Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Ikatlong Markahan
Ikatlong Markahan - Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
( Ika-16 Hanggang Ika-20 siglo )
Aralin 19

I. LAYUNIN
Ang mga mag- aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago,
A. Pamantayang
pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Pangnilalaman
Transisyonal at Makabagong Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri
B. Pamantayan sa sa pagbabago, pagunlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Pagganap Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo)
C. Kasanayan sa Natataya ang mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan ng
Pagkatuto mamamayan sa pangkalahatan, at ng mga kababaihan, mga grupong
katutubo, mga kasapi ng caste sa India at iba pang sektor ng
lipunan
AP7TKA-IIIi- 1.18

1. Natatalakay ang mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan


ng mamamayan sa pangkalahatan, mga kababaihan, mga
grupong katutubo, mga kasapi ng caste sa India at iba pang
sector ng lipunan.
2. Naitatala ing ibat’ ibang karapatan
3. Naipapakita ang kasiglahan at pakikilahok sa mga talakayan.
C. Ang mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
II. NILALAMAN 3.2 Mga palatuntunang nagtataguyod sa Karapatan ng mamamayan sa
Pangkalahatan, at ng mga Kababaihan, mga Grupong Katutubo, mga
kasapi ng caste sa India at Iba Pang Sektor ng Lipunan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A, Sanggunian ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Modyul para sa Mag-aaral
B. Iba pang
Mga larawan, basahing teksto, bondpaper, pangkulay
KagamitangPanturo
FLASHBACK

Magbalik-aral sa nakalipas na aralin sa pamamagitan ng paghanap ng


mga uri ng pamahalaan sa loob ng kahon. Kapag nakita na ang mga
uri ng pamahalaan, bigyan ito ng maikling paliwanag.

IV. PAMAMARAAN
A.Balik Aral sa mga unang
natutuhan

(ENGISH: LITERACY)

B. Paghahabi sa layunin ng NEWS-SURI


aralin(Pagganyak)
Ang makikitang larawan ay isang viral online news mula sa Internet.
Unawain at bigyang pakahulugan ang naturang balita.

https://tinyurl.com/yapt56gw

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang ibig sabihin at pakahulugan ninyo sa balita?
2. Nakakita na ba kayo ng ganitong pangyayari?
3. Ano-ano ang iyong saloobin/damdamin kapag nakakakita kayo
ng ganitong pangyayari?

VIDEO-SURI

Papanoorin ng video clip ang mga mag-aaral tungkol sa mga paglabag


sa mga Karapatang Pantao.

https://tinyurl.com/ycu34lot

Pamprosesong Tanong:
C. Pag- uugnay ng mga 1.Ano ang ibig sabihin ng salitang karapatan? Karapatang Pantao?
halimbawa sa bagong aralin 2.Base sa napanood na video, ibigay ang ilan sa mga karapatan na
(Presentation) nalalabag o hindi natatamasa ng mga tao.
3.May maidadagdag ba kayong mga karapatan na kasalukuyang
tinatamasa ng mga mamamayan? Mga kababaihan? At iba pang
sektor sa lipunan?

MALAYANG TALAKAYAN
Tatalakayin ng guro ang mga palatuntunang nagtataguyod ng
karapatan sa Timog at Kanlurang Asya.

D. Pagtatalakay ng bagong PANGKATANG GAWAIN


konsepto at paglalahad ng
bago ng kasanayan No I Hatiin ang klase sa apat (4). Batay sa talakayan, pumili ng halimbawa
(Modeling) ng paglabag sa karapatang pantao, karapatan ng kababaihan at iba
pang sektor sa lipunan. Ipakita ang napiling paglabag sa karapatan sa
pamamagitan ng iba’t ibang masining na pamamaraan.
 Pangkat I – Role Play
 Pangkat II – Jingle
 Pangkat III – Poster
 Pangkat II – Spoken Poetry

Gagamit ang guro ng rubriks bilang batayan sa pagmamarka ng


Pangkatang gawain.
Pamantayan Napakahusay Katamtaman Nangangaila-
(5-4) (3-2) ngan pa ng
pagsasanay
(1)
Pagpapahayag ng Malinaw at Naglalahad sa Kakikitaan ng
konseptong mapanuri mga detalye na kakulangan ng
nauugnay sa paksa. ang pagkakalahad sumusuporta sa mga detalye na
ng mga detalye na paksa upang sumusuporta sa
sumusuporta sa malinang ang pangunahing
paksa upang Pangunahing ideya.
malinang ang ideya.
pangunahing ideya
Pagpapakita ng Malinaw, malakas Hindi gaanong Kailangan pang
kaisahan ng lahat at angkop ang malinaw at paghusayan ang
ng kasapi ng boses at may malakas ang paglalahad
pangkat. kaisahan ang boses
grupo ukol sa
paksa.
Kahusayan sa Napakahusay ng May Magulo at hindi
pagpapalutang ng pagbibigay ng Pagkakataong maintindihan
mensahe at konstraktibongmen hindi malinaw ang mensahe
pagkamalikhain. sahe na ang pagbibigay
binibigyang diin ng mensaheng
binibigyang diin

