Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 89

PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL.

102

FIL 102
PANIMULANG LINGGWISTIKA
Inihanda nina: Sharon C. Evangelio, MAEE
Jiza Mae S. Cabilar, LPT
PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Paunang Salita
Isang hamon ng edukasyon lalo na sa mga guro kung papaano maipagpatuloy ang
pagtuturo at paghahasa ng kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral sa panahon ng
pandemya, lalo pa at malimit lamang ang kagamitang panteknolohiya mayroon ang mga
mga mag-aaral at pati na ang mga paaralan. Dagdag pa nito ang mahina at hindi maayos na
koneksyon ng internet. Isa sa pagtugon sa hamon na dulot ng panibagong normal ng
edukasyon ay ang paggawa ng mabisang kagamitang pampagkatuto na maipagpatuloy pa
rin ng mga mag-aaral ang paglinang sa mga kompetensing inaasahan sa kanila kahit hindi
sila makapasok sa unang modaliti ng pagtuturo-pagkatuto na onlayn. Ang coursepack na
ginawa ng guro ang magiging suplemental na kagamitan upang patuloy pa rin ang
pagbabahagi ng kaalaman kahit nasa assynchronus na pamamaraan.
Hangad ng coursepack na ito ang mapataas ang antas ng kaalaman at pagkatuto at
matukoy ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral sa bawat aralin. Kaya sa pagbuo ng
coursepack na ito ay isinaalang-alang ang balangkas at silabus ng kurso sa paggawa ng mga
gawain, pagsasanay, pagtataya at pagtatasa ng bawat aralin.
Inaasahan ng mga may akda ng coursepack na ito na mapayaman ang kaalaman ng
mga mag-aaral hinggil sa simulain ng lingwistika at mapalawak ang pag-unawa sa nilalaman
ng mga batayang kaalaman at ang makaagham na pag-aaral ng wika. Inaasahan din ang
bawat mag-aaral ng coursepack na ito ang makabuluhang aplikasyon ng linggwistika sa
araw-araw na pamumuhay.

May Akda

Sharon C. Evangelio, MAEE


Jiza Mae S. Cabilar, LPT

1
PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Pangkalahatang-ideya ng Kurso

Pamagat ng Kurso: Panimulang Linggwistika


Deskripsyon ng Kurso:

Nagbibigay-diin sa mga batayang kaalaman at simulain sa linggwistika at nagpapakita


ng aplikasyon ng mga ito. Naipakikita ang pag-unawa sa nilalaman sa mga batayang kaalaman
at makaagham na pag-aaral ng wika. Binibigyang-diin nito ang palatunugan, palabuuan at
palaugnayan ng wika.

Katumbas na Yunit: 3.0 yunit


Inaasahang Matamo sa Kurso:

1. Naihahambing ang iba’t ibang salik sa matagumpay na pagkatuto ng wika;


2. Natutukoy ang mga pankalahatang kaalaman at konsepto kaugnay ng
metalinggwistik na pag-aaral ng wikang filipino;
3. Nailalapat ang mga kasanayang panglingwistika sa pag-alam, pagtataya, at
pagpapahalaga sa mga kaalaman at konseptong may kinalaman sa balarila;
4. Nagtataglay ng kaalaman hinggil sa usapin ng kultura at linggwistikong
dibersidad ng bansa;
5. Naipakikita ang kaalaman sa positibong paggamit ng mga kasanayang ICT
at ika-21 siglo sa pagkatuto ng mga batayang kaalaman sa makaagham na
pag-aaral ng wika; at
6. Nakapagdidisenyo ng malikhain, inobatibo at integratibong mga
alternatibong dulog sa pagtuturo at pagkatuto tungo sa pagsulat ng
panimulang pananaliksik hinggil sa linggwistikang Filipino.

Modyul ng Kurso
Upang ikaw ay matulungan at magabayan sa iyong pagkatuto sa mga
bahagi ng linggwistika, ang modyul na ito ay nahahati sa apat na parte:

Modyul 1: Ang Linggwistika


Modyul 2: Ang Pagsasalita at Ponolohiya
Modyul 3: Ang Morpolohiya at Sintaksis
Modyul 4: Ang Semantiks at Ortograpiyang Filipino

Kabuuang Pagtataya ng Modyul:

Nagagamit nang makabuluhan sa araw-araw na pamumuhay ang linggwistika.

Evangelio & Cabilar \‘22 2


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Bahagi at Nilalaman ng
Bawat Modyul

Ipapakita nito ang mga kakayahan


Kasanayang sa pag-aaral na inaasahang
Pampagkatuto matutunan sa modyul na ito.

Paunang-Pagtatasa Sa bahaging ito, ipapakilala ang


aralin at hinihimok ang mga mag-
aaral na lumahok sa aralin.

Pagsusuri Naglalaman ito ng mga gawain na


matutukoy ang pag-unawa at
kasanayan ng aralin.

Paglalahad Magbibigay ito ng impormasyon


tungkol sa nilalaman ng aralin.
Makatutulong ito sa mga mag-
aaral na maunawaan ang konsepto
at kasanayan.

Susuriin ng bahaging ito ang


Pagtataya kakayahan at kaalaman ng mga
mag-aaral na maipakita ang
nakamit na mga kasanayan sa
pagkatuto.

Evangelio & Cabilar \‘22 3


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

TALAAN 𝓷𝓰 NILALAMAN
Paunang Salita ………………………………………………………………………...….1
Pangkalahatang-ideya ng Kurso ………………………………………………………...2
Bahagi ng Nilalaman ng Bawat Modyul ………………………………………………...3
Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………………...…...4

Modyul 1: Ang Linggwistika


Pangkalahatang Ideya ng Modyul …………………………………………………5
Aralin 1: Ang Linggwistika …………………………………………………….6-16
Aralin 2: Kasaysayan ng Wika at ang Ugnayan ng Wika At Kultura ………...17-29
Repleksiyong ng Kabanata……………………………………………………..…30

Modyul 2: Ang Pagsasalita at Ponolohiya


Pangkalahatang Ideya ng Modyul ……………………………………….………31
Aralin 1: Ang Pagsasalita………………………………………………….…..32-36
Aralin 2: Ang Ponolohiya …………………………………………………….37-44
Repleksiyong ng Kabanata……………………………………………………..…44

Modyul 3: Ang Morpolohiya at Sintaksis


Pangkalahatang Ideya ng Modyul ………………………………….....…………46
Aralin 1: Ang Morpolohiya………………………………………………..…..47-58
Aralin 2: Ang Sintaksis………………………………………………………..59-67
Repleksiyong ng Kabanata……………………………………………………..…68

Modyul 4: Ang Semantiks at Ortograpiyang Filipino


Pangkalahatang Ideya ng Modyul ………………………………………………..69
Aralin 1: Ang Semantiks……………………………………………………....70-75
Aralin 2: Ang Ortograpiyang Filipino………………………………………....76-87
Repleksiyong ng Kabanata……………………………………………………..…87
Sanggunian ……………………………………………………………………………....88

Evangelio & Cabilar \‘22 4


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Modyul 1 Ang Linggwistika

Maligayang pagkatuto! Ito ang unang modyul ng ating kursong Fil 102:
Panimulang Linggwistika kung saan matutunan natin ang iba’t ibang bahagi ng wikang
Filipino. Sa modyul na ito ay lubos mong mauunawaan kung ano nga ba ang linggwistika
at ang kasaysayan ng wika pati na rin ang kaugnayan nito sa ating kultura.

Pangkalahatang layunin ng modyul na ito ang talakayin ang paksang taglay ng


Linggwistika. Ang mga sumusunod na mga paksa ay ang unang bahaging tatalakayin natin:
Aralin 1 – Ang Linggwistika

Aralin 2 – Kasaysayan ng Wika at ang Ugnayan ng Wika At Kultura

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


✔ Naipakikita ang kaalaman sa pagtalakay sa kahulugan at kahalagahan
ng linggwistika;
✔ Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa paglinang ng
linggwistikang Filipino;
✔ Naipakikita ang kaalaman sa pagkakaiba-iba at pagkakaugnay-ugnay
ng wika, kultura at dalubwika;
✔ Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
linggwistika sa daigdig at sa Pilipinas; at
✔ Naipakikita ang kaalaman sa wastong paggamit ng kasanayang ICT sa
pagpapakita ng simu-simula ng wika at ng mga angkang Malayo-
Polinesyo at ang mga wika sa Pilipinas.

𝓢𝓲𝓶𝓾𝓵𝓪𝓷 𝓷𝓪 𝓪𝓽 𝓶𝓪𝓽𝓾𝓽𝓸 !

Evangelio & Cabilar \‘22 5


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 1
Ang Linggwistika
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


● Maipakikita ang kaalaman sa pagtatalakay sa kahulugan at kahalagahan ng
linggwistika; at

● Maipaliliwanag ang mga batayang kaalaman ng linggwistika sa paglinang ng


wikang Filipino.

Ang linggwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao, at tinatawag na isang dalubwika


(o linggwista) ang mga dalubhasa dito.

A. PAUNANG PAGTATASA
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga salitang maiuugnay mo sa Wikang
Filipino.

Evangelio & Cabilar \‘22 6


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

B. PAGSUSURI

Bago natin simulan ang ating talakayan, tanungin mo ang iyong sarili kung saan
ba nagsimula ang ating wika?

__________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Batay sa iyong kasagutan na nakasaad sa graphic organizer, anong masasabi mo


tungkol sa kahalagahan ng wika?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Kung ikaw ay isa ng guro ng wika, ano ang pakinabang ng linggwistika sa iyo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ano ba ang nagagawa ng isang linggwistika na hindi nagagawa ng isang


karaniwang guro?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

C. PAGLALAHAD

Ano ang LINGGWISTIKA?

● Ang lingguwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang


dalubwika (o lingguwista) ang mga dalubhasa dito.
● Ayon kay Consuelo J. Paz, ang linggwistika ay sayantipik na pag-aaral ng wika
ng mga tao.
● Ayon naman sa aklat na Ang Wika, Linggwistika, at Komunikasyon sa Aspeto ng
Pakikinig at Pagsasalita, pinag-aaralan at sinusuri sa linggwistika ang istruktura,
katangian, pag-unlad, at iba pang bagay na may kaugnay sa isang wika at ang
relasyon nito sa iba pang wika.
● Ang ama ng Linggwistikang Filipino ay si Dr. Cecilio Lopez

DALUBWIKA
● Ito ang tawag sa taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-
karaniwang kaalaman at kakayahan hindi lamang sa pagsasalita kundi sa
pagsusuri ng wika.

POLYGOT
● Ito ang tawag sa isang taong maraming nalalamang wika.

Evangelio & Cabilar \‘22 7


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

MGA KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay sinasalitang tunog.


Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan sa
tao. Ang pinakamakahulugang tunog na nililikha at na ngayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Ang tunay na
wika ay ang wikang sinasalita; ang nakasulat ay larawan lamang ng wikang ginagamit.

2. Ang wika ay sistematik na balangkas.


May sistema ang wika. Ang lahat ng Sistema ng wika ay binubuo ng tatlong
magkakalakip na bahagi na ang bawat isa ay tulong-tulong sa kabuuan. Ang tatlong sistema ng
wika ay palatunugan, palabuuan, at palaugnayan. Bawat salitang nabubuo ay nagmula sa mga
tunog. Ang mga tunog ay tinutumbasan ng simbolo o letra hanggang sa ang mga letrang ito ay
nabuo at naging salita.
Pinipili natin ang ating wikang gagamitin upang magkaintindihan at magkaunawaan tayong
ating kausap. Upang maging epektibo naman ang komunikasyon, kailangan isaayos natin ang
paggamit ng wika. Sa paggamit nito, kailangang isaalang-alang natin ang ilang mga
konsiderasyon.

3. Ang wika ay arbitraryo.


Habang ang panahon ay lumilipas nagbabago rin ang wika. Ang pagbabagong iyan ay dala
marahil ng impluwensiya ng ibang bansang naging kaugnay ng isang bansa dahil sa
pampulitikal, panlipunan o pang-ekonomiyang karanasan.
Ayon kay Archibad A. Hill, “just that the sounds of speech and their connection with entities
of experience are passed on to all members of any community by older members of that
community”.

4. Ang wika ay kabuhol ng kultura.


Sadyang hindi maaring ihiwalay ang wika sa kultura ng bansang gumagamit ng nasabing
wika. Ang wika at kultura ay hindi dalawang bagay na hindi mapahiwalay. Sa pamamagitan ng
wika, nagkakaalaman at nagkakaugnay sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala,
ang mga tao.

5. Ang wika ay pantao.


Naiiba ang wikang pantao sa wikang panhayop. Ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa
pagsasalin at pag-uugnay ng kultura samantalang ang wikang panghayop ay ginagamit sa
sariling lahi. Natutunan ng tao ang wika ng pamayanang kanyang tinitirahan na maaring hindi
ito ang wika ng magulang niya.

6. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.


Kasiya-siyang pakinggan ang pangungusap o pahayag na maayos ang pagkakasabi o
pagkakasulat. Hindi lamang ang siyensya ng linggwistiks ang binibigyang-pokus, maging ang
retoriks ay dapat isaalang-alang ng isang nagsasalita o nagsusulat upang maging katanggap-
tanggap ang anumang sasabihin o susulatin.

7. Ang wika ay patuloy na nagbabago.


Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot
ng agham at teknolohiya. Gayundin ang wika, patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika
kaya kailangang mabago rin ang ortograpiya at alfabeto maging ang sistema ng palabaybayan.
Ang isang wika ay maaring madaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging

Evangelio & Cabilar \‘22 8


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

malikhain ng tao, maaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.


Kailangan ding lapatan ng mga katawagan angmga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya
at syensya. Bunga nito ay nadaragdagn ng mga bagong salita na hindi umiiral noon.

8. Ang wika ay komunikasyon.


Ang wika ay behikulo ng komunikasyon ng dalawang taong nag-uusap. Ginagamit nila ang
wika upang ipahayag ang kanilang pangangailangan, damdamin at kanilang iniisip. Ginagamit
nila ang wika sa kanilang pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon.

9. Ang wika ay malikhain.


Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na makapagbubuo ng kahit anong haba ng
pangungusap. Ang katutubong nagsasalita ng wika ay nakalilikha ng mga pangugusap na maaring
hindi pa niya kailanman nasasabi, nababasa o naririnig.

10. Ang wika ay natatangi.


Ang bawat wika ay may kaniyang sariling set ng mga tunog, mga yunit panggramatika, at
kanyang sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang
wika. Walang dalawang wikang magkatulad. Maaring sabihin na may wikang magkakahawig dahil
pare-parehong mayroon ang mga ito ng sistema ng mga tunog, sistemang pagbubuo ng mga salita,
at sistema ng pag- uugnay ng mga pangungusap.

Gamit ng Linggwistika:
● Pagsalin ng isang salita sa ibang wika
● Pag-aaral ng kasaysayan ng wika
● Basehan sa paggawa ng bagong salita o sa pagpapalago ng isang wika
● Basehan sa tamang paggawa at pagamit ng mga pangungusap

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS

1. Panahon ng Kastila
Ayon kay Otto Scheerer (1918), isinasagawa ng mga
misyunerong Kastila (karamihan ay mga paring Heswita at
Dominikano) ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas sa
layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa
dakong ito ng daigdig.

Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis


ang pag-aaral sa mga wikang katutubo noong panahon ng
Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden
noong 1594.

⮚ Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at


Jesuitas
⮚ Ibinigay din sa mga Augustinian ang Ilocos at
Pampanga. Otto Scheerer
⮚ Ang Intsik at mga lalawigan ng Panggasinan at Cagayan ay ibinigay sa
mga Dominican.
⮚ Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa kabikulan.

Evangelio & Cabilar \‘22 9


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Ang katagalugan ay nahati sa apat na Orden. Dahil dito ay nagkaroon ng sigla ang
pag- aaral sa mga katutubong wika na humantong sa paglimbag ng mga gramatika at
diksyunaryo. Ayon kay Phelan, hindi kukulangin sa dalawampu’t apat na aklat ang
nalimbag tungkol sa wikang Tagalog, samantalang lima lamang sa mga wikang Bisaya.

⮚ Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na


daantaon.
⮚ Layunin nila na mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
kapuluan.
⮚ Noong Pebrero 13, 1965 dumating sa Cebu ang anim na paring
Augustinian
⮚ kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi upang maisagawa ang
⮚ pagpapalaganap ng relihiyong Romano Katoliko.

2. Panahon ng Amerikano
Nagsimula noong ika-19 na daantaon at natapos noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Layunin nila ang maihasik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang
demokratiko. Ayon kay Constantino, ang mga pangunahing linggwistika noong
panahong ito ay ang mga sumusunod:

⮚ Leonard Bloomfield (Amerikano)


⮚ Frank R. Blake (Amerikano)
⮚ Cecilio Lopez (Pilipino)
⮚ Carlos Everett Conant (Amerikano) - Disiplinang Historikal
⮚ Otto Scheerer (Aleman) – Disiplinang Historikal
⮚ Morice Vanoberbergh (Misyunerong Belhikano)
⮚ H. Costenoble (Aleman) - Disiplinang Historikal

May tatlong makaagham na gramatikang tagalog ang sinulat nina Bloomfield (1917),
Blake (1925), at Lopez (1941).

