Banghay Aralin Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO V

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan , ang mga mag - aaral sa ikalimang baitang ay
inaasahang:
a . Natutukoy ang nilalaman ng pabulang nabasa kabilang na ang mahahalagang elemento
nito;
b. Napapahalagahan ang aral na napulot sa pabula;
c. Naisasagawa ang pagsasadulang nagpapakita ng pagpapakumbaba.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pabula "Ang Agila at Ang Maya"

Sanggunian: (Wika at pagbasa para sa Elementarya ) Grade 5 text

Kagamitan: Libro, Puzzles, mga Larawan at mga Letra

Pagpapahalaga: Pagpapakita ng pagiging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa


at hindi mapagmataas.

III.PAMAMARAAN
A.Pagganyak (Pangkatang Gawain)
•Hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase.
•Bibigyan sila ng tig-iisang hanay ng mga "Puzzles" Kung saan bubuuin nila ito sa
loob ng limang minuto lamang.
•Pagkatapos nilang mabuo ang puzzles,sabay -sabay nilang gagayahin ang tunog ng
isang hayop na nasa kanilang nabuong puzzle.
•Sasabihin ng guro kung ano nga ba ang koneksyon nito sa kanilang aralin.
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo
ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:

1.Karakter- ahntau (tauhan)

2. Pook- apngaut (tagpuan)

3.Pangyayari- ngaabhy (banghay)

4.Leksyon- lara ( aral)


B. Pagsusuri

Ipapabasa sa mga piling mag-aaral ang ilang bahagi ng akda at ang iba naman ay
makikinig sa kanilang upuan.Ang pamagat ng pabulang kanilang babasahin ay "Ang Agila at ang
Maya".

Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka
ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong
niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.“Hoy Maya, baka gusto mong subukan
kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya
niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.“Sige! Tinatanggap ko ang
hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na
tatanggapin nito ang hamon niya.“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong
kayabangang sagot ni Agila.Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang
kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.“Sige Agila, gusto kong
umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin
ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko
ay asukal ikaw nman ay bulak.”Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa
talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya
kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni
Maya.“Aba oo, payag na payag ako.”“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo
hihinto sa tuktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.Gusto ng matawa ni Agila sa
katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya nagpahalata.At sisimulan nga nila ang
paligsahan.Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas
na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila ,
kaya bumagal ang lipad niya.Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay
nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.Dahilan sa pangyayari, unang
nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Aral

Huwag maging mayabang.

Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.

Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.

Gamitin ang talino sa tamang paraan


a. Pagsusuri sa nilalaman ng akda:

Pag katapos basahin ang pabula ay susurin o tutukuyin ang nilalaman nito sa
pamamagitan ng inihandang mga tanong:

1. Sino -sino ang mga tauhan sa Pabula?

2. Saan nangyari ang akdang binasa?

3. Ano ang ugaling meron si Maya na wala naman kay Agila?

4. Sino ang unang nakarating sa tuktok ng bundok?

5. Anong aral ang napulot mo sa kwentong Ang Agila at Ang Maya?

b.Pagtatalakay sa pabula bilang akdang pampanitikan:

1. Ano nga ba ang Pabula?

2. Anu-ano ang mga mahahalagang elemento ng pabula?

C.Paglalahat

Panuto : Isasaayos ang pagkakasunod -sunod ng mga pangyayari sa pabulang ,Ang


Agila at Ang Maya".Isulat lamang ang bilang 1-8 ayon sa tamang pagkakasunod nito.

a."Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo.Kailan mo gustong magsimula Tayo?"

b. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na
ibong Maya at hinamon niya ito.

c . "Hoy Maya ,baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis
lumipad? buong kayabangan ni Agila.

d . "Aba nasa sa iyo yan ,kung kailan mo gusto",buong kayabangang sagot ni Agila.

e . Natuwa ang Agila ,hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

f. "Sige Agila,gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na.Pero ,para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangan bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong
bagay,Halimbawa ang dadalahin ko ay asukal ikaw naman ay bulak".

g. " Aba oo, payag na payag ako".

h. " O ano ,Agila, payag kaba? untag ni Maya.


D. Paglalapat

Magkakaroon ng indibidwal na gawain ,sa pamamagitan ng pagguhit o paglalarawan na


nagpapakita ng pagpapakumbaba at hindi pagmamataas o pagmamayabang.

IV. Pagtataya
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod.Limang puntos (5) bawat isa.
1. Bakit mahalaga ang pagiging mapagpakumbaba sa kapwa?
2. Naranasan mo na bang maging mapagpakumbaba?
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng iyong paboritong hayop o alaga.Iguhit Ito sa isang
malinis na papel o (short bond paper).Sa ibabang bahagi ng iyong papel ,tukuyin kung bakit
ito ang iyong napiling hayop at ilista ang mga kakayahan o ang angking abilidad nito.

Inihanda ni:
ANGELINE AYES MURILLO
BEED-2B

You might also like