Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

FIL 102 SCRIPT

Ang Haring Kuliglig at ang Leon


*1st scene (Grassland)*
Narrator: Isang hapon, habang masayang sumisipol si Haring Kuliglig, naparaan sa
kanyang harapan si Haring Leon. Tumatakbo nang mabilis si Haring Leon kaya natapakan
niya si Haring Kuliglig.
Kuligkilig: *Whistling*
Leon: *Tumatakbo at naapakan si Kuliglig*
Kuliglig: Aray ko Haring Leon! Ang sakit-sakit niyon ah! Dahil ba malaki kayo ay tapak-
tapakan niyo na ako? *Galit*
Leon: *Tumatawa mga 1 sec* O, nag rereklamo ka pa? Ikaw kasi ang haharang-harang
diyan eh. Tandaan mo, nagkamali ka yata ng binabangga mo. Ngayon pa’y sasabihin ko
sa iyo na ako ang pinakamalakas na nilalang sa buong mundo at maaring kong gawin ang
bagay na gusto.
Kuliglig: Patunayan mong pinakamalakas ka! Ngayon pa’y hinahamon na kita sa isang
digmann, kasama ang iyong mga tagasunod, gayundin ang sa akin!
Leon: Aba! Oo! Tinatanggap ko ang iyong hamon. Baka pagsisihan mo ito sa bandang
huli. Kailan mo gusting maganap ang digmaan?
Kuliglig: *In a serious voice *Sa darating na ikatlong araw. Pagdating ng bukang-
liwayway. Sa may paanan ng bundok na may kaingin.
Narrator: Sa pangatlong araw mula nang sila ay maghamunan, makikitang si haring
Kuliglig ay siyang nangunguna sa mga ibon at mga hayop na nakalilipad. Sa Haring Leon
naman ang nangunguna sa lahat ng mga hayop sa lupa.

