Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

LEARNING ACTIVITY SHEETS (LAS) IN FILIPINO 2

QUARTER 4: WEEK 5

Pangalan: _____________________________Grade & Section: _____________

I. Pamagat ng Aralin

 Pagsasabi ng Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng


Kilos o Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan

II. MELC

 Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o


Gawain sa tahanan,paaralan at pamayanan F2WG-IIj-6

III. Mga Tiyak na Layunin


 Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o
Gawain sa tahanan,paaralan at pamayanan

IV. Pangunahing Konsepto


Tuklasin:
A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap at sagutin ang
mga tanong na nasa ibaba.

1.Mabagal kumain ang aso.

Paano kumain ang aso? _______________________

2. Ang gong ay hinahampas nang malakas


tuwing may pagpupulong.
Kailan hinahampas ang gong?
_______________________
3. Si Xander ay mahusay maglaro ng chess.

Paano naglaro si Xander ng chess?


__________________

4. Masayang nanonood ng palabas ang mga


bata tuwing Linggo.

Kailan nanonood ang mga bata?


______________________

5. Ang guro ay matiyagang nagpapaliwanag


ng leksyon sa silid-aralan.
Saan nagpapaliwanag ng leksyon ang guro? _____________

B. Panuto: Basahin ang usapan nina Roy at Tina habang


silay nag-aaral. Bigyang pansin ang mga salitang
may salungguhit.

Talagang Matutupad

Tina: Anong binabalak mong


pag-aralan sa kolehiyo?
Roy: Gusto ko maging isang (1.)mahusay na manggagamot (2.)sa
kanayunan. Kailangan nila ang (3.)puspusang panggagamot upang di
lumala ang mga karamdaman nila.Kaya nga nag-aaral akonang(4.)mabuti.
Tina: Ako naman ay magtuturo paglaki ko. Ang(5.)matiyagang pagtuturo ay
isang gawaing makabayan. Kaya (6.)ngayon pa lang, nagsasanay
na akong tumindig at magsalita na parang guro.

Suriin:
Sa pagsasabi ng paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o
gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan ay magagawa kung lubos na
nauunawaan ang salitang kilos o gawain at ang mga salitang naglalarawan.
-Ang salitang sumasagot sa mga tanong na paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos ay nagsasabi ng paraan. Habang ang mga salitang
sumasagot sa mga tanong na kailan naganap, nagaganap o magaganap
ang kilos o gawain ay nagsasabi ng panahon. Samantalang ang mga salitang
sumasagot sa mga tanong na saan ang pinangyarihan, pinangyayarihan, o
pangyayarihan ng kilos o gawain ay nagsasabi ng lugar.

V. Mga Katanungan

A. Gawaing Ginabayan
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang salita na nagsasabi

ng paraan sa pagsasagawa ng kilos. Piliin sa


kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

mabagal masipag taimtim


kusang mahusay

1. Ang mga taga Camiguin ay _________ nagbibigay ng kanilang mga


donasyon.
2. Ang aming sinasakyang dyip ay ________ tumakbo.
3. Si Aling Joy ay _________ maglinis ng paligid.
4. Ang buong pamilya ni Rita ay ___________ manalangin.
5. Si Ginoong Acero ay ________ magturo kayat maraming mag-aaral ang
Natutuwa sa kanya.

B. Malayang Gawain

Panuto:Piliin ang salitang nagsasabi ng panahon kung kailan naganap ang


kilos o gawain sa bawat pangungusap at isulat sa sagutang papel.

1. Sa makalawa ang uwi ng mag-anak.


2. Ang mga tagasuri ay darating bukas.
3. Nagdidilig ng halaman si Linda sa umaga.
4. Abala ang mga guro sa aklat na kailangang ipasa ngayon.
5. Umpisa mamayang hapon ay huhulihin na ang hindi magsuot ng face
Mask
C. Isagawa

Panuto: Sabihin kung ang salitang may salungguhit ay nagsasabi ng lugar at


paraan ng pagsasagawa ng kilos o gawain. Isulat ang bituin kung
nagsasaad ito ng lugar at bilog kung nagsasaad ng paraan at isulat sa
sagutang papel.
_____ 1. Ang iyak ng bata ay mahina.
_____ 2. Mataas lumipad ang saranggola ni Pepe.
_____ 3. Sumakay siya ng dyip papuntang Mambajao.
_____ 4. Sa loob ng kahon nakita ni Elmo ang nawawalang bola.
_____ 5. Naglalaro ang magkakapatid sa likod ng kanilang bahay.

VI. Mga Gawain


Panuto: Sabihin kung ang salitang nasa loob ng kahon ay nagsasaad ng
paraan, panahon o lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain. Isulat ang A
kung paraan, B kung panahon at C kung lugar. Isulat sa sagutang papel.

1. Sa tuktok ng bundok bumagsalk ang eroplano. ____

2. Tumawa ng malakas ang mga bata sa kuwento.____

Magalang
3. na nakikipag-usap ang mga bata sa bisita. ____

4. Kapag bakasyon lamang nakabibisita sina lolo at lola.____

5. Ang mga tindera ng mga gulay ay pumunta sa bayan .____

VlI. Pagninilay-nilay (Generalization)

 Sa pagsasabi ng paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o


gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan ay magagawa kung
mayroong malawak na kaalaman sa mga salitang kilos o gawain.
Nagsasabi ng paraan kung ito ay sumasagot sa tanong na paano
nagawa ang kilos, nagsasabi ng panahon kung ito ay sumasagot kung
kailan nangyari ang kilos. Nagsasabi naman ng lugar kung ito ay
sumasagot sa tanong na saan nagaganap ang kilos o gawain.

You might also like