Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

1

Ikalawang Kwarter- Modyul 3:


Mga Desinyong Bulaklak
ARTS - Unang Baitang
Kuwarter 2 – Modyul 3: Mga Desinyong Bulaklak
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Regional Director: Leonor Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Antonio L. Morada

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: JOEY N. NAJERA

Editor:

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:
Paunang Salita

Upang matugunan ang bagong hamon na kinahaharap sa


edukasyon, ang modyul na ito ay ginawa upang patuloy na matuto
ang mga kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng guro at magulang.

Nilalaman nito ang lubhang mahahalagang kasanayang


pampagkatuto o Most Essential Leaning Competencies (MELC)

Inaasahan na ang modyul na ito ay makatulong sa paglinang ng


kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral.

Para sa mga Magulang o Tagagabay:


Upang maging kaigaigaya sa mag-aaral ang aralin at gawain sa
modyul na ito, mahalaga na ipaunawa sa kanila ang kahalagahan
nito. Tiyakin na makapagbigay ng oryentasyon sa iyong anak kung
paano ito gamitin at ingatan.

Ang bawat mag-aaral ay kailangang may sariling sagutang papel


upang doon isulat ang kanilang mga sagot sa mga gawain o
pagsasanay.

Kapag natapos ng sagutan ng mag-aaral ang lahat ng pagsasanay


ay ibabalik ang modyul na ito sa guro upang isagawa ang
kaukulang assessment.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Marami kang matutunan kung
gagawin mo ang mga gawain na nakapaloob dito.

Tandaan na ang mga gawain ay kailangang gawin mong mag-


isa. Huwag kang mag-alala, nandiyan ang iyong magulang o
tagagabay upang tulungan ka na maunawaan ang iyong aralin.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at


iwasang mapunit ang mga pahina.
Halika! Simulan na natin.
Mga Desinyong Bulaklak

Kumusta!
Sabik ka na ba sa bago nating
aralin?

Ang bago nating aralin ay


siguradong kagigiliwan mo.
Panimula:
Halika! Simulan na natin.

==========================================

Layunin:

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Makagawa ng isang desinyo tulad ng mga


bulaklak na nakikita sa paligid ng inyong
tahanan o paaralan.

2. Maipagmalaki ang desinyong ginawa.

1
Bago tayo magsimula, alamin
muna natin ang ibig sabihin ng
mga salitang ito.

Talasalitaan:

desinyo

Ang desinyo ay bunga ng imahinasyon


ng isip upang makabuo ng isang
artistikong bagay. Ito ay masususing
pinag-isipan at ginawa upang
mapaganda ang
isang bagay.

Panimulang Pagsubok

Huwag kang mag-alala, ito ay


simulang pagsubok lang. Aalamin
lang natin kung ano na ang iyong
nalalaman sa ating aralin.

2
Piliin ang mga bagay na may desinyong bulaklak.
Isulat ang (/) kung nagpapakita ng desinyong
bulaklak at ekis (x) naman kung hindi.

1. 2.

Source:https://www.sunnyfashion.com/produ
Source:https://www.giftjaipur.com/happy-
cts/lz41-p
birthday-card-with-flower-design

3. 4.

Source:https://www.amazon.in/Multicolored- Source:https://sg.carousell.com/p/flowe
attractive-Rajasthani-Crafted- ry-bag-50843258/
Embroidery/dp/B073DDL4JB

5.

Source:http://alloverprintedtees.blogspot.c
om/2017/05/alloverprint-men-connnected-
shapes.html

3
Mga Gawain sa Pagkatuto

Ang bahagi ng modyul na ito ay


kinapapalooban ng iba’t-ibang
gawain upang mas maunawaan
mo ang ating aralin.

Ang larawan na ito ay nagpapakita ng isang


landscape ng harden ng isang tahanan. Ano ang
masasabi mo?

4
Sagutan ang mga tanong:

1. Ano-ano ang iyong nakikita? _______

2. Ano kaya ang nagpapaganda sa


landscape na ito? _______

Tama! Ang mga bulaklak ay ang siyang


nagpapaganda ng landscape ng isang hardin.

Maraming mga magagandang bulaklak ang


makikita sa Pilipinas. May mga gumamela, santan,
daisy, ilang-lang at marami pang iba. Ang mga ito
ay nagpapaganda sa mga tanawin o landscape.

Ikaw? Anong mga bulaklak ang nakikita mo sa


paligid ng inyong tahanan o kaya sa paaralan?

Alam mo ba na ang mga bulaklak na ito ay maaari


nating gawing inspirasyon sa pagbuo ng desinyo?

Oo! Ang mga bulaklak na ito ay kadalasang


nagiging paksa sa sining ng mga tanyag na mga
pintor.

Kadalasan ang mga bulaklak ang kanilang


idinodrowing o ipinipinta.

