Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

[EDITORIAL] Walang ibang magbabantay ng kaban kundi ang taumbayan

Sa panukalang budget ng national government para sa 2024, nasa P10.1 bilyon ang
nakalaan na confidential and intelligence funds. Ano-ano ang mabibili ng ilang pamilya
sa palengke o supermarket sa halagang ‘yan?

Sino sa atin ang hindi pa nakikisawsaw sa usapin ng napakamahal na mga bilihin? Tiyak na
nakireklamo na tayo sa group chats, nagdikit ng hug o crying face emojis sa social media
posts, nag-comment ng “hahahuhu” sa memes, o nag-post ng hinaing at gumawa ng sariling
memes.

Ang common thread: noon, ganito karami ang nabibili ng ganitong halaga sa palengke o
supermarket; ngayon, ganito kakaunti. Tuloy-tuloy ang pagtaas ng mga presyo ng mga
pang-araw-araw na pangangailangan, at ayaw din tayong tantanan ng inflation, pero hindi
nakahahabol ang salary increases – ‘yan ay kung meron man.

Kaya nga mainit ang ulo ng netizens nang may isang celebrity mom na nag-post tungkol sa
healthy meals ng pamilya niya para sa isang buong linggo sa halagang P1,000. Hindi
makatotohanan, sabi ng mga nag-react.

Alam ‘nyo kung ano ang makatotohanan? Ito: na habang hilahod na ang karamihan sa
pamilyang Pilipino sa pagtitipid para pagkasyahin ang hindi nadaragdagang kita para
makakain ng may wangis na sustansiya, ang ilang opisyal ng gobyerno na pinasusuweldo
ng ating mga buwis ay lumalangoy sa mapaglalaruang pondo.

[EDITORIAL] Walang ibang magbabantay ng kaban kundi ang taumbayan

A. Ang common thread: noon, ganito karami ang nabibili ng ganitong halaga sa palengke o
supermarket; ngayon, ganito kakaunti. Tuloy-tuloy ang pagtaas ng mga presyo ng mga
pang-araw-araw na pangangailangan, at ayaw din tayong tantanan ng inflation, pero hindi
nakahahabol ang salary increases – ‘yan ay kung meron man.

B. Alam ‘nyo kung ano ang makatotohanan? Ito: na habang hilahod na ang karamihan sa
pamilyang Pilipino sa pagtitipid para pagkasyahin ang hindi nadaragdagang kita para
makakain ng may wangis na sustansiya, ang ilang opisyal ng gobyerno na pinasusuweldo
ng ating mga buwis ay lumalangoy sa mapaglalaruang pondo.

C. Kaya nga mainit ang ulo ng netizens nang may isang celebrity mom na nag-post tungkol
sa healthy meals ng pamilya niya para sa isang buong linggo sa halagang P1,000. Hindi
makatotohanan, sabi ng mga nag-react.

D. Sa panukalang budget ng national government para sa 2024, nasa P10.1 bilyon ang
nakalaan na confidential and intelligence funds. Ano-ano ang mabibili ng ilang pamilya
sa palengke o supermarket sa halagang ‘yan?

E. Sino sa atin ang hindi pa nakikisawsaw sa usapin ng napakamahal na mga bilihin? Tiyak
na nakireklamo na tayo sa group chats, nagdikit ng hug o crying face emojis sa social media
posts, nag-comment ng “hahahuhu” sa memes, o nag-post ng hinaing at gumawa ng sariling
memes.
EDITORYAL - Pagkakawatak-watak ang nasa utak
ANIM na taon na naging Presidente ng Pilipinas si Rodrigo Duterte. Nasanay na ang
mamamayan sa kanyang mga pagmumura, panlalait, pagbabanta at kung anu-ano
pang hindi magandang namutawi sa kanyang bibig sa loob ng anim na taon. Pero ni
minsan sa loob ng kanyang termino, hindi siya nagbitiw ng salita na gusto niyang
ihiwalay ang Mindanao. Hindi siya kinaringgan ng secession o separation ng
Mindanao.

Kaya maraming nagulantang nang sa isang pulong balitaan sa Davao noong Martes,
sinabi ni Duterte na isusulong niya ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ibig
sabihin, magsasarili ang Mindanao. Maisasagawa raw ang paghiwalay ng Mindanao
sa pamamagitan ng pagkalap ng mga pirma. Ang paghiwalay daw ng Mindanao ay
unang pinanukala ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Nilinaw naman ni Duterte na ang kanyang pagsusulong nang paghihiwalay sa


Mindanao ay hindi rebelyon o sedisyon. Ang proseso raw ay ang pagkalap ng pirma
sa mga taga-Mindanao lamang at ito raw ay hindi sapilitan.