BLAKE
✧ Sumulat si Blake ng hindi kukulangin sa dalawampu’t
pitong artikulo tungkol sa iba’t- ibang wika sa Pilipinas.

Halimbawa ng isinulat ni Blake:


✔ Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya at
Tagalog
✔ Ang mga hiram na Tagalog Sanscrino
✔ Ang pinakamahalagang kontribusyon niya ay ang kanyang
aklat tungkol sa “Gramatika ng Tagalog”.

✧ Sa kanyang paraan ng paglalahad ay malinaw na makikita


ang impluwensya ng mga mahuhusay na mambabarilang
Kastila, tulad ni Totanes.

Evangelio & Cabilar \‘22 10


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

✧ Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay labis na niyang napag-ukulan
ng pansin ang tatlong magkaunay na mga yunit sa grammatika: verb, voice at case. Sinasabi
niya na bilang alituntuning pangkalahatan masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog ay
maaaring gawing pandiwa.

BLOOMFIELD

Ang kalahatang aklat niya na may pamagat na “Language 1933” ay kinapapalooban


ng mga mahahalagang pag-aaral sa gramatikang Tagalog at kaalinsabay na paglaganap ng
linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Higit na
maagham ang pagsusuri ni Bloomfield sa gramatikang Tagalog kaysa kay Blake. Ang
pagsusuri niya ay nahahati sa tatlo sa Tagalog:

Bahagi I – kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong


pamponemika, kasunod ang katumbas sa Ingles.
Bahagi II – kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na hinati niya sa Phonetics,
syntax, at Morphology.
Bahagi III – katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary.

Inilarawan niya ang makabuluhang tunog ng Tagalog, ang pagpapantig at Sistema ng


diin. Ayon sa kanya, hindi magkaibang ponema ang tunog na i at e, gayundin ang o at u,
maliban nalang sa mga salitang hiram.
Inilarawan niya ang dalawang uri ng diin sa tagalog, ang malakas at mahina.
Inilarawan din niya ang pagtaas ng tono at ang paghaba ng patinig na napapalangkap sa
bawat diin.

Sa Morpolohiya ng Tagalog:

Binigyan diin niya ang paggamit ng mga panlaping active at passive, ang relasyon ng isa’t-isa
at sa ibang panlapi na nagbubunga ng:
 Mga salitang waring gerund na tinatawag niyang ‘abstracts of action’; o
 Mga nominals na tinatawag niyang ‘special static words.”

Evangelio & Cabilar \‘22 11


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Dr. CECILIO LOPEZ

Siya ang kauna-unahang linggwistikang Pilipino


kaya ang tawag sa kanya ay “Ama ng
Linggwistikang Pilipino”

Lumabas ang isang festschrift na may pamagat na


Parangal kay Lopez noong 1975 na handog ng
Linguistic Society of the Philippines.

Dr. Cecilio Lopez

Manwal na nauukol sa gramatika ng wikang Pambansa (1941)

Ito ang pinalimbag niya na pinakamahalagang ambag sa larangan ng


linggwistikang Pilipino. Ang manwal na ito ay isang maagham na pagtatalakay sa gramatika ng
Tagalog na angkop gamit ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Pambansa. Nahati ito sa apat na
bahagi:
Isa sa Ponetika
Dalawa sa Morpolohiya
Isa sa Sintaksis

Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga isinulat:

Origins of the Philippine Language 1967


Contributions to Comparative Philippine Syntax 1065
Some New Morphemes in Philippine Languages 1970
The Spanish Overlay in Tagalog 1965
Paghahambing sa mga Wika sa Pilipinas 1972
A Comparative Philippines Word-list

ANG KONTRIBUSYO NI CONNANT

❖ The RGH Law in Philippine Language (1910) at The Pepet Law in the Philippine
Languages (1912).

✔ Ito ang mga pinakakilalang pananaliksik ni Conant na tumatalakay sa


nagaganap na pagbabago sa mga tunog ng iba’t ibang wika sa kapuluan.

✔ May walumpung wika sa Pilipinas (hindi kasali ang mga dyalekto)

❖ Isinasaad sa RGH Law ni Conant na:

Evangelio & Cabilar \‘22 12


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

 Ang angkan ng wikang


Malayo-Polinesyo, na siyang
pangalawang pinakamalaking angkan
sa buong daigdig, ay lumaganap sa
mga kapuluan sa Pasipiko at sa
Carlos Everett Conant gawing kanluran ng Madagascas.

 Ang mga wika sa Pilipinas


(maliban sa Chavacona, Zamboanga
at Ermita) ay sinasabing nagmula sa
wikang Indonesyo.
Halimbawa:
- Tunog ng isang Malayo-
Polinesyo ay ang *R.
- Ang Proto-Malayo-Polinesyo
*R (PMP *R) ay maaaring
nananatiling r sa ibang wika; at
maaaring sa ibang wika naman ay
naging g, h, y.
◆ Ang ganitong phenomenon ay
waring isang batas na nagaganap sa
mga wikang Malayo-Polensyo. Dito
nahango ang naging kilalang RGH
LAW ni Conant.
Halimbawa: Ang vein, ‘nerve,
o sinew’ sa Malay ay urat, sa tagalog
ay ugat, sa Dayak ay uhat, at sa
Lampong ay oya. Nagyayari rin na
kung minsan ay nawawala ang
*R, tulad sa uat sa Javanese.

◆ Ayon kay Conant bilang tagapagsaling-wika ng pamahalaan, ang


karamihan sa mga wikang Pilipinas ay may tunog na g sa RGH na
katining na ang ibig sabihin ay nagiging g sa karamihang ng wika sa
Pilipinas ang PMP *R, ngunit may ilan ding nagiging r, l, o kaya naman
ay y. kaya’t pinangkat ni Conant ang wika sa Pilipinas ayon sa
kinauwian ng RGH na katinig.
◆ Sa pagsusuri ni Conant ay lumabas na ang Tagalog, Bicol, at mga
wikang Bisaya tulad ng Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kinaray-an, at
Romblomanon ay mga wikang g, gayundin ang Ibanag, Magindanao,
Tausog, Sulu, at Bagobo.
◆ Ang mga Ilocano at Tirurai ay wikang r.
◆ Ang mga Kankana-ey, Ibaloi, Bontoc, Calamian, at Pangasinan ay
wikang L.
◆ Ang mga Pampango, Ivatan at Sambal ay wikang y.
3. Panahon ng Kalayaan:

Evangelio & Cabilar \‘22 13


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

✧ Nagsimula noong 1946 pagkatapos makamit ng Pilipinas ang kanyang


kalayaan.
✧ Tatlong salik o pangyayari na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng
linggwistika sa Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of Linguistics noong
1953.
2. Ang paggamit ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo
ng Ingles sa mga Pilipino na lumikha ng pagnanais na suriin
ang mga wika sa kapuluaan.
3. At ang huli, ang gradwal na pagdami ng mga Linggwistang
Pilipino.
✧ Ang Pilipinas ay nagsilbing laboratoryo ng mga linggwistang dayuhan na
karamihan ay Amerikano. Sa mga panahong ito masasabi na ang pag-
aaral ng wika ay nauuri sa tatlo: Pag-aaral na nauukol sa klasipikasyon ng
wika sa Pilipinas; Pagsusuring historikal; at ang huli ay Pagsusuring
Palarawan.
✧ Ang linggwistang Pilipino ay nahahati sa dalawang pangkat:
1. Ang mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados Unidos
at ng Canada
◆ Costantino at Casambre sa UP
◆ Sibayan at Otanes ng PNC
◆ Gonzalez ng De La Salle
◆ Llamzon at Pascasio ng Ateneo
◆ Natividad ng DEC, atbp.

2. Ang mga Ph. D. in Linguistics


◆ Ma. Lourdes Bautista
◆ Elvira Vergara
◆ Gloria Chan-Yap
◆ Rosa Soberano
◆ Sis. Maria Isabelita Reigo de Dios
◆ Casilda Luzares
◆ Teresita Rafael
◆ Emma S. Castillo

Mga kilalang Dalubwika sa Pilipinas:

1. Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Natapos niya ang kanyang
Ph.D. sa Linggwistiks sa Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong
1940 ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama ang Tagalog
bilang batayang wika sa wikang pambansa.

2. Isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino. May mga
11 na artikulo ang kanyang naisulat mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niya noong
1964 ang "Sentence patterns of the ten major Philippine languages" na naghahambing
sa istruktura ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,

Evangelio & Cabilar \‘22 14


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Tausug, Ilokano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang


"The sentence patterns of twenty-six Philippine languages." Tinatalakay dito ang uri ng
mga pangungusap batay sa mga istruktura na bumubuo nito at ang mga kaukulang
transpormasyon. Noong 1970 ay sinulat niya ang "Tagalog and other major languages
of the Philippines" na naglalahad ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naisagawang
pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila hanggang 1970.
Lumabas ang pre- publication na isyu ng kanyang English -Filipino Dictionary noong
1996 at noong 1997 naman ay lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles.

3. Si Consuelo J. Paz ay sumulat ng deskripson at ebalwasyon sa mga naunang pag- aaral


sa humigit-kumulang 50 na maynor na wika sa Pilipinas. Isa pang malaking ambag ni
Paz sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang historikal na pag-aaral na
pinamamagatang "A Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and Morphemes"
(1981).

4. Si Fe Otanes ang katuwang na awtor ni Paul Schachter sa pagsulat ng gramatika ng


wikang Tagalog (1972) na nakatulong sa maraming iskolar sa larangang ito.

5. Si Julio Silverio ay gumawa ng mga diksyonaryo sa Ingles-Pilipino-Ilocano, Ingles-


Pilipino-Pangasinan, Pampango-Pilipino-Ingles noong 1976; Pilipino- Pilipino,
Bicolano-Pilipino-Ingles, Ingles-Pilipino-Bicolano noong 1980.

6. Si Mario Tunglo ay gumawa ng trilinggwal na diksyonaryo sa Ingles-Pilipino at


Ilocano, Bicolano, Cebuano, Ilongo, Maranao, Pampango, Pangasinan, Waray at ng
bilinggwal Ingles-Pilipino, Pilipino-Ingles mula 1986 hanggang 1988.

D. PAGTATAYA

Panuto: Magbasa ng limang (5) nalathalang babasahin tungkol sa debelopment


ng wikang Filipino. Pagkatapos, gumawa ng balangkas ng mga nakuhang
impormasyon tungkol sa kalinangan ng wika. Ihanda ang sarili sa paglalahad nito sa
buong klase sa paraang discussion.

_________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Evangelio & Cabilar \‘22
_____________________________________________________________________________ 15
_____________________________________________________________________________
PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Aralin 1 ng
Modyul 1. Maaari ka ng dumako at magsimula sa Aralin 2 kung saan mas
palalawakin ang iyong pag-unawa at kaalaman sa wika at kultura.

Evangelio & Cabilar \‘22 16


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 2
Kasaysayan ng Wika at Ang Ugnayan ng Wika at
Kultura
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


● Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
linggwistika sa daigdig at sa Pilipinas;

● Naipakikita ang kaalaman sa pagkakaiba-iba at pagkakaugnayugnay


ng wika, kultura at dalubwika; at

● Naipakikita ang kaalaman sa wastong paggamit ng kasanayang ICT


sa pagpapakita ng simu-simula ng wika at ng mga angkang Malayo-
Polinesyo at ang mga wika sa Pilipinas.

Ang mga wikang Malayo- Polynesian ay isang subgroup ng mga wikang


Austronesian, na may humigit-kumulang 385.5 milyong nagsasalita. Ang mga wika ng
Malayo-Polynesian ay sinasalita ng mga taga-Austronesian ng mga islang bansa ng
Timog-silangang Asya at ng Karagatang Pasipiko, na may mas maliit na bilang sa
kontinental Asya.

A. PAUNANG PAGTATASA
Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawan at sabihin ang mga nakikita
mo dito. Ipaliwanag ang ugnayan ng mga larawang ipinakita sa bawat isa.

Evangelio & Cabilar \‘22 17


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

B. PAGSUSURI

Bago natin simulan ang ating talakayan, basahin natin ang


mga tanong at ibahagi ang iyong sagot sa buong klase.

1. Paano nga ba nagsimula ang pagkakaroon ng wika?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Mayroon bang ugnayan ang ating wika sa ating pamumuhay? Suportahan ang
iyong sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ano ang mga salik na maaaring dahilan ng pagkakaiba-iba ng wika ng mga


tao sa daigdig?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Ikauunlad ba ng bansa ang pagkakaroon ng iisang wika o maraming wika?

Evangelio & Cabilar \‘22 18


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

C. PAGLALAHAD
KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA DAIGDIG

I. Unang Panahon

A. Teologo (theologians)
 Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan.
 Ayon sa kanila, nilikha ng Diyos ang wika; at ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa
daigdig ay parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao.
 Subalit ang mga pala-aral noong unang panahon, kagaya nila Plato at Socrates, ay hindi
nasiyahan sa mga ganoong paliwanag ng simbahan. Mula noon, nagsimula silang
nagtalo tungkol sa wika.

B. Plato at Socrates
✧ Sinuri nila ang matandang wikang ginamit sa nasabing himno – sa palatuntunan,
palabuuan, palaugnayan – sa layuning makatulong sa pagpapaliwanag ng diwa.

✧ Ang pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral
sa ibang wika sa Europa.

✧ Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang mambabalarilang


Hindu na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at
linggwistika.

Plato
Socrates

C. Griyego at Latin

✧ Sa wikang ito unang nagkaanyo ang linggwistika sa tunay na kahulugan nito sa dahilang ang
mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at lumaganap nang
puspusan sa Europa nang mga panahong iyon.
✧ Ang mga linggwistika sa panahong iyon na laging binabanggit ang pangalan ay si Aristotle, ang
pangkat ng mga Stoics an itinuturing na siyang nagsipanguna sa larangang agham-wika.

II. Kalagitnaang Siglo

Evangelio & Cabilar \‘22 19


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Hindi gaanong umunlad ang agham-wika dahil iba ang napagtutuunan ng pansin ng mga palaaral
noon. Ito ang pagpapanatili ng Latin.

III. Panahon ng Pagbabagong-isip

Dahil sa mabilis na sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa iba’t-ibang panig ng daigdig mula


sa Gresya at Roma, naging masusi at mapuspusan ang pagsusuring panglinggwistika sa mga
wikang Griyego at Latin.

Wikang Erbeo
Orihinal na wikang kinasusulatan ng Matandang Tipan na pinaniniwalaang siyang wikang
‘sinasalita sa Paraiso’, kaya’t inakala na ang lahat ng wika sa daigdig ay dito nag-ugat.

th
IV. 19 Siglo

Sa panahong ito ay nakilala ang Tungkung-kalan sa linggwistika na labis ang impluwensya sa


larangan ng lingwistika sa Europa:
1. Bopp (sanskrino)
2. Grimm (Aleman)
3. Rask (Icelantic)
4. Kasalukuyan

Mathematical Linguistic o Linggwistikang Matematikal

Minsang tinatawag na ‘computational lunguistic’. Ito ang pinakahuli at malamang na siyang


magiging pinakamalaganap na gamitin sa darating na mga araw. Mula sa Toeryang Tore ng Babel, nagkaroon
pa ng iba’t ibang maka-agham na pag-aaral hinggil sa pinagmulan ng wika gaya ng Teoryang Bow-wow,
Toeryang Pooh-Pooh, Teoryang Ding-dong at iba pa. Ang wika, ayon kay Gleason (mula sa aklat nina
Dolores, T., Petras, J. at Geronimo, J., 2016), ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
May mga taong naniniwala at nagsasabing ang wika ay tinatawag ding Linggwistika. Gayunpaman,
ang Linggwistika o Dalubwikaan ay ang pag-aaral sa wika ng tao. Tinatawag naman na isang
linguistic o linggwista ang mga dalubhasa rito. Ayon kay McGregor (2009), ang Linggwistika ay
isang penomenang pangkultura (cultural phenomena) na palagiang gawain sa ibang kultura. Tulad
ng ibang penomenang pangkultura, ito ay may kasaysayan, kasama na ang mga tanong kung paano
ito ginagamit.