*2nd scene (Kaingin ng bundok)*


Narrator: Katulad ng napagkasunduan, nag martsa sa kaingin si Haring Leon at ang
kanyang mga tagapasunod. Sa kabilang palad naman, na martsa din ang mga tagasunod
ni Haring Kuliglig.
Kuliglig: Ang kakalabanin natin ay mga hayop sa lupa! Puro malalaki! Pero kapag
gagamitin natin ang mga utak, matitiyak kong madadaig natin sila. Kaya ang bawat isa ay
kailangang mag-ingat at talasan ang mga mata at kilos. Ipakita natin na kaya natin silang
sirain. Naiintindihan ba Ninyo ang utos ko?
Narrator: Nakinig ang lahat ng kasama ni kuliglig. Pagkatapos, mabilis na lumipad si
Haring Kuliglig, kasama ang kanyang mga tagasunod.
Narrator: Sino kaya ang mananalo sa labanan? Ang malalaking hayop na magaling
sumipa, kumalmot o tumapak? O ang maliliit na insekto na umuugong, tumutuka at
kumakagat?
Leon: Nandyan na sila! Sipain niyo na!
Kuliglig at kasama: *Iwasan ang sipa ni Leon*
Leon at mga kasama: *Napagod sa kakasipa*
Kuliglig at kasama: Nanghihina sila! Sige, dapuan at kagatin sila! Huwag huminto
hanggang sila’y magmamakaawa!
Narrator: Nangyari ang dapat mangyari. Matagumpay nadaig nina Haring Kuliglig ang
mga kalaban dahil lalong dinagdagan ng mga tagasunod ang kanilang tapang at lakas
sapagsagupa sa mga hayop sa lupa. Nanalo ang mga insekto at natapos ang digmann.
Leon: *Maginoong sumuko* Haring kuliglig, kayo’y nanalo sa aking inihamong labanan.
Nararapat lamang na bigyan kayo ng kasiyahan. Mula ngayon, ang lahat ng mga ibon at
insekto ay magkakaroon na ng mga halaman at mabangong bulaklak sa lupa.
Samantalang kami at ang mga tagasunod ko ay masisiyahan na sa mga tira-tirahan dito
sa lupa!
Narrator: Masaya-masayang umuwi sina Haring Kuliglig, mga ibon at mga insekto at
nagdaos sila ng Sali-salo bilang pasasalamat sa kanilang tagumpay!
RACE and Nature from Transcendentalism to the Harlem Renaissance
Ni Paul Outka
Narrator: Nagwagi ng 2009 ALSE Biennial Prize para sa 'Pinakamahusay na Aklat ng
Ecocritism, ang aklat ni Paul Outka ay nagsusuri ng isang napapabayaan ngunit
pangunahing mahalagang isyu sa kritikal na pag-aaral ng lahi at ecocriticism: ang isyu ng
environmental racism. Nagtatanong siya kung paano naging racialized ang natural na
karanasan sa America mula sa antebellum period hanggang sa unang bahagi ng
ikadalawampu siglo at nakakakuha ng mga nakakahimok na bagong konklusyon. Gamit
ang mga teorya ng kadakilaan at trauma, ang libro ay nag-aalok ng isang kritikal at
kultural na kasaysayan ng lahi na linya ng fault line sa American environmentalism na
hanggang ngayon ay higit na naghahati sa mga white wilderness preservation group at
sa minorya na environmental justice movement. May binigay na sanasay ang isang
propesor sa Unibersidad ng Maine sa Farmington.
Prof. Gretchen Legner: "Ang aklat na ito ay may potensyal na baguhin ang ecocritical
scholarship, at marahil kahit na ang American environmental thinking, para sa mas
mahusay. Ito ay nangangako na gisingin tayo sa mga paraan na ang lahi at kalikasan ay
malalim na nakakasali sa kasaysayan at ideolohiya ng Amerika. Kapag nakikita natin ang
marilag na bundok , sabi ni Outka, gayundin ang 'kakaibang prutas' na nakasabit sa
puno. Habang nakikita natin na ang puting relasyon sa kalikasan ay nag-ugat sa
romantikong kahanga-hanga, habang ang African American na relasyon sa kalikasan ay
nag-ugat sa traumatikong rasismo ng pang-aalipin at ang resulta nito, pagkatapos ay
maaari tayong magsimula, bilang mga iskolar at mga environmentalist, upang yakapin
ang tunay na kumplikado ng landscape ng America."
Sense of Place and Sense of Planet: The environmental Imagination of the Global
Narrator: Ang sense of place and sense of planet ay nag-aanalisa ng relasyon sa pagitan
ng imahinasyong pandaigdig at ng etikal na komitment sa lokal na nangangalaga sa
kapaligiran. Ang ideya at mga sulatin patungkol dito ay nagsimula pa noong 1960’s
hanggang sa kasalakuyan. Pinagsama nito ang malalim na teoretikong talakayan na may
detalyadong pag-aanalisa ng nobela, tula, pelikula, computer software at mga na instol
na likhang sining mula sa US at ibang bansa na naisalin sa bagong ugnayan ng daigdig,
nasyonal at lokal na anyo ng kamalayan. Sa makabagong anyo ng porma pinagsama nito
ang alegorya, epiko at kabuoang tanawin ng planeta na may makabago at
postmodernismong stratehiya ng fragmention, montage, collage at zooming. Ayon kay
Bruce Robbins ng Colombia University.
Bruce: Sa mabilis na pag-unlad sa diskursong pangkapaligiran, ipinahayag ni Ursula Heise
ang bagong eko-kosmopolitanismo. Sinabi niya, "The book is nothing less-borders.”
Narrator: May parte sa libro na binaggit ng Ursula Heise na ginawa ang librong ating
pinaguusapan.
Ursula: “At the leading edge of a rapidly evolving environment discourse, Ursula Heise
announces the moment of a new eco-cosmopolitanism. Her visionary manifest that the
book is nothing that gathers the most politically serious and aesthetically challenging of
contemporary writers in order to take us beyond the reassurance of a return to mother
nature, beyond an ethics or an aesthetics of proximity, and to make real the possibilities
of an environmentalism without… gathers the most politically serious and aesthetically
challenging of contemporary writers in order to take us beyond the reassurance of a
return Mother Nature."
Narrator: May pinupunto din si Ursula Heise na kinakailangang pagtuonan ng pansin ng
mga kontemporaryong manunulat ang pag-aaaral patungkol sa pangkalikasan upang
malaman ang tunay na kahulugan nito.
Si Abakita
Fe Bermiso
*1st scene (Sa tabi ng isang ilog)*
Narrator: Ayon sa lolo at lola na tagakwento, si Abakita ay anak ng isang doctor. Nang
isinilang si Abakita, isang diwata ang kumuha sa kanya at pinalitan lamang ng katawan
ng saging. Naniwala naman ang ina na ang kanyang anak ay patay na. Ibinigay lahat ng
Diwata ang mga pangangailangan ni Abakita. Lumaki na siya ngayon at mas lalong
luminaw ang kanyang balat sa bahagi ng kanyang pwet.
Narrator: Isang araw, nang ang mag-asawa ay nagbakasyon sa lugar kung saan nakatira
si Abakita at ang kanyang ama-amahan, may nakita silang isang bata na naliligo sa ilog.
Maya-maya, nakita nilang muntik nang malunod ang bata.
Maria: Naku Samuel! Tulungan mo ang bata! Bilis! *Tumingin sa asawa*
Samuel: *Lumangoy patungo sa bata at pinunit ang damit para sa cpr*
Narrator: Nang pinunit nila ang damit nito, nakita nila ang balat na katulad na katulad
ng balat ng kanilang namatay na anak. Pinaghinalaan ng mag-asawa na ang niligtas
nilang bata ay ang kanilang sariling anak.
Abakita: Salamat po sa inyong tulong! Hindi ko na po iyon gagawin ulit at babalik na po
ako sa aking tahanan. *Nag bye bye*
Mag-asawa: Mag ingat ka sa pag-uwi mo! *Nag-tinginan sa isa’t isa*
Narrator: Hinayaan nilang makauwi siya sa kanilang bahay at bumalik sa lugar sa lugay
na iyon upang imbistigahan kung totoo bang namatay nan ga ang kanilang anak.

