4th QTR Journal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Pangalan: Ivan James C.

Sialana Dyornal Blg: 1


Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph YuangKeng-Yinn

Pagpili ng Paksa

Ano-ano ang mgatungkulin o responsibilidad ng isangmananaliksiknatuladmo?


Paano momaihahanda ang iyongsariliupangmatugunan ang
mgaitosaiyongbubuoingsulatingpananaliksik?

Ang tungkulin o responsibilidad ng isangmananaliksiknakatulad ko ay ang mag

bigay ng makabago at

makabuluhangimpormasyonnamagagamitsalipunankaugnaysapaksangsinasaliksik.

Importantengmaglagay ng mgasanggunianupanghindimasabingnangopyalamangito.

Mahalaga din alamin ang limitasyon ng pananaliksik at magingsensitibosapagpili ng

gagamitingmgadatos. Maihahanda ko ang akingsarilisapamamagitan ng pagbasa ng

iba’tibangaklat o pagpapanood ng mgabidyonakaugnaysatamangparaan ng pag-gawa

ng sulatingpananaliksik. Isa samgaparaan ay ang dumalosamgapantas-

aralpatungkolsasulatingpananaliksikdahilibinabahaginila doon ang kani-

kanilangparaanupangmakamit ang magandangdaloysapagkuha ng

mgadatosnakakailanganin, dahilditomapapadalinito ang buhay ng isangmananaliksik.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 2
Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph YuangKeng-Yinn

Pagpili ng Paksa

Bakit mahalagangsapagsulatmo ng pananaliksik ay piliinmongmabuti at


maginginteresado ka sapaksangiyongsusulatin?

Mahalagangpiliinnangmabuti ang paksangsusulatin at dapatinteresado ka

nitodahil kung ikaw ay mausisasaisangpaksa, nagbibigayitonangsapatnainspirasyon at

motibasyonsapagsusulat. Mas lalonggaganahansapag-

tuklasngmgaimpormasyonkailangannatutulongupangmapadaliito. Kapaginteresado ka

sapaksa, mas malamangnamagigingmasigla ka sapagsusulat, mas

madalingmakakalikha ng mgaideya at maaaring mas magigingmalikhain ka sapagsulat

ng iyongpananaliksik. Bukod pa rito, kapagikaw ay interesadosaiyongpaksa, mas

malamangna mas magigingmasusi ka sapag-aaral at paghahanap ng

impormasyontungkolsapaksanaiyongpinili. Mas makakapagbigayito ng mas malalim at

mas kumpletongpagtalakay ng paksa. Magiging mas mabisa ang iyongpagsulat at mas

magkakaroon ng mas malawaknakaalamantungkolsapaksa.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 3
Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph YuangKeng-Yinn

Pagpili ng Paksa

Paano momatitiyakbilangisang mag-aaralnamananaliksik (student researcher)


nanagagawamo ang dapatgawinupangmatapos ang
iyongsulatinsaitinakdangpanahon?

Bilangisang mag-aaralupangmatapos ang amingsulatinsaitinakdangpanahon,

importantengmagtakda ng isang timeline para sabuongpananaliksikmulasapaghahanap

ng mgasanggunianhanggangsapagpapasanito. Ito ay magbibigay ng

malinawnadireksyon at magtitiyaknaikaw ay nasatakbosatamangpanahon. Ang isa

samgaimportantengsinusunod ko ay dapathindihintayin and deadline

bagomagsimulasapagsusulat ng pananaliksik. Kaya dapat simulant ang

pananaliksiknangmaagaupangmagkarron ng sapatnaoras para sapaghahanap ng

mgasanggunian, pagsulat, at pag-edit ng mgateksto. Mahalaga din gumawa ng outline

o organisasyondahilnakakatulongitonamaging mas sistematiko at maayossapagsulat

ang isangpananaliksik.
Pangalan: Ivan James C. Sialana DyornalBlg: 4
Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph YuangKeng-Yinn

Paghayag ng tesis

Sa iyongpalagay, totoonga bang maraming impormasyongnakukuhasa internet


ang hinditumpak, hindiberipikado, hindimabisa, at hindikompleto? Magbigay ng
patunaybataysasarilimongkaranasan o karanasan ng mgataongkakilala mo.

