Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

1

Ikalawang Kwarter- Modyul 2:


Tayo’y Gumuhit
ARTS - Unang Baitang
Kuwarter 2 – Modyul 2: Tayo’y Gumuhit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Regional Director: Leonor Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Antonio L. Morada

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: RUBY L. NAGERA

Editor:

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:
Paunang Salita

Upang matugunan ang bagong hamon na kinahaharap sa


edukasyon, ang modyul na ito ay ginawa upang patuloy na matuto
ang mga kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng guro at magulang.

Nilalaman nito ang lubhang mahahalagang kasanayang


pampagkatuto o Most Essential Leaning Competencies (MELC)

Inaasahan na ang modyul na ito ay makatulong sa paglinang ng


kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral.

Para sa mga Magulang o Tagagabay:


Upang maging kaigaigaya sa mag-aaral ang aralin at gawain sa
modyul na ito, mahalaga na ipaunawa sa kanila ang kahalagahan
nito. Tiyakin na makapagbigay ng oryentasyon sa iyong anak kung
paano ito gamitin at ingatan.

Ang bawat mag-aaral ay kailangang may sariling sagutang papel


upang doon isulat ang kanilang mga sagot sa mga gawain o
pagsasanay.

Kapag natapos ng sagutan ng mag-aaral ang lahat ng pagsasanay


ay ibabalik ang modyul na ito sa guro upang isagawa ang
kaukulang assessment.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Marami kang matutunan kung
gagawin mo ang mga gawain na nakapaloob dito.

Tandaan na ang mga gawain ay kailangang gawin mong mag-


isa. Huwag kang mag-alala, nandiyan ang iyong magulang o
tagagabay upang tulungan ka na maunawaan ang iyong aralin.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at


iwasang mapunit ang mga pahina.
Halika! Simulan na natin.
Tayo’y Gumuhit

Kumusta!
Sabik ka na ba sa bago nating
aralin?

Ngayong araw na ito ay guguhit


ka ng mga tanawin na nakikita
mo sa iyong kapaligiran.

Halika! Simulan na natin.


Panimula:

===================================================================================

Layunin:

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Makadrowing o makapinta ng isang


tanawin (landscape).

2. Mapag-usapan ang tanawin na naidrowing


o naipinta.

3. Maipagmalaki ang naidrowing o naipintang


tanawin.

1
Bago tayo magsimula, alamin
muna natin ang ibig sabihin ng
mga salitang ito.

Talasalitaan:

landscape
Ito ay mga tanawin na makikita sa
kalupaan katulad ng mga
bundok, bukid, hardin at kung
ano-ano pa.

drawing
Ito ay isang biswal na sining na
gumagamit ng lapis o krayola
sa pagguhit

painting
Ito ay isang biswal na sining na
ginagamita ng water colors,
pintura at brush upang maipinta
ang isang bagay.

2
Panimulang Pagsubok

Huwag kang mag-alala, ito ay


simulang pagsubok lang. Aalamin
lang natin kung ano na ang iyong
nalalaman sa ating aralin.

Piliin ang nagpapakita ng landscape. Lagyan ng tsek


(/) ang kahon at ekis (x) naman kung hindi

1. 2.

Source:https://www.drawingtutorials101.com/hou Source:https://www.alamy.com/stock-image-
se-scenery-for-kids-color-pencil-drawing child-draw-drawing-paint-painting-zoo-with-
animals-giraffe-tiger-pig-160076184.html

3. 4.

Source:https://za.pinterest.com/pin/49377754662
8905311/ Source:https://www.pinterest.ph/pin/6134747804
68727178/

5.
Source:https://www.youtube.com/watch?v=6y5gJ57
n8yM

3
Mga Gawain sa Pagkatuto

Ang bahagi ng modyul na ito ay


kinapapalooban ng iba’t-ibang
gawain upang mas maunawaan
mo ang ating aralin.

Tingnan ang larawan. Ano-ano ang mga nakikita mo


sa larawan?

Magbigay ng tatlong bagay na nakikita mo sa


larawan.
1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________
4
Magaling!

Ang mga bagay na nakita mo sa larawan ay


mga bagay na karaniwang nakikita sa isang
landscape.Ang landscape ay tanawin na
kakikitaan ng malawak na kalupaan, maaaring ito
ay bukid, hardin o kaya mga bundok. Ang
landscape ay madalas na tema ng painting o
drawing.

Ang drawing ay isang biswal na sining. Ang lapis


at krayola ang madalas na ginagamit sa
pagsasagawa ng sining na ito.

Ang painting naman ay isa ring biswal na sining.


Ito ay gumagamit ng brush at pintura sa
pagsasagawa ng sining na ito.