Halika! Subukan mong gumawa ng isang desinyo na


bulaklak.

Alam ko kayang-kaya mo ito.

5
Anong bulaklak ang iyong mga nakikita sa paligid?
Gamitin ito bilang inspirasyon upang makabuo ka ng
isang desinyo ng mga bagay na gusto mo. Kulayan
ito. Gamitin ang mga natural colors, primary colors
at secondary colors upang maging mas maganda
ang iyong sining.

Wow! Magaling!

Natutuwa ako, sapagkat nakagawa ka ng isang


sining na kakikitaan ng mga bulaklak.

Ikaw? Ano naman ang naramdaman mo sa iyong


ginawa? Masaya ka ba? Bakit masaya ang iyong
naramdaman?

6
Tama! Dapat na maging masaya ka sapagkat
ginawa mo ang iyong makakaya upang tapusin
ang gawain na ito. Kaya naman marapat lang na
ipagmalaki mo ito.

Ipakita ang iyong ginawa sa mga kasapi ng


iyong pamilya. Sabihin na ito ay iyong ginawa.
Ipagmalaki ito sa kanila.

Pagkatapos mong maipakita ang iyong ginawa,


ano ang iyong naramdaman?

Maaari mo bang bilugan ang iyong naramdaman?

Masaya Malungkot Walang Pakiramdam

Bakit ito ang iyong naramdaman?

Maging masaya ka sa iyong gawa. Huwag mahihiya


na ipakita ito sa iba. Marapat lang na ipagmalaki
mo ang iyong sining sapagkat ito ay iyong sariling
gawa.

7
Alam ko na lubos kang nasiyahan
sa ating mga gawain, kaya naman
alam ko na handa ka na sa ating
panapos na pagsubok.

Panapos na Pagsubok

Ang bahaging ito ng modyul ay


susukat sa iyong mga natutunan
sa ating aralin.

Huwag kang mag-alala. Alam ko


na kayang-kaya mo ito.

A. Iguhit ang ______ kung ang isinasaad ng

pangungusap ay tama at ______ naman kung


isinasaad nito ay mali.

______1. Maraming magagandang bulaklak ang


makikita dito sa Pilipinas na maaaring
gawing inspirasyon sa paggawa ng sining.

8
______2. Ikahiya mo ang iyong sariling gawang
sining.

______3. Itago ang ginawang sining. Tanging ikaw


lang dapat ang makakita nito.

______4. Ipagmalaki ang ginawang desinyo. Ipakita


ito sa iba.

______5. Upang maging mas maganda ang


desinyo o sining na ginawa, maaaring
kulayan ito ng natural colors, primary colors
at secondary colors.

B. Alin sa mga sining na ito ang kakikitaan ng mga


mabulaklak na tanawin o landscape? Isulat ang tsek
(/) sa kahon at ekis (x) naman sa hindi.

1. 2.

Source:https://www.pinterest.ph/pin/37049 Source:https://www.samanthasbell.com
1506849364569/ /flower-garden-2/

2. 4.

Source:https://www.drawingtutorials101
Source:https://www.youtube.com/watch
.com/how-to-draw-a-house-landscape
?v=VlXU8mHglLU

5.

Source:https://www.youtube.com/watch?v=QVM
UkrIRBR0
Yehey!

Natapos mo na ang lahat ng


gawain at pagsubok

Maaari mo nang tingnan kung tama ang iyong mga


kasagutan sa pahina 13 .

Halika! Tingnan natin.

Saang antas ka nabibilang? Suriin ang rubrik sa


ibaba.

10 - 8 puntos = Napakahusay! Handa ka na sa


susunod na modyul.
9 - 6 puntos = Mahusay! Handa ka na sa susunod
na modyul.
5 - 3 puntos = Balikan ang aralin na hindi lubos na
naunawaan
2 - 0 puntos = Ulitin ang buong aralin.

Karagdagang Gawain

Upang lubusang mahasa ang iyong


kakayahan. Ang karagdagang
gawain10na ito ay siguradong
ikatutuwa mo.
Panuto: Gumuhit ng isang tanawin o landscape na
kakikitaan ng mga bulaklak. Pagkatapos mo itong
gawin, ipakita ito sa iyong pamilya.

Halika! Simulan na natin.

Binabati kita!

Mahusay ang iyong


ginawa.

11
Sa wakas ay narating mo na ang dulo ng ating
aralin. Masaya ako at ginawa mo ang iyong
makakaya upang gawin ang mga gawaing itinakda
ko sa iyo.

Kaya naman ito ay para sa iyo!

12
Nasagot ba ng bata ang mga tanong
1. sa gawain? Bilugan ang angkop na
2. rubrik.
3.
4.
5.

A.
1.

2.

3.

4.

5.
B.
1.
2.
3
4.
5.

13

You might also like