Professional Documents
Culture Documents
Anong Gupit Natin Ngayon
Anong Gupit Natin Ngayon
Interpretatibong Pagbasa
Anong Gupit Natin Ngayon?
Kwento Ni Russel Molina
Malalaking ngiti ang kadalasang nakikita ko sa salamin tuwing patapos na si Tatay at naglalagay na ng pulbo.
"Ang galing talaga ng tatay mo, iho/iha!" pahangang sinasabi ng mga parokyano,
"Kuhang-kuha niya ang gusto ko!"
Masaya ang lahat ng ginugupitan ni Tatay... maliban sa akin.
Ayaw na ayaw ko kasi sa gupit ko. Kung titingnan niyo ang mga litrato ko'y maiintindihan niyo ako.
Iisa lang kasi ang hitsura ko: Para akong may bao sa ulo! Simula beybi pa lang ako'y ganito na ang gupit ko.
Hindi na napalitan.
Hindi na nagbago.
Kahit na anong gawin kong suklay at ayos dito'y bumabalik pa rin sa dating anyo.
Nakakita ka na ba ng pugad sa ulo? Sabi kasi ng kaklase ko'y 'yun ang uso.
Yung magulong-magulo at parang magkakaaway ang mga hibla ng buhok mo.
Kinakabahan lang ako at baka may mangitlog na ibon dito.
Hugis-palong, korteng sombrero,
mukhang payong, gupit sundalo...
sari-saring estilo ang naglalaro-laro sa utak ko.
Nagulat ako. Di tuloy ako nakasagot. "Gupit binate/dalaga ba, iho/iha?" kindat niya sa akin. Napangiti ako at
tumango ng "opo."
***Wakas***