Mga Krusada

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unang Krusada

Bilang pagtugon sa pahayag ng Santo Papa, bumuo ng Krusada ng mga Mahihirap ang mga ordinaryong mamamayan
at ilang kabalyero sa pamumuno ni Peter the Hermit.
Nang makipaglaban ang grupo ni Peter the Hermit laban sa mga Turks, sila ay natalo.
Noong Agosto ng 1096, apat na hukbo ng crusaders mula sa kanlurang Europa ang
naglakbay patungo sa Byzantium. Naging mas matagumpay ang mga hukbong ito— nasakop nila ang Nicea (1097) at
Antioch sa Turkey (1098) at ang Jerusalem noong 1099.
Matapos ang pananakop ng iba pang teritoryo sa Palestine, nabuo ang apat na Estado ng Krusada ( Crusader States)
sa Edessa, Antioch, Tripoli, at Jerusalem. Pinamunuan ni Peter the Hermet ang unang krusada.

Ikalawang Krusada
Napanatili ng mga Estado ng Krusada ang teritoryo hanggang mga taong 1130, at nagsimulang muli ang
mga hukbo ng mga Muslim na sakupin ang teritoryo ng mga Katoliko. Noong 1144, nasakop ni Heneral Zangi
ng Seljuks ang Edessa, at muling tumawag ang mga Katolikong kaharian ng pangalawang krusada na
pinamunuan ni Haring Louis VII ng Pransiya at ni Haring Conrad III ng Alemanya. Nagsimula ang
ikalawang krusada noong 1147. Hindi nagging matagumpay para sa mga Katoliko ang ikalawang
krusada.

Ikatlong Krusada
Noong 1169, sinakop ng mga Sunni Muslim na pinamumunuan ni Saladin ang Dinastiyang Fatimid sa Ehipto.
Idineklara niya ang sarili bilang sultan, at sinimulan niya ang pakikipaglaban sa mga Katolikong teritoryo sa rehiyon.
Noong 1187, sinakop ni Saladin ang Jerusalem at tinalo niya ang mga hukbong Katoliko.
Ang pagbagsak ng Jerusalem ang nagsimula ng bagong krusada na pinamunuan ng tatlong hari: sina Frederick
Barbarossa ng Alemanya, Richard I the Lionheart ng Inglatera, at Philip II Augustus ng Pransiya. Namatay si
Frederick Barbarossa sa pagkalunod, at tumuloy ang mga Ingles at Pranses. Natalo ng hukbo ni Richard I ang hukbo
ni Saladin sa Arsuf, at nasakop din niya ang Jaffa. Noong Setyembre, 1192, pumirma ng kasunduan sina Richard I
at Saladin na muling itatag ang Kaharian ng Jerusalem, at nagkaroon ng kalayaang manirahan ang mga Katoliko sa
Jerusalem.

Ikaapat na Krusada
Pagkamatay ni Saladin, sinubukan ni Papa Innocent III na magsimula ng bagong krusada. Ngunit habang
naglalakbay papuntang Jerusalem, nasangkot sa isang pag-aaway para sa trono ng Byzantine ang mga
pinuno ng krusada. Nakita ng mga pinuno ng krusada mula sa kanlurang Europa ang oportunidad upang
mapabagsak ang kanilang komersyal na karibal sa silangan—ang Imperyong Byzantine. Kaya noong 1204,
nilusob ng mga hukbo ng krusada ang Constantinople.
Nagtapos ang krusada sa pagbagsak ng siyudad ng Constantinople.

Mga Huling Krusada (1208-1271)

Noong ika-13 siglo, nagkaroon pa ng ilang krusada na


hindi na gaanong nakasentro sa pakikidigma sa mga Muslim. Ang Krusadang Albigensian (1208-1229) ay ginawa
upang matanggal ang heretikong sekta ng Katolisismong Albigensian.
Samantalang ang Krusadang Baltic ay ginawa upang supilin ang mga pagano sa Translyvania. Nagkaroon din ng
tinatawag na Children’s Crusade noong 1212 na sinasabing binuo ng libo-libong bata na sumumpang maibalik ang
Jerusalem.
Hindi nakarating sa Holy Land ang krusadang ito.
Bago namatay si Papa Innocent III, sinimulan ang Ikalimang Krusada laban sa mga
Muslim sa Ehipto na pinamumunuan ni Al-Malik al-Kamil, ngunit natalo at sumuko ang
mga Katoliko noong 1221.
Noong 1229, sa Ikaanim na Krusada, naging matagumpay si Emperador Frederick II na maibalik ang Jerusalem sa
mga nagkrusada sa pamamagitan ng isang kasunduan. Pagkatapos ng 10 taon, natapos ang kasunduan at nabalik
muli ang Jerusalem sa mga Muslim.
Pinamunuan naman ni Louis IX ng Pransiya ang Ikapitong Krusada laban muli sa mga Muslim sa Ehipto, ngunit ito ay
hindi naging matagumpay. Sa Ikawalong Krusada, sinubukan naman ni Louis IX na tulungan ang mga Estado ng
Krusada sa Syria, ngunit siya ay namatay sa Tunisia. Sumali rin sa krusadang ito si Edward I ng
Inglatera, at ang kaniyang pakikipaglaban ang itinuturing na huling mahalagang krusada
patungo sa Jerusalem. Noong 1291, bumagsak ang huling Estado ng Krusada sa mga
Muslim na Mamluk.

You might also like