Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino, Punto at Paraan ng

Artikulasyon, Morpolohiya: Mga Uri ng Morpema

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto:


1. Natatalunton ang ebolusyon ng alpabetong Filipino sa pamamagitan ng timeline.
2. Naitatampok ang pinakalutang na katangian ng bawat alpabeto sa pinagdaanang
kasaysayan nito.
3. Nasusuri ang mga salita batay sa mga uri ng morpema at nakakapagbigay ng mga tiyak
na halimbawa sa mga uri ng morpema.

Pagtalakay sa Paksa

Aralin 4.1: Ebolusyon ng Alpabetong Filipino


Katulad ng mga wikang Kastila at Ingles, mga simbolong Romano ang ginagamit
sa palabaybayang Filipino. Ngunit kaiba sa Ingles, konsistent ang paraan ng pagbaybay
sa Filipino. Sa ibang salita, bawat makabuluhang tunog o ponema ay inirereprisinta ng
isang letra lamang kapag isinulsulat.
Ang Dating ABAKADA
Noong panahon ng Pangulong Manuel L. Quezon ay binigyan-diin niya ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Nadama niya ang
pangangailangang ito sapagkat malimit na hindi niya makausap ang karamihan ng mg
Pilipinong iba’t iba ang wikang sinasalin. Hindi niya makausap ang mga ito sa wikang
Kastila. At lalong hindi rin sa wikang Ingles. Kayat nang sulatin ang Konstitusyon ng
1935, sinikap niyang magkaroon ito ng probisyon tungkol sa pagbuo ng isang wikang
pambansa.
Ganito ang sinasabi sa Konstitusyon ng 1935: “Ang Pambansang Asemblea ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagkaroon ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na mga pangunahing wika ng Pilipinas.”
Upang maitupad ang batas na ito, pinagtibay ng Kongreso ang Batas
Komonwelt 184 na nag-aatas na bumuo ng Institute of National Language o Surian ng
Wikang Pambansa na siyang magsasagawa ng pag-aaral kung alin sa mga
pangunahing katutubong wika ng bansa ang higit na karapat-dapat na maging wikang
pambansa.
At Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa.
Ngunit hinihingi rin ng batas na bago ipahayag ang napiling batayan ng wikang
pambansa ay kailangang mayroon na munang magagamit na aklat panggramatika sa
paaralan. Si Lope K. Santos, isa sa mga kagawad noon ng Surian ng Wikang
Pambansa, ang sumulat ng nasabing gramatika na nakilala sa tawag na Balarila ng
Wikang Pambansa.
Noon isinilang, batay sa Balarila, ang Abakada na binubuo ng 20 titik na gaya
ng mga sumusunod:
A B K D E G H I L M
N NG O P R S T U W Y
Sa dalawampung titik na ito’y lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang katinig.
Ang mga katinig ay may tig-iisang tawag at bigkas lamang na laging may tunog na a sa
hulihan. Gaya ng pagbaybay nang pabigkas sa mga salitang sumusunod:
Bote - /ba-o-ta-e/ titik - /ta-i-ta-i-ka/
Dahilan sa limitadong bilang ng mga titik ng Abakada, naging problema ang
panghihiram ng mga salita, lalo na sa Ingles na hindi konsistent ang palabaybayan.

Ang Alpabetong Filipino


Bilang bahagi ng pagpapalanong pangwika na may layuning mapaunlad ang
wikang Filipino tungo sa istandardisasyon ng sistema ng pagsulat, nagpalabas ang
Komisyon sa Wikang Filipino noong 2001 ng revisyon sa alpabeto at ispeling ng wikang
Filipino na pinamagatang 2001 Revisyon ng Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino na nakafokus sa gamit ng walong bagong letra ng alpabetong Filipino
(c,f,j,ñ,q,v,x,z).
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. Ang tawag sa mga letra ay ayon sa
bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila. Ang walong (8)
letra na dagdag ay galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa mga iba pang wika
A B C D E F G H I J K L
M N Ň NG O P Q R S T U V
W X Y Z

