Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pamahiin ay likas na sa pamumuhay ng isang tao.

Ito ay siyang naging basehan kung paano kikilos o


iikot ang kaniyang buhay. Ang mga taong naniniwala ay parati itong sinusunod at pinapahalagahan. Ito
ay sapagkat naging parte na ng kanilang kultura at pamumuhay.

Ito ay sinasabing nagsimula noong panahon ng Wala pang masyadong alam Ang mga tao sa mga bagay
bagay. Dulot nito, maraming kuwento Ang ginawa ng mga sinaunang tao upang maibsan Ang kanilang
pagkukulang na maunawaan Ang ibang bagay.

Batay Naman sa sinabi ni Eros Atalia, ang wika ay isang dahilan ng pagkakabuo ng mga pamahiin. Ani
niya “ isang tungkulin ng wika ang maipaliwanag Ang realidad”. Sa madaling sabi ,hinuhubog ng wika ang
kamalayan at kaugnayan sa daigdig.

Ani Naman ni Norman Fairclough, Isang social practice Ang wika. Ito ay sapagkat kaugnay ng
pagsasabuhay ng pamahiin Ang pagsasabuhay din ng wika. May nakataling konsepto sa wika tulad ng
usapin sa pamahiin, gaya nalamang ng pamahiing Oro, Plata, Mata na nangangahulugang ginto, pilak, at
kamalayan.

Naging parte na ng kultura ng bawat mamamayan Ang pamahiin. Sa kabila ng pag-usad ng panahon
Ngayon, Hindi makakaila na ang pamahiin ay nananatili parin sa ating mga Pilipino.

Hinggil Naman Kay Dr. Lily R. Torres, Ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin ay maaaring
maghanap sa mga kaugalian ng mga katutubo na pagiging animistik, Ang paniniwala sa mga Hindi
nakikitang nilalang at pagsamba sa mga ito. Sapamamagitan ng pagsamba sa mga hindi nakikitang
nilalang tulad ng mga enkanto at duwende ay nagkakaroon ng mga paniniwala.Ang patuloy na paggamit
ng mga pamahiin ay nagdudulot ng mga maling paniniwala patungkol sa mga bagay bagay. Ito rin ay
naglalarawan sa Isang tradisyon na naging dahilan sa pagpapatuloy nito. Bukod dito, Ang paggamit at
pag-aaral sa mga pamahiin ay nakakubli na sa diwa at pagkatao ng Isang tao.

Maraming pamahiin Ang iniwan ng mga ninunu na hanggang Ngayon ay patuloy paring ginagamit at
pinapahalagahan ng mga Pilipino. Ito ay isang opinyon na dumaraos sa maling konsepto o depinisyon na
nagiging batayan ng mga tao sa pagkilala sa mga nangyayari sa mundo at sa pagtugon sa buhay.

Malaki na Ang naging epekto ng kultura ng mga dayuhan sa pamumuhay at paniniwala ng mga
mamamayang Pilipino, may iilan paring mga pamahiin Ang sinusunod at ginagawa ng nakararami.
Walang kasiguraduhan Ang bawat Isa na naniniwala sa mga pamahiin na ito ay makatutulong ba sa isang
tao o hindi.

You might also like