Mapeh-Music 5 Q3 Las 3-4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Activity Sheet sa MAPEH

(MUSIC)
Quarter 3 – MELC 3 & 4
Anyong Strophic

REGION VI – WESTERN VISAYAS


MAPEH-5 (MUSIC)
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.”

Ang MAPEH-5 (MUSIC) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6
– Kanlurang Visayas.
MABUHAY!
Ang MAPEH-5 (MUSIC) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod City sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga
mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum
ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-5 (MUSIC) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani- kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-5 (MUSIC) Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang
matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Learning Activity Sheets (LAS) No. 3 & 4

Pangalan ng Mag-aaral:______________________Grado at Seksiyon:__________

Petsa: _____________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5 (MUSIC)

Anyong Strophic

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Nakalilikha ng isang strophic song na may 2 section and 2 verses


(MU5FO-IIIcd-3)

II. Panimula

Ano ang anyong strophic?


Ang strophic ay desinyo o istruktura ng awit na binubuo ng dalawa o higit pang
verses na inuulit ang tono o tunog sa bawat verse.
Upang makagawa ng awit na may dalawang verse na may apat na linyang anyong
strophic dapat tandaan ang istruktura o disenyo ng anyong ito.
Katulad ng anyong unitary na magkatugma sa mga duluhan ng bawat linya, maaari
din itong gawin sa anyong strophic at mas mainam ito kung makakaagawa ka ng
anyong strophic kung may kakayahang kang lumiha ng orihinal na himig.

III. Mga Sanggunian

Teachers Guide in Grade 5 Music


Curriculum Guide Grade V 2016, MELC 5, 2020
Halinang Umawit at Gumuhit 5 Mga May-Akda Hazel P. Copiaco,
Emilio S. Jacinto Jr.

IV. Mga Gawain

1. Panuto
Sumangguni sa Halinang Umawit at Gumuhit na Batayang Aklat ng
Mag-aaral pahina 52-55. Kung walang aklat, basahing mabuti ang mga
pagsasanay na makikita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa papel.
2. Pagsasanay/ Aktibidad

a. Tukuyin. Pag-aralan ang kanta at awitin para mas masagutan ang mga
tanong.

_______________1. Ano ang pamagat ng kanta?

_______________2. Ilang verse ang mayroon sa kantang Dandansoy?

_______________3. Ilang line ang mayroon sa kantang Dandansoy?

_______________4. Anong anyo o form ng musika ang awitin?

_______________5. Para kanino ang kantang ito?

b. Kilalanin. Pag aralan at awitin ang tono ng kantang Leron Leron Sinta.
c. Tuklasin. Hanapin sa loob ng Kahon ang nawawalang mga satita para mabuo
ang tula. Kantahin ang tulang nabuo gamit ang himig ng kantang “Leron Leron Sinta.

d. Subukin. Gumawa ng Anyong Strophic na may apat na linya at dalawang


versena may pamagat na “ Ang Pandemya”. Lapatan ng himig ng (Leron Leron
Sinta) ang mabubuong liriko ng awit. isulat ito sa loob ng kahon at Ipaawit sa mga
bata ang kanilang komposisyon.

Irecord at ipasa ito sa iyong guro. (Video o Audio)

3. Mga Batayang Tanong

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel.

a. Anong ang anyong Strophic?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

b. Paano ka nakalikha ng inyong komposisyon?

___________________________________________________________________-
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Di- Gaanong
Napakahusay Mahusay Mahusay
Kasanayan
(3 puntos) (2 puntos) (1 puntos)

1.Nakagawa ng apat na
linyang lyrics

2.Nakagawa ng sariling
himig

3.Akma ang titik sa


himig

V. Repleksiyon

1. Ano ang inyong naramdaman nang nakalikha kayo ng inyong sariling


komposisyon tungkol sa pandemya?

______________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like