Pagbaybay
Pasulat Pabigkas
Salita boto /bi-o-ti-o/
bote /bi-o-ti-o/
titik /ti-ay-ti-ay-key/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
Roxas /kapital ar-o-eks-ey-es/

Akronim PSHS /pi-es-ets-es/


ARMM /ey-ar-em-em/
LANECO /el-ey-en-i-si-o/
FVR /ef-vi-ar/
GMA /ji-em-ey/

Daglat Bb. /kapital bi-bi/


Dr. /kapital di-ar/
Gng. /kapital ji-en-ji/

Simbolong Pang-agham/ Matematika


Fe /ef-i/
H2O /eych-tu-o/
Lb. /el-bi/
Kg /key-ji/
V /vi/

Tuntunin sa Panghihiram at Pagbaybay


1.Gamitin ang kasalukuyang lesksikon (salita) ng Filipino bilang panumbas sa
mga salitang banyaga. Kung anong mayroong mga salita sa Filipino iyon ang
ipanumbas sa mga salitang hiram.
Hiram na Salita Filipino
attitude ugali
rule tuntunin
ability kakayahan
west kanluran
school paaralan
electricity kuryente
shoe sapatos
book aklat
2. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
Nangangahulugang maaaring gamiting panumbas sa mga salitang banyaga ang mga
salitang magmumula sa iba’t ibang wika at diyalekto sa bansa.
Hiram na Salita Katutubong Wika
hegemony gahum (cebuano)
imagery haraya (tagalog)
husband bana (cebuano)
muslim priest imam (tausug)
robber kawatan (cebuano)
fast paspas (cebuano)
slowly hinay-hinay (cebuano)
drama dula (cebuano)

3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at


iba pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino. Dito ginagamit ang prinsipyo sa
Filipino na kung anong bigkas ay siyang baybay at kung ano ang baybay ay siyang
basa.
Kastila Filipino Ingles Filipino
cheque tseke centripetal sentripetal
litro litro commercial komersyal
liquido likido advertising advertizing
educacion edukasyon economics ekonomiks
coche kotse radical radikal
esquinita eskinita baseball beysbol

Iba pang wika Filipino


coup d’etat (french) kudeta
chinelas (kastila) tsinelas
kimono (japanese) kimono

4. Gamitin ang mga letrang C,N,Q,X,F,J,V,Z, kapag ang salita ay hiniram nang
buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
a. Pantanging ngalan
Quirino Canada Zamboanga City

b. Salitang Teknikal o siyentifiko


Cortex Marxism carbohydrate
Enzyme infrared xenon
quartz calcium x-ray

c. Salitang may natatanging kahulugang kultural


Cañao (Ifugao) ‘pagdiriwang’
Hadji (Maranao) ‘lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca’
Masjid (Maguindanao) ‘pook dalanginan’
Azan (Tausug) ‘unang panawagan sa pagdarasal ng mga Muslim

d. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi


binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog
bouquet rendezvouz lazze faire
champagne plateau monsieur

e. Salitang may international na anyong kinikilala at ginagamit


Taxi exit fax xerox

Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra

1.Mahahati sa dalawang grupo ang walong dagdag na letra sa alpabetong


Filipino: Ang mga letrang F,J,V,Z na may tiyak na fonemik na istatus sapagkat iisa
lamang ang kinakatawang tunog ng bawat isa; at ang mga letrang C,Ñ,Q,X na
itinuturing na redandant dahil maaaring kumakatawan ang bawat isa sa magkakaibang
yunit ng tunog o kaya’y sunuran ng tunog, tulad ng:
C = /s/ central --- sentral
/k/ cabinet --- kabinet
Ñ = /ny/ baño --- banyo
Q = /k/ queso --- keso
= /kw/ quarter --- kwarter
X = /ks/ extra --- ekstra
= /s/ xylophone --- saylofon