SINAUNANG PANAHON:

Tradisyong Babylon (Babylonian Tradition)


- Ang pinakaunang tekstong-naisulat sa cuneiform sa tabletang luwad (clay tablet) ay
mahigit 4,000 taon na ang nakalilipas. Sa simula ng ikalawang siglo ng milenyo, sumibol ang
balarilang tradisyon sa katimugang bahagi ng Mesopotamia (ngayon ay bahagi ng Iraq, Kuwait,
Syria, Turkey at Iran) na tumagal nang halos 2,500 taon. Ang linggwistikong teksto mula sa
sinaunang tradisyon ay mga listahan ng mga Pangngalan sa Sumerian (isang nabubukod tanging

Evangelio & Cabilar \‘22 20


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

wika), wikang panrelihiyon at mga tekstong legal. Sa pang-araw-araw na gamit, ang wikang
Sumerian ay napalitan ng wikang Akkadian (Afro-asiatic). Subalit, nanatili namang prestihiyoso
ang wikang Sumerian at patuloy na ginagamit sa mga kontekstong panrelihiyon at legal. Dahil dito,
ito ay itinuturo bilang wikang banyaga (foreign language) gamit ang mga nakalimbag na sulatin.

Tradisyong Hindu (Hindu Tradition)


- Ang tradisyong Hindu sa linggwistika ay nagsimulang lumakas noong unang milenyo
buhat ng pagbabagong naganap sa Sanskrit (Indo-European, India), ang banal na wika ng mga
tekstong panrelihiyon. Ang mga sinaunang Indyano ay nangailangan ng tamang sagot at paliwanag
sa mga tekstong Vedic. Ang ritual ay nangangailangan ng tamang berbal na pagtatanghal sa mga
tekstong panrelihiyon, at ang balarilang tradisyon ay sumipot upang maging tuntunin sa sinaunang
wika. Ang mga mambabalarilang Hindu ay kinikilala bilang kauna- unahang pangkat sa larangan
ng Linggwistika. Ang pinakakilalang mambabalarila sa tradisyong ito ay si Pānini, na nagsulat ng
pormal na deskripsyon ng wikang Sanskrit sa kanyang Astādhyāyī. Ang balarila ni Pānini ay
kinapapalooban ng ponetiko at morpolohiya.

- Pagkaraan ng ilang siglo, ang organisasyon ng mga tunog sa bawat yunit ay mas naging
malinaw at ang mga katinig na may impit ay naging maayos. Ang pagbabagong ito ay nagbunga ng
isang sistematikong alpabeto, ang Brāhmī. Ang tradisyong Hindu sa linggwistika ay malayong
malampasan ng anumang nagawa sa Europa sa mahabang panahon. Ang mga pagsusuring isinagawa
ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa.

Linggwistikang Griyego (Greek Linguistic)


- Nilinang ng mga griyego ang alpabeto batay sa dating gamit ng mga Phoenicians.
Nagdagdag sila ng tanda para sa mga patinig at sa ibang katinig upang matugunan ang
linggwistikang pagbabagong kinakailangan upang mapaliwanag ang mga epiko ni Homer. Ang mga
mahahalagang ambag ng linggwistikang griyego ay ang pinagmulan ng wika, sistematikong bahagi
ng pananalita, relasyon sa pagitan ng wika at isipan, at ang relasyon sa pagitan ng dalawang aspeto
ng tanda sa salita – iconicity (ang anyo at kahulugan ay konektado sa kalikasan) o arbitrary (purong
kumbensyon).

- Ang Cratylus ni Plato (427-347 BC) ay kumakatawan sa argumento ni Socrates (469- 399
BC) na humihimok sa orihinal na likas na ugnayan, na sa dakong huli ay nakubli ng kumbensyon.
Sa kabilang banda, si Aristotle (384-322 BC) naman ay panig sa kumbensyon higit sa kalikasan.
Ang unang natitirang balarilang Europa ay ang paglalarawan ni Dionysius Thrax (c. 100 BC), ang
Téchnē grammatikē. Ito ay tumatalakay sa ponetiko, morplohiya (kasama na ang bahagi ng
pananalita), at maraming impluwensya sa deskriptibong balarila. Ang palaugnayang Griyego (Greek
syntax) ay naipaliwanag naman ni Apollonius Dyscolus (c. 110-175 AD) dalawang siglo na ang
nakararaan.

Tradisyong Romano (Roman Tradition)


- Ang pangunahing kapakinabangan ng Tradisyon Romano ay sa morpolohiya, kasama ang
mga bahagi ng pananalita at anyo ng pangngalan at pandiwa. Sa ika- apat na siglo, sinulat ni Aelius
Donatus ang balarilang Latin, ang Ars 23agging23g23ana nagbigay kahulugan sa tekstong
pampaaralan noong Panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle Ages). Ang mas maliit na bersyon nito,
ang Ars Minor ay tumalakay naman 23agging23g bahagi ng pananalita, na 23agging kaunaunahang
librong nailimbag noong ika-15 siglo.

Evangelio & Cabilar \‘22 21


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Tradisyong Tsina (China Tradition)


- Katulad ng tradisyong Hindu, ang pilolohiyang Tsina (Xiaoxue o paunang
pagaaral) ay nagsimula upang maunawaan ang klasiko sa Dinastiyang Han. Ang Xiaoxue ay
nahahati sa tatlong bahagi, ang Xungu (exegesis) o pag-iintindi ng teksto, ang Wenzi (analysis) o
pagsusuri at Yinyun (study of sounds) o ang pag- aaral ng tunog.
- Dalawa sa pinakaunang nagawa sa panahon ng Dinastiyang Han ay ang Fangyan, ang
unang gawang Tsino hinggil sa dayalekto at Shiming, na nakatalaga sa pinagmulan ng salita. Ang
pag-aaral ng ponolohiya sa Tsina ay nagmula sa impluwensiya ng tradisyong Hindu, matapos
maging tanyag ang Budismo sa Tsina.

Tradisyong Arabe at Ebreo (Arabic and Hebrew Tradition)


- Ang tradisyong Griyego ay nagbungad na malaking impluwensiya sa Tradisyong Arabe,
na nakatuon sa morpolohiya. Ang tradisyong ito ay kilala sa eksaktong deskripyon ng mga ponetiko.
Pinaniniwalaang nagsimula ito noong ika-7 siglo sa pamamagitan ng gawa ni Abū alAswad ad-Du
alī (c. 607-688). Sinasabing ang tradisyong Arabe ay nakaimpluwensya sa tradisyon Ebreo na
nagsimula bandang ika-9 na siglo. Gumawa si Saadya ben Joseph al-Fayyūmī (882-942) ng unang
balarila at diksyunaryong Hebrew (Afroasiatic, Israel). Mas nakilala ang balarilang Ebreo noong
ika-13 siglo dahil sa gawa ni David Qimhi (c. 1160-1235), na nakaimpluwensiya ng malaki sa
linggwistikang Europa.

PANAHON NG KALAGITNAANG SIGLO SA EUROPA:

- Hindi gaanong umunlad ang pilolohiya sa kalagitnaang siglo sapagkat ang napagtuunang-
pansin ng mga pala-aral ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan.
Pedagohikong balarila sa Latin ang lumabas para sa mga hindi taal na Latin. Subalit, unti-unting
nagkaroon ng interest ang mga iskolar sa wikang bernakular at lumitaw rin ang paraan ng pagsulat nito.
Noong 1000, isang abbot sa Britanya ang nagsulat ng balarilang Latin para sa mga batang Anglo-
Saxon. Nailimbag din ang deskriptibong balarila sa mga wikang bernakular.

MODERNONG LINGGWISTIKA
- Nagsimula ang modernong linggwistika sa pagtatapos ng ika-19 na siglo kung saan ay
nagkaroon ng ibang tuon mula sa historikal na pagbabago ng wika patungo sa wikang may sariling
sistemang istruktural. Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng wika na humantong sa
pagkakapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulang angkan. Lumitaw rin ang iba’t ibang
disiplina sa linggwistika. Noong ika-18 siglo, sinuri nina James Burnett at Lord Monboddo ang
napakaraming wika at hinuha ang mga lohikal na element ng pag-uswag ng wika ng tao. Ang
kanyang pagiisip ay napagitnaan ng naunang konsepto ng ebolusyong bayolohikal. Sa The Sanskrit
Language (1786), iminungkahi ni Sir William Jones na ang Sanskrit and Persian ay may hawig sa
mga wikang Klasikong Griyego, Latin, Gothic at Celtic. Mula sa ideyang ito, sumibol ang mga
disiplinang komparatibong linggwistika (comparative linguistic) at historikal na linggwistika
(historical linguistic), na naglalayong makita ang pinaka-ugat ng wika at mabakas ang pag-uswag
nito. Lumitaw rin sa Historikal na Linggwistika ang semantiko at ilang anyo ng pragmatiko.

- Sa Europa, mayroong katumbas na paglinang ang linggwistikang istruktural na higit na


naimpluwensyahan ni Ferdinand de Saussure. Si Saussure ay mayroong Teorya ng Kahulugan

Evangelio & Cabilar \‘22 22


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

(Theory of Meaning). Napuna niya na ang wika ay isang hanay na magkakadikit na pangkat na
natatangi sa walang katiyakang kalagayan ng ideya at tunog. Para sa kanya ang isang salita ay
pinagsamang konsepto at imaheng-tunog na nagkakahulugan sa isip. Mula sa kanyang pananaw,
umusbong ang iba’t ibang ideya sa linggwistika tulad ng Descriptionist, ang hinuha ni Sapir-Whorf,
Functional Linguistics: The Prague School, The London School, Noah Chomsky and Generative
Grammar at ang Relational Grammar. Sinundan ng Linggwistikang Istruktural (Structural
Linguistics) ang Historikal na Linggwistika, na nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga
ponema at morpema sa isang salita o pangungusap. Iba’t ibang mahahalagang pag-aaral ang
isinagawa sa mga dayalekto sa Asya, Australya at sa Amerika sa ilalim ng disiplinang ito. Taong
870 lumitaw ang International Phonetic Alphabet (IPA) na gumagamit ng hindi kukulanging 400 na
simbolo. Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes), na naging payak sa paglalarawan sa
palatunugan ng isang wika sapagkat kakaunting simbolo na lamang ang ginagamit. Gumagamit din
ang mga istrukturalista ng katawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri sa palabuuan ng mga
salita ng isang wika. Sa kasalukuyan, marami pang iba’t ibang modelo ang lumitaw sa linggwistika.
Patunay lamang na ang wika ay dinamiko, buhay at patuloy na nagbabago.

ANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA

Ano ang Kultura?


Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling
kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng
isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979) Ang kultura ay ang
pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhat, at iba pang mga bagay na
nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang
pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009) May dalawang uri ng
kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo ng materyal na kultura ang mga
bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan,
kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw,
paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura.
(Delmirin, 2012)

Ano ang Wika?


Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason)

Ang bawat Wika ay angkop sa bawat Kultura


Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din
ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi kasimbisa ng wikang likas
sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang
nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa
kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng
mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang
gamitin ng mga “Indios” na may ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang
ilang kultura ng mga Kastila, kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit

Evangelio & Cabilar \‘22 23


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

hindi sapat ang gayon upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan,
maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979)

Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang kultura
ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat ng panig sa mundo. May etnograpikong
pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi.
(Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang kaiba sa kultura ng ibang pangkat. Ang
kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim at kusang umuusbong ang isang wikang likas sa
kanila.

Walang Wikang Superyor sa ibang Wika

Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas ng nagsimula
ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng lahat wikang ipahayag ang
anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo
ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika.

Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang kultura; gayundin ang
wikang Niponggo sa mga Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik, ang Filipino sa mga Pilipino atbp.
Hindi maipipilit ng mga Amerikano na mas mabisa ang kanilang wika kaysa sa mga Pilipino. Mas
mabisa ang wikang Ingles kung Amerikano ang gumagamit at ginagamitan, gayundin sa wikang
Filipino, higit na mabisa kung ang kausap ay kapwa Pilipino.

Ang Wika at Kultura ay Magkabuhol

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang wika at
kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang
wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang
pagkakakilanlan ng isang kultura (Santos, et al., 2009).

Sa kultura ng mga Eskimo, may labinlimang (15) katawagan sila sa iba’t – ibang kalagayan ng
nyebe (snow). Snowflake, Frost, Fine Snow, Drifting Particles, Clinging Particles, Fallen Snow,
Soft Deep Fallen Snow, Crust on Fallen Snow, Fresh Fallen Snow, Fallen Snow floating on Water,
Snow Bank, Snow Block, Snow Cornice, Blizzard, at Severe Blizzard. (Woodbury, 1991) Hindi
maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo sa iba’t-ibang kalagayan ng nyebe
(snow) sapagkat ang snow ay parte na ng kanilang kultura at ang labinlimang (15) katawagan na yun
ay napagkasunduan ng pangkat nila. Sa kabilang dako, hindi rin naman angkop sa ating mga Pilipino
na gamitin ang labinlimang katawagan sapagkat wala namang nyebe dito sa bansang Pilipinas. Sa
madaling sabi, hindi ito parte ng ating kultura.

Evangelio & Cabilar \‘22 24


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Bagama’t isang salita lamang ang ginagamit ng mga Pilipino–nyebe– (wala talagang katawagan
tayong mga Pilipino sa snow sapagkat ang nyebe ay galing sa wikang Kastila na Nieve) ngunit
hindi nangangahulugan na mahinang uri ng wika ang Filipino kung ihahalintulad sa wika ng mga
Eskimo. Pansinin din natin na kung mayroon silang iba’t- ibang katawagan sa nyebe wala naman
silang mga katawagan tungkol sa pagsasaka. Sabihin na nating sa mga uri ng bigas sa Pilipinas
katulad ng Sinandomeng, Bordagol, Banay, Masipag atbp. O hindi kaya sa iba’t-ibang luto ng bigas
na sa wikang Ingles ay tinatawag nilang rice. Upang mas maging malinaw tignan ang dayagram sa
ibaba.

Makikita sa dayagram na mula sa pagiging palay, nagiging bigas ito kung naalisan na ng balat.
Kung naisaing na ang bigas, kanin na ang tawag dito. Kung malamig na ang kanin, bahaw na ang
tawag. Ang nakadikit sa pinaglutuan ng bigas na naging kanin, tutong ang naging tawag natin.
Ngunit sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag nila sa mga ito – rice na dinagdagan lamang ng
pang-uri. Old o Cold rice para sa kaning lamig o bahaw, fried rice para sa sinangag at burnt rice
para sa tutong.

ANG KAHALAGAHAN NG WIKA AT KULTURA

Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng tao upang
maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao
sa iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa.
Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng
mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011)

Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala tayong
komunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa, walang pagkakaisa
at higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang tagapagbigkis ng isang lipunan.
(Buensuceso, et al., 1991)

Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga.


Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-galang o ginagalang ng
lahat at tayo’y makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala sa isa’t-
isa.

Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at isinaayos na set o kabuuan ng silasalitang tunog
sa paraang arbitraryo upang magamit sa pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, kaugalian at uri ng
pamumuhay o kultura ng isang pangkat sa isang bansa o lipunan.

ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT MGA WIKA SA PILIPINAS

✧ Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa
pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daang (100) katutubong wika,
sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga .
✧ Ang mga wikang katutubo sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin
ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga
wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa

Evangelio & Cabilar \‘22 25


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

mga bansang napapaloob sa Polynesia.


✧ Hindi nagkakaisa ang mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika
sa kapuluan. Ngunit marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog
ng Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng Kultura. Ang
paglikas ng mga tao ay nahati. Isang pangkat ay lumikas sa pakanluran patungong Indiya, Indo-
Tsina, at Indonesya.
✧ Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas at sa iba pang kapuluan
sa Pasipiko.
✧ Hindi nagkakaisa ang mga pag-aaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang
wika sa kapuluan. Dahil dito ay kapani-paniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t ibang
sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluan, katibayang iisa lamang ang pinagmulan
nito.
✧ Ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng Arabia, na
nakaabot sa Pilipinas, daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya.
✧ Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang maitindig ang emperyo ng Madjapahit
sa Java sapagkat noon mabilis na lumalaganap ang impluwensiya ng Malay sa pulu-pulo mula
Java hanggang sa Pilipinas.
✧ Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang BAHASA MELAYU (Malay) na
pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa Timog-Silangang Asya sa
pagitan ng A.D.700 at A.D. 1500.
✧ Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang grupong
etnolinggwistiko na sumasalamin sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa ibang bansa
ayon sa wika, kultura, at etnisidad.
✧ Sina David Thomas at Alan Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay nagsagawa
ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang ating
nakikilala sa ngayon. Sila ay naniniwala na nahahati sa tatlong panahon ang malakihang
paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.

Ang pitong (7) pangalan na ginamit sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas (ayon
kina Thomas at Healey ng Summer Institute of Linguistics, Anthropological Linguistics, Vol. 4, No.
9):
1. Southern Philippine Family. Ang Southern Philippine Family, noong 110 B.C. ay nahahati
sa mga sumusunod na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon,
Surigao, Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Maguindanao, Binukid, Dibabaon, Western
Bukidnon Manobo, Southern Bukidnon Manobo, at Subabon.

