Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANUTO: Basahin Mabuti ang bawat seleksyon upang masagot ng tama ang mga sumusunod na katanungan, Isulat ang

sagot sa ½ crosswise.

ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO LABAN SA KOLONYALISMONG ESPANYOL


Naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at mga
patakaran tulad ng reduccion, enconmienda, polo y servicio, at tributo upang maipasailalim sa kanilang kapangyarihan ang Pilipinas.
Gayunpaman, hindi lahat ng mga katutubong pangkat sa bansa ay napasuko at nasakop ng mga Espanyol. Dahil sa katangiang
heograpikal ng Pilipinas, naging mahirap para sa kanila na masakop ang lahat ng pangkat na nakatira sa masusukal na kabundukan at
magkakahiwalay na pulo. Idagdag pa rito ang ibayong katapangan na ipinamalas ng ilang katutubong pangkat tulad ng mga Igorot sa
Cordillera at mga Muslim sa Mindanao.

Tanong:
1. Ano-ano ang Ginamit ng Espanyol sa pagpapalaganap ng kolonyalismo?
2. Bakit hindi nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo?

Mga Katutubong Pangkat na hindi napasailalim sa mga Espanyol

Hindi naging ganoon kadali para sa mga Espanyol ang pagsakop sa Pilipinas. Bukod sa paggamit ng dahas,
kinailangang gumamit ng mga taktika upang masupil ang mga katutubo at tanggapin ang kolonyalismo. Bagamat nasakop
ang kapatagang bahagi ng Luzon at Visayas, hindi naman nasakop ang mga kabundukan sa hilagang bahagi ng Luzon.
Hindi rin nasakop ang mga sultanato sa Mindanao dahil sa lakas at tapang na ipinamalas ng mga mandirigmang Muslim
laban sa mga Espanyol. Nang hindi masupil ng mga Espanyol ang mga Igorot at Muslim ay higit na naging marahas ang
kanilang pamamaraan. Ipinatupad nila dito ang “Divide and Rule Policy” na naglalayong pagwatak-watakin ang mga
katutubo upang hindi sila magkaisa laban sa mga Espanyol. Bilang bahagi ng kanilang taktika, naghirang din ang mga ito
ng mga katutubong mersenaryo upang labanan ang mga kapwa katutubo.
Tanong:
3. Ano ang tawag sa ginamit na taktika ng mga Espanyol na naglalayong pagwatak-watakin ang mga katutubo katutubo upang hindi
sila magkaisa laban sa kanila?
4. Tawag sa katutubong nagtataksil sa kapwa katutubo o lumalaban sa kapwa katutubo?

Ang mga Igorot sa Cordillera

Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang kabundukan ng Cordillera.
Naninirahan dito ang mga Igorot, na nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg (o Apayao), Kankanaey,
Kalinga, Bontoc, Ifugao. Nakabatay ang kanilang hanapbuhay sa pagsasaka, at pangangayaw o paglahok sa mga digmaan
laban sa ibang pangkat etniko. Mayroon din silang paniniwalang panrelihiyon kung saan tinitingnan ang kalikasan bilang
tahanan ng mga Espiritu na tinatawag na Animismo. Mga Dahilan sa pagsakop ng mga Espanyol sa mga Igorot ay ang
deposito ng ginto, pagpapalaganap ng kristiyanismo at monopoly sa tabako.

Tanong:
5. Ilan bahagi ang bumubuo sa pangkat ng etnolingguwistiko at ano-ano ito?
6. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga Katutubo?

Ang mga Muslim sa Mindanao


Ang mga Muslim ay may sariling paniniwla ang banal na kasulatan nila ay tinatawag na Quran na satin naman ay
bibliya, meron din silang propeta na nagngangalang Muhammad at ang kanilang diyos ay wlang iba kung di si Allah kagaya
ng karanasan sa mga Igorot, hindi rin agad nasakop ng mga Espanyol ang mga Muslim sa Mindanao. Mula ika-7 hanggang
ika-14 na siglo, ay sinakop ng mga Moors o Moro, mga Muslim mula sa kasalukuyang Algeria at Morocco, ang Spain. Batay
sa karanasang ito, batid ng mga Espanyol na hindi magiging madali na magapi ang mga Muslim sa timog ng Pilipinas. Ang
mga sultanato ay may aktibong ugnayang pangkalakalan sa bawat isa at sa mga karatig sultanato sa Timog-Silangang
Asya. Nabibigkis din sila ng kasunduang ipagtanggol ang bawat isa sa oras ng kagipitan. Upang maging ganap at lehitimo
ang pagsakop nila sa buong Pilipinas, noong 1571 ay sinimulan ng mga Espanyol ang tangkang pagsakop sa Mindanao.
Hindi basta sumuko ang mga Muslim. Nilabanan nila ang puwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa Mindanao sa serye
ng labanang tinawag na Digmaang Moro. Dahil sa katapangang pinairal ng mga Muslim ay nanatili silang malaya (maliban
sa ilang bahagi ng Mindanao) hanggang sa pagtatapos ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

Tanong:
7. Ano ang tawag sa banal na kasulatan ng mga muslim?
8. Sino ang kanilang propeta?
9. Sino naman ang kinikilala nilang Diyos?
10. Kailan tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang mga Muslim sa Mindanao?

You might also like