Filipino 7 Quarter 1 Week 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

7 FILIPINO

Pabula: Natalo Rin Si Pilandok


(Mga Ekspresyong Nagpapahayag
ng Posibilidad)
Kwarter 1 Linggo 2

2
Pangalan: _____________ Petsa: __________
Baitang: _______________ Pangkat: ________
Pabula: Natalo Rin Si Pilandok
(Mga Ekspresyong Nagpapahayag
ng Posibilidad)
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
a. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
(F7PN-Ic-d-2)
b. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag o ekspresyong nagpapahayag ng
posibilidad (maaari, baka at iba pa) (F7WG-Ic-d-2)

Mga Kailangan Kong Gawin

Halina’t iyong alamin at sagutan nang buong husay at talino ang mga
gawaing inihanda para sa iyo para mahinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari
batay sa akdang napakinggan at magamit nang wasto ang mga pahayag o
ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad (maaari, baka at iba pa).
Ang pabula ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng
kwentong karaniwang nagtatampok sa mga hayop bilang mga tauhan. Kilala si
Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na
panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya
naman lagi siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang
mga nagawa niyang panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya
ang hayop na nakatalo sa kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang
hayop? At sa paanong paraan kaya niya natalo ang Pilandok?
Natalo Rin Si Pilandok
Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong
pilandok na magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig
at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa
gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring
makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga
mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok.
“Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa
maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang
aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng
pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo. Takot na takot ang
pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na

2
magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata.
“Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi
na tila awing-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging
pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka
mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito. “Kung gayon, ano ang gagawin ko?
Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo. “Ha! Matutulungan
kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-iisip. “Tao, tao
ang dapat mong kainin para mabusog ka.
Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong tiyak na makabubusog sa
iyo”. ang paniniyak nito. “Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?”
ang tanong ng baboy-ramo. “Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong
mundo,” ang sagot naman ng pilandok.
“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan
at pinalalaki ang kanyang dibdib. “Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng
iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong
sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo.
Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa
kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang
ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa
rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok. “Oo, basta, ako ang
bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng pilandok sa
baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa
isang talon. Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy.
Nakita nila ang isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng
talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na
sabi ng baboy-ramo. “Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t
hindi ka pa masisiyahan diyan,” ang sagot ng pilandok. “Kung gayon, saan natin
makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng baboy-
ramo. “Doon, sa gawing hilaga,” ang sagot ng pilandok.
Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang
lalaking nagtatanim. Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa
tulong ng baston. “Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko
niyan, payat at ni hindi ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo. “Tama ka,
kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang 9
iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang
muling sabi ng pilandok.
Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin
ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang
kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok. “Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na,
hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi ng pilandok sabay turo
sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.
“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin
pang kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,”
ang nakangising sabi ng pilandok. “Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,”
ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang mangangaso. Subalit nabigla
man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong nakabangon at napaputok
ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboyramo.

3
Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng
matinding uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang
naputol na pag-inom. Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang
maramdamang may sumunggab sa kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita
niya ang buwayang makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit sa
kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang umiinom sa
batis. Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang
matalinong pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya
makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na
sabi ng pilandok. Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong
naiisahan ni Pilandok kaya ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang patibong
ito ng pilandok.
Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang
ang kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa
isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ng pilandok.
Akmang susunggaban na sana nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang
mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya
ng matalinong pilandok Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya
ang isang suso. Dahil maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang
magyabang dito.
Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang
pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang pilandok.
Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang
kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw
na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang
kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila
dahil sa kanilang parehong-parehong itsura. Nagsimula na nga ang karera. Agad
umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto niya sa
kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya
nang magsalita ang suso.
“O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung
paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang
pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila 10
sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang
mga hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng
isang suso.
Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at
mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan
subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso. Kinamayan niya
ang suso at buong pagpapakumbaba niyang sinabi, “ Suso, kung sa paanong
paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako. Matalino ka nga.
Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa kong
panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop na nakarinig kay Pilandok.
Alma M. Dayag et. al., Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon, Pheonix Publishing House, 2017, 30-34

4
Paghahanda

Gawain 1
Panuto: Maghinuha at piliin ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakalahad sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang mangyayari kay Pilandok kung patuloy siyang manlinlang?