Sa akingpalagay, totoongana maraming impormasyonghinditumpak,

hindiberipikado, hindimabisa, at hindikompletonanakukuhasa internet. Ang internet ay

punong-puno ng mgaimpormasyon, ngunithindi lahat ay maaaringmatuturingnatumpak

at na-beripika.Akingnapansinna ang ilangmga blog, forum, at social media sites ay may

mgaindibidwalnanagpapakalat ng mgahinditumpak at hindikumpletongimpormasyon.

Sila ay may kanilangsarilingopinyon at perspektibonamaaaringhindinaiintindihan ang

buonglarawan.Napapansin ko rinna ang ilangmgaestudyante ay nakakita ng

mgahinditumpaknaimpormasyonsa internet at ginamititosakanilangmgapapel o

proyektongunitnagingsanhiito ng kanilangmababangmarkadahilhindina-beripika ang

kanilangginamitnasanggunian.
Pangalan: Ivan James C. Sialana DyornalBlg: 5
Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph YuangKeng-Yinn

Paghayag ng Tesis

Gamitinbilanggabay ang binasamongteksto. Paano ka makabubuo ng


iyongpahayag ng tesismulasaiyongpaksa? Ilalahad ang mgahakbangnagagawin
mo.

Upang makabuo ng pahayag ng tesis mula sa paksa, unahing maunawaan ang

paksa sa pamamagitan ng pagbasa at pananaliksik. Ito ay makakatulongsa akin

upangmaunawaan ang mgaaspeto ng paksanakailangankongtukuyin o pag-

aralanupangmakabuo ng isangmahusaynapahayag ng tesis. Matapos kongmaunawaan

ang akingpaksa, pipiliin ko ang pangunahing punto

nagustongiparatingsaakingmgamambabasatungkolsapaksa. Pagkatapos ko makabuo

ng akingpahayag ng tesis, susuriin ko itoupangtiyakinnaito ay

nakakatugonsaakingmgalayunin at argumento. Pagkatapos ko makabuo ng aking

pahayag ng tesis, susuriin ko itoupangtiyakinnaito ay nakakatugonsaakingmgalayunin

at argumento. Hulinghakbang ay ang pagpapatunay ng akingpahayag ng tesis. Ito ay

dapat kong masigurado nanakakatugon sa mga datos, mga sanggunian, at ang aking

pananaliksik.
Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 6

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Sa iyong palagay, paano ka nga kayâ matutulungan ng pansamantalang

balangkas sa ginagawa mong pagbuo ng sulating pananaliksik? Maglahad ng

limang paraan.

Ang pansamantalang balangkas ay isang nakasulat na gabay sa takbo ng

pananaliksik na nagtataglay lamang ng mga mahahalagang detalye nito. Ang mga

plano na nilalaman nito ay nakaayos nang sunod-sunod upang mas madali nang

gawing gabay ng mananaliksik. Ang pansamantalang balangkas ay hindi pa pinal ngunit

makikita natin sa gabay na ito na kung maayos ang pagkokonekta ng mga ideya,

magiging maayos rin ang takbo ng sulating pananaliksik.

Makakatulong ang pagkaroon ng pansamantalang balangkas dahil mapapaisip

ang mananaliksik kung ano ang mga bagay na alam o pinag-aralan niya na maaari

pang isama sa mga detalye. Magbibigay rin ito ng kaalaman kung ano pang

impormasyon ang nagkukulang ng pananaliksik. Sinisiguro rin nito na organisado ang

mga ideya sa pananaliksik upang sila ay mas mainam na maintindihan ng mga

mambabasa. Nagbibigay rin ito ng direksyon ukol sa konklusyon na nais marating ng

iyong pananaliksik. Sa huli, ang pansamantalang balangkas ay makatutulong sa

mambabasa at mananaliksik sa pamamagitan ng pagbigay ng higit pang detalye at

mahalagang impormasyon na tinataglay ng pananaliksik.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 7

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Kung ikaw ang guro ng mga bagong mananaliksik, pabubuoin mo pa ba ng konseptong

papel ang iyong mga mag-aaral bago ang malawakang pangangalap ng datos at

pagsulat sa kabuoan ng papel? Bakit oo o bakit hindi?