2. Northern Philippine Family. Ang Northern Philippine Family, noong 200 B.C., ay nahahati sa
mga sumusunod na pangkat ng wika: Inibaloi, Ifugao, Kankanai, Bontoc, Kalinga, Ilokano,
Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, at Agta.

3. Southern Mindanao Family


4. Chamic Family
5. Philippine Stock
6. Malay Stock
7. Philippine Superstock

✧ Noong 1100 B.C., ang Philippine Superstock ay nahati sa Philippine Stock at iba pang wika sa
Timog Luzon, tulad ng Ivatan, Ilongot, at Baler Dumagat.

Evangelio & Cabilar \‘22 26


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

✧ Noong 1300 B.C. ang malalaking pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto-Indonesian ay
nahati sa “Philippine Superstock,” Southern Mindanao Family/Bilaa, Tagabili, at maaaring
kasama rito ang Tiruray/, at isang angkan na kasama ang Malay at ang “Chamic Family” ng
Vietnam.

Klasipikasyon ng mga Wika sa Pilipinas

■ Sa klasipikasyon ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa:
Iloko-type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang
panlinggwistika.
■ Ang Ilokano at Pangasinan ay isinama niya sa pangkat ng Iloko-type, samantalang ang
Tagalog, Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng
Tagalog-type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
■ Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginagamit din ng
lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Eggan 1953. Gumawa sila ng panimulang
GLOTTOCHRONOLOGY para sa Katimugang Luzon.
■ Ang Glottochronology ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay
ang mga anak na wika sa kanilang inang wika, at gayundin, kung anu-anong petsa
nakahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na wika pagkatapos
mahiwalay sa inang wika.
■ Sang-ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi sa
Ilongot, ay mapapangkat lamang sa isa.
■ Ang Northern Luzon Type, anila pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod: Northern
Division, Central Division, Southern Division, Southeastern Division.
■ Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahing lingwistika ng
wikang Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababanggit din dito.
Lexicostatistical din ang paraang ginamit ni Dyen, kasama sa kaniyang pag-aaral ang 60
wika sa Pilipinas.
■ Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng pag-
aral ni Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang
relasyon ng Tagalog at Kapampangan. Sinabi niyang higit na malapit ang Tagalog sa
Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan. Mapapansin sa nasabing klasipikasyon na: 1.
Ang Tagalog, Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa’t isa kaysa
Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa’t isa; 2. Ang Tagalog ay higit na malapit
sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol.

Mapapansin sa nasabing klasipikasyon na:


1. Ang Tagalog, Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa’t isa kaysa
Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa’t isa;
2. Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol.

D. PAGTATAYA

I-Pagbuo ng Timeline
Panuto: Bumuo ng timeline hinggil sa mahahalagang pangyayari sa

Evangelio & Cabilar \‘22 27


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

kasaysayan ng linggwistika sa Pilipinas at daigdig

II-Pagbuo
ng Venn
Diagram
Panuto: Gumawa ng Venn Diagram na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba sa ugnayan ng
wika at kultura batay sa konteksto ng wikang lokal.

RUBRIKS sa Pagbuo ng Timeline


NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN
(10) (8) (6) NG
PAGSASANAY
(2)

Evangelio & Cabilar \‘22 28


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Lahat ng Walumpong .Animnapung Halos lahat ng


impormasyong porsyento (80%) porsyento (60%) impormasyong kinuha
Nilalaman kinuha ay tama ng ng impormasyong ay mali.
at makabuluhan. impormasyong kinuha ay tama at
kinuha ay tama at makabuluhan
makabuluhan.
Kaangkupan Kahanga- hanga Mahusay ang Katamtaman ang Hindi angkop ang
ng Ginamit na ang grapikong grapikong grapikong grapikong pantulong
Grapikong pantulong na pantulong na pantulong na na ginamit kaya’t
Pantulong ginamit sapat ginamit sapat ginamit sapat nahirapang
gayundin ang upang madaling upang madaling upang madaling maunawaan ang
paraan ng maunawaan ang maunawaan maunawaan ang mensahe.
pagkakalahad mensahe. ang mensahe. mensahe.
ng mga ideya.

Kitang- kita ang Kita ang Bahagyang nakita Hindi nakita ang
kalinisan at kalinisan at ang kalinisan at kalinisan at kaayusan
Kasiningan
kaayusan ng kaayusan ng kaayusan ng ng timeline na ginawa
timeline na timeline na timeline na
ginawa ginawa ginawa

Rubrik sa Venn Diagram


Pamantayan Marka
Kaayusan ng Konsepto (10%)
Nilalaman (80%)
Kaugnayan ng Nilalaman (10%)
Kabuuan = 100%

E. REPLEKSIYON NG KABANATA
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang iyong dyornal. Ibahagi ang iyong mga
sagot sa Google classroom.
1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan
mo pagkatapos ng araling ito?

Evangelio & Cabilar \‘22 29


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong


kasalukuyang buhay at sa iyong pangarap?

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong
matutunan? Bakit?

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Aralin 2 ng modyul.
Maaari ka ng dumako at magsimula sa Modyul 2 kung saan mas palalawakin ang iyong
pag-unawa at kaalaman sa pagsasalita at ponolohiya.

Evangelio & Cabilar \‘22 30


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

2
Ang Pagsasalita
Modyul at
Ponolohiya
Maligayang pagkatuto! Ito ang ikalawang modyul ng ating kursong Fil 102:
Panimulang Linggwistika kung saan matutunan natin ang iba’t ibang salik ng pagsasalita.
Sa modyul na ito ay matutunan rin kung paano nakakaapekto ang ponolohiya sa kahulugan
ng salita.

Ang pangkalahatang layunin ng modyul na ito ay ang talakayin ang mga sumusunod
na mga paksa:
Aralin 3 – Ang Pagsasalita

Aralin 4 – Ang Ponolohiya

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


✔ Naipakikita ang kaalaman sa iba’t ibang sangkap ng pagsasalita;
✔ Naipaliliwanag ang wastong pagbigkas ng mga tunog;
✔ Nagagamit ang mga estratehiya at/o pamamaraan sa pagsusuri sa iba’t
ibang antas ng tono sa pamamagitan ng pangkatang
diyalogo/pagsasadula at sa mga salitang ginamit bilang lunsaran sa
pagtalakay sa artikulasyon ng mga tunog.
✔ Naipakikita ang kaalaman sa pagkilala sa mga ponemang segmental sa
Filipino: at
✔ Naibabahagi ang kaalaman sa wastong pagbigkas ng mga salita at
pahayag na may pagsasaalang- alang sa mga ponemang
suprasegmental.

𝓢𝓲𝓶𝓾𝓵𝓪𝓷 𝓷𝓪 𝓪𝓽 𝓶𝓪𝓽𝓾𝓽𝓸 !

Evangelio & Cabilar \‘22 31


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 1
Ang Pagsasalita
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


● Makilala ang mga prinsipal na sangkap ng pananalita
● Naipapahayag ang kahalagahan ng mga sangkap at salik ng pagsasalita
● Malaman ang pagkakaiba ng mga kwerdas pantinig ng babae at lalake
● Maitala kung paano naiiba ang tunog na likha ng tao at kung bakit likas sa
tao ang pagsasalita

Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog. Makabuluhan ang mga tunog
sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa tunog,
may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o pahayag gayundin
ang layunin, intensyon, at saloobin ng nagsasalita.

A. PAUNANG PAGTATASA
Basahin mo: Basahin ang talata na nasa luob ng kahon ng hindi ginagamit ang
iyong dila. Maghanap ng kapares at magsalitan sa pagbabasa. Masdan kung
naiintidihan ba ng iyong kapares ang iyong binabasa.

Ang Mga Ibong Mandaragit (Mga Ibong Mandaragit: Nobelang Sosyo-Politikal) ay isang
nobelang isinulat ng manunulat at aktibistang makalipunan na si Amado V. Hernandez
noong 1969. Sa pamamagitan ng mahabang salaysaying ito, hinangad ng may-akda ang
pagbabago at pagaangat ng kalagayan ng lipunan. Naglalahad ito ng katayuan ng
pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. Nang sumapit na ang kalagitnaan
ng 1944 sa Pilipinas, humihina na ang puwersang pansandatahan ng Imperyo ng mga

Evangelio & Cabilar \‘22 32


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Hapones. Malapit na ang pagkagapi ng mga Hapon sa Asya noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Tinalakay din ng nobela ang kalagayan ng mga mamamayan sa pagdating ng
industriyalisasyong dala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Naisalin din ang Mga Ibong
Mandaragit sa mga wikang Ingles at Ruso.

Mahilom, A.B., Mga Ibong mandaragit. Gabay ng Mag aaral. Available at: https://teksbok.blogspot.com/2013/02/mga-ibong-
mandaragit.html [Accessed March 13, 2022].

B. PAGSUSURI

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

● Naintindihan ba ng iyong kapares ang iyong binabasa? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_
● Gaano kahalaga ang ating dila sa pagsasalita?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
● Anu-ano kaya ang mga sangkap at salik upang makapagsalita ang tao at
gaano kaya kahalaga ang mga ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
● Paano naman kaya nabubuo ang mga tunog? Gaano kahalaga ang
pagbigkas ng tama ng isang tunog upang makabuo ng isang salita?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________

C. PAGLALAHAD

Ang mga Prinsipal na Sangkap sa Pananalita

Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang
Filipino ay may sariling kakayahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat
magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung
paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay
makatutulong nang malaki sa pag-aaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang,
pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay
makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa taguring OSCAR.

Evangelio & Cabilar \‘22 33


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Ang bibig ng tao (tignan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na bahaging
mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)

Salik upang makapagsalita ang tao:


1. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. Ang kumakatal na bagay o artikulador
3. Ang patunugan o resonador

Pagkontrol sa Tono ng Tinig


1. Kwerdas Pantinig (Vocal Cords)
Ang dalas ng pagpalag ng mga kwerdas pantinig ay nakokontrol sa
pamamagitan ng pag-iiba-iba ng tensyon ng mga ito.
2. Pumapalag na Kwerdas Pantinig
Dahil sa kinokontrol nito ang lumalabas na hangin mula sa ating
baga (lungs) sa tuwing may Phonatory Process.
3. Phonatory Process/Phonation
Ang proseso na kung saan ang ating Kwerdas Pantinig ay
nakakalikha ng tunog sa pamamagitan ng “vibration”. Sa ibang
larangan ng mga Phoneticians gaya ng Linguistic Phonetics, ay
Voicing ang kanilang tawag sa prosesong ito.

Nangyayari sa tuwing ang hangin na nalilikha o napapalabas natin sa


ating diaphragm na dumadaan sa ating baga na napapalabas sa

Evangelio & Cabilar \‘22 34


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

pamamagitan ng ating glottis ay kung saan nakakalikha ng presyon ng


hangin sa ating laringhe at yun ang nagiging dahilan ng pagpapapalag
ng ating mga kwerdas pantinig.

Ang pagpalag ng ating mga kwerdas pantinig ay ang nagsisilbing taga


ayos/adjust ng presyon at daloy ng hangin sa pamamagitan ng ating
laringhe, at ang hanging ito ay ang pangunahing sangkap sa proseso ng
Voicing.

● Ang pinagmulan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita ay ang


presyon ng palabas nahininga.
● Pumapalag na mga bagay ay ang kwerdas pantinig na matatagpuan
sa laringhe.
● Hanging mula sa baga ay nakakaabot sa laringhe sa pamamagitan
ng pagdaraan sa Trakya.
● Laringhe ay binubuo ng kartilago o lamad.
● Glottis ang tawag sa daanan ng hangin sa pagitan ng kwerdas
● pantinig.
● Kung tayo’y humihinga ng karaniwan, ang glottis ay bukas na
bukas. Bahagyang bubukas at magkakaroon ng tensyon kung tayo
nama’y magsasalita. Presyon ng palabas na hininga ang siyang
nagpapapalag sa mga kwerdas pantinig. Napapadalas o
napapabagal ang pagpalag ng mga kwerdas pantinig sa
pamamagitan ng pagpapalakas o pagpapahina sa tensyon ng mga
ito.

Pagkakaiba ng mga Kwerdas Pantinig ng Babae at Lalaki


BABAE LALAKI
✔ Magkaibang laki ng kwerdas pantinig ✔ Magkaibang laki ng kwerdas pantinig
(between 1.25 cm and 1.75 cm (approx (between 1.75 cm and 2.5 cm (approx
0.5" to 0.75") in length) 0.75" to 1.0") in length)
✔ May mas maputing kwerdas pantinig ✔ May mas mababang tono dahil sa mas
✔ Dahilan kung bakit magkaiba ang tono mahaba at makapal na mga kwerdas
ng babae at lalaki dahil sa magkaibang pantinig
haba at kapal ng kanilang mga kwerdas
pantinig

Karagdagang Kaalaman:
● Ang ating mga kwerdas pantinig ay bumubukas sa tuwing tayo ay
lumalanghap (inhale).
● Sumasara sa tuwing tayo ay nagpipigil ng hininga, at pumapalag sa tuwing
tayo’y nagsasalita o kumakanta (440 times per second sa tuwing kumakanta.
● Puti ang kulay ng ating mga kwerdas pantinig dahil sa scant blood circulation

Evangelio & Cabilar \‘22 35


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

D. PAGTATAYA
Pagtatala ng Kalaman:

I-Makinig ng mga awitin na may iba’t ibang tunog na nalilikha ng tao, hayop
at bagay. Itala kung paano naiiba ang tunog na likha ng tao sa likha ng hayop,
o sa tunog na likha ng ibang bagay.

II- Itala ang iyong mga kasagutan kung bakit likas sa tao ang pagsasalita.
Ipaliwanang ang iyong mga sagot.

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Aralin 1 ng Modyul
2. Maaari ka ng dumako at magsimula sa Aralin 2 kung saan mas palalawakin ang
iyong pag-unawa at kaalaman sa ponolohiya.

Evangelio & Cabilar \‘22 36


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 2
Ang Ponolohiya
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


✔ Naipakikita ang kaalaman sa pagkilala sa mga ponemang segmental sa
Filipino.
✔ Naipakikita ang kaalaman sa wastong pagbigkas ng mga salita at pahayag
na may pagsasaalangalang sa mga ponemang suprasegmental.

Ang Fonoloji o ponolohiya (Palatunugan)- ay pag-aaral ng mga


makabuluhang tunog. Ang tunog na nagbibigay kahulugan sapagkat
dito matutunan ang tamang bigkas ng mga ponema.

A. PAUNANG PAGTATASA

Panuto: Humanap ng kapareha at magkasundo kung sino sa inyo ang


magbabasa sa mga salita at pahayag na nasa column A at B. Pagkatapos,
magpalitan kayo sa pagbabasa.

A B
1. Totoo? Maganda siya? Totoo! Maganda siya.
2. Magagaling? Sila? Magagaling sila.
3. Mahal ka niya? Mahal ka niya.
4. May bisita tayo bukas? May bisita tayo bukas.
5. Ikaw ang may-sala sa nangyari? Ikaw ang may-sala sa nangyari.

Evangelio & Cabilar \‘22 37


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

B. PAGSUSURI

Mga tanong:
● Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa column A at column
B?
______________________________________________
● Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa
column A at column B?
______________________________________________
● Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing
nais ibigay ng bawat pahayag.
______________________________________________

Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga


katanungan. Halina’t ating buksan ang ating isipan sa panibagong
kaalaman. Tayo na at tumungo!

C. PAGLALAHAD
Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung
saan isinagawa ang tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas.

Ponema – ang tawag sa pinakamaliit yunit ng tunog ng isang wika na


nakapagpapaiba ng kahulugan.

(Phoneme) phone-tunog eme-makabuluhan

Ponema - tumutukoy ito sa makabuluhang tunog. Ang bawat ponema ay maaaring


makapagbago ng kahulugan ng isang salita

PONEMANG SEGMENTAL
Ang ponema o ponemang segmental ay ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog.
Ito ay makabuluhang tunog sapagkat nakapagpapaiba ng kahulugan ng mga salita ang
pagbabagong magaganap sa pag-papalit ng ponema sa parehong kaligiran.

Ang ponemang Filipino ay may 21 ponema. Ang 16 na ponemang katinig kabilang na rito
ang impit na tunog o glotal (?), ang tunog na ginagawa sa pagsasara ng glottis.Ito ay walang
katumbas na titik ngunit kumakatawan sa anyong pasalita o pabigkas at 5 na ponemang
patinig.

Ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema– / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/,/m/,
/n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ/, /’/, /‛/

Evangelio & Cabilar \‘22 38


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Punto ng Artikulasyon
Ito ay tumutukoy kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng bawat ponemang
katinig.

