Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa ating pinakamamahal na guro, ___________, sa mga kapwa ko mag-aaral ng Grade 12 ABM_____,

isang maganda at maaliwalas na _____ sa inyong lahat. Ang aking talumpati ay pinamagatang________.

Madalas na mabanggit ng iba, ang kapatid ang siyang kaaway at kinaiinisan, may mga nagsasabi naman
na ang kapatid ay tunay na kaibigan, ang iba naman ay pinatutunayang ang kapatid ang kasangga at
karamay sa mga pinagdaraanan. Ano ba ang tungkulin ng isang kapatid? Bakit mayroong kanya-kanyang
pagpapakahulugan ang salitang kapatid.

Ako si ___________, pangalawa sa tatlong magkakapatid ngunit sa mas mahabang panahon kong
nakasama ang aking kuya ay mas lalo kong naunawaan kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang
kapatid. Naranasan kong mainis, magalit, at maging kakampi sa mga bagay-bagay.

Sa magkapatid ay hindi natin maiiwasan ang mga bangayan lalo na kung ang isay ay mapang-asar at ang
isa naman ay mababa lamang ang sinturon, ika nga. Mayroong kapatid tamad utusan at walang ginawa
kundi humilata lamang at ito na ang simula para ang lahat ay madadamay at mapapagalitan. Aminin
man natin o hindi, ang lahat ng mga bangayan o problemang iyon ang siyang isa sa mga nagpapatatag sa
relasyon ng mga magkakapatid. Magkaroon man tayo ng sama ng loob ngunit ang pagmamahal parin
ang nangingibabaw sa bawat isa.

Masasabi ko itong tunay sapagkqt ako mismo ay naranasan ito. Lagi kong kinaiinisan ang aking kuya
dahil sa katangian nitong mapang-asar, minsan tamad utusan at wala nang ibang ginawa kundi maglaro
ng online games at humilata na lamang. Gayunpaman, hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil walang
taong perpekto at naniniwala akong ang bawat nilikha sa mundo ay may pakinabang at kayang
patunayan para maging isang mabuting tao.

Sa kabila ng mga katangiang iyan ng aking kuya ay may mga pambawi siya kahit papaano. Lalong naantig
ako noong ikumpara ko siya sa ibang kuya. Totoo nga, ang bawat isa ay mayroong pagkakaiba, at ang
aking kuya ay masasabi kong naiiba. Ang pagkakaroon ng mahabang pasensya ay masasabi kong isa sa
mga mahirap na katangian ngunit siya ay pinagkalooban. Hindi ko narinig na sinumbatan ang aming mga
magulang at higit sa lahat, lalo akong namangha sa kanya dahil pursigido siyang nagtapos ng pag-aaral at
matiyagang naghanap ng trabaho upang tumulong at kami'y suportahan.

Ang pagkakaroon ng isang kapatid ay biyaya mula sa Diyos. May mga hindi man pagkakasunduan ngunit
nawa'y mangibabaw parin sa bawat isa ang pagpapatawaran at pagmamahalan. Tunay nga na ang
kapatid ay siyang magiging kaaway, tunay rin na ang kapatid ang laging kaiinisan ngunit sa kabila nito,
tunay rin na sila ang kakampi at kasangga sa anumang problema upang ito'y masolusyonan. Ayon nga sa
Facebook page ng Hugot Patama Quotes "Mahalin mo ang iyong kapatid kahit ano pa ang inyong
tampuhan dahil pagdating ng oras ng kagipitan, kayo pa rin ang magtutulungan."

Muli ako si _________ at maraming salamat sa inyong aktibong pakikinig!

You might also like