Aralain 1 Saligang Pangkasaysayan at Konteksto NG RA 1425

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 1

SALIGANG PANGKASAYSAYAN AT KONTEKSTO NG RA 1425

PAKSA
1. Batas Pambansa Bilang 1425

INAASAHANG MATUTUHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailalahad ang kasaysayan ng Pagkakabuo ng Batas Rizal at ang mga


mahahalagang probisyon nito.
2. Napaghambing at kontras ang mga pananaw ng pabor at kontra sa Batas
Pambansa 1425 gamit ang Venn Diagram.

PAKSA 1: INTRODUKSYON SA KURSO: BATAS PAMBANSA 1425


Sa unang aralin sa kurso sa Buhay at Gawa ni Jose Rizal, ang araling ito ay
nagbibigay ng talakayan tungkol sa makasaysayang konteksto at nilalaman ng Batas Rizal
at sinusuri ang mga kalagayang panlipunan, pampulitika at pang-ekonomiya sa Pilipinas
noong ika-19 na siglo. Ang pag-aaral sa konteksto ng kasaysayan ng Batas Rizal ay
nagbibigay-daan sa amin upang mas maunawaan ang mga nilalaman, makatwiran at
kahalagahan ng batas. Katulad nito, ang pag-aaral sa ika-19 na daigdig ay nakatutulong sa
pag-aaral ng buhay, mga gawa at ideya ni Dr. Jose Rizal dahil inilalagay ito sa kanya ng
naaangkop na konteksto.

Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal


Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng
paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan at
nasyonalismo kung para saan ang ating mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay.
Sa tulong ng batas na ito,nagpapaalala sa bawat Pilipino ang mga dugo’t pawis na inalay
ng ating mga bayani na maaaring maging inspirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa
pagpapatayo ng isang bansang matagumpay.

1
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas
Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilang basahin ang mga sinulat
ni Rizal aniya, “Ang impluwensya ng mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa mga pari
ngayon.”

Ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni Rizal.Kung


kaya, ang sinumang sumalungat sa batas ni Rizal ay para naring inaalis si Rizal sa kanilang
isipan.

Ang mga nobela ni Jose Rizal na NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO ay


naglalaman ng mga pahayag sa subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan, ang
sinaunang makabasa nito ay maaring mag-iba ang paniniwala o sumasalungat sa mga
tinuturo ng simbahan.

Mistulang may monopolyo ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung noong


panahon ng digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing kasabwat ng
hapon.

Ano nga ba ang Batas Rizal?


Ang BATAS REPUBLIKA 1425 na mas kilala sa tawag na “BATAS RIZAL” ay
pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose
P. Laurel. Bago ito napagtibayan noong Hunyo 12, 1956, dumaan ng batas na ito sa mga
umaatikabong debate sa loob ng senado at kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa
Kongreso na pinangungunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate
Bill 438 sa senado na pinangunahan naman ni Sen. Carlo M. Recto. Hindi nakakapagtaka
na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang
kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito.
Ang pagpapatupad nito ay naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang
proseso ang pinagdaan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang batas.

Ano ang Republic Act 1425?


Ang Republic Act 1425 o ang tinatawag na Rizal Law ay ang batas na nagdidikta sa
lahat ng mga paaralan sa buong Pilipinas na magbigay ng mga asignatura at kurso
tungkolsa buhay at mga gawa ni Jose Rizal. Ang buong titulo ng batas na ito ay An Act to
Include in the Curriculum of All Public and Private Schools, Colleges and Universities
Courses On the Life, Works and Writing of Jose Rizal, Particularly His Novel Noli Me
Tangere and El Filibusterismo, Authorizing the Printing and Distribution Thereof, and for
Other Purposes.

2
 Hunyo 12, 1956 – Pinagtibay ang Batas Republika Blg. 1425 at
tinawag itong BatasRizal.
 Ayon sa batas, dapat maging bahagi ng kurikulum lahat ng
pamantasan maging pampubliko at pambribadong paaralan ang
kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at naisulat ni Jose Rizal.

Batas Rizal: Sa Nakaraang 50 Taon


Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas
Rizal. Ngunit nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at
isinulat ni Jose Rizal upang makamit ang mga adhikain ng mga nagtaguyod
sa batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi nating naging
matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may
bantayog ni Rizal. Kilala siya sa lahat ng mga Pilipino bilang pambansang
bayani. Madalas din natin gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad
ng walang kamatayang “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.

Mga Karagdagang Babasahin:


Basahin ang “Batas Rizal” (RA 1425)
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1956/06jun/19560612-
RA-1425-RM.pdf

You might also like