Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XII KIDAPAWAN CITY DIVISION
J.P LAUREL CORNER QUIRINO STREET. KIDAPAWAN CITY

PANG ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO


Paaralan Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Kidapawan Baitang 9
Guro BRICXIE DAYNE A. LANCE Asignatura Araling Panlipunan
Petsa/Oras Feb 19, 2024 Markahan Ikatlo
I. MGA LAYUNIN
a. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
b. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing
kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
c. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

d. Tiyak na Layunin Nasusuri ang mga iba’t ibang paraan ng pagkukuwenta ng GNP/GNI.

II. NILALAMAN Pagsusuri ng Pambansang Kita ng Bansa


III. KAGAMITANG PANTURO Ekonomiks: Araling Panlipunan
Powerpoint presentation, aklat, manila paper, pentelpen
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro pp. 176- 180
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral pp. 176- 180
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin o Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
pagsisimula ng bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin MGA LETRA, IBUO MO!
 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Bawat grupo ay bibigyan ng mga pinaghalong letra.
 Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng isang minuto upang buuin ang mga salita.
 Ipapaskil ng bawat grupo ang mga nabuong salita sa pisara. Bibigyan ng sampung puntos
ang bawat miyembro ng pangkat kung wasto ang sagot.

1. DUSINTIRAL IIONGR CPRAPOHA (Unang Pangkat)

2. RFTOCA CMEINO PCPAORHA (Ikalawang Pangkat)

3. IAFLN PXNEIDETURE (Ikatlong Pangkat)

4. SGOSR ANTNOAIL DURPOTC (Ikaapat na Pangkat)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ano sa tingin ninyo ang koneksyon ng mga ito sa tatalakayin natin ngayong hapon?
sa bagong aralin
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pangkatang Gawain: REPORTING!
at Paglalahad ng bagong
kasanayan #1  Sa parehong pangkat, bibigyan ng “task card”, manila paper, at pentel pen ang bawat
grupo.
 Bibigyan lamang ng sampung minuto ang bawat grupo para sa paghahanda.
 Isusulat ng bawat grupo ang mga mahahalagang impormasyon sa ibinigay na manila
paper.
 Ang bawat grupo ay bibigyan ng tatlong minuto para sa pag-uulat.

Group 1

 Industrial Origin Approach


 Final Expenditure Approach
a. Gastusin ng Personal na Sektor
b. Gastusin ng Gobyerno
Group 2
c. Gastusin ng Kompanya
d. Gastusin sa Panlabas na Sektor
e. Net Primary Income from Abroad
f. Statistical Discrepancy
Group 3
Factor Income Approach
a. Kita ng Gobyerno
b. Kita ng Entreprenyur at Ari- arian
c. Kita ng mga Empleyado at Manggagawa
Group 4
d. Kita ng korporasyon o Kompanya
e. Capital Consumption Allowance
f. Indirect Business Taxes

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Paglalahad ng Ang guro ay magbibigay ng mga katanungan para sa pagtatalakay.
bagong kasanayan #2
Unang Pangkat:
 Ano ang mga tatlong sektor na kailangang pagsamahin upang makuha ang GDP?
– Agrikultura, Industriya at Serbisyo.
 Anong sektor naman ang idinagdag upang makuha ang GNP/ GNI? – Net Primary
Income from Abroad
Ikalawang Pangkat:
 Sa Net Primary Income from Abroad. Ano ang tawag kapag mas malaki ang kita ng
mga Pilipino? - Positibo
 Kapag mas mataas ang kita ng mga dayuhan, ano naman ang tawag dito? - Negatibo
Ikatlong Pangkat:
 Ano ang mga halimbawa ng mga pinagmulang kita ng gobyerno sa isang bansa?
- Ibinabayad na Buwis, mga Interes sa Pagpapautang, Kita ng Stocks ng
Korporasyon at Negosyo na Pag-aari ng Gobyerno
Ikaapat na Pangkat:
 Ano ang tawag sa proseso kung saan inilalaan ang pondo para sa pagbili ng bagong
makina at gusali upang mapalitan ang mga lumang makina at gusali na unti-unting
nasisira at naluluma? - Ang tawag sa prosesong ito ay "depreciation" o depresasyon.
F. Paglinang sa Kabihasaan • Anu-ano ang mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita? Paano ito naiba sa isa’t isa?
• Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita?
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw na pamumuhay Bilang isang mag aaral o mamamayan ng ating bansa, paano ka makakatulong upang
mapalago o mapataas ang ating pambansang kita?
H. Paglalahat ng aralin Bakit mahalagang maintindihan ang mga ibat ibang paraan ng pagkwenta ng GNP o GNI?
I. Pagtataya ng Aralin Sa isang sangkapat na papel, suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung
wasto ang pahayag at MALI kung hindi.

1. Ang expenditure approach ay paraan kung saan sinusukat ang halaga ng kabuuang paggawa
at pagkonsumo ng buong bansa. - TAMA
2. Sa income approach ay hindi maaaring isama ang subsidyo. - MALI
3. Ang depreciation ay dapat ibawas sa income approach dahil ito ay naluluma na. - MALI
4. Ang expenditure at income approach ay ginagamit upang malaman ang kita sa lokal na
bansa. – TAMA
5. Ang kita mula sa buwis na pinapataw sa sapatos at damit ay isinasama sa income approach.
- TAMA

J. Takdang-Aralin at Mga Karagdagang Gawain Sa isang kalahating papel, ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Industrial Origin
Approach, Final Expenditure Approach, at Factor Income Approach gamit ang triple venn
diagram.

Industrial
Origin Approach

Final Factor
Expenditure Income
Approach Approach

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at superbisor?
Anong kagamitang panturo ng aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Petsa : ______________________ Iniwasto : MIGUEL OLIVER B. WAMAR, T-III


Cooperating Teacher

You might also like