Ulat Pasulat Abcd Pormat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutunan ang kahulugan ABCD Pormat
2. Nasuri ang kahalagahan ng ABCD Pormat sa pagbuo ng mga layunin
pampagtuturo
3. Nakabuo ng mga layunin ng isang paksa gamit ang ABCD Pormat

II. PAKSA AT NILALAMAN/ TALAKAY:

ABCD (Audience-Behavior-Condition-Degree) Format


Ang ABCD (Audience-Behavior-Condition-Degree) Format isang
framework na ginagamit sa pagbuo ng mga layunin pampagtuturo. Ito ay
naglalaman ng apat na bahagi na naglalarawan kung ano ang layunin, para
kanino ito, ano ang inaasahang gawin ng mga mag-aaral, at kung gaano
kalawak o kahalaga ang layuning ito (De Juan, C., 2001)

ABCD FORMAT
A-udience (Manonood/Makikinig)
• Ang unang bahagi ng ABCD Format ay ang "Audience" o manonood.
Dapat malinaw kung para kanino ang layunin ng pagtuturo.
B-ehavior (Asal)
• Ang bahaging ito ay naglalarawan ng mga asal o gawain na nais
makamtan ng mga mag-aaral sa pagtuturo.
C-onditions (Kundisyon)
• Ang bahaging ito ay naglalarawan ng mga pangyayari o kalagayan na
kailangang matupad upang magtagumpay ang layunin.
D-egree (Antas)
• Ang huling bahagi ay ang "Degree" o antas. Ito ay naglalarawan ng kung
gaano kalalim o kalawak ang layuning nais makamtan.

III. PAGLALAHAT:
Ang ABCD Pormat ay mainam na gabay sa paggawa ng mga layunin sa
pampagtuturo. Sa pamamagitan nito, mas natutukoy kung sino at para
kanino, anong gawain ang dapat gawin, anong mga kinakailangan na
pangyayari o kalagayan, at maging gaano kalalim o kalawak ang layuning
nais makamtan. Sa pamamagitan ng malinaw na layunin tungo sa kaalaman
tungkol sa paksa, mas mapagbubuti ng isang guro ang kanyang mga istilo
maging ang mga kagamitang panturo na kanyang gagamitin para sa
ikauunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

IV. SANGGUNIAN:
Ang ABCD Pormat sa Pagbuo ng mga Layuning.pptx. (2022, March 20). [Slide

show]. SlideShare. https://www.slideshare.net/AbigailSales7/ang-abcd-pormat-sa-

pagbuo-ng-mga-layuningpptx

You might also like