1. Panlabi- ito ay tunog na ginagawa nang nakasara o nakatikom ang bibig.


2. Pangipin-kapag ang dulo ng dila ay tumatama sa likod ng ngipin sa itaas.
3. Panggilagid- ang itaas ng dulong dila ay tumatama sa punong gilagid.
4. Palatal- kung ang dila ay lumalapit sa matigas na bahagi ng ngalangala.
5. Velar- kapag ang dila ay lumalapit sa malambot na ngalangala.
6. Glottal-ang mga babagtingang tinig ay lumalapit upang harangin ang presyon ng
papalabas na hinihinga upang lumikha ng paimpit na tunog.

Paraan ng Artikulasyon
Ito ay naglalarawan kung paano lumalabas ang hininga (sa Bibig o ilong) sa pagbigkas ng
bawat ponemang katinig.

1. Pasara -kapag ang hangin ay harang na harang.


2. Pailong -ang bibig ay nakasara upang ang hangin ay lumabas sa ilong.
3. Pasutsot –ang hangin ay lumalabas sa o dumaraan sa makipot na pagitan ng
dila at ngalangala.
4. Pagilid -ang hangin aylumalabas sa gilid ng dila.
5. Pakatal –kung ang hangin ay hinarang at pinalabas sa pamamagitan ng ilang
beses na pag palag ng nakaarkong dila.
6. Malapatinig -ito ay paggalaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo
sa ibang posisyon.

Ponemang Patinig
- ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/,
/i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa kastila at
English.

Evangelio & Cabilar \‘22 39


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Tsart ng Segmental ng Ponemang Patinig

Ponemang Malayang Nagpapalitan


– ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang
kahulugan ng mga salita.
HALIMBAWA:
babai - babae bukol-bokol
lalaki - lalake tono-tuno

Diptonggo/Malapatinig
- tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a, e, i, o, u / at tunog ng isang
malapatinig/w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow, ay, ey, oy, uy)

HALIMBAWA:
araw ayaw baboy aliw
sisiw kahoy tuloy sawsaw
kasuy bahay kulay gulay

Klaster o Kambal Katinig


- ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan
ito sa inisyal, sentral, pinal.

HALIMBAWA:
Blusa kwento
Transportasyon traysikel

Evangelio & Cabilar \‘22 40


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Pares Minimal
- magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas
maliban sa isang ponema

HALIMBAWA:
Pala-bala hari-pari tali-bali

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
-pag-aaral ng tamang bigkas ng mga salita upang maibigay ang ibayong kahulugan at ang
pagggamit nito sa pangungusap.

MGA URI NG PONEMEMANG SUPRASEGMENTAL

Haba at Diin
-Tumutukoy ang haba sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng
salita. Tumutukoy naman ang diin sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

Notasyong Ponemiko - Ito ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas.


Kung hindi sa katinig nagsisimula ang pagsulat ng salita, nagsisimula ito sa /?/ at kung hindi
naman nagtatapos sa katinig, nagtatapos ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Ang
/./ ay nangangahulugang paghahaba ng patinig.

Halimbawa:
/pa.ko?/ nail /pako?/ fern
/tu.boh/ pipe /tubo h/ sugar cane
/paso?/ flower pot /paso h/ overdue
/?a.soh / dog / ?aso h/ smoke
/ga.bih/ rootcrops /gabi h/ night
/buhay/ alive /bu.hay/ life

Evangelio & Cabilar \‘22 41


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /? sa pagitan ng mga ito.


Halimbawa:
/ka?ibi.gan/ friend /ka?ibigan/ sweetheart
/kalaya.?an/ freedom /pagtiti?is/ suffering

Tono at Intonasyon -Ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig ng isang
salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap. Bawat
tao’y may kani- kaniyang paraan ng pagbigkas ngunit may kinakailangan ding norm sa
pagsasalita upang higit na maiparating ang mensahe (Gonzales, 1992).

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel
3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang.

Anong lebel ito?

Evangelio & Cabilar \‘22 42


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Antala/Hinto

-ang saglit na pagtigil sa pagsasalita. Ginagamit ito upang maunawaan at maging mabisa
ang nais ipahayag ng taong nagsasalita sa kausap.
Upang maipakita sa puntong, ito ang hinto o antala, ginamit sa pagsulat, ang mga bantas na
kumakatawan dito ay maaaring kuwit, tutuldok, tuldok-tuldok atbp.
Halimbawa
1. Hindi pula.
2. Hindi, pula.
3. Hindi sya si G. Carlos.
4. Hindi, siya si G. Carlos.
5. Hindi siya, si G. Carlos.

D. PAGTATAYA

Panuto:
I-Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba’t
ibang diin. Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.

1. /BU:kas/= / bu:KAS/ =
2. /LI:gaw/= / li:GAW/ =
3. /GA:lah/= / ga:LAH /=
4./PU:la?/= / pu:LAH/ =
5./BU:koh/= / bu:KOH/ =

Evangelio & Cabilar \‘22 43


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

II-Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay
subalit magkaiba ang bigkas.

1. / SA:ka/ - / sa:KA/ -

2. / BU:hay/- / bu:HAY/-

3./ki:tah/ - / ki:TA?/-

4. /ta:lah/- /ta:la?/ -

5./ba:lah/- /ba.la?/

III-Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng


kahulugan batay sa diin.

Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also)

1. /BA:ba/ - /ba:BA/ -

2. /BA:ta?/ - / ba:TAH/ -

3. /BA:gah/ - /ba:GA?/ -

4./LA:bi// - / la:BI/ -

E. REPLEKSIYON NG KABANATA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at


ibahagi ang iyong mga sagot sa ating G-classroom.

1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang
natutuhan mo pagkatapos ng araling ito?
2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang
buhay bilang isang mag-aaral at sa iyong mga pangarap?

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto
mong matutunan? Bakit?

Evangelio & Cabilar \‘22 44


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Modyul 2. Maaari


ka ng dumako at magsimula sa Aralin 1 ng Modyul 3 kung saan mas palalawakin ang
iyong pag-unawa at kaalaman sa morpolohiya at sintaksis.

Evangelio & Cabilar \‘22 45


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Modyul 3 Morpolohiya
at
Sintaksis
Maligayang pagkatuto! Ito ang ikatlong modyul ng ating kursong Fil 102:
Panimulang Linggwistika kung saan matutunan natin kung ano ang morpolohiya. Sa
modyul na ito ay lubos mo ringng mauunawaan ang konsepto ng sintaksis.

Ang pangkalahatang layunin ng modyul na ito ay ang talakayin ang mga sumusunod
na paksa:
Aralin 1 – Morpolohiya

Aralin 2 – Sintaksis

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


✔ Naipakikita ang kaalaman sa pagsusuri sa anyo at uri ng morpema at
ang pagbabago morpoponemikong naganap;
✔ Naipakikita ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita; at
✔ Naipakikita ang kaalaman sa paggamit ng mga salitang
pangnilalaman at pangkayarian sa pagsulat ng posisyong papel
hinggil sa mga napapanahong isyung pangwika na tumutugon sa
kontekstong panlipunang lokal at nasyunal.
✔ Naipakikita ang kaalaaman sa pagpapaliwanag sa mga batayang
kaalaman ng pangungusap at mga bahagi nito (sintaksis);
✔ Naipakikita ang kaalaman sa wastong paggamit ng pangungusap na
may iba’t ibang kayarian sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling
kuwento.

𝓢𝓲𝓶𝓾𝓵𝓪𝓷 𝓷𝓪 𝓪𝓽 𝓶𝓪𝓽𝓾𝓽𝓸 !

Evangelio & Cabilar \‘22 46


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 1
Ang Morpolohiya
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


● Naipapaliwanag ang kahulugan, anyo, at uri ng Morpema;

● Nakapagbibigay ng halimbawa ng bawat anyo at bawat uri ng


Morpema;

● Nakikilala ang ibat’ibang uri ng Pagbabagong Morpoponemiko;

● Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng Pagbabagong


Morpoponemiko:

● Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng Pagbabagong


Morpoponemiko

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles


na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme
(kahulugan). Sa payak na kahulugan, ang moperma ay ang
pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Evangelio & Cabilar \‘22 47


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

A. PAUNANG PAGTATASA
Panuto: Magbigay ng mga salitang mabubuo mula sa mga letrang nasa
word hunt puzzle (limang salita o higit pa)

B. PAGSUSURI

Mga tanong:
● Ano-anong mga salita ang iyong nabuo?
______________________________________________
______________________________________________
● Paano mo binuo ang bawat salita?
______________________________________________
______________________________________________
● Gaano kahalaga ang pagbubuo ng salita?
______________________________________________
______________________________________________

Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga


katanungan. Halina’t ating buksan ang ating isipan sa panibagong
kaalaman. Tayo na at tumungo!

Evangelio & Cabilar \‘22 48


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

C. PAGLALAHAD

Morpolohiya

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika


at ng pagsasama- sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung
ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo
ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo
ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

MORPEMA

Katuturan ng Morpema
Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na
kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme
(kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang
salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na
yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang
kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang
panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong
sa { }.

Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1)


ang unlaping
{ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang
kahulugang “marami ng isinasaad ng salitang-ugat”. Sa halimbawang
salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming
kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling
kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay
kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan.
May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag
na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.

Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring


pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi
na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang
kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa
babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigaytayong
kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa babae.

Evangelio & Cabilar \‘22 49


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Uri ng Morpema
May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito
sa halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga


morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa
ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng
mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na
nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas,
ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic
ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga
kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa,
pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:

Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan,


kompyuter Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin,
ko, mo Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta,
naglinis Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas,
marami Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong
maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga


morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa
isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga
salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang
kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa
itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan
at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama.
Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang
mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman
maaaring sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic.
Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:
Pang-angkop: na, -ng
Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Mga Anyo ng Morpema

May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang


ito batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga
sumusunod:

Evangelio & Cabilar \‘22 50


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog


o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo,
isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito
upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng
salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa
pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang
ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang
propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba
pang halimbawa:

Dok ora - {doktor} at


{-a} Senyora - {senyor} at
{-a} Plantsadora - {plantsador} at
{-a} Kargadora - {kargador} at
{-a} Senadora - {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-


a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na
naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-
iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o}
at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman
tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-
a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at
ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na
may iisang morpema lamang:

bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}


kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {a}
abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang


binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga
salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao silya druga payong jet


pagod tuwa pula liit taas
basa laro aral kain sulat

3. Morpemang panlapi
Mga PANLAPI: (Narito ang mga iba’t ibang gamit ng mga
panlapi
a. -an o - han
• lalagyan ng marami sa

Evangelio & Cabilar \‘22 51


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

bagay na isinasaad ng
salitang-ugat hal.
aklat= aklatan, manok
= manukan
• pook na ginaganapan ng
kilos na isinasaad ng
salitang-ugat hal. luto
= lutuan, tahi = tahian
• gantihang kilos
hal. damay = damayan, turo = turuan
• panahon ng pagganap o maramihang pagganap
hal. ani = anihan, tanim = taniman
b. -in o –hin
• nagsasaad ng aksyon o galaw
hal. kamot = kamutin, ihaw = ihawin

4. relasyong isinasaad ng salitang-ugat hal. tiya =


tiyahin, ama = amahin
a. ka-
• kasama sa pangkat
hal. lahi = kalahi, baro = kabaro
• nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng
salitang-ugat hal. kambal = kakambal,
galit = kagalit
b. ka – an, han
• nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugat hal.
sama = kasamaan, sulat = kasulatan
• nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari
hal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikan
c. mag-
• nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-
ugat hal. ina = mag-ina, lolo = maglolo
d. pa-an
• nagsasaad ng ganapan ng kilos
hal. aral = paaralan, limbag = palimbagan
• nagsasaad ng paligsahan ng kilos
hal. galing = pagalingan, taas = pataasan
e. pala - an
• nagsasaad ng sistema o pamamaraan
• hal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikan

f. pang-/pam-/pan-
• nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng
salitang-ugat hal. bata = pambata, sahog =
pansahog

Evangelio & Cabilar \‘22 52


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

g. taga-
• nagsasaad ng gawain
hal. laba = tagalaba, masid = tagamasid
• nagsasaad ito ng doon nakatira
hal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguio
h. tag-
• nagsasabi ito ng panahon
hal. lamig = taglamig, araw = tag-araw
• ma-
• nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian hal. kisig =
makisig, talino = matalino
• nagsasaad ng pagkamarami
hal. tao = matao, bunga = mabunga
i. maka-
• nagsasaad ng kampi o kapanalig
hal. tao = makatao, bayan = makabayan
j. mapag-
• nangangahulugang “may ugali “
hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiro
o. pala-
• nangangahulugang “laging ginagawa “
hal.dasal = paladasal,

tawa = palatawa

Mga Alomorp ng Morpema


- ang katangian ng morpema na
magbagong anyo dahil sa impluwensiya
ng kaligiran nito
ALOMORP- galing sa salitang Ingles na
ALLOMORPH, na hinati sa
salitang griyego na
ALLO (kapara at MORPH ( yunit / anyo )
• Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sin-
a,e,i,o,u
• k,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,t Panggabi
• Manggagawa Singgaling Pambansa Mambabatas
• Sim Pandikdik
• Mandamay
• Sintalino

Evangelio & Cabilar \‘22 53


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Pagbabagong Morpoponemiko
Tinatawag na pagbabagong morpoponemiko ang
alinmang pagbabagong nagaganap sa ordinaryong anyo o
hitsura ng isang morpema na sanhi ng bisa ng kaligiran nito.
Ang kaligirang ito ay tumutukoy sa mga kalapit na ponemang
maaaring makapagdulot ng pagbabago sa hitsura ng
morpema.

Halimbawa:
Ang pagbabagong nagaganap sa morpemang [pang-]
dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. [pang-] + gastos
→ panggastos
[pang-] + dilig → pandilig [pang-] + bunot →
pambunot

Ang morpemang [pang-] ay nagiging [pan-] kapag ito ay


ikinakabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa d, l, r, s at
t. Ito rin ay nagiging [pam-] kapag ikinakabit sa mga salitang-
ugat na nagsisimula sa p at b.
Sa kabilang dako, walang pagbabago sa panlaping
[pang-] kapag ito ay inuunlapi sa mga salitang nagsisimula sa
patinig at sa iba pang katinig na hindi binanggit sa unahang
talata gaya ng mga ponemang k,g,h,m,n,ng,w at y.

Halimbawa:

[Pam-] [Pan-] [Pang-]


pampuno pandakot pang-abono
pambata panligo pang-
ihip

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

Asimilasyon

May pagbabago sa / ŋ / o / ng / sa pusisyong pinal


dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Ang / ŋ /
ay nagiging / n / o / m / o nananatiling / ŋ / ng dahil sa kasunod
na ponema. Maaaring asimilasyong ganap o di-ganap ang
pagbabago.

[pang-] + bayad → pambayad [pang-] + dama


→ pandama [pang-] + kahoy → pangkahoy

Evangelio & Cabilar \‘22 54


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

d.l.r,s,t b, o p k,g,h, m, n, ng,w, y


PAN PAM PANG
MAN MAM MANG
SIN SIM SING
SAN SAM SANG

Halimbawa
Pan+ dikdik pam + bayan pang + gabi
=Pandikdik =pambayan =panggabi

Uri ng Asimilasyon

1. Asimilasyong Parsyal
- tanging ang pagbabago ay sa pinal na panlaping -ng lamang kapag
ikinakabit sa mga salita.ang pagbabagong naganap sa isang
morpema ay sanhi ng posisyong pinal na sinusundan ng mga
salitang nagsisimula sa bigkas ng pailong. Ang /pang/ay nagiging
/m/ o /n/ at mangyayari ay mananatili ang (j) ayon sa kasunod na
tunog.

- HALIMBAWA:
- sing + dali = sindali pang + lasa = panlasa
- pang + paligo = pampaligo sing + bagsik = simbagsik

2. Asimilasyong Ganap
- nangyayari kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil
pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod
na unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog
na /n/ at /m/
Halimbawa:
pam + pitas = pampitas =
pamitas mang + pitas = mangpitas
= mamitas pang + bilang = pangbilang =
pambilang = pamilang

Pagpapalit ng Ponema
May mga ponemang nagkakapalitan sa pagbuo ng mga salita. Nasasabayan
nito ang pagpapalit ng diin kung may ganitong pagpapalitan.

/d/→/r/
Halimbawa: Ma+dami → marami Ma+dumi → marumi

Lipad + -in → lipadin → liparin Pahid + -an →

Evangelio & Cabilar \‘22 55


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

pahidan → pahiran

a. Sapilitan ang palitan ng / h / at / n / sa panlaping / -han / ay nagiging


/n/
Halimbawa: Kuha + han → kuhahan → kuhanan

b. Ang ponemang / o / sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian


o salitang inuulit ay nagiging / u /. Kapag inulit ang salitang
nagtatapos sa / o / ay nagiging / u / sa unang hati.

