Filipino 2 - Q4-W3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL (LAS) SA FILIPINO 2

QUARTER 4: WEEK 3

Pangalan: __________________________ Grade/Section ___________

I. Pamagat ng Aralin: Pagbibigay kahulugan ng mga salita sa


pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan at
kasalungat

II. MELC:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa pamamagitan


ng pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat, sitwasyong
pinaggamitan ng salita (context clues), pagbibigay ng
halimbawa, at paggamit ng pormal na depinisyon ng salita
F2WG-IIg-h-5 150

III. Mga Tiyak na Layunin:


Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa pamamagitan
ng pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat,
sitwasyong pinaggamitan ng salita (context clues),
pagbibigay ng halimbawa, at paggamit ng pormal na
depinisyon ng salita

IV. Pangunahing Konsepto:

Kasingkahulugan at Kasalungat

Kasingkahulugan – Ito ay isang paraan ng pagkilala ng salita


sa pamamagitan ng kasingkahulugan o kaparehong
kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa pangungusap.

Halimbawa:

1. mabango – mahalimuyak
2. maganda – marikit
3. tamad – batugan
4. tahimik – payapa
5. mahirap – dukha

Kasalungat – Ito naman ay isang paraan ng pagkilala ng


kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasalungat ng salita
o ang kabaliktaran ng salitang ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:

1. mabango – mabaho
2. maganda – pangit
3. makapal – manipis
4. magaan – mabigat
5. mataba – payat

V. Pamprosesong Tanong:
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pinagkaibahan ng kasingkahulugan at kasalungat na


mga salita?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Magbigay ng dalawang halimbawa ng kasingkahulugan at
kasalungat.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
VI. Mga Gawain:
Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang
kasingkahulugan at kasalungat ng salitang may salungguhit. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Matalino si Dr. Jose Rizal.

1. Matalino A. bubo
B. mautak

Kasingkahulugan: ______ Kasalungat: ______

Maingay ang mga tao sa palengke.

2. Maingay A. magulo
B. tahimik

Kasingkahulugan: ______ Kasalungat: ______

Mahalimuyak ang bulaklak sa


hardin.
3. Mahalimuyak A. mabaho
B. mabango
Kasingkahulugan: ______ Kasalungat: ______

Marami ang bunga ng mangga sa hardin.

4. Marami A. kaunti
B. masagana

Kasingkahulugan: ______ Kasalungat: _____


Si Karla ay masaya sa kanyang kaarawan.

5. Masaya A. maligaya
B. malungkot

Kasingkahulugan: ______ Kasalungat: ______

VII. Pagninilay-nilay:

Tandaan:

1. Ang dalawang salita ay magkasingkahulugan kapag pareho


ang ibig sabihin. Magkasalungat naman kapag kabaligtaran ang
kahulugan.

2. Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang


madaling maintindihan ang kasing - kahulugan o kasalungat nito.

You might also like