Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

Aralin 1:

Paikot na
Daloy ng
Ekonomiya
Ikatlong Markahan
Layunin:
1. Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya.
(APMAK-IIIa-1)
2. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
(APMAK-IIIa-2)
3. Nasusuri ang ugnayan sa isa't isa ng mga bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
(AP9MAK-IIIa-3)
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Maaalala mula sa mga nakaraang aralin na ang pag-aaral ng
ekonomiya ay nakabatay sa pangangailangan ng isang
lipunan na magamit nang mahusay ang mga pinagkukunang-
yaman (resources) nito upang tugunan ang kagustuhan at
mga pangangailangan ng mga taong nasasakupan.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga naunang
ekonomistang tulad ni Adam Smith, natuklasan ang
kahanga-hangang kapasidad ng mga pamilihan (market
mechanism) sa paglalaan (allocation) at pamamahagi
(distribution) ng mga mahalagang mapagkukunang-yaman sa
iba’t ibang kalahok sa isang ekonomiya.
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Sa kasalukuyan, ang ekonomiya ng maraming bansa ay
nakabatay na sa pamilihan o market economy.
Ang market economy ay isang sistema ng ekonomiya
kung saan ang indibiduwal at pribadong kumpanya ang
gumagawa ng mga pangunahing desisyon tungkol sa
produksyon at pagkokonsumo.
Sa isang market economy, ang presyo ang
pinakamahalagang salik na tumutukoy kung ano, paano,
para kanino, at gaano karami ang mga kalakal at
serbisyo na dadalhin sa mga pamilihan.
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng
ugnayan ng iba’t ibang aktor at gawain sa isang pambansang
ekonomiya.
Ang mga prodyuser ay ang mga kompanya, negosyo, o
bahay-kalakal na gumagawa ng mga kalakal na inaasahang
magbibigay ng pinakamataas na kita (kung ano) sa
pamamagitan ng mga salik ng produksyon na pinakamura
(kung paano).
Samantala, ang pagdedesisyon ng pagkonsumo (para
kanino), kung paano gagastusin ang kita na kanilang
tinatanggap ay nakasalalay sa indibiduwal sa mga
sambahayan (ang mamimili o konsyumer).
Pagtaguyod sa Prinsipyo ng Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
Richard Cantillon - unang nagpakilala ng ideya ng paikot na daloy ng
ekonomiya sa kanyang aklat na An Essay on Economic Theory (1730).
Ayon kay Cantillon, ang mga produkto sa sakahan ay ipinagpapalit ng
mga magsasaka sa mga gawang kalakal at serbisyo ng mga negosyante
at artisano sa lungsod. Ito ay nagpapakita ng interdependence sa iba’t
ibang kinatawan sa ekonomiya. Ibig sabihin, kailangan ng mga
negosyante, artisano, at mga magsasaka ang isa’t isa upang
magampanan nila ang kanilang tungkuling pang-ekonomiya.
Richard Cantillon
Pagtaguyod sa Prinsipyo ng Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
Francois Quesnay - pinagbuti ang paglalarawan ng ugnayan ng mga
aktor sa ekonomiya sa kaniyang librong Tableau Economique (1758).
Ayon sa kanya, ang tunay na pinagkukunan ng yaman ng mga tao ay
ang pagdaloy ng ekonomiya sa anyo ng upa, sahod, at pagbili.
Tatlong Aktor sa Ekonomiya ayon kay Quesnay:
1. Proprietary class - binubuo ng mga may-ari ng lupa
2. Productive class - binubuo ng mga manggagawa
3. Sterile class - binubuo ng mga mangangalakal
Francois Quesnay
Ang Prinsipyo ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya
Ipinakikita ng paikot na daloy ng ekonomiya ang
prinsipyo ng pagtutulungan o interdependence.
Kailangan ng sambayanan at bahay-kalakal ang isa’t
isa sapagkat tinutugunan ng isa’t isa ang kanilang
mga pangangailangan.
Maaring magdesisyon ang sambahayan at mga
bahay-kalakal nang malaya sa isa’t isa, ngunit
anumang pagbabago sa produksiyon o pagkonsumo
na gagawin ng isang aktor ay makakaapekto sa isa.
Ang Prinsipyo ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay isang
pinasimpleng ilustrasyon kung paano dumadaloy
ang salapi at produkto mula sa sambahayan
patungo sa mga bahay-kalakal, at pabalik muli sa
mga sambahayan.
Ito ay naglalarawan sa interaksyon ng mga
nagbebenta at bumibili, at ng mga nagsusuplay at
nangangailangan.