Halimbawa:
Laro + an → laruan
Bunso → bunsung – bunso

Metatesis
Nagkakapalit ang pusisyon ng / l / o / y / ng salitang-ugat kapag
ginigitlapian ng [-in] ang mga ito.

Halimbawa:

-in- + laro → nilaro


-in- + yari → niyari

Bukod sa pagpapalit ng pusisyon ng dalawang ponema, may pagkakaltas


pang nagaganap.

Halimbawa:

Silid + an → silidan → sidlan Atip + an


→ atipan → aptan

Pagkakaltas ng Ponema

Ang pagbabago rito ay makikita kung ang huling ponemang patinig ng


salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi rito.

Halimbawa:

Bukas + an → bukasan → buksan Asin + an


→ asinan → asnan

Evangelio & Cabilar \‘22 56


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Paglilipat-diin
Kapag nilalapian ang mga salita nagbabago ang diin nito. Maaaring malipat
ang diin ng isa o dalawang pantig patungong huling pantig o unahan ng
salita.

Halimbawa:

basa + -hin → basahin


takbo + -han → takbuhan
uwi + -an → uwian

May Angkop
Kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo
o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago
napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
Halimbawa:
Wikain mo kamo
Hayaan mo hamo
Winika ko ikako

Maysudlong o Pagdaragdag ng Ponema

Kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay


sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -
in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/

Halimbawa:
Antabayanan, antayan
Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan

Evangelio & Cabilar \‘22 57


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

D.PAGTATAYA
Panuto:

I-Suriin ang mga sumusunod na pagbabagong morpoponemiko kung ito ay ba ay


Asimilasyon, Metatesis, Pagkakaltas ng Ponema, Pagpapalit ng Ponema, Paglilipat-
diin, May-angkop o May sudlong.

Mga salita Uri ng Morpoponemiko


Hal. Gabi - Panggabi Asimilasyon
1. Atipan
2. Ikako
3. Taniman
4. Pantali
5. yariin
6. silidan
7. halikan
8. pangpamayanan
9. lapadan
10. tawidin

II- Magsaliksik ng 20 salitang ginagamit sa tahanan (sa kanilang rehiyon) na may angking
pagbabagong morpoponemiko. Pagkatapos, tukuyin kung anong uri ng morpoponemiko mayroon
ang bawat napiling salitang.

________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
_____________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
_______________________________________________________________________________

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Aralin 1 ng Modyul
3. Maaari ka ng dumako at magsimula sa Aralin 2 kung saan mas palalawakin ang
iyong pag-unawa at kaalaman sa sintaksis

Evangelio & Cabilar \‘22 58


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 2
Sintaksis
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


✔ Naipakikita ang kaalaaman sa pagpapaliwanag sa mga batayang
kaalaman ng pangungusap at mga bahagi nito (sintaksis);
✔ Naipakikita ang kaalaman sa wastong paggamit ng pangungusap na
may iba’t ibang kayarian sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling
kuwento.

Ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga


pangungusap o sentens ang tinatawag na sintaks. Dalawang
uri ang pangungusap sa Filipino: (1)
Pagpapanaguri/predikeytib at; (2) Di-pagpapanaguri/non-
predikeytib.

A. PAUNANG PAGTATASA
Panuto: Gumawa ng limang (5) pangungusap basi sa iyong obserbasyon
tungkol sa mga isyung hinaharap ng bansa. Isulat sa ibaba at ibahagi sa klase.

1. ____________________________________________________________
_
2. ____________________________________________________________
_
3. ____________________________________________________________
_
4. ____________________________________________________________
_
5. ____________________________________________________________
_

Evangelio & Cabilar \‘22 59


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

B. PAGSUSURI

Mga tanong:
● Balikan ang iyong mga pangungusap. Anong uri ng
pangungusap ayon sa gamit at ayon sa kayarian ang
iyong nagawa?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
● Tukuyin ang iba’t ibang parte ng pangugusap na
iyong nagawa.
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
● Base sa iyong obserbasyon, ano ang kaibahan ng
simuno at panaguri?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga


katanungan. Halina’t ating buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman.
Tayo na at tumungo!

D.PAGLALAHAD

ANG PAGPAPANAGURI

Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may


simuno/sabjek/tapik/paksa at panaguri/koment/predikeyt. Ang simuno ang pinag-
uusapan. Ang panaguri ang nagsasaad ng tungkol sa simuno.

ANG SIMUNO
Ang ang ay nagpapakilala sa simuno at ipinakita na rin ang mga panghalili
sa mga iyon na mga panghalip panao at pamatlig.
Maaaring pariralang nominal (pangalan at panghalip), pang-uri, pandiwa,
pang-abay, eksistensyal o pang-ukol ang simuno. Pinangungunahan ito ng marker
na ang. Parirala ang tawag sa lipon ng mga salitang walang simuno’t panaguri.
a) Pariralang Nominal
Nagkaisa ang mga taong-bayan. Nagkaisa sila.
Nagkaisa sina Juan. Nagkaisa ang mga ito.
b) Pariralang Pang-uri
Kailangan ang matalino. Hinahangaan ang masisipag.
Si Haring Solomon ang matalino.
c) Pariralang Pang-ukol
Awa ang nasa Diyos. Paglilingkod ang para sa kanya.

Evangelio & Cabilar \‘22 60


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Gawa ang nasa tao. Hindi nakalabas ang nasa sa silid.


d) Pariralang Eksistensyal
Mabuti rin ang may sasakyan. Malungkot ang walang kaibigan.
Mainam ang may sariling bahay.
e) Pariralang Pandiwa
Madali ang magsalita. Nagtatalo ang mga naghuhukay.
Mahirap ang gumawa.
f) Pariralang Pang-abay
Paghandaan natin ang bukas. Kalimutan na natin ang kahapon.
Pangako niya ang paluhod na paglakad.

ANG PANAGURI
Maaaring pariralang berbal o di-berbal ang panaguri ng mga pangungusap.

1. Pariralang Di-Berbal
Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangngalan o panghalip,
pang-abay, pang-ukol, at eksistensyal.
2. Pariralang Pangngalan
Anawnser si Rey Langit.
Komenteytor si Louie Beltran.
Presidente si Ginang Reyes.

3. Pariralang Panghalip
Ikaw ang may sala.
Ito ang katarungan.
Ang mga iyon ang dalhin mo rito.
4. Pariralang Pang-uri
Masinop si Demy.
Kapita-pitagan ang dekana.
Kalunus-lunos ang nangyari sa San Francisco.

5. Pariralang Pang-ukol
Nasa tao ang gawa.
Sa kanila ang parangal.
Ayon sa batas ang naganap.
6. Pariralang Pang-abay
Patalikod ang lapit niya.
Bukas ang araw ng paghuhukom.
Patingkayad ang lakad niya.
7. Pariralang Eksistensyal
Mayroon nga sila.
Mayroon naman pala kayo.
Wala na ang pag-asa niya.
a. Pariralang Berbal

Evangelio & Cabilar \‘22 61


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Sa pariralang berbal dapat talakaying muli ang tungkol sa pokus at


komplemento ng pandiwa. Naiiba ang pandiwa dahil nababanghay ito, nababago
ang anyo sa aspeto, depende sa pokus ang nagiging panlapi nito. Kahit na si Dr.
Jose Rizal sa kanyang pag-aaral ng gramatika, binanggit niyang pinakamahirap na
bahagi ng pananalita ang pandiwa at dapat pag-ukulan ito ng masusing pag-aaral.
Sa kasalukuyang panahon hindi na ang tungkol sa tinig na aktibo o pasibo ang
binibigyan-diin kundi ang tungkol sa pokus. Sa Filipino lamang napakaraming
maaaring gawing pokus sa pangungusap na hindi nagbabago ang diwang
ipinahahayag, ang binibigyan-diin lamang ang nababago.

Tinatawag na pokus ang relasyong panggramatika ng pandiwa at ng


komplemento/kaganapan/komplement. Kabilang sa komplemento ng
pangungusap ang (1) aktor na siyang gumagawa ng kilos, (2) gol na siyang
tumanggap ng kilos, (3) lokatib na siyang pook na pinangyayarihan, (4)
direksyunal na siyang pinag-uukulan, (5) benepaktib na siyang pinaglalaanan, (6)
instrumental na siyang kagamitan sa pagsasakilos at (7) kawsatib na siyang
kadahilanan ng kilos at (8) resiprokal. Sa Ingles, aktor pokus lang at gol pokus.
Higit na marami ang pokus sa Filipino na talagang mahirap isalin sa Ingles,
sapagkat sa pagsasalin sa Ingles, ang aktor pokus pa rin ang lumalabas.

MGA URI NG PANGUNGUSAP

Nauuri ang pangungusap sa Paturol, Pautos, Patanong at Padamdam.

1. Paturol- ang nagpapahayag ng impormasyon at nilalagyan ng bantas na


tuldok (.).

● Noong ika-2 ng Pebrero, 1993 pumutok ang bulkang Mayon.


● Si Presidente Fidel V. Ramos ang pumalit kay Presidente
Corazon Aquino.
● Si Supremo Soledad Suarez ang namumuno sa Iglesia
Mistika.
● Nasa Lecheria, Laguna, ang Watawat ng lahi.

2. Pautos-Pakiusap ang nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap na


karaniwang nilalagyan ng kuwit (,) kapag may tinatawag at nagtatapos sa tuldok
(.). Karaniwang nilalagyan ng panlaping maki-at paki ang mga salitang-ugat na
pandiwa upang magpahayag ng pakiusap at paggalang.

● Jose, pakikuha mo naman ang baso. Makiraan nga.


Ilarawan mo ito.
● Mely, Pakidala naman iti roon.
Tumakbo ka na.
3. Patanong- ang nag-uusisa o nagtatanong, nilalagyan ng bas a loob ng
pangungusap o nilalagyan ng tinatawag na panghuling tanong pagkatapos ng

Evangelio & Cabilar \‘22 62


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

pangungusap at nagtatapos sa pananong (?). Ang ba ang kataga o marker na


patanong.
● Anong oras na ba?
● Kailan ba matatapos ang mga brownout? Matatapos din
iyon di ba?
● Nanalo ako ng kotse, totoo ba? Dadalhin
na rito, tunay ba?
4. Padamdam- ang nagpapahayag ng masidhing damdamin na nagtatapos sa
padamdam (!).
● Salamat po Diyos ko! Naku po! Nanalo ako!
Talagang mahiwaga!

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA ANYO:


Payak, Tambalan, Hugnayan

1. Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa, maaaring


tambalan ang simuno at panaguri na pinag-uugnay ng at.
● Mega star si Sharon.
● International star si Lea.
● Mang-aawit si Sharon at si Lea.
● Artista ang mang-aawit na si Lea.
● Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.
2. Tambalan ang pangungusap kapag nagpapahayag ng dalawang diwa na
pinag-uugnay ng at, ngunit, datapwat at subalit.
● Mega star si Sharon at international star si Lea.
● Naghihimala ang Birhen sa Agoo at naghihimala rin ang
Birhen sa Lipa.
● May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lama ang
pagsubok sa buhay.
● Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya.
3. Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng malaya at di –malayang sugnay
na pinangungunahan ng kung, kapag, samantala, habang, sapagkat, upang, nang,
pagkat, dahil sa. May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit
bahagi lamang ito ng pangungusap.
● Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
● Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo ang lahar
malaking panganib ang darating.
● Nararapat puntahana ang mga makasaysayang pook upang
maisadiwa ang mga nagawang kabayanihan ng ating kalahi.
● Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang
maipagmalaki natin ito.

Evangelio & Cabilar \‘22 63


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

● Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari sa buhay


mo.
DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP

May mga pangungusap na walang simuno ngunit may ipinahahayag na buong diwa,
samakatuwid walang ang marker na matatagpuan dito. May mga pangungusap namang
walang panaguri ngunit may diwa rin. (Sa Ingles may simuno ang mga pangungusap na ito
maliban sa padamdam at amenidad.)

1. Penomenal- na nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng kalikasan. Nababanghay


ang nasa unang hanay dahil mga pandiwa ang mga ito.

 Umuulan. Umaaraw. Lumilindol. Bumabaha. Maulap. Kumukulog.

2. Temporal- na nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahunan lamang.

 Bukas na. Taglagas na. Tagsibol na. Mayo na. Semana Santa na. Linggo na.
3. May modal- na nangangahulugan ng gusto, nais, ibig.
 Gusto niya ng kapangyarihan.
 Nais ko ng kotse.
 Ibig mo ng katanyagan, di ba?
4. Eksistensyal- Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.
 May pangulong babae.
 Walang dumating.
5. May ka ang pandiwa- na nangangahulugan ng katatapos na pagganap ng kilos.
 Kakakain lang ni Letty.
 Katatawag lang ni Annie.
6. Padamdam na pangungusap.
 Aray! Naku! Aba! Saklolo! Holdaper!
7. Paghanga- ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na napaka-, ng kay,
at ng ang na sinusundan ng salitang-ugat.
 Napakaganda ni Gemma!
8. Amenidad
 Salamat po. Magandang umaga po. Ang bait niya!

PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP

Maaaring pahabain ang pangungusap sa iba’t ibang paraan. Dalawang mahalagang sangkap
ng pangungusap ang simuno’t panaguri. Maaaring pahabain ang simuno’t panaguri sa iba’t
ibang paraan.

Evangelio & Cabilar \‘22 64


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Ang Pagpapahaba ng Panaguri

1. Pagpapahaba sa paggamit ng direksyunal


● Tumawag sa doktor ang pasyente.
● Dumalaw sa ina ang anak.
● Ibinigay sa mahihirap ang pagkain.
● Ipinagkaloob kay Jaime ang gantimpala.
2. Pagpapahaba sa paggamit ng lokatib
● Magkokomperensya sa Baguio ang samahan.
● Naganap sa EDSA ang rebolusyon.
● Magliliwaliw sa Batangas sina Nick.
● Nagtapos sa Pransya si Noel.
3. Pagpapahaba sa paggamit ng mga katagang nagpapahayag ng
a. Pag-aagam-agam tulad ng tila, baka, yata, marahil.
● Tila natutuwa ang senador.
● Baka umulan.
● Ikaw yata ang hinahanap.
● Marahil darating sya.
b. Tunay na mga kataga tulad ng lamang, sana, pa, daw (raw), din
(rin), pala, muli, na, atbp.
● Ikaw na ang bahala.
● Ano raw ang sabi?
● Siya rin ang maysabi.
● Kumakain pa siya.
c. Panahon tulad ng kahapon, ngayon, bukas, atbp.
● Kahapon dumating ang Ambasador.
● Ngayon ipagdiriwang ang piyesta.
● Bukas makikipanayam ang pangulo.
● Kamakalawa nagmilagro ang santo.
d. Direksyon o pook tulad ng sa bukid, sa tabi, sa ibabaw, sa ilalim.
● Malayo sa bukid ang putukan.
● Nakaupo sa tabi ang bata.
● Nalagay sa ibabaw ng mesa ang radio.
● Nagtago sa ilalim ang pusa.
e. Paghahambing, pamamaraan tulad ng sadya, kusa, bahagya, nang
paluhod
● Sadyang mabilis ang takbo niya.
● Kusang naglingkod ang sundalo.
● Bahagyang narinig ang sinabi nito.
● Nanalangin nang paluhod si AnaVictoria.

f. panggaano tulad ng sapat, katamtaman, labis at kulang.

Evangelio & Cabilar \‘22 65


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

● Labis magsalita ang mayabang.


● Katamtamang alat ang gusto niya.
● Sapat na baon ang kailangan.
● Kulang magsaing ang katulong.

g. pag-ayaw o pagpapahindi o pagpapatunay tulad ng ayaw, hindi

● Ayaw kumain ng bilanggo.


● Totoong mahusay na manunulat si Ricky.
● Hindi tinanggap ang bisita.
● Tunay magmalasakit ang gobernador.

4. Kaganapan o Komplemento tulad ng


a. gol na pinangungunahan ng ng
Bumili ng kuwintas ang nars.
Kumain ng lumpia si Gng. Cruz.
b. benepaktib na pinangungunahan ng para sa/kay
Namili ang nars para sa kaibigan.
Nagluto ang kusinero para sa bisita.

c. Kawsatib na pinangungunahan ng dahil sa


Sumakit ang tiyan niya dahil sa santol.
Inatake siya dahil sa init.
d. Instrumental na pinangungunahan ng sa pamamagitan ng
Nangisda siya sa pamamagitan ng bingwit.
Nanahi ang modista sa pamamagitan ng makinang de koryente.

Pagpapahaba ng Simuno sa Pamamagitan ng Pagpapahayag ng:

a. Pagmamay-ari na pinangungunahan ng ng/ni.


