Bagong Guro-Bagong Turo-Richard

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BAGONG GURO-BAGONG TURO, Picaza,

kauna-unhang Master Teacher sa Guam


ES.

│Sa kabila ng lungkot ng ilan sa pag-alis ng


ibang guro sa Guam Elementary School,
hindi naman maikakaila ang tuwang
handog ng bagong mukha sa paaralan.
Magkakaroon nanaman ng bagong
inspirasyon ang mga mag-aaral upang
pandayin at linangin ang kanilang galing
tungo sa pagkamit ng kanilang pangarap.

Ganap ng bahagi si G. Richard S. Picaza sa Guam ES. Itinalaga ang guro


bilang Master teacher-1 sa nasabing
paaralan. Siya ay gurong nagmula sa
mababang paaralan ng San Mariano Sur,
San Guillermo, Isabela at nagsilbi bilang gurong tagapamahala sa loob ng
pitong taon sa kanyang dating paaralan.

Kilala si G. Picaza sa kanyang husay sa larangan ng pagtuturo. Naging


bahagi siya sa Radyo Eskwela sa Isabela at nagsilbing aktibong Script writer
para sa panghimpapawid na pagtuturo noong panahon ng pandemya. Dahil
dito siya ay nakatanggap ng titulong Gawad UMALOHOKAN.

Siya ay naging aktibo sa


pananaliksik at kabahagi sa iba’t-ibang
programa ng kanyang departamento kaya
siya ay itinanghal na Most Oustanding
Teacher sa Taong 2023.

Nangako Si G. Picaza na
gagampanan ang tungkulin para sa
ikakaunlad at ikabubuti ng lahat ng mag-
aaral sa Guam ES. “Sa tulong ng mga
mahal na magulang at buong kaguruan
ng Guam, tayo ay magsisilbing pandayan
ng karunungan at sandigan ng katatagan
at pagkakaisa”. Pahayag ni Picaza.

You might also like