Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DATE: SUBJECT SECTION TIME

FILIPINO V- MAHOGANY
V- YAKAL
V-MOLAVE

I. Layunin
A. Nakabubuo ng mga tanong sa kuwentong napakinggan.
A. Nailalahadang kahalagahan ng pagiging matapat.
B. Naisasagawa nang buong kahusayan ang gawaing itinakda.

I. Paksang Aralin
A. Aralin: Ay, Salamat!
Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino V pp. 66-67 F5P5-111b-e-
3.1
A. Halagang Pangkatauhan: Pagsasabi ng tapat pagsasama ng maluwag
B. Pagpapahalaga: Pagiging matapat

II. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Dril: Sabihin kung ang mga salita ay sumasagot sa tanong na ano, sino,
saan at kalian.
a. Romblon
a. Mayo
b. G. Cruz
c. Hiyas sa Wika
A. Balik-Aral:
Balik-Aral sa pagkakasunu-sunod ng pangyayari.

B. Pagtalakay sa Aralin:
1. Pagganyak
Ano ang gagawin nyo kung may makita kayong gamit na hindi
sainyo?
1. Pagpapayaman ng Talasalitaan:
Pagtapatin ang magkasingkahulugan na salita.
1. dinampot dikitan
1. paskilan walangdugo
2. namumutla pagdating
3. pagsapit kinuha

D.Pag-unawa sa Nilalaman:
E.Pagbibigay ng pamantayan sa pakikinig

Ay, Salamat!
Nagmamadaling pumasok sa paaralan si Annabel nang araw na iyon.
Ngunit pag sapit niya ng silid-aralan, natuklasan niya na wala na ang sandwich
at perang pabaon sakanya ng kanyang Nanay. Naiwan niya ang mga ito sa
hapagkainan.
“Ano ngayon ang aking kakainin sa oras ng rises?” ang naitanong niya
sakanyang sarili.
Nang oras nang rises, isa-isa nang naglabasan ang mga magaaral upang
bumili ng pagkain sa kantin ng paaralan. Lahat ay lumabas na maliban kay
Annabel. Naiwan siya ng nagiisa sa loob ng silid-aralan. Noon niya nakita ang
pitaka ng kanyang katabing si Clarissa na nasa lapag sa tabi ng bag nito.
Dinampot niya ito at binuksan. “aba, maraming laman!” ang gulat na gulat na
bulong niya sa sarili.
Nang mga sandaling iyon, ibig na ibig na niyang lumabas upang
kumain sa kantin ngunit wala naman siyang perang pambili ng pagkain. Matagal
siyang natigilan at nag-isip. Maya maya, binuksan niya ang bag ni Clarissa at
ibinalik doon ang pitakang nahulog marahil sa pagmamadali ni Clarissa. Itinuon niya
ang paningin sa paligid, sa magagandang larawan sa paskilan. Nalibang siya at
hindi na namalayan na tapos na pala ang rises. Nagbalikan na sakani-
kanilang upuan ang kanyang mga kamag-aral.
“Nawawala ang aking pitaka!”ang namumutlang balita sakanya ni Clarissa
pagkaupong- pagkaupo sa kanyang tabi.
”Nakitako sa lapag sa tabi ng iyong bag. Ipinasok ko sa loob,” ang
tugon ni Annabel sabay turo sakanyang bag.
“Talaga? Ay, salamat!” ang hindi makapaniwalang sabi ni Clarissa.
“Alam mo maraming laman iyon, dahil ibinigay na sa akin ang sanlinggo
kong baon. Mabuti naman at ikaw ang nakakita,” ang tuwang-tuwang sabi ni Clarissa
at hinalikan si Annabel sa pisngi bilang pasasalamat sakanyang ginawa.
Nagpasalamat din sa sarili si Annabel at hindi siya natuksong bawasan
ang laman ng pitaka ni Clarissa.

F.Pagsasagawa ng Malayang Talakayan:


Pagsagot sa mga tanong.
1.Sino ang mga tauhan sa kwento? (Annabel at Clarissa)
2.Sino ang naiwan sa klasrum? (Annabel)
3.Bakit naiwan si Annabel sa klasrum? (dahil wala siyang baon)
4.Ano ang naiwan ni Annabel sa bahay? ( ang sandwhich at perang baon niya)
5.Ano ang nawala kay Clarissa? (pitaka)
6.Sino ang nakakita ng pitaka ni Clarissa? (si Annabel)
7.Paano naibalik ang pitaka ni Clarissa? (nakita ni Annabel ang pitaka sa tabi
ng bag ni Clarissa at ibinalik ito)
8.Bakit tuwang-tuwa si Clarissa na naibalik sakanya ang pitaka? (dahil nasa
pitaka ang isang linggo niyang baon.)
9.Paanoipinakita ni Clarissa ang kanyang pasasalamat? (hinalikan ni Clarissa
sa pisngi si Annabel.)
10.Anong ugali ang ipinakita ni Annabel? (pagiging matapat)

G.Pangkatang Gawain:
H.Pamantayan sa pagpapangkat.
Pangkatang Gawain
Pangkat I- Pagsasadula ng kuwento
Pangkat II- Isulat ang mahalagang pangyayari
Pangkat III- Pagbuo ng tula tungkol sa pagiging matapat
Pangkat IV- Iguhit ang paguusap ng magkaibigan sa kuwento.
Legend:
5 – lahat ng kriterya ay nagawa (pinakamahusay)
4 – apat na kriterya ang nagawa (mas mahusay)
3 – tatlo sa kriterya ang nagawa (mahusay)
2 – dalawa sa kriterya ang nagawa (mahusay-husay)
1 – isa sa kriterya ang nagawa (di-ganong mahusay)
I.Pagsusuring Pampanitikan
Anong uri ng panitikan o genre?
Maikling kuwento, ito ay may tauhan, tagpuan at tatlong bahagi ng kuwento
(unang bahagi, gitnang bahagi, pangwakas na bahagi)

J.Pagpapahalagang Pangkatauhan:
Sino sainyo ang may karanasan ng katulad sa kuwento? Ikwento sa klase.

K.Paglalagom:
Istratehiya: Paggamit ng Event Map
Paglalapat:
Paano mo maipapakita ang pagiging tapat sa bawat sitwasyon.
Habang may pagsusulit.
May napulot na pera.

IV.Pagtataya:
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
Nasa isang department store si Alden kasama ang kanyang nanay. Mamimili sila ng
polo para sa pagbubukas ng pasukan. Nang napili na niya ang polong nagustuhan, sinukat
niya ito sa fitting room. Pagpasok niya nakakita sya ng cellphone agad niyang sinabi ito
sakanyang nanay at dinala nila sa lost and found ng department store.

Tanong:
Sinu-sino ang pumunta sa department store? (Nanay at Alden)
Ano ang binili sa department store? (polo)
Bakit bumili ng bagong polo si Alden? (para gamitin sa darating na pasukan)
Ano ang nakita ni Alden sa fitting room? (cellphone)
Saan dinala ni Alden at Nanay nya ang cellphone? (sa lost and found ng department
store)
Anong ugali ang ipinakitani Alden? (pagiging matapat

IV.Takdang Aralin:
Magbigay ng tatlong salitang magkakaugnay.

You might also like