Maraming pumalag sa sinabi ni Duterte na paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.


Karamihan sa mga senador ay tutol. Sabi ni Senate Minority Leader Aquilino
Pimentel III, laban siya sa anumang suhestiyon nang paghihiwalay ng anumang
teritoryo ng Pilipinas.

Sabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi kailangang pag-usapan
ang isyu na magiging dahilan nang pagkakagulo at pagkakawatak-watak. Maghinay-
hinay daw dahil ang importante ay ang kapakanan ng bansa. Hindi raw ito
makabubuti sa bansa at sa mga susunod na henerasyon.

Pagkakawatak-watak ang hangad kaya gustong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


Sa halip na bumuo ng isang mapayapa at matiwasay na bansa, ang paghihiwalay
ang iniisip. Hindi ito makabubuti at lalong maghahatid ng pag-aalinlangan sa mga
dauhang investors. Ang ganitong ideya ay hindi makahihikayat sa mga nais
maglagak ng kanilang pera o negosyo sa bansa. Matatakot ang sinumang
negosyante na mag-invest sa bansang pagkakawatak-watak ang sinusulong ng mga
lider.

Tutulan ang planong paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Hindi ito dapat


mangyari. Sa halip, magtutulong-tulong para lalo pang mapalakas at maging buo
ang bansa.

Ang layuning paghihiwalay ay makasarili at hindi dapat suportahan. Hindi dapat


payagan ang mithiing paghiwa-hiwalayin ang Pilipinas. Wala sa katinuan ang may
ganitong kaisipan na pagwawatak-watak.
A. Nilinaw naman ni Duterte na ang kanyang pagsusulong nang paghihiwalay sa
Mindanao ay hindi rebelyon o sedisyon. Ang proseso raw ay ang pagkalap ng pirma
sa mga taga-Mindanao lamang at ito raw ay hindi sapilitan.

Maraming pumalag sa sinabi ni Duterte na paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.


Karamihan sa mga senador ay tutol. Sabi ni Senate Minority Leader Aquilino
Pimentel III, laban siya sa anumang suhestiyon nang paghihiwalay ng anumang
teritoryo ng Pilipinas.

B. Tutulan ang planong paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Hindi ito dapat


mangyari. Sa halip, magtutulong-tulong para lalo pang mapalakas at maging buo
ang bansa.

Ang layuning paghihiwalay ay makasarili at hindi dapat suportahan. Hindi dapat


payagan ang mithiing paghiwa-hiwalayin ang Pilipinas. Wala sa katinuan ang may
ganitong kaisipan na pagwawatak-watak.

C. ANIM na taon na naging Presidente ng Pilipinas si Rodrigo Duterte. Nasanay na


ang mamamayan sa kanyang mga pagmumura, panlalait, pagbabanta at kung anu-
ano pang hindi magandang namutawi sa kanyang bibig sa loob ng anim na taon.
Pero ni minsan sa loob ng kanyang termino, hindi siya nagbitiw ng salita na gusto
niyang ihiwalay ang Mindanao. Hindi siya kinaringgan ng secession o separation ng
Mindanao.

D. Sabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi kailangang pag-usapan
ang isyu na magiging dahilan nang pagkakagulo at pagkakawatak-watak. Maghinay-
hinay daw dahil ang importante ay ang kapakanan ng bansa. Hindi raw ito
makabubuti sa bansa at sa mga susunod na henerasyon.

E. Kaya maraming nagulantang nang sa isang pulong balitaan sa Davao noong


Martes, sinabi ni Duterte na isusulong niya ang paghiwalay ng Mindanao sa
Pilipinas. Ibig sabihin, magsasarili ang Mindanao. Maisasagawa raw ang paghiwalay
ng Mindanao sa pamamagitan ng pagkalap ng mga pirma. Ang paghiwalay daw ng
Mindanao ay unang pinanukala ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

F. Pagkakawatak-watak ang hangad kaya gustong ihiwalay ang Mindanao sa


Pilipinas. Sa halip na bumuo ng isang mapayapa at matiwasay na bansa, ang
paghihiwalay ang iniisip. Hindi ito makabubuti at lalong maghahatid ng pag-
aalinlangan sa mga dauhang investors. Ang ganitong ideya ay hindi makahihikayat
sa mga nais maglagak ng kanilang pera o negosyo sa bansa. Matatakot ang
sinumang negosyante na mag-invest sa bansang pagkakawatak-watak ang
sinusulong ng mga lider.

You might also like