A. Yayaman si Pilandok.
B. Marami ang hahanga sa kanya.
C. Tutularan siya ng kanyang kapwa hayop.
D. Iiwasan siya ng mga nakakikilala sa kanya.

2. Ano ang kahihinatnan ni Pilandok kung hindi kumaripas ng takbo si baboy-ramo dahil
sa muntik na itong tamaan ng dalang riple ng isang mangangaso?

A. Ipakakain niya si Buwaya kay baboy-ramo.


B. Hahanapin niya si suso para ipakain kay baboy-ramo.
C. Tatakbuhan niya si baboy-ramo kung makakahanap ng pagkakataon.
D. Patuloy siyang hahanap ng paraan sa kung paano niya maiisahan si baboy-ramo.

3. Kung hindi natalo ni suso si Pilandok, ano kaya ang mangayayari?

A. Kakainin siya ni baboy-ramo.


B. Marami ang maaawa kay suso.
C. Pagtatawanan siya ni Pilandok.
D. Magpapatuloy ang panlilinlang ni Pilandok.

4. Kung hindi sana nagpadala si baboy-ramo sa pambobola ni Pilandok, ano kaya ang
mangyayari?

A. Maliligo sila sa batis.


B. Sabay silang maghahanap ng makakain.
C. Magiging magkaibigan na sila ni Pilandok.
D. Hindi na makaliligtas si Pilandok at ito ang magiging hapunan ni baboy- ramo.

5. Ano ang kahihinatnan kung hindi laging pinipigilan ng buwaya na uminom


si Pilandok s abatis?

A. Magiging magkaibigan sila.


B. Lilinlangin pa rin siya ni Pilandok.
C. Makaliligtas siya sa panlilinlang nito.
D. Bibigyan siya ng pagkain ni Pilandok.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang mga salita o mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad sa bawat
pahayag. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Maaring magpatuloy ang panglilinlang ni Pilandok kung hindi siya natalo ni suso.
2. May posibilidad kaya na magbago pa si Pilandok?
3. Sa tingin mo, posible kayang magkrus muli ang landas ni baboy-ramo at Pilandok?

5
4. Baka mahirap ng baguhin ang ugali ni Pilandok?
5. Siguro mas mabuti kung iiwasan nalang si Pilandok para walang mapahamak.

Pagiging Mas Mabuti

Gawain 1
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at magbigay ng hinuha batay sa magiging kalalabasan
nito. Isulat ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.
1. Kumuha ng palanggana si Aling Minda, hiniwalay niya ang mga puti sa may kulay na
damit. Nilagyan ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na
gagawin ni Aling Minda?

A. Lalabhan ang may kulay na damit.


B. Unang lalabhan ang puting damit.
C. Ilalagay ang puti at makukulay na damit.
D. Ibababad ng isang oras ang mga damit.

2. Gumising nang maaga si Miko. Naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme.


Siya ay___?

A. Papasok sa paaralan.
B. Maglalaro ng mobile legends.
C. Magsisimba kasama ng kanyang lola.
D. Sasama sa kanyang nanay para mamasyal sa mall.

3. Tuwing hapon umaga ay nagpapakain ng kanyang alagang baboy si Jules.


Pagkatapos niyang magpakain ay tinawag siya ng kanyang tatay para magdala ng
pala, kalaykay at panghakot sa lupa. Ano kaya ang gagawin niya?

A. Magsisbak ng kahoy.
B. Maglilinis ng palikuran.
C. Magsusunog ng mga dahon.
D. D. Gagawa ng plot para taniman

4. Si Justine ay naghahanda ng iluluto, ang sumusunod na mga sangkap ay itlog, asin,


mantika, sibuyas at kamatis. Ano kaya ang lulutuin niya?

A. Nilagang itlog
B. Scramble na itlog
C. Sunny side-up na itlog
D. Ampalaya na may itlog

5. Uminom ng mainit na kape si Tasyo nang madaling-araw, kinuha niya ang lambat at
nilabas ang bangkang de-motor.

A. Susunduin ang kanyangb bisita.


B. Maglalayag siya upang mangisda.
C. Pupunta sa kabilang isla para bumili ng ulam.
D. Mamasyal sa karagatan upang makalanghap ng sariwang hangin.