*2nd scene (Sa bahay ng mag-asawa)*


Narrator: May pinag-atasan ang ama sa paghukay ng kabaong ng bata. Natuklasan
nilang wala naman palang laman ang kabaong. Sa pagtataka, bumalik sila sa lugar kung
saan nakita nila ang bata. Nang dumating sila, ang tanong kumuha kay Abakita ay
natakot.
Maria: Nandito na tayo sa pinuntahan natin nung isang araw. May isang bahay pala
malipit sa ilog natin pinuntahan! *Nakita nila ang diwata*
Samuel: *Lumapit ang mag-asawa sa Diwata* Magandang araw saiyo mahiwagang
Diwata. Maari ba kaming mag-tanong sa iyo?
Diwata: *Hesisted pero sumagot rin* O-opo! A-ano po iyon?
Maria: *Nagtaka sa sagot ng Diwata* May bata ba kayong nakita malapit dito sa ilog?
Samuel: Oo, meron po bang bata na malapit na naninirahan dito?
Diwata: Pasensya na po, pero wala po akong nakitang bata sa tabing ilog.
Samuel: Ahh ganun po ba, paano kapag papasok ako sa bahay mo, mahiwagang Diwata?
Diwata: Wag po! Wala po talagang bata dito sa lugar na ito!
Narrator: Nagtaka si Abakita kung bakit maingay at may kaguluhan sa labas ng kanilang
bahay. Siya’y lumabas at nakita niya ang mga taong sumagip sakanya at mabilis niyang
niyakap ito.
Abakita: *Niyakap ang mag asawa* Maraming salamat po!
Mag-asawa: *Niyakap din nila si Abakita*
*3rd scene*
Narrator: Nang nakita ito ng Diwata, umiyak siya. Pagkatapos nito, sinabi niya ang
buong katotohanan tungkol sa bata. SInabi niya na kinuha niya si Abakita nang isinilang
ito at nilinlang lamang sila upang hindi malaman na inagaw sa kanila ang bata.
Narrator: Umiyak ang bata at nag-iyakan ang lahat. Ipinagtapat ng Diwata kay Abakita
na hindi siya ang tunay na magulang nito. Habang umiiyak, niyakap ni Abakita ang
kanyang ama-amahan.
Narrator: Pauwi na sana ang mag-asawa nang bigla silang tinawag ng bata at nagsabing
hintayin siya. Paharap sila sa anak habang tumatakbo itong papunta sa kanila. Niyakap
nila ang bata at isinama nila ito sa kanilang bahay. Doon nagtapos ang kuwento ni
Abakita.
Ang Bibe na nangingitlog ng Ginto
*1st scene (sa Farm)*
Narrator: May isang lalaki na maraming inaalagaang hayop kagaya ng pato, manok, bibe
at gansa. Isang araw, nakita at pinakain niya ang kanyang mga alagang hayop. May
nakita siyang isang pugad ng mga ito at siya ay nakakita ng isang gintong itlog dito.
Ngunit hindi niya alam kung alin sa kanyang mga hayop ang nangingitlog ng ginto.
Narrator: Kaya isang umaga, inobserbahan niya ang mga ito ngunit hindi pa rin niya
nalaman dahil hinayaan niyang umalis ang kanyang mga hayop. Ibinenta niya ang mga
gintong itlog at bumili siya ng maraming mga kagamitan. Ngunit kapag may ibang taong
humiram sa kanyang mga kagamitan ay hindi niya pinapahiram. Siya ngayon ay naging
madamot na sa mga kanyang mga gamit. Tuwing umaga siya ay nakakakuha ng mga
gintong itlog.
Narrator: Isang araw, nakita na niya ang bibe na ngingitlog ng gintong itlog. Kaya hindi
na siya makapaghintay na mangitlog ito. Gusto na niyang kunin ang lahat ng itlog. Kaya
dinakip niya ang bebe, pinatay at binuksan ang tiyan nito. Nanlaki ang kanyang mga
mata ng makitang wala ni isang itlog dito. Ngunit ngayon siya ay mayaman na.
*2nd scene (sa bahay ng lalaki)*
Narrator: Tuwing umaga, may isang matandang babae na nanghihingi sa kanya ng kanin
at tubig ngunit hindi niya ito binibigyan. Masyado siyang madamot. Isang gabi habang
siya ay natutulog siya ay nagising na nasusunog na pala ang kanyang tahanan. Walang
natira sa kanya ni isa. Dahil dito siya ulit ay bumalik sa pagiging mahirap.
Bersyon bilang 1. The Legend of the Maria Cristina Falls
ni Victoria J. Adeva

