana ay masuportahan din po natin sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga club
trainings.)
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkarga ng ibon na may malalang sakit. Automatic
ban sa club.
6. Ang mapapatunayang mandadaya ay automatic ban na at ang tatanggap sa inyong
club na affiliated ng pha ay pagagawaan ng aksyon para sa magkukopkop sa mga
player na mandaraya. Ang pandadaya ay walang puwang sa pigeon racing.
7. Irespeto at igalang ang kapwa player/fancier
8. Ang final decision ay magmumula sa admin. Hanggat wala po nilalabas na statement
ay walang basehan kung may narinig o nagsabi o nabasa na ganito o ganyan dapat.
Maging aktibo po sa lahat ng mga announcement sa mga respective gc (group chat).
9. Ang palaro ng iba ay hindi sakop ng MQPFC ( Mulanay Quezon Pigeon Fancier
Club). Lahat ng local clubs affiliated ay may kanya kanyang club rules na dapat nating
igalang at irespeto. Kaya walang pananagutan ang MQPFC sa mga mangyayari sa
ibang club.
10. Ang pag pick-up at pagload ng ibon ay may mga nakatakdang oras na dapat nating
sundin. Para hindi magkaroon ng delay. Lalo na pag nasakay na tayo sa trak. Kelangan
masunod natin ang takdang oras, pasensya po sa mga maiiwanan.
11. Pag masama ang panahon ay nasa admin ang desisyon o sa conveyer natin
(MQPFC) kung aalpasan ang mga ibon.
12. During derby at kung may hindi inaasahan pangyayari para hindi matuloy marelease
mga ibon, kung nasiraan ang trak o kung may bagyo at may sama ng panahon ay
dadalhin sa lugar na mas safe ang mga ibon at doon aalpasan (panibagong sticker
kung macacancel ang race point ng derby o funrace) kung nasa malayo man lugar na at
pwede ilipat ang race point ay dun na ang magiging lap.
13. Para sa mga poolings at sidebet kunsakali na cut-off lahat sa 700 speed, ibaba eto
sa minimum speed na 500. Kunsakali at wala pa din nag-clock eto ay tabla na. Pero
kung ang mga participants ng sidebet ay gusto ituloy. Maaring magkasundo na po sila
sa minimum ng ipag-aabang nila (for sb only)

CLOCKING SYSTEM RULES


1. SA MGA MAGPAPAAYOS NG CLOCKING (HINDI PO MAWAWALA ANG RESULT
NYAN AT NAKASALALAY ANG CLOCKING NG HALOS LAHAT NG CLUB SA
PROVIDER/NETWORK NILA)

EXAMPLE NA ISESEND SA ENCODER NATIN KAY DECK SANDAGON /MEYRICK


BARONIA/ ROMMEL ROGEL AT EDWARD MANALO
NAME IN KUBO PRO ACCT: KIM PEÑARANDA
RING BAND # MQPFC 23072
CATEGORY: POOLING 20/50/100, SB500, SB1K, FUNRACE, DERBY, etc.
INNER CODE OR LONG STICKER: 123AB456
PICTURE O SCREENSHOT NG INVALID NA KITA ANG TIME AT STICKER

NO KUBO COINS OR LOAD, MALING CODE NA NAICLOCK AY HINDI AAYUSIN,

ISANG ORAS LANG PAGKATAPOS NG MINIMUM SPEED ANG PALUGIT NG


PAGSEND NG MGA MAGPAPAYOS. ANG LUMAMPAS SA ORAS AY HINDI NA
AAYUSIN. PARA MAKAPAG DECLARE AGAD NG WINNERS LALO NA SA MGA
POOLING AT SIDEBET

OBLIGASYON PO NATIN IREADY OR IAYOS ANG CLOCKING SYSTEM NATIN


DAHIL DITO NAKASALALAY ANG PUNTOS NG MGA ALAGA NATIN.
MINIMUM 40 PESOS LOAD PARA HINDI MAG-ALANGANIN LAGI. PARA PAG 20 NA
LANG BALANCE AY MAISIPAN NA DAPAT MAGLOAD ULIT. LAHAT NG
MAGPAPALOAD AY YUN NAKALISTA LANG SA FORM ANG TATANGGAPIN. HINDI
NA TATANGGAP NG MGA PM.

MERON PO TAYO TRU GCASH PARA MAKAPAGLOAD KA NG SARILI MO SA KUBO


PRO

MARAMI DIN PO WAYS PARA MAKAPAG CLOCK. TRU DOWNLOAD KUBO PRO
APPS/ MESSENGER AT SMS. KAYA PAG HINDI PO NAKAKAPAGCLOCK AY
SUBUKAN DIN PO YUN IBANG PARAAN.

WAG MAGPANIC AGAD AT KALMAHAN LANG LAGI GOODLUCK AT ENJOY, HAPPY


FLYING TEAM MULANAY (MQPFC).
MGA BATAS NA DAPAT IPATUPAD SA BAYAN NG MULANAY
PARA SA KAGALINGAN NG LAHAT.

1.) Bawal hulihin ang isang kalapati na my nagmamay-ari.


a.) Sa unang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pag uusap sa Barangay
na nasasakopan.
b.) Pangalawang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, multa 500 at pag
uusap sa Barangay.
c.) Pangatlong beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pormal na paghahain ng
reklamo sa ating munisipal.
2.) Bawal humingi ng kapalit o ipatubos ang nahuling kalapati na may nagmamay ari.
a.) Sa unang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pag uusap sa Barangay
na nasasakopan.
b.) Pangalawang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, multa 500 at pag
uusap sa Barangay na nasasakopan.
c.) Pangatlong beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pormal na paghahain ng
reklamo sa ating munisipal.
3.) Bawal ibenta ang nahuling kalapati na may nag mamay ari.
a.) Sa unang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pag uusap sa Barangay
na nasasakopan.
b.) Pangalawang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, multa 500 at pag
uusap sa Barangay.
c.) Pangatlong beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pormal na paghahain ng
reklamo sa ating munisipal.
4.) Bawal saktan ang isang kalapati na may nagmamay ari.
a.) Sa unang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pag uusap sa Barangay
na nasasakopan.
b.) Pangalawang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, multa 500 at pag
uusap sa Barangay.
c.) Pangatlong beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pormal na paghahain ng
reklamo sa ating munisipal.
5.) Pagnanakaw sa kalapati na may nagmamay ari.
a.) Sa unang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, pag uusap sa Barangay
na nasasakopan.
b.) Pangalawang beses ng paglabag ito ang kaparusahan, multa 500 at pag
uusap sa Barangay.
c.) Pangatlong beses ng paglabag ito ang kaparosahan, pormal na paghahain ng
reklamo sa ating munisipal.

You might also like