Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Narrator: Noong unang panahon, wala pang tinatawag na bansang Pilipinas.

Mayroon
lamang maliliit na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo, may nakatira ditong
isang higante kasama ang kanyang tatlong anak na babae na sina Minda, Lus at Bisaya. Isang
araw, kinakailangang umalis ng nanay nila upang mangaso sa kabilang pulo. Bago siya
umalis, nagbilin siya sa kanyang mga anak.
Nanay: Huwag kayong lumabas ng ating kweba. Dyan lamang kayo sa loob dahil may mga
panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.
Narrator: Nang makaalis na ang nanay nila, naglinis ng kweba ang magkakapatid. Inayos
nila itong mabuti para masiyahan ang kanilang nanay. Subalit hindi nila katulong sa paggawa
si Minda. Hindi ito masunurin sa nanay. Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat.
Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid.
Minda: Ang ganda naman ng dagat! Ang sarap maglaro ng mga alon! (lumapit siya sa dagat
at naglaro)
Narrator: Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat.
Namasyal siya at hindi niya napansin na malayo na pala siya sa tabi ng dagat. Habang siya ay
naglalakad, isang napakalaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda.
Nagsisigaw siya habang tinatangay ng malaking alon sa gitna dagat.
Minda: Tulungan ninyo ako! (sigaw niya)
Narrator: Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba
kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.
Lus: Si Minda humihingi ng tulong! (sabi niya na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat)
Bisaya: Oo nga! Halika na! Bakit kaya? (yaya niya)
Narrator: Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila
sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid.
Lus: Hayon sa malayo! (sigaw sabay turo niya)
Bisaya: Hindi marunong lumangoy si Minda ah! (sabi niya at tumakbo na naman sila)
Narrator: Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila
sa kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Sa kasamaang palad, ang tatlong
dalagang higante ay hindi na nakaahon.
Nanay: (balik mula sa pangangaso) Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak? Saan kayo Lus,
Minda, Bisaya! (hanap niya sila)
Narrator: Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon. Pinuntahan
niya ang ilang malapit na pulo, ni anino ay wala. Biglang umalon ulit at dumagundong,
napalingon ang nanay at naisip niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya sa malayo at
hindi nagkamali ang higante.
Nanay: Nakita ko ang labi ng ilang pirasong damit na nakasabit sa bato. Para tuloy niyang
nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala ko bigla na hindi ko
pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa dagat ako. Sa isip lamang pala niya ang
larawan ng tatlong kamay na nakataas, nawalan ako ng lakas. Mga anak! Ano pa? Wala na!
(iyak niya)

Narrator: Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-
isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis
napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang
higante.
Nanay: (gising mula sa pagkatulog) Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya
ang tatlong ito? (tanong niya sa sarili, lalong lungkot ang naramdaman niya)
Narrator: At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito
nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa
katimugang bahagi ng Asya.

You might also like