Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

3.

Mabilis na Pag-unlad (Rapid Progress)

Pagsisimula sa paggamit ng diksyunaryo para sa kahulugan ng salita, pagbaybay at


pagbigkas. May ekstensyon ang kanyang talasalitaan at mga kasanayan sa pang-unawa. Pagbabasa
nang malaya para sa kabatiran at kasiyahan.

4. Ekstensyon ng Karanasan sa Pagbasa at Mabilis na Pagdaragdag ng Kagalingan sa Pagbasa


(Extended Reading Experience and Rapidly Increasing Reading Efficiently)

Awtomatikong paggamit ng mga pamamaraan sa pagkilala ng mga salita, lubos na malaya sa


pagbasa. Pagbasa nang may pag-unawa sa iba't-ibang disiplina at asignatura, malaya ring paggamit
ng aklatan at pagsisimula sa paggamit ng pagbasa bilang kasangkapan sa paglutas ng suliranin.

5. Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin at Panlasa (Refinement in Reading Abilities, Attitudes


and Tastes)

Pagkamulat sa iba't-ibang layuning pagbasa at paglinang ng mga kasanayan sa mapanuring


pagtataya (evaluation) sa materyal na binabasa. Nagsisimula ang pagpapapino sa panimulang
pagtututo ng pagbasa. At nagpapatuloy sa pagtanda sa buhay.

B. Mga Salik o Sagabal na Nakakaapekto sa Mabisang Pagbasa

1. Kalagayan ng Pag-iisip - ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang pagbasa. Maaaring


pagmulan ito ng kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa mga salitang ginagamit ng may akda at ng
kawalan ng kakayahang tumugon sa mga bagay at mahinang pagsasaulo ng mga bagay na nakikita.

2. Pagbasa ng Walang Direksyon - kailangang maunawaan ng tao kung bakit siya bumabasa.
Ano ang layunin niya sa pagbasa? Bumabasa ba siya ng mga pahayagan upang malaman ang mga
balita sa kasalukuyan? Bumabasa ba siya ng aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang pagpasok sa
paaralan?

3. Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkapareho ang kanilang
pagkakasulat. Mahalagang-mahalaga sa isang mambabasa ang lubos na kaalaman sa iba't-ibang
bahagi ng pananalita. Huwag basahin ng minsanan manapa'y ulit-ulitin.

4. Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa batay sa layunin - Unahin muna ang mga
madadali bago ang mga mahihirap.

5. Hindi paggamit ng mga pananda (Marginal Notations)

C. Ang Dalawang Paraan ng Pagbasa

1. Tahimik na pagbasa – ito ay paraan ng pagbasa kung saan mata lamang at isipan ang ginamit. Sa
paraang ito, hindi kinakailangang bumuka ang bibig. Maituturing itong pansariling pagbabasa at ang
layunin nito na maunawaang mabuti ang binabasa.

2. Malakas na pagbasa – Isinasaalang-alang naman sa paraang ito ang mga tagapakinig. Ginagamitan
ito ng bibig para mabigkas ang binabasa.

You might also like