EDITORYAL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDITORYAL - Huwag ipilit ang Cha-cha

Pilipino Star Ngayon

February 22, 2023 | 12:00am

PATULOY ang mababang kapulungan ng Kongreso sa pagsusulong na mapalitan ang 1987 Constitution.
Noong Lunes, inaprubahan ng House of Representatives panel ang isang resolusyon na tumatawag sa
pagkakaroon ng constitutional convention (con-con). Sabi ni Cagayan de Oro representative Rufus
Rodriguez, chairman ng House committee on constitutional amendments, makakaasa ang publiko na
magkakaroon ng mga kunsultasyon bago magpatawag ng con-con. Ayon pa kay Rodriguez marami ang
pumapabor sa pagkakaroon ng con-con. Ninety three percent umano ay pabor na amyendahan ang 1987
Constitution.

Habang ang House ay nanggagalaiti sa pagpapalit ng Constitution, malamig naman ang pagtanggap ng
Senado sa Charter change. Marami sa mga senador ang nagsasabing hindi ito prayoridad. Sa mga
nakaraan, laging nire-reject ng Senado ang Cha-cha.

Maski si President Ferdinand Marcos Jr. ay nagsabi na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang
pagpapalit sa 1987 Constitution.

ADVERTISING

Noon pa marami na ang tumututol sa Cha-cha at sa kabila nito, marami pa ring mambabatas ang patuloy
na isinusulong ito. Kahit na malamig ang pagtanggap, paulit-ulit pa ring ipinipilit na palitan ang
Constitution.

Sa ngayon ang bansa ay bago pa lamang bumabangon mula sa bangis ng pandemya, mas makabubuting
isantabi na muna at huwag ipilit ang Cha-cha. Maraming dapat isagawa at unang-una ay ang paglikha ng
mga trabaho para sa mamamayan. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at dapat silang
matulungan.

Isa pa, malaking gastos ang pagdaraos ng plebesito para sa Cha-cha. Ayon sa NEDA, sa pagdaraos ng
plebisito, gagastos ang pamahalaan ng P13.8 bilyon. Ganito kalaking halaga ang kailangan. Sa
kasalukuyan, dahop ang pamahalaan. Saan kukuha ng ganitong halaga para sa plebisito?

Mas makabubuti na isantabi ang paghahangad sa Cha-cha at ang gagastusin dito ay ibuhos sa mga pro-
yekto na makikinabang ang mamamayan. Hindi dapat maging prayoridad ang Cha-cha sa panahong
marami ang naghihikahos. Unahin muna ang ilalaman sa sikmura kaysa pagpapalit ng Konstitusyon.

You might also like