● Matalino ang anak ng propesor.
● Iyon ang panukala ni Presidente Quezon.
● Malapalasyo ang bahay ng inhinyero.
● Malaman ang payo ni Sekretarya Defensor.
b. Paglilinaw o aposisyon na pinag-uugnay ng pang-angkop na ng/na.
● Kanya ang bagong kotse.
● Nagtatagumpay ang masipag na mag-aaral.
● Iyon ang masusing pagtatalakay.
● Ginagantimpalaan ang masinop na gawain.
c. Lokatib na pinangungunahan ng sa
● Mahirap ang buhay sa bundok.
● Nakalimutan na ba ang Rebolusyon sa EDSA?
● Naglipana na ang mandaragit sa lungsod.
● Mapakikinabangan ang lupain sa Hapon.

Evangelio & Cabilar \‘22 66


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

D. PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng isang maikling kwento (maaaring kathang-isip lamang)
tungkol sa isang mag-aaral na nangangarap na maging isang topnotcher sa
pagsusulit. Gamitin ang iyong natutunan sa leksyong ito patungkol sa iba’t
ibang uri ng pangungusap. Isulat sa loob ng kahon.

_________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________

Evangelio & Cabilar \‘22 67


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

E. REPLEKSIYON NG KABANATA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang iyong dyornal tungkol sa


nakaraang aralin. Ibahagi ang iyong mga sagot sa Google classroom.
1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang
natutuhan mo pagkatapos ng araling ito?

2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay


bilang isang mag-aaral, at sa iyong mga pangarap?

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong
matutunan? Bakit?

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Aralin 2 ng
Modyul 3. Maaari ka ng dumako at magsimula sa Aralin 3 kung saan mas
palalawakin ang iyong pag-unawa at kaalaman sa sintaksis.

Evangelio & Cabilar \‘22 68


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Modyul 4 Semantiks at
Ortograpiyang
Filipino
Maligayang pagkatuto! Ito ang ikaapat na modyul ng ating kursong Fil 102: Panimulang
Linggwistika kung saan matutunan natin kung ano ang semantiks. Sa modyul na ito ay lubos
mo ring mauunawaan ang ebolusyon ng Ortograpiyang Filipino.

Ang pangkalahatang layunin ng modyul na ito ay ang talakayin ang sumusunod na paksa:
Aralin 1 – Ang Semantiks

Aralin 2 – Ang Ortograpiyang Filipino

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


✔ Naipakikita ang kaalaman sa paggamit ng mga pahayag na may
konotatib at denotatib na kahulugan;
✔ Nagagamit ang unang wika at filipino sa sa wastong pagpapahayag
sa mga pang- araw-araw na mga sitwasyong pangwika;
✔ Naipakikita ang kaalaman sa positibong paggamit ng ict sa pag-
unlad at debelopment ng ortograpiyang filipino; at
✔ Nagagamit ang filipino at ingles sa pag-unawa sa mga tuntunin ng
panghihiram.

𝓢𝓲𝓶𝓾𝓵𝓪𝓷 𝓷𝓪 𝓪𝓽 𝓶𝓪𝓽𝓾𝓽𝓸 !

Evangelio & Cabilar \‘22 69


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 1
Semantiks
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


● Nakikilala ang mga pagpapakahulugang semantika;
● Napapahahalagahan ang pagpapakahulugang semantika sa isang
paglalahad;
● Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga dimensiyon ng
pagbibigay kahulugan sa isang salita;

Ang Semantika ay pag-aaral ng kahulugan. Sa ganitong


pagkakataon tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa pagitan
ng mga tagapagpabatid o tagapagpakahulugan at kung ano ang ibig
sabihin ng mga ito. Samakatwid, ang semantika ay ang pagaaral hinggil
sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika. Ito ay isang
masusingpag-aaral ng mga salita upang malaman ng lubusan ang
kahulugan nito gayundin ang paggamit nito sa pangungusap.

A. PAUNANG PAGTATASA
Panuto: Basahin ang pangungusap:

“Ang ama ang haligi ng tahanan.”

Mga Tanong:
Ano ang literal na kahulugan ng pangungusap?
Ano naman ang binibigyang-diin ng pangungusap?

Evangelio & Cabilar \‘22 70


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

B. PAGSUSURI
1. Ano ang ibig sabihin ng literal na kahulugan?
_________________________________________________________
_____________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang tinatawag na metaporikal na kahulugan?
Ano ang pinagkaiba nito sa literal na kahulugan?
_________________________________________________________
_____________________________________________________

Sa tingin ko’y ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga


katanungan. Halina’t ating buksan ang ating isipan sa panibagong
kaalaman. Tayo na at tumungo!

C. PAGLALAHAD
Kahulugan ng Semantiks

Ayon kay Lyons, ang mga kahulugan ay tumutukoy sa mga ideya o konsepto
na pwedeng ilipat mula sa isipan ng nagsasalita tungo sa isipan ng tagapakinig
sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ito sa wika. Tinatawag itong konsepto o mental-
image ang mga paglalarawang ito sa isipan ng tao.

Halimbawa kung sa Ingles ginagamit ang salitang rice para sa luto, sa Filipino naman
ginagamit ang mga salitang bigas kung hindi pa luto, kanin kapag luto na ito, bahaw para
sa kaning-lamig, palay para sa halaman nito at mumo para sa butil ng kanin na naiwan sa
plato.

Ayon kina O’Grady et al., ang kahulugan ng wika ay ang mga mensaheng inihahatid ng
ating mga sinasabi.

 Sentro ng pag-aaral ng komunikasyon – dahil sa lalong nagiging krusyal na paktor


ng sosyal na organisasyon ang komunikasyon, kailangang higit na maintindihan at
pag-ukulan ng pansin ang semantiks.

 Sentro ng pag-aaral ng isip ng tao – ang mga proseso ng pag-iisip, kognisyon,


konseptwalisasyon – lahat ng ito’y magkakaugnay sa pag uuri’t pagpapahayag ng
ating karanasan sa daigdig sa pamamagitan ng wika.

Evangelio & Cabilar \‘22 71


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Sa kabuuan, ang semantiks ay ang pokus ng kahulugan ng salita, parirala o pangungusap.

Sa aklat nina Cardenas, Austero et. al. tinukoy nila ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng:

 Kahulugang Konotasyon
Mga implayd (implied) o “suggested meaning” kasama ng lahat ng emosyonal, pabor na
tono na walang katiyakan at kaiba sa tunay na kahulugan. May mga pangyayari na sa
pagbibigay ng konotasyon, may ilang gulo itong nalilikha sapagkat maaaring iba ang
gustong “palitawing kahulugan” kaysa sa tunay na kahulugan ng salita. Kapag tinawag
nating baboy (pig), daga (rat), ahas (snake), pagong (turtle), tuta (puppy) ang tao ay may
hindi paborableng bagay na ibig sabihin ito kaya hindi matatanggap ng pinatutungkulan.

 Kahulugang Denotasyon
Ito ang literal na kahulugan ng mga salita. Kung tawagin ito ay “dictionary meaning” na
ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak, tuwirang kahulugan. Tinatawag din itong “core
meaning” ni G. Porter at G. Perrin, mga dalubwika, sapagkat may paniniyak at walang
pasubali; kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao. Ang etimolohiya
(pinagmulang wika), ang bahagi ng pananalita, ang sinonim at antonim ng salita, at ang
kahulugan ng salita ang ipinaliliwanag ng diksyunaryo.

Salita at Aytem Leksikal


Para sa atin, alam natin kung ano ang salita. Hindi na tayo nag-iisip pa kapag sinabi ang
terminolohiyang salita. Ngunit sa ating pag-aaral mahalagang malaman kung ano ang salita.

Ano nga ba ito?


Halimbawa: ang salitang grado. Maaari itong grado ng mata o grado sa pag-aaral o grado sa
test. Kaya tatlong magkaibang salita ito. Sa ganitong paraan matatawag itong aytem leksikal.
Kaya ang salita ay gagamitin lang sa kompleks na ponolohikal. Ang aytem leksikal o lexem ay
makikita sa paradaym na lumakad, lumalakad at lalakad. Isang aytem leksikal lang ito na may
iba’t ibang anyo.

Istrukturang Leksikal
Ano ang representasyon semantik ng leksikal aytem at ang relasyon ng mga representasyon?

Nabanggit ni Ferdinand de Saussure na may mga relasyong sintaktik ang mga salita sa loob
ng wika; at isa sa problema ng linggwistiks tungkol sa kahulugang leksikal ay ang
karakterisasyon ng mga relasyong ito.
Halimbawa ang set na mama, ale, adult at bata. Lahat ng mga ito’y tao. Ang relasyong ito ay
tinatawag na hiponimi (una itong ginamit ni Bezzel 1955, na ipinakilala ni Lyons noong 1963
sa kanyang “Structural Semantics).

Evangelio & Cabilar \‘22 72


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Hiponimi ang relasyon ng kahulugan ng isang leksikal aytem na napapaloob sa kahulugan ng


iba. May mga relasyon namang tinatawag na inkompatibol tulad ng upuan at sigaw.
Maigugrupo ang upuan sa silya, bangko, sopa at ang sigaw sa bulong, anas, yakyak. Kapag
magkasalungat ang relasyon tinatawag itong Antonimi, ngunit maraming paraan ang
pagsasalungatan kaya mahahati ito sa apat:

1. pagkakasalungat ng buhay at patay – tunay na antonimi


2. maaaring kasalungat tulad ng mga kulay, uri ng gamit sa bahay, maaring pula’t puti,
pula’t itim, pinggan at kutsara, kutsara’t tinidor.
3. pagpapares – antonimi tulad ng mainit at malamig (may maligamgam o maginaw
ngunit hindi isinama sa mainit). Ginagamit ito sa klima at hindi sa tubig.
4. pagpapares tulad ng bumibili’t nagbibili (buy and sell). Tinatawag din itong
“converse” na pares (Lyons, 1968).

Ekstensyon at Intensyon

● Ang ekstensyon ng isang salita sa mga tinutukoy nito sa mundo.


Halimbawa: ate, kuya, nanay, tatay, tita, at tito

● Ang intensyon naman ay tinutukoy nitong konsepto.


Halimbawa: mga tawag sa tao sa isang pamilya

Komponensyal-analisis

● Ang semantic-fityur ay isang teoryang panglinggwistiks na nagpapaliwanag ng


kahulugan ng isang salita gaya ng pangngalan gamit ang mga component na [+] -
mayroon, [-] -wala, o [+/-] -maaaring mayroon o wala. Halimbawa: guro: [+tao], [+/-
lalaki o babae], [+nasa hustong gulang na] ale: [+tao], [-lalaki], [+nasa hustong
gulang na]

Semantik na Relasyon ng Kahulugan sa Salita at Pangungusap

Dahil sa angking kahulugan, nagkakaroon ng semantik na relasyon ang mga salita tulad
ng mga sinonim, antonim, polisemi at homofoni. Tinatawag na sinonim ang mga salita at mga
preys na magkakapareho ang kahulugan. Tinatawag naman na antonim ang mga salita o preys
na magkasalungat ang kahulugan. Polisemus ang tawag sa mga salitang may dalawa o higit
pang kahulugan na magkaugnay. Tinatawag na mga homofoni ang mga salitang pareho ang
tunog pero magkaiba ang kahulugan.

Tematik-rol

Ipinapaliwanag nito ang papel o rol na ipinapahayag ng isang partikular na bagay sa isang
gawain sa loob ng pangungusap. Ayon kina O’Grady et al., ang Tematik-rol ay isang leybel na

Evangelio & Cabilar \‘22 73


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

ginagamit para ihanay ang relasyon sa pagitan ng mga bahagi ng isang pangungusap.
Gumagamit sila ng:
◆ agent- ang gumagawa ng aksyon; pasyente/tema- ang tao o bagay na dumaranas
ng pagkilos; karanasan- ang kalagayang ipinapahayag; benefaktiv- ang
nakikinabang sa aksyon;
◆ source- ang pinanggagalingan ng isang bagay bunga ng aksyong ipinapahayag na
aktibiti; goal- ang patutunguhan ng aktibiti;
◆ instrumento- ginagamit sa aktibiti; at lugar- kinalalagyan o pinangyayarihan ng
aksyon.

Halimbawa: Binili ng bantay ang basi para sa Inang. agent pasyente benefaktiv
agent pasyente benefaktiv

E. PAGTATAYA

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita na nasa talaan sa


paraang pagpapakahulugang semantika.

Literal Metaporikal

ilaw

ulap

tinik

bituin

bulaklak

Evangelio & Cabilar \‘22 74


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng Aralin 1 ng
Modyul 4. Maaari ka ng dumako at magsimula sa Aralin 2 kung saan mas
palalawakin ang iyong pag-unawa at kaalaman sa ortograpiyang Fiipino.

Evangelio & Cabilar \‘22 75


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Aralin 2
Ortograpiyang Filipino
Simulan natin!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

✔Naipakikita ang kaalaman sa positibong paggamit ng ICT sa pag-unlad at


debelopment ng Ortograpiyang Filipino;
✔Nagagamit ang Filipino at Ingles sa pag-unawa sa mga tuntunin ng
panghihiram

Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo


ng mga kalakaran kung paano sumusulat tayong Pilipino.
Inilalahad sa ortograpiyang ito ang estandardisadong mga
grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit
at pagbigkas ng mga simbolong ito.

A. PAUNANG PAGTATASA
Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?


a) Filipino
b) Pilipino
c) Ingles
d) Tagalog

Evangelio & Cabilar \‘22 76


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

2. Ilang titik ang bumubuo sa Alpabetong Filipino?


a) 29
b) 28
c) 26
d) 20
3. Alin sa mga sumusunod ang walong hiram na titik?
a) C, F, J, Ñ, NG, V, X, Z
b) C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
c) C, F, J, Q, V, X, Y, Z
d) C, F, J, NG, Q, V, X, Z
4. Alin sa mga sumusunod na bantas ang hindi ginagamit sa dulo ng
pangungusap?
a) Tandang padamdam
b) Tuldok
c) Kuwit
d) Tandang pananong
5. Kung ang pahiran ay nangangahulugang lagyan, ang pahirin naman ay
nangangahulugang?
a) Lagyan
b) Kunan
c) Bawasan
d) Alisin

B. PAGSUSURI
1. Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa
Ortograpiyang Filipino?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Sa tingin ko’y ikaw ay handa na matapos mong masagot ang tanong. Halina’t ating
buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman. Tayo na at tumungo!

C. PAGLALAHAD
ISANG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA

Evangelio & Cabilar \‘22 77


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Mga simbolong ginamit:

K = katinig P = patinig
. = hati ng pantig = haba
ŋ = ponetikong simbolo = ponetikong simbolo ng diin ng
letrang “ng” ́ = grapemikong simbolo ng diin
/ = ponetikong [ ] = ponetikong transkripsiyon simbolo
ng impit “ “ = grapemikong representasyon
` = grapema para sa ˆ = grapema para sa
impit sa dulong pantig pinagsamang impit at diin
- = grapema para sa impit ~ = alternasyonna
nasa gitna ng K at P

I. MGA GRAPEMA

Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa aybinubuo ng:

A. Letra.
Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto. Ito ay binubuo ng dalawampu't
walong (28) simbolo:

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj
“ey” “bi” “si” “di” “i” “ef” “ji” “eych” “ay” “jey”

Kk Ll Mm Nn Ññ Ng ng Oo Pp Qq Rr
“key” “el” “em” “en” “enye” “en ji” ”ow” ”pi” ”kyu” “ar”

Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
“es” “ti” “yu” “vi” “dobolyu” “eks” “way” “zi”

Evangelio & Cabilar \‘22 78


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

B. Di-Letra, na maaaring buuin ng:


1. gitling (-) at markang paiwa (`), na sumisimbolo sa impit na tunog ( ).

2. markang pahilis ( ΄ ) na sumisimbolo sa diin at/o haba.

3. bantas, gaya ng tuldok (.), pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,), tuldok-kuwit (;),
tutuldok (:), at kudlit ( ’ ). Hindi tatalakayin ang mga bantas sa papel na ito.

II. MGA PANLAHATANG TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY AT


PAGBIGKAS

Ang mga panlahatang tuntunin sa pagbabaybay at pagbigkas ay angsumusunod:

A. Sa pagsusulat ng karaniwang salita, gamitin lamang ang mga letra ng dating ABAKADA:
Aa Bb Kk Dd Ee Gg Hh Ii Ll Mm Nn Ngng Oo Pp Rr Ss Tt Uu Ww Yy. Ang bawat letra, kasama
ang digrapong “ng”, ay kumakatawan sa isang tunog lamang. Ito ay iyong tunog na nakagawian at
nakasanayan nang katawanin ng nasabing letra. Kung ano ang bigkas sa mga salitang ito, iyon din
ang sulat, maliban sa ilang halimbawa gaya ng “ng” at “mga”.

B. Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa ibang katutubong wika sa Pilipinas, panatilihin


ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika. Kung ano ang bigkas
sa mga salitang ito sa pinagkunang wika, iyon din ang bigkas at sulat batay sa palabigkasan at
palabaybayan ng parehong wika.

