Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Radio Drama

Hello, yesterday

-transition from highschool days to college

Characters

Ali

-Our Lady of Fatima University

-Medtech student, has political issue

-Cheerful type, initiates for get together, frank

-Their relationship had a toxic past, but they’ve grown together as time goes by and her friends still
couldn’t accept their relationship until now.

Uno(boyfriend of Ali)

Rei

-Samar State University

-Architecture Student

-insecured of her friends who went out of the province to study. She felt like she’s being left behind.

-frank type, observant, overthinker

Kai

-PUP

-family issue, has political issue

-pol scie student

-mental health issue

-iya kuya nag pol scie para may freedome siya to choose what program she wants, but end choosing pol
sci which turned out into a conflict between her and her brother.

Oras na ng kwentuhan, kayo po ay nakikinig sa 99.1 Kakwentuhan Radio!


Title: Hello, Yesterday
Format: Radio Drama
Duration: 10 mins.
Writer: Lualhati Dulce, Godess Ivy Canones, Daniel Estrada, Desiree Dioneza, Royce Justine Realina
Cast:
Lualhati Dulce
Godess Ivy Canones
Daniel Estrada
Desiree Dioneza
Royce Justine Realina

DJ: Magandang magandang magandang magandang umaga sa inyong lahat, rise and shine my
gorgeous and handsome listeners! At nandito na naman po tayo sa kwentuhan session with DJ Sweet
ang napakatamis at napakadaldal na DJ ng 99.1 Istorya-Hey!

Ngayong araw ay ating mapapakingan ang nakaka-inspire na kwento ng tatlong babaeng sinubok ng
panahon ang tatag ng kanilang pagkakaibigan. Narito ang kwentong handog sa inyo ng Istorya-Hey!
na pinamagatang “Hello, yesterday”

Sfx: Graduation song and loud crowd

Ali: Kai, Rei, tara picture!


Kai: Tara G!
Ali: okay, 1..2..3.. smileee! (sfx: cam shutter)
Kai: Tingin, tingin..
Ali: Ay. Ano ba yan’ Rei smile ka naman girl. It’s graduation day kaya.
Rei: Di kasi nalulungkot lang ako, maghihiwalay na tayo. Ikaw Ali pupunta ka ng Valenzuela para
tuparin mo ang pagiging Med Tech student. At ikaw naman… Kai sigurado ka naba sa Pol Sci. Kasi
ang gusto ko lang sana hindi ka napipilitan.
Kai: Sigurado na. Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para magkasundo kami ulit ni kuya.
Ali: Suuuus, ang sabihin mo sunod-sunuran ka pa rin sa daddy mo…. (silence) jokeeee.Ah! Basta,
kahit anong mangyari we’ll keep in touch. At kahit magkakalayo tayo, we have to make sure na
makakaya natin ang lahat ng problema na magkakasama. Dahillllllll
All: Ang nagpapaapi ay hindi nagwawagi.
Rei: Para klaro lang, open pa rin tayo sa isa’t isa and no secrets hah? Right, Ali?
Ali: Hah? Oo naman! Pinky Promise!
Kai: Pinky promiseeee….

P.O.V of Rei

Pagkatapos ng graduation, sinulit naming ang mga oras na andito pa sila. Binalikan namin ang dating
tambayan, ginawa namin ang mga bagay na nakasanayan namin, at habang papalapit na ang mga araw
ng kanilang pag-alis ay parang nararamdaman kong unti-unti nawawala na ko sa kwento.

Kai: Uy, Ali! Nakahanap ka na ba ng dorm?


Ali: Wala pa nga eh, naghahanap pa kami ni Un---, U-Oliver, yung pinsan ko remember?
Kai: Ahhhh… Why don’t you stay sa condo muna habang naghahanap ka ng dorm.
Ali: Ah hindi, wag na. Baka makaabala pa ako sayo.
Kai: Sus, kailan ka ba naging abala sa akin. Anyways, Rei ikaw nakapag-enroll ka na ba?
Rei: Hah? O-o. Ang hirap nga eh, baka hindi ko kayanin. Lalo na’t wala kaming sapat na income.
Alam niyo naman si lolo at lola nalang ang inaasahan ko, eh si mama alam niyo naman.
Ali: Ano ka ba, kaya mo yan. Andito lang kaming dalawa ni Kai.
Kai: Kung kailangan mo ng pera, you can ask me naman. It’s not a big deal. Tumutulong nga ako sa
iba, sayo pa kaya na parang kapatid ko na.

P.O.V of Rei

At dumating na nga ang araw ng kanilang pag-alis. Habang ako naman ay nagsimula ng makipag-
sapalaran sa eskwela.

Ar. Estrada: Good morning, class. I am your instructor for this semester. I am Ar. Daniel Estrada and I
will be discussing the materials you’ll need in this course and grading system. For your information, I
am very strict when it comes to deadline. So, goodluck.

Sfx: flipping sound

Rei: Grabe naman, unang araw palang and dami ng requirements. Paano ko kaya to sasabihin kay lola
at lolo.

Sfx: footsteps

Sfx: flipping sound

Lola Flora: Bayaran na naman, Isko may natabi ka bang pera diyan. Matumal kasi ang bentahan sa
panaderya. Lalo na’t may nagtayo na naman ng bagong bakery diyan sa kanto.

P.O.V of Rei

Pagkarating ko nga sa bahay, narining ko ang usapan nina lola at lolo tungkol sa mga bayarin.
Paano pa kaya kung malaman nila ang mga kailangan kong bilhin na gamit sa eskwela.

Lolo Isko: Sandali at titingnan ko ang aking alkansya. Oh sakto may limang daan pa ako rito. Oh
idagdag mo diyan sa bayarin natin.
Lola Flora: Kumusta na kaya si Michelle sa Maynila. Hindi manlang marunong tumawag. Baka
nakakalimutan niyang may anak pa siya rito.

Sfx: doors

Lola Flora: Oh! Andiyan ka na pala apo, kumusta ang unang araw ng eskwela? Napagod kaba?
Rei: hindi naman po masiyado lola
Lola Flora: Mabuti naman apo, halika meryenda ka muna. Paborito mo, bread.
Rei: Naku, Salamat ho lola!
P.O.V of Rei

Hindi ko pa yata kayang sabihin sa lolo’t lola ang mga kailangan at bayarin ko sa school.
Silence

Rei: ahm lo, la. May gusto po sana akong sabihin, tungkol po sana sa mga gamit na kailangan ko para
sa eskwela.

You might also like