Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KONSEPTO NG KARAPATANG PANTAO

Ang Karapatang Pantao at ang Pinagsimulan Nito

 Ang pagpapatupad sa karapatang pantao ay pamantayan ng isang maayos na lipunan o bansa dahil ito ang
nagbibigay ng dignidad sa bawat tao.
 Isang pangunahing prinsipyo na dapat igalang at pahalagahan ng lahat
 Likas na taglay ng bawat tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kamatayan
 Hindi ito hinihingi, pinagtratrabahuhan, o nabibili
 Hindi rin ito maaaring ipagkait o alisin sa isang tao dahil sa kanyang lahi o nasyonalidad, kulay ng balat, kasarian
o seksuwalidad, paniniwala, o wika.
 Ito ay pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at kalayaan ng bawat isa.

Konsepto ng karapatang likas - sumibol noong panahon ng sibilisasyong Griego at pinalawig ni Marcus Tullius Cicero na
isang manunulat at pilosopong Romano. Ang karapatan ng tao ay hindi nakadepende sa anumang batas o kasunduan na
maaaring bawiin o alisin.

John Locke - isang Pilosopong Ingles noong ika- 17 siglo. Ang tao ay likas na Malaya at pantay-pantay. Ipinaliwanag niya
ito sa kanyang aklat na Two Treatises of Government (1689).

 Sa ibang pananaw, sinasabing ang pagiging absolute ng mga karapatang likas ay maaaring may masamang dulot
sa lipunan.
 Itinuturing na isa sa mahahalagang karapatang likas ng tao ay ang paggamit ng kanyang sariling lakas sa
pagpapanatili ng kanyang sariling buhay o self-preservation.
 Hinahayaang gumamit ng anumang paraan ang sinuman upang mabigyan-proteksiyon ang karapatang ito.

Thomas Hobbes - isang pilosopong Ingles noong ika-17 siglo, dapat na limitahan ang mga karapatang likas batay sa
kasunduan o social contract ng mga mamamayan at ng mga namumuno o sovereign. Isusuko ng mga tao ang karapatan
niya kapalit ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan. Ipinaliwanag niya ito sa kanyang aklat na Leviathan
(1651).

Cyrus Cylinder - pinaniniwalaang dito unang nakita ang konsepto ng karapatang pantao. Gawa ito ni Cyrus the Great,
emperador ng imperyong Achaemenid (na ngayon ay bahagi ng bansang Iran) noong 539 BC. Nilalaman nito ang ilang
pahayag sa pagpayag ni Cyrus na makabalik ang ilang Hudyo sa kanilang lupain at mabigyan ng kalayaan sa paniniwala at
relihiyon. Idineklara sa artepaktong ito ang pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang lahi.

Sa imperyong Romano - isa sa mahahalagang batas na nagsasaad ng mga karapatan ng mamamayan ay ang Twelve
Tables o Law of the Twelve Tables na naisabatas noong 450 BC. Nilalaman nito ang iba’t ibang karapatan, pribilehiyo, at
responsibilidad ng mga mamamayan ng Imperyong Romano tulad ng tamang paglilitis sa hukuman, pagbabayad ng
utang, karapatan ng ama sa kanyang pamilya, at pagmamay-ari ng lupain at kagamitan.

Sa gitnang panahon naman naisabatas ang Magna Carta sa taong 1215. Nililimitahan nito ang kapangyarihan ng hari ng
Inglatera (na noon ay si Haring John) at ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga aristokratang panginoon. Inobliga
ng Magna Carta na isuko ni Haring John ang ilang kapangyarihang taglay niya at igalang ang legal na proseso ng
pagsasagawa ng batas.

 1679 - naging batas ang writ of habeas corpus (“produce the body” / dapat ihatid ang isang bilanggo sa korte at
magpakita ng sapat at kaukulang dahilan upang panatilihin sa kulungan ang indibidwal)
 1628 - naging inspirasyon ng Petition of Rights
 Dalawang beses nasuspende ang writ of habeas corpus, noong panahon ni dating pangulong Marcos (buong
Pilipinas) - Proklamasyon blg. 1081 at nang dating pangulong Duterte (Mindanao) upang masugpo ang
karahasang dulot ng rebeldeng pangkat na Maute sa lungsod ng Marawi - Proklamasyon blg. 216.

