Aralin 1 - Retorika-1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM

Departamento ng mga Wika at Humanidades

ARALIN 1

Retorika
BENEDICT Q. TORDILLOS
Instraktor
Nilalaman
1. Retorika
1.1 Kahulugan at Katangian
1.2 Kasaysayan
1.3 Kahalagahan
1.4 Saklaw ng Retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA FILI102: Retorika


Lesson Learning Outcome/s:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng
kakayahan na:
a. Maipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
retorika at balarila sa pagpapahayag sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA FILI102: Retorika


Retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


Kahulugan ng Retorika
• Salitang Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay
isang tagapagsalita sa publiko (Badayos, et al.,
2007).
• Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa
kaakit-akit, kaigaigaya, at epektibong
pagsasalita at pagsulat.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


Retorika
• Sining na maayos na pagpili ng wastong salita sa
loob ng isang pahayag upang maunawaan,
makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o
bumabasa (Panganiban).

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


Sa website na http://www.gsu.edu , matutunghayan ang mga iskolarling depinisyon ng retorika.

“Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng lahat ng


abeylabol na paraan ng panghihikayat sa ano
mang partikular na kaso.” Aristotle

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


“Retorika ang art of winning soul sa
pamamagitan ng diskurso.” Plato

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


“Ang retorika ay pagpapahayag na
dinisenyo upang makapanghikayat.” Cicero

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


“Ang retorika ay sining ng mahusay na
pagsasalita.” Quintillian

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


“Ang retorika ay isang estratedyik na
paggamit ng komunikasyon, pasalita o
pasulat, upang makamit ang mga
tiyak na layunin.” The Art of Rhetorical
Criticism

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Retorika


Sa Style ni Propesor Frank L. Lucas
ay mababasa naman ang mga
katangian ng mahusay ng
pahayag na ayon sa kaniya ay
nananatili at hindi nababago sa
pagdaan ng panahon.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Katangian ng Retorika


Katangian ng Mahusay na Pahayag
1. Matapat. Huwag baguhin ang ideya.
2. Malinaw. Huwag lituhin ang mga mambabasa
3. Tiyak at matipid sa sasabihin. Huwag paligoy-ligoy.
4. May barayti. Gamitan ng paiba-ibang paraan ng
pagpapahayag.
5. May sangkap ng talino, sigla, tuwa at imahinasyon.
Nakadadagdag sa mas mahusay na pagpapahayag.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Katangian ng Retorika


Pahapyaw na
Kasaysayan

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Tatlong (3) yugto sa pag-aaral ng
Kasaysayan ng Retorika
1. Klasikal na Retorika
2. Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
3. Modernong Retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Klasikal na Retorika
Panahon Sino Pangyayari
/ Lugar
• Ama ng Oratoryo sa Griyego
• Ang pagkakatatag ng mga demokratikong institusyon
Homer ay nagtakda sa lahat ng mga mamamayan ng
pangagailangan ng serbisyong publiko.
• Pangkat ng mga guro na nakilala at nagsikap upang
510 BC Sophist gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga
(Athens) tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining.
• Kauna-unahang Sophist
• Nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo sa
Protag kanyang mga mag-aaral kung paanong ang mga
oras
mahihinang argumento ay magagawang malakas sa
isang pahayag o talakayan.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Klasikal na Retorika
• Tagapagtatag ng retorika bilang isang
Ikalimang agham.
siglo Corax ng Syracuse • Ang retorika ay artificer o persuasion at
umakda ng unang handbuk hinggil sa sining
ng retorika.

Maestro ng retorika
• Tisias • Isang mag-aaral ni Corax; mula sa Syracuse
• Gorgias • Nagmula sa Leontini na nagpunta sa Athens.
427 BC • Thrasymachus • Nagmula sa Chalcedon na nagturo sa
(Athens) Athens.
• Una sa itinuturing na Ten Attic Orators
Antiphon • Kauna-unahang nagsanib ng teorya at
praktika ng retorika.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Klasikal na Retorika
• Una sa itinuturing na Ten Attic Orators
Antiphon • Kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika.

• Dakilang guro ng oratoryo


Isocrates • Nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-
aral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal.
• Pilosopong Griyego
• Tinutulan ang teknikal na pagdulog sa retorika.
Plato • Binigyang-diin ang panghihikayat kaysa sa katotohanan sa
Ikaapat na
akda niyang Gorgias at tinalakay ang mga simulaing
siglo BC
bumubuo sa retorikal na sining sa Phaeddrus.
• Pilosopong Griyego
• Ang tungkulin ng retorika hindi bilang isang panghihikayat
kundi ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan
Aristotle ng katotohanan at hindi ng panghihikayat sa pamamagitan
ng apila sa emosyon. (akdang Rhetoric)
• Counterpart o sister art ng lohika ang retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Klasikal na Retorika
• Tinaguriang dakilang maestro ng retorikal at
praktikal na retorika.
Roma Cicero at • Umakda ng On the Orator,Institutio Oratoria at The
Quintillan Training of an Orator na hanggang sa kasalukuyan
ay ipinapalagay na masusing pagdulog sa mga
simulain ng retorika at sa kalikasan ng elokwens.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
Panahon Sino Pangyayari
/ Lugar
• Ang retorika ay isang sabdyek ng trivium o tatlong
sabdyek na preliminary ang pitong liberal na sining
sa mga unibersidad.
1. Aritmitika
Ika-5-7 2. Astronomiya
siglo 3. Geometry
4. Musika
5. Gramatika
6. Lohika
7. Retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
Panahon/ Sino Pangyayari
Lugar
Tatlong Iskolar
1. Martianus Capella • Awtor ng isang ensayklopidya ng pitong
liberal na sining.
2. Flavius Magnus Aurelius • Isang historyan at tagapagtatag ng mga
Cassiodorus monasteryo na umakda ng Institutiones
Divinarium et Humanarum Lec-tionum.
3. San Isidore ng Seville • Kastilang arsobispo
Ika-5-7 siglo Nagkompayl ng isang akdang
ensayklopedik tungkol sa ancient world.
• Sa panahong ito, ang retorika ay
nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa
tinatawag na tatlong “artes”
1. Paggawa ng sulat
2. Pagsesermon
3. Paglikha ng tula