Halika! Subukan natin na gumawa nang sarili


mong sining.

Gumuhit ng isang landscape. Gamit ang iyong lapis


at krayola gumawa ng isang sining. Maaari mong
gamitin ang mga kulay na natutunan mo noong
nakaraang aralin. Gumamit ng natural colors,
primary colors at secondary colors upang maging
mas maganda ang iyong likhang sining.

Handa ka na ba? Halika gawin na natin!

5
La

Wow! Mahusay ang iyong ginawa!

Ating pag-usapan ang iyong ginawa.

1. Ano ang iyong iginuhit? ________________

2. Ano-ano ang mga kulay na iyong ginamit


sa iyong sining? _______________________

Binabati kita!

6
Ipakita sa iyong pamilya ang iyong ginawa.
Ipagmalaki ito. Sabihin na ito ay iyong likhang sining.

Ano ang iyong naramdaman, pagkatapos mong


maipakita ang iyong likhang sining?

Maaari mo bang bilugan ang iyong naramdaman?

Masaya Malungkot Walang Pakiramdam

Maging masaya ka sa iyong gawa. Huwag mahihiya


na ipakita ito sa iba. Marapat lang na ipagmalaki
mo ang iyong sining sapagkat ito ay iyong sariling
gawa.

Ngayon ay alam ko na na lubos


mo nang nauunawaan ang
ating aralin.

Handa ka na ba sa ating
panapos na pagsubok?
7
Panapos na Pagsubok

Ang bahaging ito ng modyul ay


susukat sa iyong mga natutunan
sa ating aralin.

Huwag kang mag-alala. Alam ko


na kayang-kaya mo ito.

A. Isulat ang tsek (/) kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at ekis (x) naman kung hindi.

_____1. Ang landscape ay kakikitaan ng mga


ng mga tanawin tulad ng malalawak na
kalupaan, bukid o kabundukan.

_____2. Maaring gumamit ng lapis, krayola sa pag


drowing ng isang landscape.

_____3. Ang painting naman ay isang biswal na sining


na ginagamitan ng tinta upang makagawa
ng isang sining.

_____4. Maaari nating mapaganda ang isang


drowing kung gagamitan ito ng iba’t-ibang
kulay ng krayola.

_____5. Ang drowing ay mas maganda kung ito ay


gagamitan lang ng isa o dalawang kulay.

8
B. Lagyan ng tsek (/) ang drowing na nagpapakita
ng landscape at ekis (x) naman kung hindi.

1. 2.

Source:https://www.youtube.com/watch?v=jNPw
Source:https://artprojectsforkids.org/eleme Ez9RWng
nts-of-art-space-in-a-landscape/

3. 4.

Source:https://www.youtube.com/watch?v=nq_IhMKRz1 Source:https://www.pinterest.ph/pin/2730314
A&list=UUeZveFKXllrETjGx-se8lvA&index=39 1468463378/

5.

Source:https://www.youtube.com/watch?v=Rg
oCK2DdJMk

9
Yehey!

Natapos mo na ang lahat ng


gawain at pagsubok

Maaari mo nang tingnan kung tama ang iyong mga


kasagutan sa pahina 13 .

Halika! Tingnan natin.

Saang antas ka nabibilang? Suriin ang rubrik sa


ibaba.

10 - 8 puntos = Napakahusay! Handa ka na sa


susunod na modyul.
9 - 6 puntos = Mahusay! Handa ka na sa susunod
na modyul.
5 - 3 puntos = Balikan ang aralin na hindi lubos na
naunawaan
2 - 0 puntos = Ulitin ang buong aralin.

Karagdagang Gawain

Upang lubusang mahasa ang iyong


kakayahan. Ang karagdagang
gawain na ito ay siguradong
ikatutuwa mo.

Lumabas ng inyong bahay. Huwag kalimutan na


magsuot ng mask ha.

10
Tingnan ang inyong kapaligiran. May nakikita ka ba
na maaari mong iguhit na landscape?

Kung gayon, simulan na natin!

Gumuhit muli ng isang landscape. Pagkatapos ay


kulayan ito. Gamitin ang mga natural colors, primary
colors at secondary colors upang maging mas
maganda ito.

Binabati kita!

Mahusay ang iyong


ginawa.

11
Sa wakas ay narating mo na ang dulo ng ating
aralin. Masaya ako at ginawa mo ang iyong
makakaya upang gawin ang mga gawaing itinakda
ko sa iyo.

Kaya naman ito ay para sa iyo!

12
1. Kailangang makapagbigay ang bata
ng 3 bagay na nakikita niya sa
2. x larawan.
3.
4.
5. X

A. B.
1. 1.
2. 2.
3. x 3. x
4. 4. x
5. x 5.

13

You might also like