Alamat at Pabula-1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook.

Ang ina ay

si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang

bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng

mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang

mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng

gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang

lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog.

Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa

bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang

kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon

ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina.

Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y

magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na

tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya

upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala
si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang

bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si

Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit

naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya

alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y

magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y

hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon

ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling

Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti

ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay

naging pinya.
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na

lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang

malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay

ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang

huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya.

Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng

Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni

Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod

tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan

pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”


Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang

hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa

pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo,

mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa

loob ng prutas na ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na

pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at

pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng

mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din

sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas

ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na

pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang

kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.

Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig

ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng

kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa

ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.


Noong unang panahon ay may isang matandang babae na naninirahan sa tabi ng

ilog. Wala siyang ginagawa kundi ang maglinis ng kanyang bakuran at diligin ang kanyang

mga pananim.

Isang araw, may nanghingi ng kanyang ilang pananim. Ang matanda ay nagalit at pinalayas

ang bata.

Madamot ang matanda tuwing may pupunta sa kanyang tahanan upang humingi ng tulong,

agad niyang pinalalayas ang mga ito.


Minsan ay isang diwata ang nagpanggap na isang babaeng madungis. Humingi siya ng

makakain. Nagalit ang matanda at pinalayas ang babaeng madungis. Nagalit ang diwata sa

ginawa ng madamot na matanda.

Dahil sa iyong pagiging labis na madamot, kahit na marami ka namang pananim na maaring

ibahagi sa iyong kapwa, ikaw ay aking paparusahan. Sa ilang saglit ang matandang babae

ay naglaho at ang lugar na dating kinatitirikan ng kanyang bahay ay naging lawa.

Sa katagalan ng panahon ang lawa ay natuyo at may tumubong isang puno. Ang lahat ng

taong napapadaan sa nasabing puno’y napapahinto dahil sa dami ng bungang nakasabit sa

mga sanga. Ngunit natatakot silang pumitas dahil hindi nila alam kung maaring kainin ito.

Isang binata ang napadaan at tinangkang kumain ng bunga ng puno. Itinapon nito agad ang

nasabing bunga pagkatikim dahil sa sobrang asim. Nasabi ng binata na ang bunga ay

katulad ng matandang madamot na dating nakatira sa lugar na iyon. Punung-puno ng bunga

ang puno, ngunit sobrang asim naman ng laman.


Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila.

Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol

ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa,

Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles

ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito,

pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat

matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre

Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo.

Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan

sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.

Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang

sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring

sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng

Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit

ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.


Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si

HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.

Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang

maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok

ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang

nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo,

isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa

dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.

Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng

misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.

Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong

gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang

kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro

ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko

at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng

kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring

misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis

at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng
dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap

ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.

Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na

nauwi sa pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng

pakwan.
Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang

na maliliit na pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo, may nakatira ritong isang

higante. Ang kuweba niya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang

naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ang amang higante upang mangaso sa kabilang pulo.

Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid, kaya pinagsabihan niya ang tatlo.

"Huwag kayong lalabas ng ating kuweba, ang bilin ng ama. Diyan lamang kayo sa loob

dahil may mga panganib sa paligid. Hintayin ninyo ako sa loob ng kuweba."

"Opo, Ama", sagot ng tatlong dalagita.

Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kanilang kuweba ang magkakapatid.

Inayos nila itong mabuti upang masiyahan ang kanilang ama. Subalit hindi nila katulong sa

paggawa si Minda. Hindi masunurin ito sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa may

dagat. Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid.

Tuwang-tuwa si Mindang naglalaro ng mga along nanggagaling sa gitna ng dagat. Namasyal

siya at hindi niya napansin na malayo na pala siya sa tabi ng dagat. Habang siya ay

naglalakad, isang malaking malaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay
Minda. Nagsisisigaw siya habang tinatangay ng alon sa gitna ng dagat.Tulungan ninyo ako!

sigaw ni Minda.

Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa kuweba. Tumigil ang

paggawa ng dalawa.

"Si Minda, humihingi ng tulong!" sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.

"Oo nga. Halika na!" yaya ni Bisaya. "Bakit kaya?"

Mabilis na tumakbo sila sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nilang sisinghap-

singhap sa tubig ang kapatid.

"Hayun sa malayo!" sigaw sabay turo ni Lus.