(MAPEH: MUSIC, ARTS)

E. Pagtatalakay ng bagong SEMANTIC WEB


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan No. 2. Isulat sa semantic web ang mga palatuntunan na nagtataguyod sa
karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan, at ng mga Kababaihan,
(Guided Practice)
mga Grupong Katutubo, mga kasapi ng caste sa India at Iba Pang
Sektor ng Lipunan

Pamprosesong tanong:
1. Bakit malimit pagsamantalahan at abusuhin ang mga karapatan
ng mamamayan?
2. Ano ano ang mga palatuntunang tumutulong dito?

F. Paglilinang sa Kabihasaan GRAPIKO-SURI


(Tungo sa Formative Assessment)
(Independent Practiced ) Ang ipapakitang grap ay nagpapakita ng bahagdan ng mga
kababaihang nakaranas ng pang-aabuso. Suriin ang grap at sagutin ang
mga katanungan sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong edad ng kababaihan ang karaniwang nakararanas ng
mga pang-aabusong sekswal, pisikal na pananakit at
pangkalahatang pang-aabuso?
2. Ilang bahagdan ng kababaihan na nasa edad 18-24 ang
nakararanas ng sekswal na pang-aabuso?

(MATH: NUMERACY)
Bilang isang mag-aaral, ano anong mga katangian ang sa tingin mo ay
dapat taglayin ng isang tao upang mapangalagaan ang kanyang mga
G. Paglalapat ng aralin sa pang
karapatan? Gumamit ng mga pang-uri sa pagbibigay ng mga
araw araw na buhay
katangian.
(Application/Valuing)
(FILIPINO: PANG-URI)
H. Paglalahat ng Aralin DUGTUNGAN TAYO!
(Generalization)
Dugtungan ang parirala upang mabuo ang konsepto ng pangungusap.

Kailangang bigyan ng halaga ang katayuan ng mga kababaihan,


matatanda, at mga bata sa lipunan sapagkat _____________________
________________________________________________________.
I. Pagtataya ng Aralin TAMA o MALI. Isulat ang titik T kung tama ang pahayag, at M kung
ito ay mali.
_____1. Pinaiigting sa kasalukuyan ang mga proyektong titiyak sa
pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan.
_____2. Ilegal para sa mga kababaihan ng Jordan ang paglahok sa
eleksyon dahil sa kanilang kasarian.
_____3. Sa India, mataas ang kalagayan sa lipunan ng kababaihan.
_____4. Sa Pakistan, dahil sa malakas na kilusan ng kababaihan, ang
mga kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa pamahalaan.
_____5. Taong 1994 nang magkaroon ng pagbabago ang kalagayan ng
mga kababaihan sa Sri Lanka.

Gabay sa Pagwawasto:
1. T 4. T
2. M 5. T
3. M

Magsaliksik tungkol sa mga samahang pangkababaihan na naitatag sa


J. Karagdagang gawain para Timog at Kanlurang Asya gayundin ang naging ambag ng mga
sa takdang kababaihan sa bansa at sa rehiyon
aralin(Assignment) SANGGUNIAN: ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp.259-
264

V. PAGNINILAY

A. Bilang mag- aaral na


nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong baa ng
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag- aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Itinalaga ng pamahalaan ang Commission on Human Rights (CHR) o Komisyon sa Karapatang Pantao na
syang nagtataguyod ng karapatang pantao na patas para sa lahat ng antas at uri ng mamamayan o lipunan. Ang
kanilang mga programa ay para sa nangangailangan ng legal na tulong para ipaglaban ang kanilang karapatan
sa hustisya.

NGO's (Non Government Organizations) na may mga programa na nagtataguyod sa karapatang pantao

1.VACC (Volunteer Against Crime and Corruption).

2.Gabriela (para sa mga kababaihan)

3.Ladlad

4.Abante katutuo Party List

5.KMU (para sa mga manggagawa

You might also like