2. Ang mga letrang F,J,V,Z, lamang na may tiyak na fonemik na istatus ang
gagamitin sa ispeling ng mga karaniwang salitang hiram upang hidi masira ang tuntunin
ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra na katangian ng umiiral na sistema ng fonemik
na ispeling sa Filipino. Narito ang mga tiyak na tuntunin:
 Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Futbol, fraterniti, fokus, fasiliteytor, foto
 Gamitin ang letrang F kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. French fries, Francisco, flourine, faddul (Iba: maliit na burol)

 Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Sabjek, jaket, jornal, objek, bajet, jam
 Gamitin ang letrang J kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Jose, Japan, joules, majahid, hadji, jantu (Tausug: puso)
 Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Varayti, volyum, varyant, vertikal, valyu, vertikal
 Gamitin ang letrang V kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Valencia City, Victoria, Vector
 Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Bazar, bazuka, zu, ziper, magazin, advertayzing
 Gamitin ang ang Z kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Zamboanga, zinc, azan, rendezvouz, laizze faire

3. Ito naman ang mga tiyak na tuntunin para sa mga letrang C, Q, Ñ, at X:


 Panatilihin ang letrang C kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Calculus, carbohydrates, champagne, Carlos, chlorophyll
 Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may C, palitan ang C ng S
kung /s/ ang tunog, at ng letrang K kung /k/ ang tunog
Hal. Partisipant, sentral, sirkular, sensus, keyk, kard, magnetik
 Panatilihin ang letrang Q kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Quartz, Quirino, quantum, opaque
 Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may letrang Q, palitan, ang Q
ng KW kung ang tunog ay /kw/; at ng letrang K kung ang tunog ay /k/
Hal. Kwarter, korum, sekwester, ekwipment, kota, kerida
 Panatilihin ang letrang Ñ kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. El Nino, La Tondena, Malacanang, La Nina, Sto. Nino
 Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may letrang Ñ, palitan ang Ñ
ng mga letrang NY
Hal. Pinya, banyo, panyo, karinyosa, kanyon, banyera
 Panatilihin ang letrang X kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. axiom, xylem, praxis, Marxism, xenophobia, Roxas, fax, exit, taxi
 Kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X, palitan ng KS
kung ang tunog ay /ks/; at ng letrang S kung ang tunog ay /s/
Hal. teksto, eksperimental, taksonomi, eksam, seroks

Aralin 4.2: Morpolohiya: Mga Uri ng Morpema

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng


pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya
ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika,
ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang morpema.
Katuturan ng Morpema
Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha
naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na
kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang
hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o
isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping
{ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang
“marami ng isinasaad ng salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring
masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay
nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na
yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan.
May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit
malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.
Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad
ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na
yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod
na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring
maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na
ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema
May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang
pangungusap sa ibaba.
Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.
1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang
tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay
nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may
angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw,
Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil
nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito
ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng
mga sumusunod:
Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter
Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo
Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis
Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami
Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang


walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang
nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa
pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga
salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa
pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga
salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay
nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring
sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa
uring ito ang mga sumusunod:
Pang-angkop: na, -ng
Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema
May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa
kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o


ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang
ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang
salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito
sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay
makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang pambabae.” Samakatwid,
ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema:
{propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:
Doktora - {doktor} at {-a}
Senyora - {senyor} at {-a}
Plantsadora - {plantsador} at {-a}
Kargadora - {kargador} at {-a}
Senadora - {senador} at {-a}
Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit
ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang
ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga
ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong
mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil
nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng
sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:
bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}
kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}
2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-
ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:
tao silya druga payong jet
pagod tuwa pula liit taas
basa laro aral kain sulat
3. Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat.
Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema.
Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap sa kilos na
isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang
“gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:
mag-ina - {mag-} at {ina}
maganda - {ma-} at {ganda}
magbasa - {mag-} at {basa}
bumasa - {-um-} at {basa}
aklatan - {-an} at {aklat}
pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}

You might also like