Saligang Batas ng Estados Unidos noong 1787 - binubuo ng unang sampung emyenda o pagbabago sa orihinal na teksto
ng dokumento. Isinasaad dito ang mga karapatan ng mamamayan at kung paano bibigyan-proteksiyon ang mga ito.

 Kalayaan sa pananampalataya
 Seguridad ng bawat mamamayan
 Karapatan sa patas na paglilitis

Rebolusyong Pranses - naganap sa Pransiya noong 1789. Pinatalsik si Haring Louis XVI at pinalitan absolutong monarkiya
na kanyang pinamumunuan ng isang republika. Inihayag ang “Declaration of the Rights of Man and the Citizen”. Bahagi
nito ang pagbibigay ng karapatan sa kalalakihan na bumoto at mamili ng kanilang mga kinatawan sa parlamento.

First Geneva Convention - mahalagang pagpupulong ang naganap noong 1864 na dinaluhan ng 12 bansang Europeo
tulad ng Belgium, Denmark, Espanya, Italya, Netherlands, at iba pa sa Geneva, Switzerland.

 Napagkasunduan sa kumbensiyon na ito na ang mga karapatang pantao ay hindi dapat isantabi sa kabila ng
digmaan.
 Higit na pinatibay ng kumbensiyon ang ugnayan ng mga estado sa mga mamamayan nito.

Mga Uri at Prinsipyo ng Karapatang Pantao

1. Karapatang Sibil - tumutukoy sa buhay, kalayaan, at seguridad ng bawat tao.


 Nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga tao anuman ang lahi, kasarian, edad, kapansanan,
nasyonalidad, relihiyon, o iba pang mga katangian.
2. Karapatang Pampolitika - karapatan ng tao na makibahagi sa gawaing pampolitika tulad ng pagboto,
pamamahayag, malayang pagsasalita, at pagtitipon-tipon.
 Ang isang mamamayang Pilipino ay mayroon lamang karapatang bumoto kapag siya ay nasa edad 18
pataas.
3. Karapatang Pang-ekonomiya at Panlipunan - mga karapatan na nagbibigay-daan sa pagpapaunlad ng buhay,
pamumuhay, at kabuhayan ng mga tao.
 Karapatang magtrabaho, karapatang makapagtamasa ng mga pangunahing pangangailangan, karapatan
sa pisikal at mental na kalusugan, karapatan sa seguridad sa lipunan, karapatan sa isang malusog na
kapaligiran, at karapatan sa edukasyon.

Ang mga Prinsipyo ng mga Karapatang Pantao na inilahad ng UN batay sa deklarasyon ng UDHR:

1. Universality at Inalienability
2. Indivisibility
3. Interdependence at Interrelatedness
4. Equality at Non-discrimination
5. Participation at Inclusion
6. Accountability at Rule of Law

Mga Instrumento ng Karapatang Pantao

Universal Declaration of Human Rights - naging batayan ng pagkakapantay-pantay ng mga tao at pagtataguyod ng
kaayusang pandaigdigan. Mayroong itong 30 artikulo.
Iba pang Kasunduan ukol sa Karapatang Pantao

1. International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (ICESCR) - sinisiguradong mapatibay at
maisulong ang mga karapatang pang-ekonomiya at panlipunan na nakasaad sa UDHR.
2. International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) - nagsusulong sa mga karapatang sibil at political
3. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women (CEDAW) - layunin nito na
magkaroon ng mga batas laban sa diskriminasyon at gayundin ay mapagtibay ang pagbabawal sa diskriminasyon
laban sa kababaihan.

Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987

Artikulo 3 - makikita dito ang mga karapatang pantao na isinusulong para sa mga mamamayang Pilipino

Saligang Batas ng Malolos (Malolos Constitution) ng 1899 - kinilala na ang kalayaan sa paniniwala at pagkakapantay-
pantay ng bawat relihiyon (Titulo III, Artikulo 5) at iba pang katipunan ng karapatan (Titulo IV, Artikulo 6 hanggang 32).

Saligang Batas 1935, Saligang Batas 1943, at Saligang Batas 1973 - mayroong mga probisyon patungkol sa karapatang
pantao.

You might also like