Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Kabataang Mamamahayag, Nagpakitang Husay sa First Congressional District

Schools Press Conference"


Ni: Kerstel H. Silano
Umarangkada sa unang pagkakataon ang inaabangang laban, ang First
Congressional District Schools Press Conference na ginanap sa Manolo Fortich
National High School noong ika-19 ng Enero, 2024 na nilahukan ng mga Kabataang
mamamahayag mula sa lungsod ng Manolo Fortich, Libona, Talakag, Baungon at
Malitbog.
Ayon kay dating Kongresista sa unang Distrito ng Bukidnon na si Gng. Malou
Acosta-Alba na ang malawakang pagbabasa ay maging daan sa pag-unlad ng
komunidad alinsunod sa kanilang ipinatupad na programang “Mission ALBA-Advocacy
for Literacy Building and Acceleration”.
Dahil dito, nabigyan ng pag-asa at kumpyansa ang mga kalahok sa iba’t ibang
kategorya ng pagsulat. Kabilang sa mga kategorya ng laban ay pagsulat ng lathalain,
balitang pampalakasan, pagsulat ng editorial, pagsulat ng balita, pagguhit sa editorial,
broadcasting at ang punakabago sa lahat ang online publishing.
Dumalo sa patuntunan ang mga kahanga-hangang pinuno ng Dibisyon ng
Bukidnon. Kabilang dito ang Public Schools District Supervisor, Dr. Neil A. Improgo at
mga batiking mga guro na magsisilbing hurado sa bawat larangan.
Hinihikayat ang mga kabataang mamamahayag na maging tagapagdala ng
katotohanan at naaayon sa panahon ang pagbabalita.
Ang programa ay winakasan sa pamamagitan ng paghayag ng mga nagwagi sa
patimpalak. Isang malaking karangalan ang nakamit ng isa sa mga mag-aaral ng
Kalugmanan Elementary School na si Kerstel H. Silano na nagwagi sa ikalawang
pwesto sa pagsulat ng balita.

You might also like