"Hindi marunong lumangoy si Minda, ah", sabi ni Bisaya. At tumakbo na naman ang

dalawa. Umiyak na si Lus.

"Bahala na!" sagot ni Bisaya.

Mabilis nilang nilusong si Minda. Malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid.

Naku, pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak, sigaw at
walang tigil na kawag. At sa kasamaang palad ang tatlong anak na babae ng higante ay

hindi na nakaahon. Nang dumating ang higante nagtataka siya kung bakit walang

sumalubong sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw sa tuwa ang tatlo niyang anak kung dumating

siya. Wala ang tatlo sa kuweba. Ni isa ay wala roon. Saan kaya nagtungo ang tatlo kong

anak? tanong niya sa sarili. Saan kaya? Lus, Bisaya, Minda!

Walang sagot! Hinanap niya sa paligid. Wala roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit na

pulo. Ni anino, wala. Baka kaya may pumuntang ibang tao at dinala silang pilit? sabi ng

higante sa sarili.Biglang umalon ulit nang malakas at dumagundong. Napalingon ang ama.

At nabuo sa isip niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya sa malayo. At hindi

nagkamali ang ama. Nakita niya ang labi ng ilang piraso ng damit na nakasabit sa isang

bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo.

Naalala niyang bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Ni hindi sila natutong

lumangoy. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong

kamay na nakataas. Nawalan siya ng lakas. Mga anak! Ano pa? Wala na! himutok ng ama.

Nawalan na ng ganang kumain. Tumayo. Umupo. Tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod

ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa

isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.

Nang magising ang higante kinusot ang mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayong

bigla at tiningnang mabuti.Ano ito? saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong

ito? tanong sa sarili. Lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila. Ang tatlong pulong
ito! Sina Lus, Bisaya at Minda ito! ang sabi niyang malakas. At buhat noon tinawag na

Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa

gawing timog sa Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.


Isang pamilya ng daga ang nabubuhay sa takot dahil

sa isang pusa. Isang araw ay nagtulungan sila upang

talakayin ang mga posibleng paraan upang matalo ang pusa.

Matapos ang maraming talakayan, isang batang daga ang

nagmungkahi ng isang ideya.

"Bakit hindi tayo maglagay ng isang kampanilya sa leeg ng

pusa upang dinig nating kung papalapit ito?", sabi ng batang daga.

Pumalakpak at sumang-ayon ang lahat sa ideya maliban sa isang matandang daga.


Tanong ng matandang daga, "Sino ang maglalagay ng kampanilya sa leeg ng pusa?"

Natahimik ang lahat. Kahit maganda ang ideya ng batang daga ay wala sinuman sa kanila

ang may lakas ng loob na lumapit sa pusa at maglagay ng kampanilya sa leeg nito!

Ang Aral ng Kuwento: Madaling imungkahi ang mga solusyong imposibleng

maipatupad. Ang pagkakaroon ng maraming mga ideya ay mabuti para sa paglutas ng

problema, ngunit ang pagkakaroon ng mga ideya na gumagana at madaling ipatupad ay

mas mahusay.

Isang araw, may isang aso ang

naglalakad sa may daan habang kagat-kagat sa

bibig ang isang pirasong karne. Tumawid siya

sa isang tulay at tumingin sa tubig sa ilalim ng

tulay. Nakita niya ang kanyang repleksiyon sa

tubig at inakalang ibang aso ito na mayroon

ding dalang karne sa bibig.

Malaki at masarap ang dalang karne ng asong

nasa harap ko, sa isip ng aso. Kapag nakuha

ko ang karneng 'yan, magkakaroon ako ng


dalawang karne. Tiyak mas mabubusog ako at siguradong may tira pa para panghapunan.

Tatakutin ko siya at kukunin ang karne nito.

Tumahol siya dahil nais niyang makuha ang karne ng asong nakita. Ngunit sa kanyang

pagtahol ay nahuhog sa tubig ang karne sa kanyang bibig at hindi na niya ito muli pang

nakuha. Malungkot at gutom na umuwi ang aso.

Ang Aral ng Kuwento: Ang pagiging sakim ay isang kahangalan. Hindi masamang maghangad ng mga

bagay na wala ka ngunit matutong maging masaya sa kung anong meron ka ngayon. Matutong

pahalagahan ang mga bagay na nasa iyo upang hindi magsisi kapag ito ay nawala.

