Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Batang magkapatid sa Nueva Ecija, binihag ng lalaki; 1-anyos na

bata, patay

Nasawi ang isang-taong gulang na bata sa isang hostage-taking sa Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, biglang
pinasok ng isang lalaki ang isang bahay sa Sitio Sagingan, Barangay Concepcion West,
Zaragoza, Nueva Ecija nitong Biyernes, pasado alas siyete ng gabi.

Hinostage ng lalaking may kutsilyo si Prince Rillan Sunga, isang taong gulang, at ang
kanyang walong-taong gulang na kapatid. Nakatakas ang kanilang ina at isa pang kapatid.

Inabot ng madaling araw kahapon ang negosasyon ng mga pulis sa hostage taker na si
Julius Cesar Ton, hanggang ginilitan niya ang mga bata.

Nang pumalahaw ang mga bata, napilitan na raw ang mga pulis na sumugod. Binaril at
napatay nila ang suspek.

Si Prince, dead on arrival na sa ospital, sa mismong araw ng kanyang kaarawan. Ang


kapatid na ginilitan din, nagpapagaling pa sa ospital.

Hindi makapaniwala ang tatay ng mga biktima.

"Masakit po sa damdamin talaga...paki-usap ko lang po, konting hustisya sa anak ko po,"


ani Rolando Sunga.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga awtoridad pero anila, ginawa raw nila
ang lahat para sagipin ang mga biktima.
Lalaking estudyante, nahuli-cam na iniuntog sa blackboard ang estudyanteng
babae sa Cebu

Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd-Region 7) ang viral video na


nahuli-cam ang suntukan ng ilang estudyante sa loob ng silid-aralan sa Jagobiao,
Mandaue City sa Cebu.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GTV "State of the Nation" nitong Biyernes, makikita
sa video na iniuntog sa blackboard ng isang lalaking mag-aaral ang isang babaeng
estudyante.

Nasundan ito ng pagsugod ng isang lalaking estudyante sa lalaking mag-aaral na nanakit


sa babae, at doon na nangyari ang suntukan.

Naganap ang insidente noong Lunes sa loob ng silid-aralan habang walang guro dahil
naka-emergency leave.

Ipinatawag na ng pamunuan ng paaralan ang mga high school student na sangkot sa


kaguluhan, gayundin ang kanilang mga magulang para alamin ang dahilan ng away at
mapag-ayos sila.

Ayon kay Rene Petancio, head teacher, hindi magkakasabay na ipinatawag ang mga
estudyante at mga magulang ng mga bata upang maiwasan na magkainitan ang mga
magulang.

Sinabi umano ng ama ng babaeng estudyante na 17-anyos, na dating nobyo ng kaniyang


anak ang lalaking nanakit na 19-anyos.

Selos umano ang dahilan kaya sinaktan ng lalaki ang kaniyang anak.

Desidido ang ama na sampahan ng kaso ang estudyanteng nanakit sa kaniyang anak.
Wala pang pahayag ang ibang sangkot sa gulo, habang magsasagawa ng imbestigasyon
sa DepEd Region 7, gayundin ang kapulisan.

Sinubukan na kunan ng pahayag ang lalaking estudyante na nanakit sa babae pero wala
umano ito sa bahay nang puntahan ng GMA Integrated News.

2 'cosmetic surgeon,' huli sa pagsasagawa ng clinical procedure kahit walang


lisensiya

Arestado ang dalawang babaeng nagpapakilalang cosmetic surgeon dahil sa pagsasagawa


nila ng mga clinical procedure kahit hindi lisensiyado sa lloilo City.

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing agad dinakip ng
National Bureau of Investigation -Western Visayas Regional Office ang mga target ng
kanilang entrapment operation sa Molo, Iloilo City, pagkabayad ng P10,000 na marked
money ng mga undercover.

Nakatakda sanang magsagawa ng nose lift procedure ang mga suspek sa ilan nilang
pasyente kahit wala silang PRC license.

Sinabi ng NBI na nagsumbong sa kanila ang ilang complainant na sumailalim sa clinical


procedure sa establisyemento.

Ayon kay Atty. Lito Magno, Assistant Director ng NBI, na inireklamo ng mga
complainant ang pagkakaroon ng skin at bacterial infection matapos magpasuri sa mga
suspek.

Sinampahan ng reklamong paglabag sa Medical Act ang dalawang suspek, na sumailalim


na sa inquest proceedings.
Hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang dalawang suspek.

You might also like