Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“SULABIGKAS” Sulat, Tula, Bigkas (Spoken Poetry)

Makiisa, makilahok, at magsama-sama tayo ngayong Buwan ng Panitikan 2023. Na may


temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagpapaalab ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan”
Handog ng mga guro sa Filipino sa inyo ang sumusunod na tagisan ng mga talento:
 SPOKEN WORD POETRY (Pang-isahan)

Panuntunan at Pamantayan para sa Patimpalak na SPOKEN POETRY (Pang-isahang Paligsahan)


PANUNTUNAN SA UNANG BAHAGI NG PATIMPALAK NA SPOKEN POETRY (Pagsulat ng Tula)
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral na may asignaturang Filipino. Isa hanggang
dalawang kalahok ang inaasahang kakatawan sa bawat klase.
2. Gaganapin ang paligsahan sa ika-12 ng Abril 2023
3. Ang tulang isusulat ay nasa malayang taludturan (free verse).
4. Isusulat at gagawin ang tula bago ang nakatakdang araw ng paligsahan
5. Ibibigay ang paksa/tema ng tula sa takdang araw.
6. Ang piyesa ay kailangang orihinal at isinulat mismo ng bibigkas.
7. May mga tampok na hurado na pipili ng mananalo sa pagsulat ng tula.
8. Ang kapasyahan ng lupon ng hurado ay pinal at hindi mapasusubalian.

PAMANTAYAN SA PAGHATOL NG SPOKEN POETRY: (Pagsulat ng Tula)

Nilalaman (kabuluhang hatid ng tula at bigat ng diwang nakapaloob)


35%
Daloy ng Kaisipan (maayos na pagkabuo ng mga ideya) 30%
Kaalaman sa Paksa at Kaugnayan sa Tema
20%
Orihinalidad 15%

KABUUAN
100%

PANUNTUNAN SA IKALAWANG BAHAGI NG PATIMPALAK NA SPOKEN POETRY (Pagbigkas ng Tula)

1. Ang piyesa ay isusulat at isusumite dalawang araw bago ang itinakdang araw ng pagbigkas.
2. Ang bibigkas ay inaasahan na magsusuot ng angkop na kasuotan para sa kanyang bibigkasing
tula.
3. Bibigyan lamang ng tatlo (3) hanggang limang (5) minuto ang mga kalahok sa pagbigkas ng
kanilang isinulat na piyesa.
4. Hindi pinahihintulutan ang pagdadala ng kodigo habang binibigkas ang tula.
5. Ang kapasyahan ng lupon ng hurado ay pinal at hindi mapasusubalian.
6. Ang lahat ng mga nagsipagwagi at lumahok ay pagkakalooban ng sertipiko ng pagkilala

PAMANTAYAN SA PAGHATOL NG SPOKEN POETRY: (Pagbigkas ng Tula)


 Pisikal na Kaanyuan (tindig, kasuotan, tingin)
15%
 Bigkas/Tono (lakas at hina, bilis at bagal, intonasyon at tamang pagbigkas)
35%
 Dramatikong Kaangkupan (paraan ng pagbibigay-kahulugan sa tula, at kumpas ng kamay)
30%
 Pagkasaulo 20%
KABUUAN 100%
Para sa iba pang impormasyon ay makipag-ugnayan lamang sa inyong mga gurong tagapangasiwa
sa Filipino.
 Gng. Jody O. Ortega
 G. Angelo S. Pillas

Tayo na’t pag-alabin ang pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan. Sali na!

You might also like