6
Gawain 2
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad. Isulat
ito sa sagutang papel.
1. marahil _______________________________________________________.
2. tila _______________________________________________________.
3. maaari _______________________________________________________.
4. siguro _______________________________________________________.
5. posible kayang ______________________________________________________.

Pagiging Dalubhasa

Gawain 1
Panuto: Basahin ang teksto at magbigay ng hinuha batay sa magiging kalalabasan ng mga
pangyayari.
Ang Madaldal na Pagong
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang
magkakaibigan. Sila ay si Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa.
Nagkuwentuhan sila at di-nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa.
“Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”, pakiusap ni Pagong Daldal.
“E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka
makakalipad?” wika ni Abuhing Gansa.
“Oo nga ano”, wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.
Teka, may naisip ako”, wika ni Puting Gansa. “Maisasama ka namin kung susunod
ka sa aking sasabihin.”
“Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”, wika ni Pagong
Daldal.
“Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa ang
magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo. Huwag na
huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalagpak sa lupa.
“O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong”, wika ni Puting
Gansa.
“Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitaw ka,
tiyak na lalagpak ka sa lupa.”
“Hindi ako magsasalita”, pangakong muli ni Pagong Daldal.
Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat
naman ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.
Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punongkahoy!
Waring nakaakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.
Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong.
Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!
“Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!
Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

7
Nagalit si Pagong Daldal. “Mga batang_______”
Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuluy-tuloy siyang
bumagsak sa lupa.
“Kaawa-awang Pagong!” nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa.

1. Ano ang mangyayari kay Pagong Daldal kung tinupad niya ang kanyang
pangako?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano ang posibleng mangyari kay Pagong Daldal mula sa kanyang
pagkakahulog?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Tutulungan kaya si Pagong Daldal ng mga bata na kanyang kinaiinisan?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong nang buong pangungusap gamit ang mga
salita o ekspresyong naghahayag ng posibilidad. Pagkatapos ay salungguhitan ang mga
salita o ekspresyong ginamit mo. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo ng kolehiyo?
______________________________________________________________
2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?
______________________________________________________________
3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?
______________________________________________________________
4. Mangingibang bansa ka kaya para doon na magtrabaho at tumira?
______________________________________________________________
5. Paano ka kaya makatutulong sa pagpapabuti ng iyong pamayanan kapag
nasa tamang edad at may kakayahan ka na?
______________________________________________________________

Mga Dapat Kong Tandaan

Ang pagbibigay hinuha sa kalalabasan ng isnag pangyayari ay mahalaga para


masukat o malaman kung ang mambabasa o tagapakinig ay may naunawaan sa kanyang
nabasa o napakinggan. Sa pagbibigay ng hinuha ay maaari nating gamitin ang mga
ekspresyong naghahayag ng posibilidad lalong-lalo na sa ating pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan kung hindi tayo tiyak o sigurado sa ating sasabihin para maiwasan ang
hindi pagkakaunawaan.

8
Sanggunian
Alma M. Dayag et. al., Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon, Pheonix Publishing House,
2017, 30-34, 45

Writer: Kimberly E. Dueñas


School: Matanao National High School
District: Matanao 1
Division: Davao del Sur
Illustrator: Jade F. Solis
District: Sta. Cruz South
School: Sta. Cruz Central Elem. School
Division: Davao del Sur
In House Editors
Content: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Language: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Layout:
School:
District:
Division:

9
Susi sa Pagwawasto

Paghahanda Pagiging Mas Mabuti


Gawain 1 Gawain 1
1. D 1. B
2. D 2. A
3. D 3. D
4. D 4. B
5. B 5. B
Gawain 2
6. Maaari
7. May Posibilidad kaya
8. Posible kaya
9. baka
10. siguro

Writer: Kimberly E. Dueñas


School: Matanao National High School
District: Matanao 1
Division: Davao del Sur
Illustrator: Jade F. Solis
District: Sta. Cruz South
School: Sta. Cruz Central Elem. School
Division: Davao del Sur
In House Editors
Content: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Language: Adelma D. Cudera
School: Sta. Cruz National High School
District: Sta. Cruz South
Division: Davao del Sur
Layout:
School:
District:
Division:

10

You might also like