Nena:Tay, asan po yung baon naming? Mang Ninyo:Ito nak oh, hati hati kayo diyan ha Jose:Sige po tay, dito na po kami Mang Ninyo:Ingat kayo mga anak Narrator:Nag simulang mag ayos si mang Ninyo para sa kanyang trabaho Aling maria:*binigay yung baon na pagkain* Huwag kang magpa gutom ha! Mang Ninyo:Nambola kapa! Sige na dito nako NARRATOR Ka-trabaho 1:Mang Ninyo, sa-sama ka kumain saamin? Mang Ninyo:Hindi na, may kailangan pa akong tapusin *Sa karinderya* Ka-trabaho 2:Ang sipag talaga ni Mang Ninyo, Ang swerte siguro ng pamilya nya Ka-trabaho 3:Sinabi mo pa, e minsan nga hindi na nakakakain si Mang Ninyo Narrator:Makalipas ang ilang oras di namalayan ni Mang Ninyo na pa-gabi na pala Ka-trabaho 1:Mang Ninyo, di kapaba uuwi? Mag ga-gabi na Mang Ninyo:Mauna na kayo, mag a-ayos pa ako Ka trabaho 1: Sige po mag ingat kayo Narrator:Habang nag lalakad si Mang Ninyo unti unting sumasama ang kaniyang pakiramdam.Nang makarating ng bahay si Mang Ninyo siya ay nag pahinga muna Aling Maria:Hay nako! Di nanaman kinain ni Ninyo angkaniyang baon Pedro:Nay, ok lang po ba si tatay? Aling Maria:Pedro nak,hindi ka paba sanay na lagging nag papahinga yang tatay mo pag tapos ng trabaho? Pedro:Alam ko naman na nag papahinga sya pag-ka galing trabaho pero parang may kakaiba talaga e Aling Maria:Hay nako hayaan mo na yang tatay mo pagod lang yan wag mo ng isipin Narrator:Isang araw ang nakalipas at napansin ni Aling Maria na matamlay si Mang Ninyo Aling Maria:Ninyo, anong meron bat ka matamlay? Mang Ninyo:Ah, wala pagod lang ako kahapon,Sige mag aayos nako ma hu-huli nako sa trabaho Aling Maria:Sige, ingat ka ha at kainin mo yung baon mo Narrator:Nag a-alala si Aling Maria dahil kadalasang masigla si Mang Ninyo bago pumuntang trabaho. NARRATOR Ka-trabaho 2:oh Mang Ninyo bat matamlay ka? Ka-trabaho 3:oo nga Mang Ninyo bat parang wala kang gana ngayon? Mang Ninyo:Nakulangan lang ako sa tulog Narrator:Pagka tapos ng trabaho habang nag lalakad si Mang Ninyo kakaiba ang kaniyang nararamdaman Kapitbahay:Kawawa naman si Mang Ninyo magdamag nag ta-trabaho para lang suportahan ang kaniyang pamilya Kapitbahay 2:Oo nga e, kanina nung papunta siyang trabaho mukha siyang walang gana. *sa bahay* Mang Ninyo:Dito nako Jose:Tay, sabi ni pedro matamlay kadaw kahapon anong meron? Mang Ninyo:Masama ang pakiramdam ko kahapon pa, wag mo sasabihin sa nanay mo ha baka hindi ako pag trabahuhin non. Narrator:Nakalipas ang ilang araw masama parin ang pakiramdam ni Mang Ninyo kaya sinabi niya na ito kay Aling Maria Mang Ninyo:Maria, Hindi na ata normal tong sakit ko.Naka ilang araw na hindi parin nawawala Aling Maria:Ano! Ilang araw na?! Bat di mo agad sinabi sakin, o sya pumunta na tayo sa doktor. *Sa ospital* Aling Maria:Doc, normal pa ba tong sakit ng asawa ko? Ilang araw na ang naka lipas hindi parin nawawala. Doktor:Nako misis hindi na normal yan, Siya ay may malalang kondisyon ang ibig sabihin nito ay may ilang araw nalang siya para mabuhay Mang Ninyo:Paano natin ito sasabihin sa mga bata Narrator:Pag dating nila sa bahay hindi nila alam kung paano nila ito sasabihin. Mang Ninyo:Mga anak may sasabihin ako sainyo… Aling Maria:Itutuloy mo ba talaga to? Mang Ninyo:Anak ko sila e kaya kailangan nila ito malaman Nena:Malaman ang alin tay? Mang Ninyo:Ilang araw nalang ang natitira bago ako mamatay Jose:Paano ito nangyari?! Mang Ninyo:Pangako niyo sakin na ililibing ko ako sa bakuran Pedro:Bakit po sa bakura tay? Mang Ninyo:Para matulungan ko parin kayo kahit wala na ako Narrator:Nakalipas ang ilang araw at si Mang Ninyo ay tuluyang namatay na.Hindi makapaniwala ang kanilang mga kamag anak dahil si Mang Ninyo ang pinaka matiyaga sa mga magkakapatid.Ilang buwan ang nakalipas napansin ni Nena na may tumutubo sa liingan ng kaniyang tatay Nena:Nay! Nay! Tig nan mo po may tumutubo sa libingan ni tatay Jose:Paano ito naging possible Pedro:Oo nga, e wala naman tayong tinatanim diyan Aling Maria:Naaalala nyo yung sinabi ng tatay niyo na tutulungan niya pa rin tayo kahit wala na sya? Ayan yun. Nakalipas ang ilang buwan lumaki at nagkaroon ng mga bunga ang puno ng niyog NARRATOR Aling Maria:Anu kaya itong bunga na to? Makuha nga at matignan Narrator:Binuksan sa kalahati ni Aling Maria ang niyog at Nakita niyang may tubig na laman ito, tinawag nya si jose para tikman ito Aling Maria:Jose!! Tikman mo nga itong tubig na to Jose:Ano yan nay at saan yan galing? Aling Maria:Galing to sa puno, tawagin natin itong “Puno ng Niyog” NARRATOR Jose:Mmm! Aling Maria:Masarap ba? Jose:Oo nay pwede mo ito i-benta Narrator:Tinikman din nila yung laman ng niyog at sila ay nasarapan din.Nakalipas ang ilang linggo nala-laglag ang mga dahon ng puno kaya naman sinubukan nila kung may pwedeng magawa ito. Pedro:Nay nagsisihulugan na yung mga dahoon sap uno ng niyog ano kaya ang pwedeng gawin dito Nena:Nay! Gawin mo pong walis tingting Aling Maria:Paano ito magiging walis tingting? Narrator:Itinuro ni Nena kay Aling Maria kung paano ito gawin.Ngunit marami pang natirang dahoon kaya naman nag isip si pedro kung ano ang pwedeng gawin.Napansin nya na pwede itong gawing bubong dahil ito ay Malaki naman at malapad.