Ang Prinsipyo ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya
Nagsisimula ang paikot na daloy ng ekonomiya sa
kagawian ng mga mamimili sa paggastos. Ang
bilis at laki ng paggastos ng mga mamimili sa
isang takdang panahon ay nakakaapekto sa laki
at lawak ng pamumuhunan ng mga bahay-
kalakal.
Ang Prinsipyo ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya
Sa pinakasimpleng modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya, dalawa lang ang aktor—ang
sambahayan at ang bahay-kalakal.
Sa modelong ito, ang mga indibiduwal sa
sambahayan ang tumutugon sa pangangailangan
ng mga bahay-kalakal para sa lakas-paggawa
samantalang ang bahay-kalakal naman ang
tumutugon sa pangangailangan ng mga
sambahayan para sa iba’t ibang kalakal at
serbisyo.
Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
1. Sambahayan - Ang sambahayan ay mga konsyumer
ng mga tapos na produkto at mga paglilingkod na
nagawa ng bahay-kalakal. Ito rin ang tumatayong
prodyuser ng apat na salik ng produksyon: lupa,
lakas-paggawa, kapital, at ang entreprenyur.
Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
2. Bahay-Kalakal (Businesses) - Ang bahay-kalakal ay
tumatayong konsyumer ng mga salik ng produksyon na
pagmamay-ari ng sambahayan. Ito rin ang produser ng
mga tapos na produkto at mga paglilingkod.
Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
3. Pamahalaan (Government) - Ang pamahalaan ay
konsyumer ng mga tapos na produkto at paglilingkod na
gawa ng bahay-kalakal. Ito ay nagiging konysumer din ng
mga salik ng produksyon na pagmamay-ari ng
sambahayan. Pangunahing tungkulin nito ang tagakoleta
ng buwis mula sa pang-ekonomiyang gawain ng
sambahayan at bahay-kalakal. Ang pamahalaan ay
nagkakaloob din ng tulong pinansyal para mga
nangangailangang sambahayan at bahaykalakal
(transfer payments).
Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
4. Panlabas na Sektor - Ang panlabas na sektor ay
tumutukoy sa mga bumibili sa ibang bansa (importer) at
nagbebenta sa ibang bansa (exporter) ng mga produkto
at serbisyo. Kabilang sa panlabas na sektor ang mga
multinational o iyong mga negosyo na mayroon
operasyon sa iba’t ibang bansa. Itinuturing rin na
panlabas na sektor ang ibang bansa.
Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na
Daloy ng Ekonomiya
1. Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod (Goods
Market)
Sa pamilihang ito, mga bahay-kalakal ay nagbebenta ng
tapos na produkto at mga paglilingkod, samantalang ang
sambahayan ay bumibili naman ng tapos na produkto at
paglilingkod na kailangan nito.
Ang salaping dumadaloy sa pamilihang ito ay nagmumula
sa sambahayan bilang kabayaran (isang paggasta) sa
produkto at paglilingkod na kaniyang binili habang
tinatanggap ng bahay-kalakal ang salaping ito bilang kita.
Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na
Daloy ng Ekonomiya
2. Pamilihan ng mga Salik ng Produksyon (Factors Market)
Sa pamilihang ito, ang sambahayan ay nagbebenta ng salik
ng produksyon na pagmamay-ari nito. Ang mga bahay-
kalakal naman ay bumibili ng mga salik ng produksyon
upang makagawa ng tapos na produkto. Ang salaping
dumadaloy sa pamilihang ito ay nagmumula sa bahay-
kalakal, na tinatanggap naman ng sambahayan bilang
sahod, renta, interes, o kita.
Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na
Daloy ng Ekonomiya
3. Pamilihang Pinansyal (Financial Market)
Ang sambahayan ay nag-iimpok sa pamilihang ito
para sa paggasta sa kinabukasan, samantalang
ang bahay-kalakal ay umuutang sa pamilihang ito
upang pandagdag sa kaniyang kapital.
Mga Modelo ng Paikot na
Daloy ng Ekonomiya
Unang Modelo: Simpleng Ekonomiya
1. Dalawa lang ang pangunahing aktor ng
modelong ito—ang sambahayan at mga
bahay-kalakal.
2. Ang daloy sa sambahayan at bahay-kalakal
ay iisa lamang—ang lumilikha ng produkto ay
siya ring konsumer nito.
3. Ang halaga ng produksyon ay halaga din ng
pagkonsumo ng ekonomiya.
Ikalawang Modelo: Sistema ng Pamilihan
1. Dalawa lang ang pangunahing aktor ng modelong ito—ang
sambahayan at mga bahay-kalakal.
2. Magkaiba na ang bumubuo sa sambahayan at mga bahay-
kalakal.
