5 Competency Pakikipagkaibigan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1

SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 8


Pangalan: __________________________ Grado at Seksiyon:______________

Guro: _____________________________ Petsa: ______________________

Paaralan:___________________________ Iskor: ______________________

I. Pamagat: Ang Pakikipagkaibigan

II. Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang


kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito (EsP8PIIc-6.1)

 Naipapaliwanag ang salitang pakikipagkaibigan; at


 Naipapakilala ang mga taong itinuturing na kaibigan sa pamamagitan ng
scrapbook page

III. Instruksiyon: Ang gawaing papel na ito ay nakapokus sa pagtukoy sa mga


taong itunuturing mong kaibigan.

IV. Mga Gawain

Gawain 1

Gabay: Katulad ka rin ba ng ilang mga kabataan na mas nauunang lumapit sa


kaibigan kaysa sa kaniyang mga magulang? Ganito rin ba ang pagpapahalagang
inilalaan mo sa isang kaibigan? Marahil ay sasang-ayon ka kung sasabihin na isa
ang kaibigan sa mga taong mahihirapan kang basta kalimutan dahil umookupa siya
ng malaking bahagi ng iyong sariling pagkatao. Ano ba ang pakikipagkaibigan?

Panuto: Magbigay ng pakahulugan sa salitang pakipagkaibigan.

PAKIKIPAG-
KAIBIGAN
• •

EsP8PIIc-6.1
2

Gawain 2 PROFILE NG AKING MGA KAIBIGAN

Sa gawaing ito, simulan nating isa-isahin ang iyong mga kaibigan at suriin
ang kabuluhan ng iyong ugnayan sa kanila.

Panuto:
1. Isa-isahin ang mga taong itinuturing mong kaibigan. Ang bawat isa sa kanila ay
gawan mo ng isang scrapbook page. Ang scrapbook page ay isang malikhaing
presentasyon ng mahahalagang mga alaala ng isang pangyayari sa iyong buhay.
Ginagamit ito ng ilan na libangan lalo na yaong mga malikhain dahil dito nila
nailalapat ang kanilang mga ideya sa pagdidisenyo at iba’t ibang mga konsepto.

2. Gamitin ang iyong pagkamalikhain upang mabuo ang scrapbook page na ito.
Maaaring gumamit ng mga lumang magasin, mga retaso ng tela, mga makulay na
papel, stickers, tuyong dahon, at marami pang iba.

3. Ang scrapbook page ay nararapat na naglalaman ng sumusunod na


impormasyon:

a. Pangalan ng iyong kaibigan at kaniyang larawan (maaaring solo o kaya naman ay


larawan kasama ka)
b. Pag-iisa-isa ng kaniyang mga katangian

c. Maikling pagkukuwento ng pinakamahalagang pangyayari tungkol sa inyong


pagkakakilala at pagiging malapit sa isa’t isa

d. Mga bagay na iyong natutuhan mula sa kaniya (mga naging impluwensiya niya sa
iyo – halimbawa, sa paggawa ng mabuting pagpapasiya)

e. Mga konsepto tungkol sa pagkakaibigan na natutuhan mo mula sa kaniya

f. Pangkalahatang kabutihang naidulot niya sa iyo

4. Tiyakin na bawat isang kaibigan mo ay mayroong nakalaan na isang scrapbook


page.

5. Matapos magawa ang mga ito, sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Batay sa iyong isinagawang pagsusuri tungkol sa iyong mga itinuturing na


kaibigan, ano ang konsepto tungkol sa pagkakaibigan ang natutuhan mo mula sa
kaniya/kanila?

b. Ano ang iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan bago mo sila nakilala?


Ipaliwanag.

EsP8PIIc-6.1
3

c. Mayroon bang naidulot na pagbabago sa iyong pananaw tungkol sa


pagkakaibigan mula nang siya / sila ay iyong nakasama? Ano-ano ito?

d. Ano-ano ang nabago sa iyong sarili mula ng dumating siya/sila sa iyong buhay?
Isa-isahin.

e. Ano ang halaga ng iyong kaibigan sa iyo bilang tao? Ipaliwanag.

Rubrics para sa Profile ng Aking mga Kaibigan

Kraytirya 4 3 2 1
Nailagay ang Nailagay ang Nailagay ng 4Nailagay ang Nailagay ang
lahat ng mga 6 na mga – 5 na 2–3 isang
impormasyong impormasyong impormasyong impormasyon impormasyong
kinakailangan kinakailangan kinakailanganna kinakailangan
kinakailangan
Makabuluhan Makabuluhan Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 May 5 o
ang lahat ng ang lahat ng hindi na hindi mahigit pang
mga nilalaman nilalaman ng makabuluhang makabuluhang hindi
ng scrapbook scrapbook nilalaman nilalaman makabuluhang
page page nilalaman
Nakagawa ng Nakagawa ng Nakagawa ng Nakagaw ng Nakagawa ng
scrapbook 5 o mahigit 4 na 3-2 scrapbook isang
page para sa pang scrapbook page scrapbook
lahat ng mga scrapbook page page
naging page
kaibigan
Gumamit ng Lahat ng mga Gumamit ng 1- Gumamit ng Gumamit ng 5
mga lumang kagamitang 2 kagamitan 3-4 na o mahigit pang
kagamitan ginamit ang na hindi luma kagamitan na kagamitan na
(recycled luma (recycled) hindi luma hindi luma
materials) (recycled) (recycled) (recycled)
Naipakita ang Naipakita ang May isa - May tatlo o Hindi nakita ng
pagkamalikhai pagkamalikhai dalawang mahigit pang pagkamalikhai
n sa ginawang n sa kabuuan bahagi ng bahagi ng n sa kabuuan
scrapbook ng gawain scrapbook scrapbook ng gawain
page page na hindi page ang hindi
nakita ang nakita ang
pagkamalikhai pagkamalikhai
n n
Nakita ang Nakita ang May isa – May tatlo-apat Hindi nakita
kalinisan sa kalinisan sa dalawang na bahagi ng ang kalinisan
gawain kabuuan ng bahagi ng output ang sa kabuuang
output output ang hindi nakita ng gawain
hindi nakita ang kalinisan
ang kalinisan

EsP8PIIc-6.1
4

VI. Pagpipinid

Panuto: Matapos isagawa ang gawain ay sagutan ang sumusunod na tanong:

Natuklasan ko na ______________________________________________
_________________________________________________________________

Ang pagkakaiba naming ng katangian ay nagdudulot ng _________________


_________________________________________________________________

At ang pagkakatulad naming ay nagbibigay ___________________________


_________________________________________________________________

Inihanda ni:
CHARLYN J. BONGHANOY
Guro sa EsP 8

EsP8PIIc-6.1
5

GABAY SA PAGWAWASTO

Gawain 1

PAKIKIPAG-
KAIBIGAN
• •

Gawain 2

Sagot: Iba-iba

Pagpipinid

Sagot: Iba-iba

EsP8PIIc-6.1

You might also like