Isang araw, may isang alakdan na lumilibot

sa bundok upang makahanap ng lilipatan. Nilakbay

niya ang mga gubat, burol... Umakyat sa mga

batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa

isang ilog. Malawak at mahaba ang ilog kaya

huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya

ay makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa

sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y napaisip na


bumalik na lamang. Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa

ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito.

"Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa

iyong likod para makatawid sa ilog?"

"Ayoko nga, paano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang

nangangambang palaka.

"Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong

lumangoy!"

Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para

makasiguro ay tinanong niya ito ulit.

"Paano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo pa rin akong patayin tapos ay ikaw

na lang ang uusad sa gilid ng ilog."

"Totoo," sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang

dulo ng ilog."

"O sige... paano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo

ko patayin." sabi ni palaka.


"Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob

sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan.

Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito

at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang

alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang

pasahero. Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may

tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang

pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhid ang

kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.

"Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa

yon?"

Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing, "Wala akong magawa, natural na sa akin ang

ganoon." At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.

ARAL:

May mga taong mahirap baguhin ang kanilang pag-uugali. Kadalasan, nagkakamali

tayong balewalain ang katotohanang ito. Minsan nakikipagkaibigan tayo sa mga taong
hindi angkop na maging mabuting kaibigan o pumapasok tayo sa isang relasyon sa

pag-aakalang mababago natin ang ugali ng kapareha. Bagama't karamihan sa atin ay

likas na mabuti, may mga taong likas na ang kasamaan kaya laging mag-ingat sa

pakikipaghalubilo sa mga taong hindi lubos na kilala bago pa maging huli ang lahat.

Isang araw, sa panahon ng tagtuyot,

naghahanap ang isang uhaw na uwak ng tubig na

maiinom. Uhaw na uhaw siya at buong araw siyang

naglalakbay. Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi

siya nakainom ng tubig sa pinakamadaling

panahon. Sa wakas ay nakahanap siya ng isang

banga na may lamang maliit na tubig sa loob nito.


Subalit ang banga ay mataas at may makitid na leeg. Kahit anong subok niya ay hindi niya

abot ang tubig.

Pagkatapos ay isang ideya ang kanyang naisip. Kumuha siya ng maliit na bato at inilagay

sa loob ng banga. Sa bawat maliliit na bato na iniligay niya sa loob ay unti-unting tumataas

ang tubig. Ipinagpatuloy niya nag paglalagay hanggang sa abot na ng kanyang tuka ang

tubig at siya ay nakainom.

Ang Aral ng Kuwento: Kung sa simula ay hundi ka nagtagumpay, huwag sumuko! Ang

pagtitiyaga ang susi sa paglutas ng anumang suliranin. Kung hindi nalutas ng unang

solusyon ang isang problema ay humanap at mag-isip ng iba pang solusyon. Patuloy

kang sumubok hanggang sa makuha mo ang tamang sagot at solusyon. Mainam ito

kaysa sa wala kang gawin na anuman upang malutas ang problema.

Buod:

Ang kuneho ay nagyayabang tungkol

sa kanyang bilis sa harap ng iba


pang mga hayop at hinamon ang sinuman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng

isang pagong ang kanyang hamon. Sa una ay iniisip ng kuneho na ito ay isang biro, ngunit

seryoso ang pagong. Sinimulan ang paligsahan at sa simula ay buong bilis na tumakbo ang

kuneho. Napansin niyang sobrang layo na ng pagong at pinagtawanan niya ito. Nagpasya

siyang umidlip muna sapagkat sa wari niya ay walang pag-asang makahabol ang pagong.

Ang pagong, kahit mabagal ay patuloy na naglakad. Nang magising ang kuneho ay malapit

na sa dulo ng karera ang pagong at hindi na niya ka pang habulin kahit anong bilis niya.

Ang Aral ng Kuweto: Matatag kahit mabagal ang nanalo sa anumang paligsahan. Minsan sa buhay, maaaring

mukhang nangunguna ang iba sa iyo ngunit hindi mo alam kung anong balakid ang maaaring magpahinto sa

kanila. Mahalaga ay huwag sumuko at patuloy na lumaban. Isang araw ay makakarating ka rin sa gusto mong

puntahan.

You might also like