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
Panahon Sino Pangyayari
/ Lugar
• Ang retorika ay muling binatay sa pag-
aaral nina Aristotle, Cicero, at Quintillian
• Retorika ay pakulti ng pagtuklas ng
Aristotle abeylabol na paraan ng panghihikayat sa
Ika-14-17 anumang partikular na kaso.
siglo Cicero • Ang retorika ay pagpapahayag na
dinisenyo upang makapanghikayat.
Quintillan • Ang retorika ay sining ng mahusay na
pagsasalita.
Thomas Wilson • Nalikha ang The Art or Crafte of Thethoryke
• Inglaterong punungguro at manunulat

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
Panahon Sino Pangyayari
/ Lugar
Pierre de
Courcelles at
Adre de • Retorisyanong Pranses
Ika-16 Tonquelin
siglo • Itinakdang sabdyek ang retorika sa mga
kolehiyo at unibersidad na may kalakip na
pagsasanay sa publiko at mga kumpetisyon
na nakatulong upang panatilihing buhay
ang praktika ng retorika.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Modernong Retorika
Panahon/ Sino Pangyayari
Lugar
Ika-18 siglo • Nabawasan ang importansya ng retorika.
Mga akdang naging popular:
1776 George • Teologong Scottish
Campbell • Philosophy of Rhetoric
1783 Hugh Blair • Paring Scottish
• Lectures on Rhetoric
1828 Richard Whately • Britong eksperto sa lohika
• Rhetoric

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Modernong Retorika
Panahon Sino Pangyayari
/ Lugar
• Muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal
Retorika.
• Mga modernong edukador at pilosopong
Ika-20 nakagawa ng mga mahahalagang
siglo kontribusyon.
I.A. Richards • Britong kritiko (literatura)
Kenneth Duva Burke • Amerikanong kritiko ng literatura.
at John Crowe Ramson

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kasaysayan ng Retorika


Kahalagahan
ng Retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kahalagahan ng Retorika


1. Kahalagahang
panrelihiyon
• sa mabisang panghihikayat
ay napapapanatili ng mga
samahan ang kanilang
mga miyembro at
nakahihikayat din ng iba
pang makinig at sumang-
ayon sa kanilang
pinaniniwalaan.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kahalagahan ng Retorika


2. Kahalagahang
pampanitikan
• nakapagpapalutang ang
mga manunulat ng
kanilang layunin na
mapahalagahan ng
indibidwal ang kanilang
karanasan.
• napapasok ng panitikan
ang kamalayan ng bawat
nilalang.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kahalagahan ng Retorika


3. Kahalagahang pang-
ekonomiya
• nakatutulong nang malaki
sa paghikayat sa mga
mamumuhunan at maging
ang mga tagabili upang
mapalago ang anumang
negosyo o anumang
usaping nauugnay sa
ekonomiya.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kahalagahan ng Retorika


4. Kahalagahang
pampulitika
• mahalagang maiparating
nang mabisa ng mga pulitiko
ang anumang programa at
plataporma na kanilang
ihahain sa madla.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Kahalagahan ng Retorika


Saklaw ng
Retorika

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Saklaw ng Retorika


1. Sining
• Gumagamit ng simbolo at
imahinasyon upang
bigyan-buhay ang ideya at
akitin ang kanyang
tagapakinig o
mambabasa.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Saklaw ng Retorika


2. Pilosopiya
• Ipinapakita na ang mga
argumento ay padron ng
sensibilidad at katwiran
upang maunawaan ng
iba.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Saklaw ng Retorika


3. Lipunan
• Ang bawat tao ay bahagi
ng lipunan kaya’t hindi niya
maiiwasang magpahayag
ng kanyang saloobin ukol
sa mundong kaniyang
ginagalawan.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Saklaw ng Retorika


4. Wika
• Pangunahing behikulong
ginagamit sa
nararamdaman at naiisip.

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA Saklaw ng Retorika


Supplemental Learning Materials
Basahin ang mga nasa link
• Aristotle- https://www.britannica.com/biography/Aristotle
• Cicero- https://www.britannica.com/biography/Cicero
• Marcus Fabius Quintilian-
https://www.acsu.buffalo.edu/~duchan/new_history/ancient_history/quintilian.ht
ml
• Plato- https://www.britannica.com/biography/Plato
• Quintillian- https://cdn.britannica.com/58/181058-050-9CC9F60F/Marcus-Tullius-
Cicero-detail-marble-bust-Capitoline.jpg

Panoorin ang nasa link


• Retorika- https://www.youtube.com/watch?v=vtBX4GeCLgg

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA FILI102: Retorika


Sanggunian
Bendalan, N.M.B. (2018). Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag at
Pagsasalin para sa mga Milenyal. Quezon City: Wiseman’s BooksTrading, Inc.

Bernales, R.A. et.al. (2018). Retorika: Ang Sining Pagpapahayag. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.

Mabait, M.A. (n.d.). Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika. PDF Slide. Retrieved from
https://pdfslide.tips/documents/pahapyawnakasaysayanngretorika-140708035822-
phpapp01pptx.html?page=1

ARALIN 1: RETORIKA AT BALARILA FILI102: Retorika


ARALIN 1

Maraming Salamat!
BENEDICT Q. TORDILLOS
Instraktor

You might also like