Banghay Aralin Sa Filipino NEIL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay -Aralin sa Filipino III

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. Nalalaman kung ano ang pangngalan;

B. Nakikilala ang mga panggalan sa paligid ; at

B. Nakakapagbigay ng mga halimbawa ng panggalan.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Pangngalan

Sanggunian: Daloy at mithi 3. Pahina 68- 69

Kagamitan: Ginupit na numero, mga larawan, lapis at papel, timer

Pagpapahalaga: Pagkilala sa mga bagay sa paligid

III. Pamamaraan

A. Gawain

• Hahatiin ang mga mag -aaral sa dalawa sa pamamagitan ng mga

ginupit na numero (1,2) na nakatago sa ilalalim ng kaninalang upuan.

Magpapalaro sa mag-aaral ng "pinoy henyo" at maglalaban ang

dalawang grupo sa paghula ng mga larawan ng halimbawa ng

pangngalan na nakadikit sa kanilang noo.

• Kailangan nilang mahulaan ang mga pangalan sa mga kategoryang

tao, bagay, hayop, pook o lugar, at pangyayari sa loob ng 3 minuto

bawat kategorya. Ang pinaka maraming nahulaang larawan ng

pangngalan ang siyang magwawagi sa laro

B. Pagsusuri

• Base sa natapos na laro ay ilalahad ng guro ang paksa at ipaliwanag


ang kung anong pangngalan. Pagkatapos ay tatawag

ng mag-aaral para sa mga katanungan.

- Pangngalan - tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, pook o

lugar, at pangyayari(magbibigay ng halimbawa)

-Mga katanungan;

1. Ano ang pangalan?

2. Base sa laro kanina, saang halimbawa ng pangngalan papasok

ang mga sumunod na larawan ; doctor, lapis, aso, paaralan,

pasko. (Tatawag ng mag- aaral)

C. Paglalahat

- Mga katanungan:

1. Ano ang ating pinag -aralan ?

2. Magbigay ng halimbawa ng pangngalan ng tao.

3. Magbigay ng halimbawa ng pangngalan ng hayop.

4. Magbigay ng halimbawa ng pangngalan ng pook o lugar.

5. Magbigay ng halimbawa ng pangngalan ng pangyayari.

D. Paglalapat

• Lilibot ng mga mag-aaral sa iskwelahan at isulat ang mga

pangngalan na kanilang makikita sa paligid.

Tao Bagay Hayop Pook o lugar Pangyayari


1. Charlene Lapis Aso Library ROTC

2.

3.

4.

5.

6.

IV. Pagtataya

Panuto: Bilogan ang mga pangalan sa sumusunod na pangungusap.

1. Ang pulis ay nagtatanong sa mga saksi ukol sa insidente.

2. Mayroon akong isang notebook kung saan ko sinusulat ang aking mga

ideya.

3. Ang pusa ay tumatakbo nang mabilis papunta sa kanyang paboritong

kahon.

4. Ang mga bata ay naglalaro sa palaruan at nag-enjoy sa kanilang

pagkabata.

5. Ang Bagong Taon ay ipinagdiriwang nang malaking selebrasyon at mga

paputok.

V. Takdang Aralin

• Gumupit ng mga larawan ng mga pangngalan ng tao,bagay,

hayop, pook o lugar at pangyayari mula sa mga magasin o dyaryo.

Idikit ito sa kwaderno.


Inihanda ni:

NEIL PATRICK P. NOLLEDO


BEED - 2B

You might also like