3. Nag-uugnay ang sambahayan at bahay-kalakal sa loob ng
dalawang uri ng pamilihan.
4. Sa loob ng goods market, ang sambahayan ay ang mamimili
habang ang mga bahay-kalakal ang nagbebenta.
5. Sa loob ng factors market, ang bahay-kalakal ay ang
mamimili, habang ang sambahayan ang nagbebenta.
6. Ang pangunahing gawaing pang-ekonomiya sa modelong ito
ay ang pagbenta at pagbili.
Tandaan
Sa loob ng pamilihan ng mga salik sa
produksiyon, ang layon ng sambahayan at
mga bahay-kalakal ay nababaligtad. Ang
sambahayan naman ang prodyuser at
pinanggagalingan ng suplay ng salik ng
produksiyon habang ang bahay-kalakal ang
mamimili at nangangailangan ng mga ito.
Ikatlong Modelo: Pamilihang Pinansyal
1. Dalawa lang ang pangunahing aktor ng modelong ito—ang
sambahayan at mga bahay-kalakal.
2. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay lumikha ng tatlong uri ng
pamilihan.
3. Ang pagkakaroon ng pamilihang pinansyal ay dahil sa
pagkakaroon ng kalabisan (surplus) sa pang-ekonomiyang gawain
ng mga sambahayan at bahay kalakal.
4. Sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal, maari ng magplano
ang mga sambahayan at bahay-kalakal para sa kanilang
hinaharap.
5. Dahil sa pamilihang pinansyal, ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay nagiging mahalagang gawain sa ekonomiya.
Tandaan
Tulad ng ikalawang modelo, ang paglago ng
ekonomiya sa ikatlong modelo ay nakasalalay sa
pagtaas ng produksiyon; gayunpaman, sa
ikatlong modelo, ang pamilihang pinansiyal ay
tumutulong na magdagdagan ang halaga ng
salapi na umiikot sa ekonomiya. Kapag lumaki
ang kapital ng bahay-kalakal, maaari na ring
lumaki ang kita nito at magkakaroon ito ng
kakayanang mag-alok ng mas maraming trabaho.
Ikaapat na Modelo: Ang Pamahalaan
1. Tatlo ang pangunahing aktor ng modelong ito—ang sambahayan, mga
bahay-kalakal, at ang pamahalaan.
2. Ang pamahalaan ay kumikilos tulad ng sambahayan sa pamilihan ng
kalakal at serbisyo, at tulad ng bahay-kalakal sa pamilihan ng mga
salik ng produksyon.
3. Ang pamahalaan ay hindi kailanman magbebenta ng mga likha nito.
Ang mga kalakal at paglilingkod na likha ng pamahalaan ay para sa
pagpapabuti ng kabuuang kalusugan ng pambansang ekonomiya.
4. Tinutustusan ng sambahayan at bahay-kalakal ang mga pampublikong
serbisyo, tulong pinansyal at subsidiyang ipinagkakaloob ng
pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
5. Ang pagbabayad at pangungolekta ng buwis ay isang mahalahang
gawaing pang-ekonomiya sa modelong ito.
Tandaan
Sa ikaapat na modelo, ang tatag ng ekonomiya ay
nakasalalay sa mga proyektong kayang itaguyod
ng pamahalaan. Mahalagang maging epektibo
ang paghahatid ng mga serbisyo publiko at pati
na din ang paraan sa paniningil ng buwis.
Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na hindi
makakabawas sa produktibidad ng sambahayan
at bahay-kalakal ang pagbabayad nito ng buwis.
Ikalimang Modelo: Panlabas na Sektor
1. Ang ekonomiya sa ikalimang modelo ay higit na mas malaki dahil hindi na
lamang ito tumutukoy sa ekonomiya ng isang bansa.
2. Sa ikalimang modelo, ang mga gawaing pang-ekonomiya ng iba’t ibang bansa
ay nakakaapekto sa mga gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa.
3. Dahil sa panlabas na sektor, mayroong mga bagong oportunidad ang
sambahayan at bahay-kalakal dahil mas malaki na ang mga pamilihan kung
saan sila maaring makipag-ugnayan.
4. Kinakailangan ng mga sambahayan at bahay-kalakal na palakihin ang
kanilang kakayahan at produktibidad dahil sila ay makakaharap ng
kompetisyon sa mas marami pang mga sambahayan at bahay-kalakal mula sa
ibang bansa.
5. Ang pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ay dalawang karagdagang
gawaing pang-ekonomiya sa modelong ito.
Maraming Salamat!
Sagutan ang Pagsasanay sa
Quipper
AP9_Q3_L1_SW1

You might also like