Mahalaga ang pagbuo ng konseptong papel lalo na sa mga baguhang

mananaliksik dahil ito ay gumagabay at nagbibigay ng direksyon sa kanila. Ang

konseptong papel ay inihahanda upang magpaliwanag, magbigay-linaw at bigyang-

kahulugan ang isang konsepto, ideya o pormula sa isang malinaw na paraan.

Binabanggit nito ang kahalagahan, katangian at kaugnayan ng isang bagay sa paraang

madaling maunawaan. Dahil dito, ang konseptong papel ay nagbibigay ng mainam na

kaalaman sa mga mananaliksik tungkol sa kanilang paksa bago sila magsimulang

mangalap ng datos. Sa paraang ito ay masisiguro na ang mga datos na makukuha nila

ay angkop at konektado.

Magbibigay rin ito ng karanasan sa mga bagong mananaliksik upang malaman

nila na ang pananaliksik pala ay nangangailangan ng ekstensibong mga proseso.

Maiintindihan nila na kailangan nilang dumaan sa mga prosesong ito upang marating

ang layunin at nais nilang konklusyon o kinalabasan ng napili nilang paksa ng

pananaliksik.
Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 8

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Para sa iyo, ano ang pinakamainam na paraan ng pag-aayos ng mga tala? Bakit?

Para sa akin, mainam ang paggamit ng isang card para sa isa o ilang kaisipan o

ideya. Ang mga uri ng card na makakatulong sa sangguniang ito ay ang isang notecard

o index card. Ang mga tala ay isusulat sa mga card na may parehong sukat at kapag

tapos na sa prosesong ito ay pwede nang gumamit ng mga online application gaya ng

Microsoft Excel para maibuod ang lahat ng datos o impormasyon na nakalap mula sa

mga respondente. Sa panahon ngayon na mayroon nang gamit ng teknolohiya at

internet, mabuti kung maghahanap rin tayo ng paraan na pagsamahin ang luma at

makabagong hakbang sa pagkukuha at pag-aayos ng tala upang magiging mas

maayos ang kinalabasan ng ating pananaliksik.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 9

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Ano ang kahalagahan ng bibliyograpiya sa pagpapatunay ng katumpakan o katiyakan

ng mga impormasyon sa pananaliksik?

Ang bibliyograpiya ay bahagi ng pananaliksik na makikita sa panapos na bahagi.

Ito ay isang listahan ng mga artikulo, iba pang pananaliksik o mga aklat na

pinagkukunan ng impormasyong konektado sa iyong pananaliksik. Mahalaga ang

bahaging ito dahil kung titingnan ito ng mga manunuri o mga mambabasa ay maaari rin

nilang basahin ang ilang artikulo na saklaw ng pamanahong papel upang masuri kung

ang mga datos ba na binanggit ay konektado at tiyak. Kapag marami at tiyak ang mga

artikulo na binanggit sa bibliyograpiya ay mapapansin na hindi na kailangan na suriin pa

ng masinsinan ang ibang detalye sa pananaliksik dahil naniniwala na sila na ang mga

ito ay tiyak at makatotohanan.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 10

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Gaano kalayo na ang inabot ng iyong ginagawang pananaliksik? Ano-anong

impormasyon pa ang kailangan upang maging matagumpay ang pagbuo mo ng iyong

sulatin?