Narrator: Matagal nang panahon ang nakalipas, si Omaca-an, isang higanteng halimaw
na karnivorous ay nagmamay-ari ng Lake Lanao. Dahil kumakain siya ng mga tao at
hayop na naninirahan sa lupa at maging sa tubig, kakaunti lamang ang mga tao sa paligid
ng lawa. Dahil banta sa buhay ng mga tao ang nasabing halimaw, si Rajah Solaiman ang
unang nakalaban sa higante, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nagtagumpay at
ang pinakamasaklap, napatay siya. Pagkatapos, sumunod si Rajah Indarapatra upang
hanapin ang kanyang kapatid na si Solaiman. Hinarap ni Indarapatra ang halimaw na
kumakain ng tao, si Omaca-an at matagumpay siyang natalo.
Narrator: Nanatili si Rajah Indarapata ng ilang taon sa baybayin ng lawa upang hanapin
ang singsing ng kanyang kapatid. Tinanong niya ang mga hayop na nakilala niya at
lumalangoy pa nga siya sa tubig araw-araw at nag-iipon ng malalaki at maliliit na bato sa
ilalim ng tubig, ngunit hindi pa rin niya nakita ang singsing ni Solaiman. Ang Indarapata
ay lumikha ng isang sistema ng irigasyon na sumaklaw sa isang mahabang distansya na
kalaunan ay naging isang ilog (ngayon ay Ilog Agus) na may bahagi na bumaba sa isang
malalim na bangin (ngayon ay ang Maria Cristina Falls).
Bersyon bilang 2 The Legend of Maria Cristina Falls
Narrator: Mayroong dalawang magagandang kapatid na babae na nagngangalang Maria
(ang nakababata) at Cristina (ang nakatatanda) na nakatira malapit sa talon kung saan
matatagpuan ang sistema ng patubig ng Indarapata. Mahal na mahal nila ang isa't isa
hanggang sa ibinigay ni Maria ang lahat ng mayroon siya kay Cristina. Minahal din nila
ang kanilang kapwa gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili.
Narrator: Dahil si Maria at Cristina ay magaganda at kaakit-akit na mga dalaga,
maraming Datu at Sultan ang dumating upang hingin ang kanilang mga kamay sa kasal,
ngunit tumanggi ang magkapatid. Gayunpaman, may isang malungkot na anak ng isang
sikat na Sultan na nakatira sa isang lugar na malapit sa Lake Lanao Hindi niya mahanap
ang babaeng mahal niya talaga. Nilibot niya ang lawa hanggang sa makita niya ang
dalawang dalaga ng talon. Nainlove siya sa Maria at Cristina ngunit hindi alam ng
magkapatid kung sino ang tunay niyang mahal. Lumipas ang mga araw at napagtanto ni
Maria na mahal na mahal niya ang anak ng sultan, na labis na ikinalungkot niya at
pumunta siya sa tuktok ng talon at tumalon. Nang malaman ng kapatid niyang si Cristina
na patay na si Maria, pumunta rin siya sa tuktok ng talon at itinapon ang sarili sa
malalim na bangin.
Narrator: Nang matuklasan ng guwapong binata ang nangyari at matagpuan ang mga
bangkay, maingat niyang ibinaon ang mga ito sa ilalim ng talon at hindi na nag-asawa
hanggang sa namatay din. Pinangalanan niya ang talon, Maria Cristina, ayon sa
dalawang kapatid na mahal niya.

You might also like