 “hádji” sa halip ng ‘hádyi” (isang Muslim na nakarating na sa Mecca)


 “cañáo” sa halip ng “kanyáw” (isang katutubong piyesta sa Baguio)
 “payéw”, sa halip ng “hagdan-hagdang palayan”(mga palayang inukit sa mga bundok sa
o Kordilyera)
 “tnalák” o “t'nalák” sa halip ng “tinalák” (habing abaka ng mga Tboli)

C. Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang
ginagamit: panatilihin ang orihinal nitong anyo, o baybayin ito ayon sa ABAKADA. Kung aling
paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikapitong bahagi ng patnubay na ito.

D. Kapag ang salitang hiram ay binaybay batay sa orihinal nitong anyo sa pinagkunang wika,
maaaring hindi magkaroon ng isa-sa-isang tumbasan ang letra at ang tunog.

“mommy” [ ma .mi] “school” [ skul]


“table” [ tey.bol] “ballet” [ba. ley]

Sa maikling salita, kung ano ang bigkas sa mga salitang ito, maaaring iba ang sulat.

E. Sa panimulang pagbasa at pagsulat, iminumungkahing ituro muna angmga tunog, bago ang
mga letra.

Evangelio & Cabilar \‘22 79


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

III. ANG IMPIT NA TUNOG

Ang impit ay kinakatawan ng gitling (-) at ng paiwa (`), maliban sa ilang espesyal na
kaso:

A. Kapag nasa unahan ng salita o nasa pagitan ng mga patinig, ang impit ay hindi
isinusulat.

“áso” [ a . so] “káin” [ ka . in]

B. Kapag nasa pagitan ng katinig at patinig, ito ay kinakatawan ng gitling.

“pag-ása” [pag. a .sa] “tag-ulán” [tag. u. lan]

C. Sa mga salitang malumi (mga salitang may diin sa penultima at may impit sa ultima),
ito ay kinakatawan ng simbolong paiwa (`).

“bátà” [ ba .ta ] “lábì” [ la .bi ]

D. Sa mga salitang maragsa (mga salitang parehong may diin at impit sa ultima),
pinagsasama ang simbolong pahilis (΄) at simbolong paiwa (`) upang bumuo ng pakupya ( ˆ ).

“likô” [li. ko ] “tabâ” [ta. ba ]

E. Kapag ang salitang nagtatapos sa impit ay nasundan ng ibang mga salita, ang impit ay
napapalitan ng haba.

“matandâ” [ma.tan. da ]
pero “matandá na siyá” [ma. tan. da . na. sya]

F. Para sa ilang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita.

“matandâ na siya” [ma.tan. da . na. sya]

G. Para sa ilang tagapagsalita, ang impit ay hindi nabibigkas sa dulo mano hindi ng pangungusap.

“likô” [li. ko ] > [li. ko]


“lábì” [ la .bi ] > [ la .bi]

H. Ang magkakaibang bigkas ay itinuturing na bahagi ng lehitimong Filipino, subalit kailangang


matutuhan ang istandard na barayti.

IV. ANG MGA PATINIG NA “I” AT “E”, “O” AT “U”

A. Maaaring bigkasin ang “i” na parang “e”, at ang “o” na parang “u” sa karaniwang salita
nang hindi nagbabago ang kahulugan.

 “sakít” = [sa. kit] ~ [sa. ket]


 “kurót” = [ku. rot] ~ [ku. rut]
 “laláki” = [la. la .ki] ~ [la. la .ke]

Evangelio & Cabilar \‘22 80


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

B. Gayunman, hindi puwedeng pagpalitin sa pagsulat ng karaniwang salita ang “i” sa


“e” at “o” sa “u”. Dapat pa ring gamitin ang baybay na matagal na o lagi nang ginagamit.

 “babáe”, hindi “babái”


 “búhos”, hindi “búhus”

C. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara
ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita.

 “mésa”: “mísa”
 “úso”: “óso”

V. ANG DIIN AT/O HABA

Ang diin at/o haba ay kinakatawan ng simbolong pahilis (΄), maliban sa ilang espesyal na
kaso. Maaari itong maging pangunahin o pangalawa. Ang pangunahing diin ay matatagpuan sa
ultima (dulo) o penultimang (pangalawa sa dulo) pantig ng salita. Ang pangalawang diin ay
matatagpuansa iba pang pantig, maliban sa ultima at penultima. Ang lahat ng salita ay may
pangunahing diin, pero hindi lahat ng salita ay may pangalawang diin.2

A. Isinusulat ang diin kahit sa salitang malumay at malumi (i.e. mga salitang may diin sa
penultima.)

 “táo” [ ta . o] “lúmà” [ lu .ma ]

B. Sa mga katutubong salita, kapag ang diin ay nasa isang di-pinal at bukas na pantig (i.e.
isang pantig na nagtatapos sa patinig), binibigkas ang pantig na mahaba ( ). Sa mga
halimbawang nasa ibaba, mahaba ang may diing “ta at “bu”.

 “táo” [ ta . o] “búti” [ bu .ti]

C. Kapag ang diin ay nasa pinal na pantig, lumalakas ang bigkas sa pantig at tumataas din
ang tono dito. Sa mga halimbawang nasa ibaba, mas malakas ang pagbigkas at mas
mataas ang tono ng “sa” at “may”, subalit walang haba ang mga ito.

 “isá” [ i. sa] “kamay” [ka. may]

D. Nasa panghuling pantig ang diin, kapag ang katutubong salita ay may saradong
penultima:

 “bantáy” [ban. tay] “sandók” [san. dok]

Evangelio & Cabilar \‘22 81


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

May ilang kataliwasan dito:


 “pínsan” [ pi n.san],
 “mínsan” [ mi n.san]
 “bibíngka” [bi. bi . ka] na may diin at haba sa saradong penultima.

E. Nasa panghuling pantig ang diin kapag magkatabi ang dalawang magkaparehong patinig sa
huling dalawang pantig ng nakasulat na salita.

 “biík” [bi. ik]


 “suót” [su. ot]
 “ginoó” [gi. no. o]
 “taas” [ta. as]

May ilang kataliwasan dito: “óo”, “úod”

F. Nasa panghuling pantig ang diin kapag may “uw” o “iy” sa pagitan nghuling dalawang pantig
ng salita.

 “tuwíd” [tu. wid]


 “tiyák” [ti. yak]
 “puwáng” [pu. wang]
 “iyák” [ i. yak]

G. Kapag ang isang salita ay may dalawa o mahigit pang mahabang pantig, higit na prominente
sa kadalasan ang huling pantig na mahaba.

 “lálákad” [la . la kad]


 “tútúlong” [tu tu .long]

H. Sa tuluy-tuloy na pagsasalita, nawawala ang pinal na diin ng salita maliban kung ito ay nasa
dulo ng pangungusap.

 “magandá” [ma.gan. da]


Pero:
 “Maganda siyá.” [ma.gan.da. sya]

I. Sa tuluy-tuloy na pagsasalita, nananatiling mahaba ang bukas na pantig na may diin.

 “Áso itó.” [ a .so i. to]

J. Sa pagtuturo ng panimulang pagbasa at pagsulat ay palaging markahanang diin at/o haba.


Maaari huwag nang markahan ang mga ito kapag sanáy na sa wikang Filipino ang partikular
na mambabasa.

Evangelio & Cabilar \‘22 82


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

VI. ANG PANTIG

A. Ang Katutubong Palapantigan

1. Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan:KP (katinig-


patinig) at KPK (katinig-patinig-katinig).

“báhay” [ ba .hay] “puntá” [pun. ta]KP-


KPK KPK-KP

2. Ang mga nakasulat na salitang nagsisimula sa patinig ay may impit natunog sa unahan
nito.

“isá” [ i. sa] “aklat” [ ak. lat]

3. Ang mga nakasulat na salitang may magkatabing patinig ay may impitna tunog sa gitna
nito.

“táo” [ ta . o] “bait' [ba. it]

4. Walang di-pinal na pantig ng karaniwang salita ang nagtatapos saimpit na tunog


[ ].

5. Walang pantig ng karaniwang salita na nagtatapos sa tunog na “h”.

B. Ang Hiram na Palapantigan

1. Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Ang


mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK, KPKKat KPKKK.

 “trápo” [ tra .po] (KKP-KP)


 “plánta” [ pla n.ta] (KKPK-KP)
 “ímport” [ i m.port] (KPK.KPKK)
 “eksklusibo” [ eks. klu. si .bo] (KPKK.KKP.KP.KP)
 “transportasyón” [trans.por.tas. syon] (KKPKK-KPK-KPK-KKPK)
 “ispórts” [ is. ports] (KPK-KPKKK)

Pansinin na kahit sa hiram na palapantigan ay wala pa ring pantig na nagsisimula sa patinig.

Evangelio & Cabilar \‘22 83


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

2. Sa pagpapantig at pagbigkas ng mga hiram na salitang may kambal- katinig gaya ng


“sóbre”, “tókwa” at “pinyá”, sundin ang sumusunod na tuntunin:

a) Piliin ang pagpapantig na mas malapit sa kayariang KP at KPK. Samakatwid, higit na


pinapaboran ang “sób-ra”, “tók-wa” at “pin-yá”, kaysa “só-bra”, “tó-kwa” at “pi-nyá”.

b) Sa aktuwal na pagbibigkas, tumatawid ang huling katinig ng ”sob”, ”tok” at ”pin” sa


sumusunod na pantig, kung kayat ang naririnig ay malapitsa [ so b.bra], [ to k.kwa] at [pi n . n
ya].

3. Sa pagbabaybay at pagbigkas ng mga salitang hango sa Espanyol na may kambal patinig


gaya ng provincia, infierno, violin, guapo, cuento at solucion, sundin ang sumusunod na tuntunin:

a) Iayon ang pagbabaybay sa katutubong kayarian na KP at KPK. Samakatwid, higit na


pinapaboran ang pasulat na anyo na “probínsiyá”, “impiyérno”, “biyolín”, “guwápo”, “kuwénto”,
at “solusyón” kaysa “probínsya”, “impyérno”, “byolín”, “gwápo”, “kwénto” at “solusyon”.

b) Iwasan hanggat maaari ang dalawa o tatlong magkakasunod na katinig sa nakasulat na


salita. Sa baybay na “byolín”, “gwápo” at “kwénto”,hindi naiiwasan ang dalawang magkasunod
na katinig sa parehong pantig. Sa baybay na “probínsya”, “impyérno”, at “solusyón” ay hindi
naiiwasan ang tatlong magkakasunod na katinig.

c) Gayunpaman, ang pagbigkas at pasalitang pagpapantig ay mas malapit sa anyong walang


“i” at “u”, gaya ng makikita sa “probínsya”, “impyérno”, “byolín”, “gwápo”, “kwénto”, at
“aksyón”. Sa kaso ng “solusyón”, ang bigkas dito ay [so.lus. syon] kung saan tumatawid ang “s”
sa sumusunod na pantig. Hindi kayang ipakita sa grapemikong anyo ang bahagyang pagdodobleng
ito sa aktuwal na bigkas.

Evangelio & Cabilar \‘22 84


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

VII. ANG PANGHIHIRAM

Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salitaay ang sumusunod:

A. Huwag manghiram. Hanapan ng katumbas sa wikang pambansa angkonsepto.

“rule” = “tuntúnin” hindi “rúl” “narrative” =


“salaysáy” hindi “náratív”

B. Huwag pa ring manghiram. Gamitin ang lokal na termino o ihanap ngkatumbas sa mga
lokal na wika ang konsepto.

“tarsier” = “máomag”, “málmag” (Bol-anon)“whale shark” =


“butandíng” (Bikol)

C. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa


sumusunod na kalakaran.

1. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita


ayon sa ABAKADA.

“cebollas” > “sibúyas” “socorro” > “saklólo” “componer”


> “kumpuní” “psicología” > “sikolohíya”

2. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman,panatilihin ang
orihinal na anyo.

“daddy” “boyfriend”
“sir” “psychology” > “psychology” hindi
“saykólojí”

3. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi,panteknikal at pang-


agham.

“Manuel Luis Quezon” “Ilocos Norte”


“chlorophyll” “sodium chloride”

Evangelio & Cabilar \‘22 85


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

4. Baybayin alinsunod sa ABAKADA ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o
kahulugan sa orihinal.

“stand by” > “istámbay” “up here” > “apír”


“hole in” > “hólen” “caltex” > “káltek” (tábò)

D. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit.

“teléponó” hindi “teléfonó”


“pamílya” hindi “família” o “famílya”
“epektíbo” hindi “efektíbo” o “efektívo”
“kongréso” hindi “konggréso” pero ang bigkas ay [koŋ. gre .so]

E. Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng mga hiram
na salita. Ang istriktong ponetikong baybay ng mga hiram na salita, laluna sa wikang Ingles, ay
nakikipagkumpetensiya saorihinal na baybay. Maaaring pagkamalan itong maling ispeling:

“palatunúgan” o “ponolohíya” hindi “fonólojí”


“úri ng wíkà” o “baráyti ng wíkà” hindi “varáyti ng wíkà”“pasalaysáy” o
“naratìbo” hindi “náratív”

F. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas.

“Repúbliká ng Pilipínas” hindi “Repúbliká ng Filipínas”“aghám panlipúnan”


hindi “sósyal-sáyans”

VIII. GAMIT NG MALAKING LETRA.

Gaya ng nakagawian na, ginagamit ang malaking letra upang simulan ang isang
pangungusap at baybayin ang mga pangngalang pantangi, gaya ng:
o tao o hayop (Juán, Bantáy);
o lugar (Maynílà, Kalínga);
o nasyonalidad at wika (Manuvǔ, Lilubuágen);
o araw, buwan at piyesta opisyal (Martés, Pebréro, Ramadán);
o titulo ng tao (Pangúlong Arróyo, Senadór Angára);
o gusali (Wátson Building);
o unibersidad, eskuwelahan, at organisasyon (Unibersidád ng Pilipínas, Linguistic
Society of the Philippines);
o departamento at ahensya ng gobyerno (Komisyón sa Wíkang Filipíno);
o marka ng produkto (Scotch tape, Kleenex tissue);
o daglat (DOTC, DEP- ED);
o kasapi ng relihiyon (Híndu, Múslim (o Muslím));
o titulo ng akda (Diksiyúnáryo ng Wíkang Filipíno, Baláríla ng Wíkang Pambansâ);
at
o mga tampok na pangyayari sa kasaysayan (Áraw ng Kagitíngan, Ikalawáng
Digmáang Pandaigdíg)

Evangelio & Cabilar \‘22 86


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

D. PAGTATAYA
Panuto: Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa isyung pangwika o
ebolusyon ng wika sa kasalukuyan (e.g, jejemon, gay linggo, millenials,
social media jargons, Davao conyo) at sa epekto nito sa kumikasyon at sa
istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Filipino. Isulat ang iyong
nakuhang impormasyon sa paraang essay. Ibahagi sa klase ang iyong gawa.

E. REPLEKSIYON NG KABANATA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at


ibahagi ang iyong mga sagot sa Google classroom.

1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan mo
pagkatapos ng araling ito?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay bilang isang
mag-aaral, at sa iyong mga pangarap?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong matutunan?
Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________

M
Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga kahingian ng coursepack
na ito sa Fil.102. Binabati kita sa iyong tiyaga at dedikasyon sa pag-aaral.
Ipagpatuloy lamang ang mabubuting gawi bilang isang mag-aaral at tiyak
makakamtan mo ang iyong mga pangarap.
Congratulations!

Evangelio & Cabilar \‘22 87


PANIMULANG LINGGWISTIKA FIL. 102

Sanggunian
Bernales, Rolando A. et al. (2001). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina.
Mutya Publishing House, Inc. Valenzuela City

Cawae, Junelyn. (2019). Morpolohiya ng Wikang Filipino.


www.scribd.com/presentation/406287997/MORPOLOHIYA-NG-WIKANG-FILIPINO

Dela Crus, Rosalyn V. (2013). Kasaysayan ng Linggwistika.


www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayang-linggwistika-1

Flagne, Merlito Jr. F. (2019). Mga Katangian ng Wikang Filipino.


www.scribd.com/presentation/430019434/2-Katangian-Ng-Wikang-Filipino

kram.ynot. (2008) Isang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.


www.scribd.com/doc/7479057/Isang-Gabay-Sa-Ortograpiya-Ng-Wikang-Pambansa

Orboc, Ma. Kristel J. (2020). Panimulang Linggwistika.


www.scribd.com/document/481799104/Panimulang-Linggwistika-Kabanata-1

Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang Linggwistika sa Pilipino, REX Book


Store. Maynila

Santos, Angelina L. et al (2009). Ang Akademikong Filipino Sa Komunikasyon.


Mutya Publishing House Inc. Malabon City

Wardhaugh, Ronald. (1992). An Introduction to Sociolinguistics. 2nd ed.


Blackwell. Oxford, UK.

Evangelio & Cabilar \‘22 88

You might also like