Sa kabuuan, tapos na kami sa aming pananaliksik ngunit mayroon lamang ilang

mga parte nito na kailangang baguhin upang maaayon sa kagustuhan ng mga

panelists. Tapos na kami sa chapter 1 hanggang sa chapter 5. Mayroon lang kailangan

baguhin sa pagbuo namin ng mga charts. Kailangan naming gamitin sa bahaging ito

ang Likart scale upang mas mainam na maipresenta ang kabuuang datos mula sa mga

respondents na Grade 7-10 na mga mag-aaral. Dapat rin naming punan ang bahagi ng

Review of Related Literature upang makaabot ito ng minimum na limang pahina.

Kailangan naming gawin ito upang mas mapatunayan pa ang mga datos at

impormasyon na binanggit namin sa aming pananaliksik. Ang mga artikulong ito ay

nagsisilbing suporta sa pagiging makatotohanan at tiyak ng mga detalye.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 11

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Ano o ano-ano sa iyong palagay ang mga prinsipyong gagamitin mo para sa iyong

pananaliksik na papel? Bakit ito o ang mga ito ang gagamitin mo?

Isa sa pinaka mahalagang prinsipyo sa paggawa ng pananaliksik na papel ay

ang paghahanda. Kapag ang mga mananaliksik ay nakahanda, siguradong

mahahanapan nila ng solusyon ang alinmang inconsistency sa kanilang mga datos.

Mahalaga rin ang konsepto ng pagtutulungan mula sa bawat miyembro ng pangkat.

Kailangan ng bawat miyembro na magkaroon ng ekstensibong kaalaman tungkol sa

paksang pinili. Dapat rin nilang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kung anong bahagi

ng pananaliksik sila naatasan upang magiging madali ang lahat ng proseso. Sa huli,

mahalaga rin ang pagkakaroon ng mahabang pasensya dahil bilang isang mananaliksik

ay kailangan mong dumaan sa maraming mga proseso upang mangalap ng datos o

kaalaman sa inyong paksa.


Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 12

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Ano-ano na ang mga paghahandang ginawa mo para sa iyong pinal na papel? Sa iyong

palagay, sapat na ba ang iyong paghahanda para maging matagumpay ang iyong

bubuoin? Patunayan.

Sa aking palagay ay sapat na ang paghahanda na ginawa ko at ng aking mga

kasama sa pangkat. Mayroon na kaming masinsinang kaalaman ukol sa paksa na

aming pinili. Alam namin kung bakit ganitong uri ng pananaliksik ang pinili namin, ang

layunin at kahalagahan nito at kung paano ito makatutulong sa paaralan at mga mag-

aaral nito. Alam rin naming patunayan sa pamamagitan ng mga lohikal na argumento

ang lahat ng mga isinaad namin. Alam rin namin kung bakit ang mga paraang iyon ang

ginamit namin sa pagkuha ng datos at kung bakit quali-quanti na research ang

naaangkop.
Pangalan: Ivan James C. Sialana Dyornal Blg: 13

Bilang at Seksyon: 11-A St. Joseph Yuang Keng-Yinn

Paano mo isinulat ang iyong borador? Paano nakatulong sa iyo ang paraang ito?

Una ay isinulat ko ang paksa at layunin ng aming pamanahong papel.

Pagkatapos kong maisulat ang lahat ng mahahalagang detalye tungkol sa aming

pananaliksik sa mga papel ay ibinuod ko ang mga ideya na taglay nito at pinagsama-

sama upang makabuo ng makahulugang borador. Marami ring mga pagrerebisa na

kinailangan upang masigurado na lahat ng mga detalye at impormasyon na aming

isinama sa borador ay tama, mapagkakatiwalaan at konektado sa aming paksa. Marami

ring nagging suhestiyon ang mga panelists kaya paulit-ulit kaming may binabago sa

aming borador. Sa aking palagay ay nakatulong ito nang malaki sa aming grupo dahil

sa pamamagitan nito ay naibuod naming ang mga detalye ng aming research depende

kung gaano sila kahalaga. Sa pamamagitan rin ng borador ay tiyak na angkop at

epektibo ang lahat ng ideya na isinama sa isang pananaliksik.

You might also like